webnovel

Chapter 23 : Beautiful Moments

Sobrang ganda ng gising ko dahil mahaba-haba ang tulog ko ngayon. Kapag may pasok kasi sa trabaho ay konti lang ang tulog ko dahil alam niyo na, natutusko rin ako sa K-drama session ni Kuya Mico.

Ilang sandali lang ay may kumatok. Binuksan ko 'yon agad at ini-expect kong ang tatlong Bruha ang nasa labas, pero si Chal Raed pala. "Okay ka na ba?" tanong niya agad.

Ngumiti ako saka nang thumbs-up, "sobra!" sabi ko. "Salamat sa binili mong gamot, kaltas mo na lang sa sweldo ko," dagdag ko pa. Sinabi ko na rin pala sa kanya na ilihim na lang sa lahat na bigla akong nilagnat kagabi, lalo na sa tatlong Bruha at baka mag hysterical 'yon bigla, mabuti na lang at sumunod siya sa'kin kahit kating-kati na siyang sabihin sa iba para raw naman maging updated sila, eh, hindi naman artista ang Lola niyo at fans ko sila para i-update, 'di ba?

"It's okay, anything for you, my Sis," nakangiti namang usal niya.

My Sis? Kailan pa kaya kami naging magkapatid? Hmm. Mind blowing, ha.

"Ah, nagpunta ka lang ba rito para mangamusta?" tanong ko.

"Oo, tsaka para ayain ka na ring kumain. Tara?" pag-aya pa niya.

"Ah, sige, sandali magbibihis muna ako," sabi ko at agad nang pumasok sa loob. Kailangan kong magbihis dahil nakalimutan kong naka sando lang ako at naka pang basketball na short na ipinagawa ni Kuya Messle nang lahat daw kami ay may gano'n, para raw sibling goal, weird, 'no?

"MONAAAANG—Kuya? What are you doing here?" rinig kong tanong ni Spade.

"What are 'you' doing here?" talagang may diin sa YOU, ha, kaloka! At dahil dakilang tsismosa ang Lola niyong si Maundy ay mas lalo kong dinikit ang tenga ko sa pinto.

"I'm here to fetch her," sagot naman ni Spade.

"And why will you do that? Responsibilidad mo bang sunduin siya?" tanong naman ng Kuya niya. Kuya?! Sige, Kuya na nga lang.

"No," diretsong sagot ni Spade. "And, what about you? Why are you here? Don't tell me you're waiting for Maundy, too?" sunod-sunod niyang tanong.

"Yes, I'm waiting for her at niyaya ko na rin siyang kumain."

"Why don't you let her friends to do it?"

"Nah, this is what you called chivalrous, Bro. Ayokong i-atas ang simpleng pag-aya sa kanya sa ibang tao, and besides, it's my responsibility to take care of my secretary," seryoso niya talagang sabi and take note, hindi boses bakla!

Nakakaloka 'yong chivalrous, ano ba 'yon? Charot! Syempre ano 'yon, basta, para sa mga lalaki. Iyong pagiging courteous ng lalaki sa isang babae. Pero, lalaki ba siya para sabihin na 'yong ginagawa niya ay chivalrous? Hmm, super weird.

"Hoooh! You're the man, Kuya," parang natatawang sabi ni Spade. "So, ikaw na mag-antay kay Monang, ha, bring her safe and sound," dagdag pa niya saka ko narinig ang mga yabag ng paa na papalayo na.

Ang weird, ha, you're the MAN? Ang dami yatang wronging sa usapan nila, ah.

"Sis, aren't you done?" rinig kong tanong ni Chal Raed at doon ko lang napagtantong napasobra pala ako sa pangtsitsismis at hanggang ngayon ay 'di pa ako nakapagpalit.

"Andiyan na, malapit na po," sagot ko naman at agad-agad na naghanap ng maisusuot. "Tara na?" tanong ko sa kanya matapos kung buksan ang pinto. "Hoy!" kinakailangan ko pang iwagayway ang kamay ko sa harap niya nang matapos na ang pagtitig niya sa'kin tapos sa suot ko, sa mukha ko ulit, tapos sa damit ko. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Bakit...ganyan?" tanong niya habang tinuro-turo 'yong suot ko.  "Ang weird ng fashion mo," dagdag pa niya.

Tiningnan ko naman agad ang damit ko at—

MIGHAD!

Naisarado ko agad 'yong pinto at naghanap ng panibagong damit. Akala ko kasi tube 'yong naisuot ko, pero palda ko pala 'yon! Dahil sa pagmamadali ko 'di ko na 'yon namalayan pa.

Nakakahiya, Mother Earth! Mamaya susunugin ko 'tong floral na paldang 'to, pahamak, akala ko tube!! Kanina ginawa ko nga 'tong off shoulder, pero dahil parang weird ginawa kong tube, 'yon pala PALDA siya, Maundy, palda! Huhuhuhu!

"I thought that was your new fashion," aniya nang lumabas na 'ko ulit. Nakakahiya talaga! Huta! "Tara, Sis, baka hinahanap na tayo ro'n," dagdag niya at pinauna ko na siyang maglakad.

Huta! Ngayon lang ako nahiya nang gan'to! As'in nakakahiya talaga! Buti na lang umalis na si Spade, kung hindi dalawa silang nasaksihan ang palda ko na naging tube! Mighad!

***

Buti na lang at 'di nalahian ni Rose itong si Chal Raed ng pagka tsismosa kaya hindi niya ikinwento sa iba ang nasaksihang new fashion ni Maundy, kaya nakahinga ako nang sobrang luwag!

"Okay, for today, we're gonna play—tada! Chinese garter!" tuwang-tuwa na sabi ni Klarina.

"Bet ko 'yan!" excited naman na sabi ni Chal Raed. Bakla mode na ulit siya, Pips. Nakakapanibago talaga. Minsan parang ibang Chal Raed 'yong nakikita ko lalo na kapag seryoso siya, super weird.

"Taraaa!" sigaw naman ni Rosas.

Ako, si Spade, si Third, at si Hero lang yata ang hindi natutuwa.

"Si Chal Raed my Honey at si Jazz ang magiging leader ng dalawang grupo. So, jack-en-poy na kayo para makapili kayo ng members," usal na naman ni Klarina.

Hindi ba dapat volleyball ang lalaruin namin dahil nasa beach kami? Bakit iba? Ang weird nilang magkakaibigan.

"Guys! I don't like this," pagrereklamo pa ni Spade.

"Come on, Bro, we used to play this when we were kids," sabi naman ni Chal Raed.

"It's because you said that game is for all, but when we started to grow up, we, real men, realized that game is only for girls," singit naman ni Hero.

For girls? Ba't ako...hindi ko 'yan alam?

"Ah, whatever! Basta, maglalaro tayo," sabi ni Chal Raed at pinagpatuloy nga nila ang pag babato-bato-pick hanggang sa nakapili na ng mga ka miyembro ang dalawa. Ako, si Spade, Joy,  Klarina, Hero, at Chal Raed ang magkateam, sina Rosas, Clarice, Third, Zanaya, Jelyn, at Jazz naman ang kalaban namin.

"Okay, now, you guys will do jack-en-poy again para malaman kung sino ang mauunang maglaro," sabi ni Klarina na kanina pa talaga excited na maglaro.

Samantalang ako, nagbibrainstorming na kung paano ba 'yan lalaruin! Huta!!

"I won!" masayang sabi ni Chal Raed at tuwang-tuwa naman si Klarina.

Itinali na ni Zanaya ang bawat dulo ng chinese garter at isinuot 'yon ni Jazz at Rosas.

"Sinong mauuna?" tanong ni Klarina. Bahagya siyang nag-isip at tinuro ako, "ikaw mauna, Maundy, dali!"

"Sandali, kasi..." napatingin silang lahat sa'kin, "ano bang klaseng laro 'yan?" naguguluhang tanong ko.

"Mag ti-ten-twenty tayo," sagot naman ni Klarina.

"Anong ten-twenty?" takang tanong ko ulit. Hindi ko alam na pwede ka pa lang mag math gamit ang chinese garter.

"Sis, you haven't played chinese garter ever since?" tanong naman ni Chal Raed at napatango ako agad.

"WHAT?!" / "ANO?!" sabay-sabay talaga nilang tanong, pati na nga rin ang mga tunay na lalaking kasama namin ay napa-what din. Kaloka, big deal na big deal ba na 'di ko pa nalalaro ang chinese garter?

"Kahit no'ng bata ka pa, Mon, hindi mo talaga naranasang maglaro gamit ang chinese garter?" tanong ni Jelyn.

"Oo nga, noong bata pa ako teks at jolens lang alam kong laruin," sagot ko.

"Tomboy ka ba noon?" biglang tanong ni Clarice kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Tomboy agad? 'Di ba pwedeng puro lalaki lang ang nakapalibot sa'kin no'ng bata pa ako kaya wala akong alam na pangbabaeng laro," sabi ko sa kanila at napatango-tango naman sila.

"Okay-okay, tutubusin ko siya," sabi ni Chal Raed at sumenyas na siyang umayos na sina Rosas at Jazz. "Sis, tingnan mong mabuti ang gagawin ko," aniya at seryoso nga akong inobserbahan ang ginagawa niya. Nagbilang siya ng ten nang ilagay niya ang isa niyang paa sa isang garter, tapos twenty naman nang tumalon siya at lumipat sa kabila, pabalik-balik na gano'n ang ginagawa niya hanggang sa ninety na ang bilang at ng one hundred na ay sabay niyang inapakan 'yong chinese garter.

Sumubok akong gawin 'yon at nagawa ko naman, pero huta! Ang weird at ang awkward ng pagtalon ko samantalang sina Chal Raed at Klarina ay parang komportableng tingnan at napaka flexible ng pagtalon nila! Huhuhu, ayoko na nga! Tinatawanan din kasi ako ng tatlong Bruha!

Nagpatuloy 'yong laro na ako at si Spade ay no sweat dahil tinutubos kami nina Klarina, Chal Raed, Joy, at pati na rin si Hero. Akalain niyo 'yon ang galing niya! Kahit nasa pwetan na 'yong chinese garter nagawa pa rin niya 'yong apakan, samantalang kami ni Spade hanggang paa lang ang naapakan at pagdating sa tuhod ay sablay na.

Pagkauwi ko talaga ay magpapractice na ako at ang kasama kong maglalaro ay mga lalaki kong kapatid! Yehey! Siguro matutuwa sila dahil nakakatuwa naman talaga ang laro at nakaka excite lalo na dahil pataas nang pataas ang pwesto ng garter.

Pero, natalo na kami nang nasa may leeg na 'yong chinese garter dahil napagod na si Klarina at Chal Raed na siyang nag papalit-palit para tubusin kaming apat, kaya ayon nagkaroon ng pagkakataong maglaro sina Jazz. Magagaling din sila at lalo na si Third, halatang bihasa sila na maglaro nito, ha.

***

Hapon na nang matigil kami sa paglalaro, panalo ang team namin dahil umabot kami sa pagtalon-talon na may exhibitions. Nakakatuwa kasi hindi lang siya tungkol sa paglalaro, nakakapag exercise ka rin.

Matapos kong maligo ay muli akong nagpunta sa tabing dagat, medyo dumidilim na rin at may kalamigan na ang simoy ng hangin.

Habang naglalakad-lakad ako ay nakita ko si Jazz at Zanaya na seryosong nag-uusap. Napansin ko kanina ang ilangan nilang dalawa at talagang halata na lagi nilang iniiwasan ang isa't isa. Ang hirap kaya no'n lalo na't mag kaibigan kayo at nasa iisang lugar lang. Pero, masaya ako kasi nag-uusap na sila ngayon.

Ilang sandali lang ay tumayo na si Zanaya at naiwan si Jazz na nananatiling nakaupo sa mga buhangin.

"Okay na kayo?" tanong ko agad nang makalapit ako sa kanya. Medyo nagtaka naman siya sa tanong ko kaya sinabi kong nakita ko sila ni Zanaya na nag-uusap kanina.

"Oo," parang malungkot niyang sabi. "Talaga palang kinahiya niya ako noon," dagdag pa niya. Nakakaawa naman 'tong nilalang na 'to.

Oo nga pala, naupo na rin ako sa tabi niya dahil nakakapagod kayang tumayo habang 'yong ka chika mo nakaupo, 'no. "I thought before, she's the girl who wouldn't be ashamed to shout to the world that she had a boyfriend who's a gay. But, I was wrong, so wrong," malungkot na naman niyang sambit.

"Gusto mo bang magkwento pa? Para maibsan na rin 'yang nararamdaman mo," sabi ko. Pero, sa totoo lang, inaatake lang talaga ako ng pagiging tsismosa ko dahil narinig ko na yong introduction ng storya nila ni Zanaya—charot! Seryoso na, gusto ko talagang marinig para malaman ni Jazz na andito ako, na may karamay siya.

"Thanks, Mon," nakangiting aniya. "So, let me tell you a story, a story of a gay who fell in love...to a Lady."

ตอนถัดไป