Habang kumakain ang lahat ay pasimple na kaming lumayas nina Joy, Clarice, at Rosas para kami naman ang mag-bonding. Nakilala na rin naman namin ang CoolEight na sina, Chal Raed, Spade, Jazz, Third, Hero, Klarina, Zanaya, at Jelyn, super mababait 'yong apat kaya siguro madali lang kaming naging magkaibigan.
Pero, pansin ko lang ang pagtulak-tulak nila kay Zanaya at Jazz, siguro siya 'yong babaeng dapat nang kausapin ni Jazz, 'yong sinabi ni Chal Raed no'ng araw na ininvite din ako ni Spade.
Tanda niyo pa? 'Di na? Ah, bahala kayo riyan!
Pero, ha, baka ex-jowa ni Jazz si Zanaya.
W-wow, edi ibig sabihin nagka-jowa na ng babae si Jazz.
Si Chal Raed din kaya? Ay Huta!! Naalala ko tuloy 'yong usapan namin kanina!
Takip-takip ko pa rin 'yong bibig ko matapos niyang sabihin na may nagugustuhan na siyang babae, napaka imposible pa rin, pero wala, eh, nangyari na, nahulog na siya—
"Aray!" inis kong sabi nang pitikin niya 'yong kamay kong nakatakip sa bibig ko.
"Baka kung anu-ano na ang iniisip mo, ha," aniya. "May nagugustuhan na akong babae at si Jazz 'yon, para sa'kin babae siya, pareho kaming babae, hehe,"dagdag pa niya.
Kumunot tuloy agad ang noo ko. Ang weird, ha. Pero, akala kotalaga na straighten na ang baling meter stick! Edi sana mapapawow ako kasi isang Baklush nahulog sa isang babae, minsan lang 'yan mangyari, ha.
"Disappointed ka ba?" tanong na naman niya.
"Hindi, ah, hindi ko lang inisip na si Jazz pala 'yong tinutukoy mo," sagot ko.
"Sino bang inisip mo?"
"Wala."
"Baka inisip mong...ikaw?"
Napatingin ako agad sa kanya na siyang nakatingin din pala sa'kin.
Huta, Mother Earth! Ang gwapo niya talaga sa malapitan—ay, pwe!
"Iw, mas lalong hindi," sabi ko matapos kong iiwas 'yong paningin ko sa kanya, mamaya baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at matulala na lang ako bigla sa kagwapohan niya. Hay!
Natawa lang siya at inaya na akong makipagchikahan sa mga kaibigan niya. Pero bigla na lamang niya akong hinila at bumulong ng, "pero pwede rin namang ikaw, Sis, kung gusto mo."
Nagulat talaga ako tapos pansin kong uminit 'yong pisngi ko kaya inalis ko kaagad 'yong paningin ko sa kanya. "N-nakakadiri ka, Baklush! Tigilan mo nga ako!" inis kong singhal sa kanya at saka ko siya nilayasan.
Huta talaga! Kung maririnig mo lang 'yong lesheng boses niya nang ibulong niya 'yon sa'kin, promise, maloloka kayo! Super manly tapos—huta! Oo na, may pagka hot din! Iwness talaga iwness!
Sa inis ko ay naitapon ko 'yong tsinelas ko sa dagat. Mighad!
"Habulin mo, Rosas," tarantang sabi ko pa.
"Super hot na Fafs kagaya ni Jazz ba 'yang tsinelas mo para habulin ko?" tanong niya.
"Humanda ka sa'kin, Rosas, gagawin kitang super hot mamaya, huhubaran kita rito!" pagbibiro pa saka ko hinabol 'yong tsinelas ko.
"Bastos ka, Monay! Sinasabi ko na nga ba interesado ka sa'kin!" sigaw naman ni Rosas at ang dalawa puro tawa lang.
Holy cow, 'yong tsinelas ko! Bigay 'yan sa'kin ni Miracle no'ng birthday ko kaya may sentimental value 'yan. "Hoy! Ano ba, magpahuli ka nga!" inis kong sabi nang habang naglalakad ako papalapit sa kanya gumagalaw rin ito dahil sa alon. Kapag ako nagalit, gagawin kong kanal 'tong dagat na 'to! "Gotcha!" ayaw mo palang gawing kanal ha, pinahuli mo sa'kin agad 'yong tsinelas ko, duwag ka pala eh, "asan na 'yon?" tanong ko sa dalawa matapos kong makaalis sa duwag na dagat.
"Nagtago, baka raw mahubaran mo, eh," natatawang sabi ni Clarice.
"Kailan ka pa naging lesbian, Monay?" tanong naman ni Joy.
"Heh! Pinagsasabi niyo," inis kong sabi at umupo rin sa mga buhangin. "Loka 'yong si Rosas para biro lang, eh," sabi ko habang 'di pinapahalatang nararamdaman ko ang mga yabag ng paang papalapit sa'kin.
"Yehey!! So hindi mo 'ko huhubaran?" tumayo ako agad at akmang hahawakan na siya nang bigla itong tumakbo, "Monay!! Alam kong chick ako, pero huwag naman ako ang gustuhin mo!! Ang kaibigan ay kaibigan!" sigaw pa niya habang patuloy pa rin sa pagtakbo.
Napapikit ako nang biglang nanlabo 'yong paningin ko at medyo kumikirot 'yong ulo ko. Nakakainis naman 'to, wrong timing 'di ko pa nahahabol si Rosas!
"Ahh!" mahinang sigaw ko nang mabunggo ako sa isang tao at kahit nanlalabo ang paningin ko ay klarong-klaro ko pa rin ang kanyang broad chest at muscle—huta! Ba't kinakailangang mag sando nito ngayon? Dagdag sa kainitan ng Pinas!
"Mon, are you okay?" tanong pa ni Jazz at tumango-tango na lang ako. Konting pikit na lang magiging okay na ako. "You sure? Why are you holding your head? Is it aching?" sunod-sunod pa niyang tanong.
Iminulat ko na 'yong mga mata ko nang mawala 'yong pagkirot sa ulo ko at buti na lang hindi na nanlalabo 'yong paningin ko. "O-Oo, Jazz, okay lang ako," sabi ko. Ngayon ko lang napansin na nakahawak pala siya sa balikat ko. Grabe talaga ang muscle niya mga, Day! Bruskong Baklush, ganern!
"Talaga ba?" nag-aalalang tanong niya kaya tumalon-talon ako at nag-exercise sa harap niya. Charot! "Alright, stop it, you really are okay," aniya.
"Sige, ha, maiwan na muna kita at may hahabulin lang akong sisiw," sabi ko sa kanya at pupuntahan ko na sana si Rosas, pero napatigil ako nang makita siyang nakatulala sa amin ni Jazz pati na rin sina Chal Raed, Spade, Third, 'yong mga kaibigan nila, si Joy, at si Clarice.
Anong meron?!
Napatingin ako kay Chal Raed na bigla na lamang nag-iwas ng tingin at inaya na 'yong mga kaibigan niya na bumalik na sa dating ginagawa. Si Joy at Clarice naman ay agad nilapitan si Rosas.
"Hoy, nyare?" takang tanong ko sa kanila.
"Bagay pala kayo," bigla na lamang usal ni Rosas. "You look so perfect earlier, Mon," nakangiting sabi niya.
"Na u-uror ka na ba, Rosas?" tanong ko sa kanya.
"Ang ganda ng eksena niyo, Mon. You bumped into each other, then he stared at you for a long time, gandang pang wattpad ng storya niyo," aniya na halos hindi makatingin sa'kin.
"Rose, ano bang pinagsasabi mo? Nabunggo ako sa kanya kasi nanlabo 'yong paningin ko at halos 'di ko na makita 'yong dinadaanan ko, tapos kumirot pa 'yong ulo ko kaya natagalan kami sa gano'ng posisyon at baka napatitig siya sa'kin dahil nagtaka siya kasi bigla akong nagka-gano'n," pagpapaliwanag ko.
"Ano?! Monay! Okay ka na ba?" bigla na lamang niyang tanong. Bipolar din 'to, mula sa pa cold-cold na boses naging worried. Naks, she cared for me. Maiiyak na ako, Rosas!
"Gusto mo bang dalhin ka na namin sa opsital?" nag-aalalang tanong ni Clarice.
"O, kung ayaw mong magpa-ospital, baka gusto mong magpahinga muna, Monay? Ano, sagot?" tanong naman ni Joy. Paano kaya ako sasagot kung sunod-sunod 'yong tanong nila. Haaay!
"Okay na ako, nasagot ko na Rosas. At dahil okay na ako, no need to bring me in the hospital, nasagot ko na Clarice. Okay na ako at kaya ko nang makipaghabulan, no need to take a rest, nasagot ko na Joy, so okay na tayo? Okay na ako, okay na dapat tayo," paglilitanya ko pa.
"Sigurado ka?" sabay-sabay talaga nilang tanong.
"Oo nga!" inis kong sabi. Ang hi-hina ng understanding, Mother Earth, kaloka!
"Oo na, tara maupo muna tayo," suhestyon ni Clarice at sumunod naman kami. "Basta ha, Mon, kapag may nararamdaman kang kakaiba sabihin mo lang sa'min," aniya.
"Anong kakaibang nararamdaman ba? Like, may kasama ba tayong multo?" tanong ko naman.
"Aning-aning ka," aniya at inikotan ako ng mata, taray-taray, sarap ipares kay Chal Raed.
"Oo na, I get it, sasabihin ko sa inyo doncha worry," sabi ko.
"How about other feeling, Monay," biglang usal ni Clarice.
"Ano na naman 'yan?" tanong ko.
"Like, may nagugustuhan ka na ba," sagot niya.
"Basta huwag si Fafs Jazz, ha, kahit bagay kayo huwag siya," sabi naman ni Rosas. Sa'yo na si Jazz, loka, kalabanin mo si Zanaya.
"Sino ba namang magugustuhan ko, eh, wala namang lalaki ang finifling ako," sabi ko.
"Baka bakla, meron," sabi ni Joy.
"Magtigil ka nga, Joy," inis kong sabi.
"Luh? Galit? So, totoo nga? Finifling ka ng bakla?" hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na naman siya, "hoy-hoy, Monay, ha, kapag 'yang Boss mong si Chal Raed ay nangliligaw na sa'yo, sinasabi ko sa'yo sagutin mo na, kahit ba-bakla-bakla 'yan, tatayuan pa rin naman 'yan, eh."
Huta! Akala ko ano na! Kamanyakan lang pala!
"Nakakadiri ka, Joy!!" inis ko na talagang sabi. "Anong nililigawan?! At anong tatayuan?! Huta! Ang bastos mo! Mana kay Rosas talaga,"dagdag ko pa.
"Aba, makapasa sa'kin," usal naman agad ni Rosas.
"Oy, huwag ka, Mon, pwede naman 'yong Bakla at Babae, 'di ba? Ang cute kaya!" singit naman ni Clarice.
"Edi jowain mo si Chal Raed," sabi ko.
"Huwag na, may Spade na ako jojowain ko pa 'yong Kuya? Taray, ang harot ko naman," aniya.
"So, plano mo nang ipagpalaban ang nararamdaman mo para kay Spade kahit postpone na 'yong panliligaw niya?" tanong namang ni Rosas.
"Yep, pinalakas ni Joy 'yong loob ko, eh," sagot niya.
"Naks, ex-jowa at soon-to-be the next jowa is doing a partnership! Baka in the end kayo magkakatuluyan, ha," pagbibiro ko pa kaya ayan dalawang hampas ang natanggap ko.
"Basta, Clarice, hangga't kaya mo, just go! Nandito ako, nandito kami," nakangiting sabi ni Joy.
"Ikaw ba, Joy, may nagugustuhan ka ng iba?" biglang tanong ko.
"Sa ngayon wala pa," aniya. Darating din 'yan, Joy, umasa ka lang! Fighting!
Nag-usap pa kami ng kung anu-ano, nagkulitan, nag-asaran, naglambingan hanggang sa napagod kami. Nagpahinga kami saglit saka nakipag bonding na rin sa CoolEight. Napagpasyahan nga pala nilang gawing two days ang celebration para masulit naman nila at mas marami pa ang moments na kanilang magagawa at kami ring apat.
***
"Woah!" usal ko nang bigla na lamang may falling star. Sayang at hindi ako nakapag-wish naunahan ako ng gulat at pagkamangha. Iwi-wish ko sana na may kumuha ng jacket ko sa kwarto dahil ang tanga-tanga niya at hindi siya sumama sa'kin para mag lakad-lakad dito sa labas. Dumidilim na kasi at ang lamig na ng simoy ng hangin, pero ang sarap sa pakiramdam, nakakareefresh lang.
Nagulat ako nang bigla na lamang may naglagay ng jacket sa likuran ko. Nakakapagtaka lang, hindi ko naman tuluyang na i-wish, ba't natupad?
"I told you to take care of yourself," seryoso niyang sabi habang nananatili akong nakatalikod sa kanya. "It's damn cold, yet you're not wearing jacket or any thick clothes," this time humarap na 'ko sa kanya at talagang seryosong-seryoso siya! Nakakatakot, man! "Look, it's too dark here, but you're alone. Do you want me to get totally insane, Maundy?" dagdag pa niya.
Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig kaya ako kinikilabutan, o dahil sa ayan na naman siya sa seryoso niyang boses at sa 'di mintindihan niyang mga sinasabi?!
Haaaay! Huta! Kailan ba niya titigilan ang paggamit ng mga salitang malapit ko nang bigyan ng ibang kahulugan?!
Pero, huwag naman sanang mangyari 'yan, Maundy, ha. Jusko!