webnovel

Ikalawang Kabanata

Maagang nagising si Shyme, gusto nyang sya ang magluto ng breakfast nila ni Inocencio. Well, hindi nya alam kung paano magpa-impress sa isang lalaki dahil hindi pa naman siya nagkakaroon ng kasintahan noon.

She really wants to feel what love is. Pagmamahal na hindi nya naramdaman sa kanyang mga magulang. Matatawag nga bang pagamamahal ang pagluwal sa kanya ng kanyang ina? Kung sa bawat araw ng buhay nya ay ganun ang kasama niya sa bahay?

Ang kanyang tita ang nagpa-aral sa kanya mula elementary hanggang highschool. Magmula nang makilala nya si dyosa Grace ay hindi na sya nagpatuloy sa pag-aaral dahil hiniling nyang magkaroon siya ng milyon-milyong pera kada araw.

Just look, lahat na nabibili ng pera. Pati nga tao ay nabibili na din ng pera, pati grado. Lahat nabibili na ng pera, kaso nasa iyo nalang yun kung ibebenta o bibilin mo.

May kanya kanyang pananaw ang bawat tao sa mundo kaya hindi mo sila masisisi kung hindi sila sasang-ayon sayo. Ang mahalaga, nabubuhay kang masaya. Pasayahin mo ang ibang tao kung hindi mo kayang pasayahin ang sarili mo.

"Magandang umaga ginoo. " bati ni Shyme sa binata na bagong gising lang. Medyo nagbow pa siya at kunwaring humawak sa palda at inilagay ang kanang paa sa likod ng kaliwa.

"Magandang umaga din binibini, ikinagagalak kong muling masilayan ang iyong napakagandang wangis. " patagong napangiti si Shyme. He's very poetic, well, his from the past so what do we expect?

"Kain na tayo. " aya ng dalaga, gaya ng ginawa kahapon ng binata ay kinuha nyang muli ang tubig sa baso at isinalin sa mangkok at duon naghugas ng kamay.

"Pasensya na binibini, ito kasi ang naaalala kong ginagawa ko pagkumakain noon. " nginitian lamang nya ang binata at ginawa nya din ang ginawa nito.

"Hala sya, na abduct na ng alien si ma'am at sir. May lababo naman sana?" sabi ng isang maid na patagong pinagmamasadan sila mula sa malayo.

"Uto, ang cute nga nila tignan eh. Tsaka pansinin mo yung lalaki, napaka gentleman kaso makaluma magsalita! " tugon naman sa kanya ng isa pang kasambahay.

"Pero gwapo! Hihihi! " bumungisngis silang dalawa habang pinapanood ang dalawang masayang kumakain.

Halos kalahati ng mga kasambahay ni Shyme ay mga dalagang inabandona, pinatuloy nya at pinag-aaral ang mga ito para pag naging successful sila balang araw, tutulong rin sila sa ibang naging tulad nila.

"Ginoong Inocencio, hindi na kita hahayaang mag-urong ha? May pupuntahan tayo. " kumawala ang isang matamis na ngiti mula sa labi ni Inocencio, at matapos nuon ay gumayak na silang dalawa.

Matapos gumayak, sabay silang lumabas ng kuwarto, si Inocencio mula sa guest room at si Shyme mula sa kanyang kuwarto. Magkaharap lang naman ang mga kuwarto kaya laking gulat nila ng pagbukas nila ng kanilang mga pinto ay ang isa't isa ang nakita nila.

Si Inocencio ay nakasuot ng white polo, jeans, at isang Jordan Air na kulay white and gold. Si Shyme naman ay isang white polo, maong shorts, at ganun din sa sapatos ni Inocencio. Napatingin sila sa suot ng isa't isa at nagpigil ng tawa.

"Binibining Shyme... N-napakaganda m-mo. " na iilang si Inocencio kaya nag iwas tingin sya dito.

"Mukha ngang ginaya mo outfit ko eh pfft. " pigil tawang pang-aasar ng dalaga dito pero sa halip na mainis ay napalitan ng pagtataka ang kanyang mukha.

"A-awtpit? " takang pag-uulit ni Inocencio sa hindi pamilyar na salitang narinig nya.

"Ah wala hehe. Lika na! " masayang hinigit ni Shyme si Inocencio at nakangiti namang nagpahigit ang binata. Habang papunta sila sa garahe ay napatingin si Inocencio sa kamay nilang magkahawak. Huminto sya kaya awtomatiko ding napahinto ang dalaga.

"Bakit? " takang tanong ng dalaga. Sa halip na sagutin ni Inocencio ang kanyang tanong ay humawak ito sa kanyang kaliwang dibdib para damhin ang sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.

"Ang puso ko, tumitibok, at ito'y napaka bilis. Salamat binibini. " biglang umakap si Inocencio kay Shyme na ikinabigla nito. Gaya ni Inocencio, bumilis din ang tibok ng puso ng dalaga. Pero, bakit ito nagpasalamat kay Shyme? Natural namang tumitibok ang puso ah? "Paumanhin binibini, masyado lamang akong nagpadala sa---"

"Ayos lang, tara na? " huminto si Shyme sa isang BMW i8 na galing pang Germany, sumakay ito sa driver's seat samantalang si Inocencio naman ay nanatiling nakatayo at hindi pa din pumapasok sa loob. Naka kunot ang noo nito at bahagyang tinagilid ang ulo para i-examin ang bagay na nasa harap nya ngayon. She mentally faced palm, yeah she forgot about him. Akala nya alam nitong pumasok sa kotse.

Nakangiti at iling iling na bumaba si Shyme sa kotse at pinagbuksan ng pintuan si Inocencio. Nahihiyang ngumiti si Inocencio sa dalaga bago pumasok sa loob ng kotse.

"Pasensya na binibini, puro kalesa lang kasi ang transportasyon namin noon. " napahawak sa batok nya si Inocencio at nahihiyang nag iwas tingin sa dalaga.

Biglang napuno ng kyuryosidad ang utak ni Shyme, sa anong panahon kaya ang kapanganakan ng binata? Talaga bang galing sya sa nakaraan? O kaya ang utak lang nya ang makaluma? Iling iling na nag drive si Shyme papunta sa Star City. Kung minsan ay lumilingon sya sa binata na manghang mangha sa mga nakikita nya sa kapaligiran.

"Hala ang gwapo. "

"Oo nga besh, tara lapitan. "

"Emegeee! Ang gwapo ngaaa! "

"Pero tignan mo yung katabi nya oh? Parehas sila ng outfit. "

"Baka girlfriend nya? "

"Pero lapitan pa din natin yung boy! "

"Baka magalit yung shota eh! "

"Nako hindi yan! Tara! "

Habang bumibili ng ticket si Shyme para sa kanilang dalawa ay nagkakaladyaan ang kumpol ng kababaihan sa likuran nila dahil sa taglay na kagwapuhan ni Inocencio.

"Tara? " aya ni Shyme sa binata. Nagpahigit lang sya dito at pumasok na sa loob.

"Uhm hi! Ako nga pala si Veina. "

"I'm Joy. "

"Ako si Rosie! "

"Ako si Kaisha. "

"Ako naman si Hannah! "

Yung mga babae kanina sa likuran nila ay hindi nahiyang lumapit kina Shyme at Inocencio. Isa isang nilahad ng mga babae ang kanilang mga kamay para makipagkamay pero agad na naalala ni Shyme na hindi nakikipag shake hands si Inocencio, kundi hinahalikan nya ang likod ng palad ng babae.

"Ah, hi! Sya si Inocencio Alonzo. " si Shyme na ang nakipagkamay sa kanilang lima at dali daling hinigit si Inocencio palayo sa mga babae. "Hay, mga babae nga naman. " inilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa tuhod at naghihingalong humarap kay Inocencio.

"Binibini? Bakit hindi mo ako hinayaang makipagkilala sa iba pang mga dilag duon? " what the heck? So interesado sya don?

"Psh, hayaan mo na ang mga yun. Gusto ka lang nila dahil gwapo ka! " binigyan ni Inocencio ng nagtatakang tingin ang dalaga. Inanalayan nya itong umupo ng may makita syang mga upuan sa gilid.

"Tubig binibini? " tumango nalang si Shyme, nagpunta sa isang stall si Inocencio at kumuha ng tubig. Nakatalikod sa kanya si Inocencio kaya yung babaeng nagtitinda lang ang nakikita nya na tila pa kinikilig. Pero laking pagtataka naman nya ng hindi manlang hingalin si Inocencio eh hindi lang naman sya yung tumakbo.

Bumalik si Inocencio sa kanya na may dalang bottled water, mas lalo syang nagtaka. "May pera ka ba? " takang tanong ni Shyme sa binata pero nginitian lang sya nito, hindi pa din kinukuha ni Shyme ang tubig sa kamay ni Inocencio kaya onting pihit lang ang ginawa nya sa bote at at idinikit ito sa labi ng dalaga.

"Uminom kana binibini, ibinigay lang sakin yan nung binibini duon nung itanong ko sya kung mayroon ba syang tubig, medyo nakakahiya nga dahil nagpaturo pa ako kung paano ito ibukas. " kinuha ni Shyme ang bottled water na naka dikit sa labi nya at uminom dito. "Ano na nga muli ang iyong sinabi kamakailan lamang? "

"Alam mo kasi ginoo, karamihan sa mga kababaihan ngayon, gwapo lang ang gusto, hindi naman sa nilalahat ko ha. Pero sa kaso mo, gwapo kana, maginoo ka pa, eh mai-inlove sila sayo nyan! " nakakunot muli ang noo ni Inocencio.

"Inlab? " pag-uulit ni Inocencio sa hindi pamilyar na salita sa kanya, lihim na napangiti si Shyme ng mag-iwas tingin.

"Mapa-ibig. " simpleng tugon ni Shyme at saka itinuro ang upuan sa harap nya, senyas na pinapa-upo nya ang binata. "Sa panahon ngayon kasi ginoo, hindi na uso ang lihim na pagtingin, yung iba, pag gusto ang isang tao, lalapitan na nya. Mapababae o mapalalaki ay ganun. " take note of the word 'yung iba' kasi hindi naman lahat ng babae o lalaki ganun diba? Yung iba lang.

"Ngunit, ano ba ang ginagawa natin dito binibini? Napaka daming ilaw dito at mga makukulay na bagay. " muling iginala ni Inocencio ang kanyang mga mata, kasabay ng pagkamangha nya sa mga bagay na nakikita ay ang pagkamangha din ni Shyme sa lalaking kaharap nya.

"Kelan birthday mo? " she blurted out of nowhere. Napa kunot ang noo ng binata at hinilot ang kanyang sentido habang naka tingin kay Shyme. "Ah, birthday, kaarawan. " inilagay ni Inocencio ang kanyang index finger sa baba at tumingala na tila may iniisip.

"Sa aking pagkaka-alala ay ika-pito ng mayo taong isang libo walong daan at walompu." her eyes automatically widened. 1880?!

Nag iwas tingin si Inocencio sa dalagang literal na nakanganga. Tumayo si Inocencio mula sa pagkaka-upo sa harap ng dalaga at tumayo sa harap nito.

"Tara na binibini? " bumalik lang sa ulirat si Shyme ng ilahad ni Inocencio ang kanyang kamay para alalayan itong tumayo. Papikit-pikit na ipinatong ni Shyme ang kanyang palad sa palad ng binata pero agad nya itong binawi ng may maramdaman syang kung anong dumaloy sa kanilang mga palad.

Nagkatinginan silang dalawa dahil alam nila sa mga sarili nilang naramdaman nila iyon. "Pati ba sa panahong ito ay kaya nyo na din maglabas ng kuryente mula sa inyong mga kamay, binibini? " inosenteng tanong ng binata. Nag-iwas tingin naman si Shyme. "At ang iyong mukha, nag-iba nanaman ang kulay nito tulad noong unang beses kong hinalikan ang kamay mo, binibini? Iba na din ba ang nagagawa ng katawan ng mga tao sa panahon ngayon? " mas lalong nagblush si Inocencio sa sunod sunod na tanong nito.

"H-ha? H-hindi a-ah, t-tara na d-dun. " hindi naman ito ang first time na maghawak sila ng kamay pero bakit nagkaroon ng kuryente sa kanilang mga kamay?

*

"Ano ang lugar na ito binibini? " nasa loob sila ng Ice World. Nakasuot sila ng pagka-kapal kapal na jacket at gloves. "N-napakalamig. "

"Diba sabi mo ulan ang pinaka gusto mong ginawa ng Diyos? Ako naman snow. " hindi na umimik si Inocencio para sana itanong ang hindi pamilyar na salitang narinig nya. "Wala kasing nyebe dito sa Pilipinas eh, tsaka tamad din akong bumyahe kaya dito nalang ako pumupunta. Lalo na pag nalulungkot ako. " tahimik pa din ang binata na nakikinig kay Shyme, sa pinaka-unang pagkakataon ay hindi nya inilibot ang paningin sa mga sculptures ng nyebe dahil napako ang mga mata nya sa dalaga. "Mas kumportable akong umiyak dito, malamig kasi, parang nagyeyelo yung luha ko pagtumutulo, hehe. " kunwaring tawa pa ng dalaga.

"Labin limang taon ako ng mamatay si nanay, si tatay naman ay hindi ko na nakilala dahil matagal na daw syang namatay. " umupo si Shyme sa isang bench duon at ganun din ang ginawa ni Inocencio, nanatili pa din ang mga mata niya sa dalaga. "At alam mo ba? Dahil din sakin nawala si nanay. " mapait syang ngumiti at umiling iling. "Siya na nga lang ang meron ako, nawala din dahil sakin. " hindi nya namalayang mayroon na palang luhang tumulo mula sa mga mata nya.

"Paumanhin ginoo, naging emosyonal pa ako. " inunahan na ni Inocencio ang dalaga at marahang pinunasan ang mga luha nito.

"Binibini, hindi bagay sayo ang tumatangis. Lagi mong tatandaan na lahat ng mga nangyayaring ito ay may dahilan. " nginitian niya ang dalaga at iniangat sa kanya ang kaliwang braso nito, wala namang pag-aalinlangang sinabit ng dalaga ang kanang braso sa binata.

"Alam mo ba ginoo? Lahat ng mga ito ay gawa lamang ng mga tao? " tanong ni Shyme habang hinahawakan ang mga ice sculptures.

"Talaga binibini? Kung gayon ay mas magagaling at malikhain ang mga tao sa panahon mo. "

"Bakit sa panahon ko kung pwede namang maging atin? " bulong ni Shyme at napabuntong hininga.

"Gagawa ako ng paraan. " lingid sa kaalaman ni Shyme na kanina pa siya pinagmamasadan ng binata kaya narinig nya ang binulong nito.

"H-ha? " Shyme quickly shifted her glance when they met their gaze.

"Wala binibini. "

Pagkalabas nila duon ay bakas pa din sa mukha ng binata na nag-enjoy sya sa mga tanawin sa loob. Ano nga bang tanawin ang nagustuhan nya? Ang tanawin ng mga inukit na bloke ng yelo o ang napakagandang binibini sa tabi nya? Muling napangiti si Inocencio at tumingin sa binibini sa tabi nya.

Medyo nailang ang dalaga dahil batid nyang pinagmamasdan sya ng binata. "Sakay tayo dun ginoo? " bumalik sa ulirat si Inocencio at nag-iwas tingin nang mag-aya na sumakay sa rides ang dalaga.

*

Nang makalabas sila sa Star City ay nakaramdam sila ng gutom kaya huminto sila sa isang food stall sa gilid ng kalsada, good thing puro fried foods ito dahil paborito ni Shyme ang mga ganitong pagkain. "Tikman mo ito ginoo, hindi ka magsisisi. " turo ni Shyme sa kikiam gamit ang stick na hawak. Puro siomai kasi ang nasa baso ni Inocencio. "Pfft. "

"Wag mo akong tawanan binibini, paborito ko ito. " saway nya sa dalaga ng mapahagikgik ito dahil sa laman ng kanyang baso at nag-iwas tingin ang binata.

"Kuha ka pa ng iba ginoo, libre ko." taas babang kilay na sabi ni Shyme sa binata. Kabaliktaran naman nito ang ginawa nya, papikit pikit nyang ibinalik ang tatlong pirasong siomai. "Ate, tagsasampung piraso lahat nyan. " baling ni Shyme sa tindera.

"Binibini huwag! " naagaw ni Inocencio ang atensyon ng iba pang mga bumibili.

"Hala ang gwapo naman. "

"Oo nga, ang sweet pa. Binibini ang tawag nya dun sa katabi nya. "

"Ginoo din kasi ang tawag nung baba sa kanya. Ang cute naman. "

"Aww, ang cute nga ng endearment nila. "

Bulung bulungan ng isang grupo ng teenage girls. Nahihiyang lumapit si Inocencio sa dalaga at bumulong. "Wala akong dalang salapi binibini. " nahihiyang sambit niya at napahawak sa batok.

"Ano ka ba ginoo, sagot ko na. "

"Ngunit wala akong pambayad sayo binibini. " nag-aalangang tugon nya sa dalaga. Nginitian lamang sya nito habang nagbabayad at inaayos ang mga binili nila.

Nilingon ni Inocencio ang mga babaeng nagbubulong bulungan. Nahihiyang nagbow si Inocencio sa mga ito dahilan nang pagtili ng mga kababaihan.

"Omg! Nagbow sya sakin! "

"Wahhh! Sakin kaya! "

"Ang gwapo goshh! "

"Wahh marry me!!! "

Her eyes automatically widened when she heard a bunch of girls screaming because of what his 'friend' did. Agad syang humarang sa harap ni Inocencio na naka-arms sideways pa. Nginitiang aso nya ang mga dalaga at hinigit si Inocencio papasok sa kotse, gaya ng kanina ay pinagbuksan nya ng pinto ang binata.

Pinaandar nya ang makina ng kotse. "Binibini? Hindi ka ba gumastos ng masyadong salapi para sa mga ito? " tanong ni Inocencio habang ine-examin ang mga binili nila. Nginitian nya lang ang binata at umiling. Natutuwa pa din si Shyme sa binata dahil sa kainosentehan nito.

"Ay meri mi! " nagulat si Inocencio ng magpreno si Shyme, nanlaki ang mata ng dalaga. "Binibini! Lumilindol! " biglang inakap ni Inocencio ang ulo ni Shyme.

*dug dug dug dug*

Bumalik sa pagkaka-upo si Inocencio ng ma-realize nyang naka-akap sya sa dalaga, gaya nya ay gulat na gulat din ito. "Binibini? Naramdaman mo ba ang lindol? " patungkol nya sa pag preno ng dalaga, akala nya ay lindol ito.

Hindi pa din nakapag move on si Shyme sa sinabi ng binata nung nagulat sya. 'Meri mi'? Marry me ba ang ibig sabihin nun? Atsaka, san nya nalaman yun?

"Ginoo? Alam mo ba yung meri mi? " panggagaya ni Shyme sa tono ng pagsabi ni Inocencio sa salitang iyon.

"Hindi binibini, narinig ko lamang iyon sa mga dilag kanina, alam mo ba ang ibig sabihin nuon? " namula ang pisngi ng dalaga.

*peep peep peep

Hindi namalayan ni Shyme na nakahinto pala sila sa gitna ng kalsada kaya pina-ulanan sila ng busina ng mga kotse sa likuran nila.

"Ano ang ingay na iyon binibini? " tanong ni Inocencio habang palinga linga sa likuran ng sasakyan.

"Wala yun ginoo. " nagdrive muli si Shyme.

"Saan mo nakuha ang bagay na ito binibini? At mukhang hindi lang ikaw ang mayroon nito. Pati na din ang mga tao sa labas. Kagaya ng kalesa ay may mga gulong din ito ngunit kabayo naman ang nagpapatakbo duon. Kabayo din ba ang nagpapatakbo dito binibini? Ngunit nasaan ang kabayo?" tanong ni Inocencio habang iginagala ang kanyang mga mata sa loob ng sasakyan na tila ba may hinahanap.

"Hindi ginoo, sa paglipas ng panahon ay mas nagiging makabago ang teknolohiya kaya may mga taong nakaka-imbento ng ganitong mga bagay, tsaka isa pa, hindi kabayo ang nagpapatakbo dito kundi makina. " tango tangong hinawakan ni Inocencio ang kanyang baba na tila ba naiintindihan na nya kung ano ang mga kaganapan sa panahong ito.

*

"Maaari ba akong lumangoy dito sa iyong 'suwiming pul' binibini? " tanong ni Inocencio sa dalaga. Tumango lamang ito at walang ano ano'y tumalon sa pool. Pinanood ni Shyme na lumangoy langoy ang binata, pfft. Kala mo di naliligo eh.

Napako ang mga mata ni Shyme sa binata ngunit laking pagtataka nya ng biglang bumagal ang kilos ng binata. Ito na ba ang tinatawag nilang slow motion?

Umiling iling si Shyme sa pag-aakalang babalik sa normal na bilis ang kilos ng binata ngunit nanatiling mabagal pa din ito.

'Omy gosh. ' she mouthed. Ipinikit nalang nya ang kanyang mga mata. "Argh, this can't be happening. Calm down Ricafort, calm down. " pagkausap nya ang sarili nya, sobra din ang kabog ng dibdib nya. Gosh! What's happening?!

"Binibini? Gusto mo bang lumangoy? " napamulat si Shyme ng magsalita si Inocencio sa harap nya habang naka lahad pa ang kamay ng binata. Awe, how gentleman.

"Ah hindi na, kain tayo. Sayang naman yung mga binili natin. " sa sobrang ka-ilang-an ni Shyme ay nag-iwas tingin agad siya sa binata at kumain nalang.

Kunot nuong inilapit ni Inocencio ang mukha sa dalaga at taka itong tinignan ang kabuuan ng mukha nya. Kinuha nya ang kamay ng dalaga ay inilagay sa kaliwang parte ng dibdib nya.

"Tumitibok ang puso ko binibini. Ibinalik mo ang tibok nito. "

Next chapter