webnovel

Chapter 21 : The Killer

A Killer Steps

Chapter 21: The Killer

YERIN POV

Magkahawak kamay naming tinatahak ni Theo akong paalis sa kwartong pinasukan namin

Dinig na dinig ko ang malalim na paghinga niya. Ganun din sa akin.

Pero di namin ininda yun. Basta makakalabas na kami

Oo Tama sabi ni Theo, nag message na daw sina Kuya EuJin na nakita na nila yung daan palabas, at doon ay sa pintong pinasukan nila.

Nabalitaan na din namin ni Theo na wala na pala si Sugar at Rhey

Masakit? Syempre Oo. Yung makitang unti unting nauubos ang mga kaibigan mo dahil sayo. Alam kong dahil yun sa akin. Ako ang isinumpa! Dapat ako lang ang magdusa! Bat pa nadadamay ang mga kaibigan ko? Bat pa nadadamay amg pamilya ko? Kung ganito lang edi sana di nalang ako nabuhay sa kasalukuyang panahon

Hawak na ni Theo ang door knob ng pintong maglalabas sa amin sa kwartong pinasukan namin

Sandali kaming naghabol ng hininga saka namin binuksan ang pinto

"Yuju!" Malakas na sabi ko saka ako lumapit kay Yuju para i check lahat ng katawan niyang may sugat. Hawak siya ngayon ni Cjay at ginagamot siya ni EuJin

Yes di pa sila nakakalabas ni Ate Wish. Hinitay niya kami dahil ang gusto daw nila ay sabay sabay kaming lumabas

"Ok na ako Ate" nanghihinang sabi ni Yuju saka siya dahan dahang tumayo. Tapos na kasi siyang gamutin ni Kuya EuJin at ngayon ay inililigpit na ang mga gamit sa ginawa niyang paggamot

"Sigurado ka?" nagaalalang tanong ni Ate Wish at tanging ngiti at tango lang ang isinagot ni Yuju

Inalalayan siyang patayuin ni Big bro saka kami nagtanguan at pumasok sa kwarto kyng saan pumasok sina Ate Wish kanina

"Ano To?" naguguluhang tanong ni Theo nang makita namin ang Kwarto kung saan pumasok sina Ate Wish

"Salamin?" Pagsasagot ni Big bro kaya sabay sabay namin siyang tinignan ng masama

"I mean ba't ganito tong kwartong to" pagtatama ni Theo kaya panandaliang napanganga si Big bro na parang nagets na niya ang ibig ipahiwatig ni Theo

"Oo Ganito na talaga to nung pasukin namin kanina" pagsasagot ni EuJin sa tanong ni Theo kaya saglit kaming napatango

"Tara na" mahinang sabi ni Ate Wish saka sila naunang maglakad ni Kuya EuJin

Nakakatakot

Ang makita ang sarili mo sa salamin

Feeling ko kasi parang may tumitingin sa amin. Na sa tuwing tumitingin ako sa salamin ay hinde ang sarili ko ang nakikita ko

Parang nakikita ko si Andrea na nagmamakaawang iligtas ko siya

Di ko maintindihan pero naguguluhan na talaga ako

Pakiramdam ko ay may mga kailangan pa akong malaman

May mga tanong pa akong kailangang masagot

Pero di ko alam kung ano ang mga yun

"May tatlong daan! Mag hiwa-hiwala~" di natuloy ni big bro amg sasabihin niya nang putulin siya ni EuJin

"Di na kailangan. Pare parehong daan lang ang tinutungo ng bawat sulok na yan. Sa tingin ko may mainam na dumaan tayo sa kanan" sabi niya kaya wala kaming nagawa kundi ang sumunod. Marahan akong tumabi kay Ate Sowon para sa mga tanong na nabuo sa akin

"Ate Wish. Bat dito tayo dumaan sa kanan? Diba pwede naman dun sa kaliwa?" bulong ko sa kanya pero umiling lang siya

"Hindi pwede. May itim na kapangyarihan sa kaliwang bahagi ng mga salamin na yun. Maaaring mabuhay ang mga nakikita mo sa salamin. In short, yung reflection mo sa salamin, magkakaroon ng buhay" agad akong kinilabutan sa sinabi niya pero ngumiti siya sa akin "Nangyari na yan sa akin kanina" pagpapatuloy niya saka siya tumingin ng diretso sa dinadaanan niya

"E sa gitna?" tanong ko pero lalong lumungkot ang mukha niya saka marahang umiling at saka ngumiti

"Doon namatay si Sugar" saglit akong napatigil sa sinabi niya "Dito sa daang to na dinaanan ni EuJin ang pinaka ligtas na daanan" marahang sabi niya saka pilit akong ngumiti sa kanya saka kami nagpatuloy sa paglalakad

Sabay sabay kaming napangiti nang makita namin ang Pinakadulo ng corridor kung nasaan ang pinto

Ang pintong magpapalabas sa amin

"Tara na" nakangiting sabi ni EuJin sa amin saka sabay sabay kaming napatingin sa pinto

"Ah~"

Hawak ko na ang door knob nang makaramdam ako ng malakas na pagpalo sa likod ng ulo ko

Kasabay ang paglabo ng paningin ko

Nakita ko ring nakahandusay sa sahig ang mga kasama ko

At nakita ko ren ang taong nakatayo sa harap namin

Di ko makita

Masyadong malabo

***

AUTHOR'S POV

Nagising ang diwa si EuJin nang maramdaman niya ang hapdi sa kanyang ulo

Pero di mas naging triple pa ang sakit nun kumpara kanina

Napahawak siya sa ulo niya pero

"Aray!" daing niya nang bigla siyang matusok sa Ulo

Saka niya narealize na nakakorona sa ulo niya ay isang tinik

Marahan nilang binuksan ang mga mata niya

Nakabaon yun sa ulo niya at halos manlabo na ang paningin niya sa unti unting pagkaubos ng dugo niya

Ilang ulet niyang minulat ang mga mata niya

Saka lamang niya nalaman kung nasaan siya

Nasa

Loob ng kabaong

Paulet ulet niyang binuksan ang kabaong pero di yun mabuksan. At wala din siyang lakas dahil sa hapdi at pagkaubos ng dugo dahil sa tinik na nakabaon sa ulo niya..

"Putang*na! Sino ka?! Pakawalan mo ako dito! Ilabas mo ako dito!" Malakas na sigaw ni EuJin

Samantala ay nagising din Si Wish nang marinig niyang sumisigaw si EuJin

"EuJin? EuJin?! Nasaan ako!" sigaw din niya dahil nasa loob din siya ng kabaong gaya ni EuJin. Ang pakakaiba nga lang ay walang tinik na nakabaon sa ulo niya pero nanghihina din siya dahil sa sakit na nararamdaman niya sa ulo niya

"Wish?! Puny*ta! Nasaan ka?!" inis na sigaw ni EuJin na may halong sakit dahil parang lalong humihigpit ang pagkakatali sa tinik na nasa ulo niya "Ahhhhhh~!" sigaw niya nang tuluyang bumaon ang isa sa mga tinik sa ulo niya

"EuJin! Anong nangyayare sayo?! Ayos ka lang ba?!" naiiyak at kinakabahang tanong ni Wish habang patuloy siya sa pag katok sa kabaong na kinalalagyan niya

"Sh*t Wish! Wag mong sabihing nasa loob ka rin ng kabaong?!" inis at may halong hapding sigaw ni EuJin

"EuJin! Di ko alam! Pero sa tingin ko Oo" naiiyak na sigaw Ni Wish kasabay ang malakas na kalabog dahil sa suntok na binibigay niya sa kabaon para makalabas

"Puntang*na Wish! Maghintay ka ilalabas kita!" sigaw niya saka niya paulet ulet na tinulak ang pinto ng kabaong at sinipa sipa pa ito pero wala siyang nagawa dahil masyadong mahigpit ang pagkakalock ng kabaog sa kanila

Maya maya pa ay sabay na napatigil ang dalawa nang makarinig siLa ng mga footstep na papalapit sa kanila

"Sino yan?!" Sigaw ni EuJin Pero walang sumasagot sa kanya. Patuloy lang ang footstep hanggang sa marinig nila tong tumigil sa tabi nila

Kasabay ang pagbukas ng maliit na pinto sa kabaong nilang dalawa (Zhar : Di ko talaga alam ang tawag doon pero yun yung bandang nasa may uluhan nila yung may badang salamin. So it means di lahat ay nakabukas. Yung bangdang ulo lang. {nagest niyo ba? Well ako ren hinde e ahhahah hay bahala na!})

"Gago ka! Ikaw pala yun! Ikaw?! Ikaw ang pumapatay?! Punyeta ka! Tinuring ka naming pamilya! Akala namin mabait ka!" sunod sunod na sigaw ni EuJin nang makita niya ang taong nasa harapan nila na nakangisi sa kanila

"Ikaw? Pero Baket? Baket mo ginawa yun?" naiiyak na tanong ni Wish nang makita niya ang tanong nasa harapan nila

"Oo ako nga" isang mapaglarong ngisi ang binigay ng Taong yun kay EuJin saka humarap kay Wish "Simple lang Sowon. Para makuha ang kabayaran" Lalong kumunot ang noo ng dalawa nang magiwan pa yun ng makahulugang salita at ngiti

"Walang hiya ka! Wala kang puso! Pakawalan mo kami dito! Ilabas mo kami!" sunod sunod na sigaw ni EuJin pero isang mala demonyong halakhak lang ang ibinigay sa kanya ng Taong yun

"Ang dami mong satsat!" mariing sabi niya kasabay ang paghigpit ng yukom niya sa sariling kamao

"Ahhhhhh~!" Malakas na sigaw ni Jin nang lalong humihigpit ang pagkakatali ng tinik sa ulo niya. Naramdaman niya ang pagbaon nun sa utak niya at nauubusan siya lalo ng dugo. Nanlalabo na ang paningin niya

"Anong ginawa mo kay EuJin! Sabihin mo!" Umiiyak na sigaw ni Wish pero isang nakakaawang tingin lang ang binigay sa kanya ng taong yun

"Paparatapusin ko na ang paghihirap niya" sabi niya saka siya pumitik sa hangin at ang paglabas ng maraming ipis at daga sa ceiling at sunod sunod na pumasok sa loob ng kabaong kung nasaan si Jin at unti unti siyang pinapapak

"Lumayo kayo sakin! Ahh! Ahhh! Ahhh~!" Sigaw ni EuJin hanggang sa mawalan na siya ng buhay dahil Unti unti siyang inuubos ng Daga at ipis

"Wala kang puso!" galit at umiiyak na sigaw ni Wish na nasa loob paren ng kabaong at hindi makita ang nangyayari kay EuJin pero alam niya. Alam niyang wala na siya

"Puso? Matagal na akong wala nun Wish" nakangiting sabi ng taong yun saka lumapit sa kanya "Cause I'm Dead!" seryosong sabi ng taong yun kasabay ang pagsindi niya sa lighter at initinapon kay Wish dahilan kaya maliyab yun. Palihim pala niyang nilagyan yun ng gas kanina

"Ahhh! Ahhh! Ahhhhh~!" Sigaw ni Wish sa sakit sa lumalapnos na balat niya habang natutuwang tinititigan siya ng taong nasa harapan niya

"Magbabayad ka!" huling sabi ni Wish hanggang sa tuluyan na siyang matupok ng apoy at mawalan ng buhay

***

YEHAN POV

"Ate! Ate! Please Gumising ka!" nagising ako sa sigaw at pagtulo ng tubig sa pisngi ko

"Yuju?" agad niya aking niyakap nang maimulat ko ang mga mata ko

"Si Theo" sabi ko saka ako napatingin sa tabi ko kung nasaan nakahiga si Theo. Agad ko siyang nilapitan at pilit na ginising

"Theo gumising ka!" sabi ko habang marahang tinatapik tapik ang pisngi niya

Maya maya pa ay nagisig na siya

"Yerin? Yuju? Teka nasaan sina Wish, EuJin at Cjay?!" Nagaalalang tanonh niya saka niya nilibot ang paningin niya

Napatingin ako kay Yuju na marahang umiling

"Di ko alam! Basta paggising ko wala na silang tatlo" Umiiyak na sabi niya kaya agad ko siyang niyakap

"Ate! Alis na tayo! Tara na ayoko na dito!" takot na takot na sabi niya kaya paulet ulet aking tumango. Napatingin ako sa paligid at wala na kami sa Room of Glasses

"Pero wala na tayo sa daan kanina" sabi ko pero umiling siya

"Naglibot na ako Ate! At may nakita akong daan palabas!" pwersahan niya akong itinayo kaya itinayo narin namin si Taehyung agad kaming tumakbo. Hawak hawak ni Yuju ang kanang braso ko habang ina alalayan ko naman si Theo dahil napilayan siya kanina.

"Lil sis!" napahinto ako sa kakatakbo at lumingon sa likod. At doon ko nakita si Big bro. May hawak na maliit na libro. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Yuju kaya medyo napangiwi ako

"Ate! Wag kang lalapit sa kanya! Tara na!" mapilit na sabi ni Yuju saka ako hinila pero di ako nagpaawat

"Aw!" daing ko dahil ang higpit ng hawak sa akin ni Yuju

"Wag kang sasama kay Yuju Lil sis! Siya! SIYA ANG PUMAPATAY!!"

______________________

Oh shi

Last 2 chapters

ตอนถัดไป