webnovel

Chapter 4

AIZEN SANTOS

"I said smoothie not coffee." Sabi ko kay Alex nang ilapag nito ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa ko.

"Ma'am, coffee po ang sabi niyo."

Tumaas ang isang kilay ko, "No."

Tinaas nito ang kamay sa ere, "Promise ho, Ma'am, coffee po ang sabi niyo mamatay man po yung chismosang kapitbahay namin. Pero sige ho, Ma'am, pabibilhan ko po kayo ng mango flavored smoothie ngayon din now na."

"Better. Lalo akong ne-nerbyos-in sa kapeng 'yan." Saad ko sabay buklat ng folder na nasa mesa ko.

Tambak ako ng paper works dahil ilang weeks akong absent. Abala kasi ako noon sa pag-aayos ng kasal namin ni Kevin. I was very hands-on. I wanted every little details to be perfect.

I couldn't believe I wasted 6 years of my life for a cheater like him. These past few weeks hindi ko rin nakuhang mag-concentrate sa trabaho. Kusang pumapasok sa isip ko ang panloloko nito.

"Ah, Ma'am, okay lang po kayo?"

Nag-angat ako ng tingin kay Alex. Hindi pa rin pala ito umaalis. Nakatingin siya sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa ballpen. Bumuntong hininga ako.

"Yeah..." Sagot ko sabay sandal sa swivel chair ko.

"Sigurado ho kayo? Napansin ko lang po kanina pa po kayo wala sa sarili. Hindi niyo po ako napansin sa elevator kanina, buti na lang po magkasabay tayo kung hindi lalagpas po kayo ng floor."

I really couldn't believe it. Hindi nawala sa isip ko ang ginawa ng lalaking 'yon.

Bumungisngis ito, "Kung gano'n din naman po ka-guwapo kay Mr. Sandoval ang hahalik sa akin baka po hindi ko rin matanggal sa isip ko at matulala rin ako. Nakatingin nga lang po ako sa kanya kanina tulaley na ako, paano pa po kaya kapag hinalikan niya ako katulad nang pag-halik niya sa inyo kanina? Baka po na-comatose ako!"

"Excuse me, I wasn't thinking about the kiss." Agad depensa ko.

"Talaga ho, Ma'am?" Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti. "Ano pong iniisip niyo kanina habang nakakagat at hawak sa labi niyo?"

I glared at her. Should I really explain? Itinuro ko ang pinto nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Humalakhak ito, "Sige ho, Ma'am. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan po kayo." Muli itong ngumiti nang makahulugan bago tuluyang umalis.

Hindi ko alam kung paano nito nalaman na ikinasal ako sa lalaking 'yon. Sa malamang ay nakuwento sa kanya ni Lyn. Ang secretary ni Chantal na naging kaibigan niya na rin.

Mukhang kilalang kilala nito ang Sandoval na 'yon at hindi ito makapaniwala habang kino-confirm sa akin kung tatoo ang nasagap niyang balitang kinasal kami nito. I guess everyone knew him. Even Hailey couldn't believe it. Narinig ko tuloy ito sa isip ko.

"Duh! Hindi ka ba nagbabasa ng news or nagbabasa manlang ng mga business magazines, bal? Madalas kaya silang ma-feature sa magazines dahil sila lang naman ang pinaka mayamang angkan dito sa bansa and seriously, Kier Sandoval? Kier Sandoval lang naman yung nabinwit mo, bal! Siya lang naman ang oh so hot yummy na CEO ng pinaka malaking kompanya dito sa Pinas! You know what? Para kang wala sa business industry!"

At hindi ko na maalala pa ilang sinabi nito sa sobrang dami.

To be honest wala akong hilig magbasa ng magazines at manuod ng news. Wala rin akong hilig sa social media because I wanted to keep my life private.

Madalas ko na rin marinig ang apelyido ng mga ito noon at sigurado nakita ko na rin kung saan ang mga mukha nila pero nalimutan ko na lang. Wala naman kasi akong hilig tumanda ng mga itshura.

Pumikit ako nang mariin at inikot-ikot ko ang swivel chair ko.

Focus. Focus, Zen.

Sinumulan ko ang ilang paperworks. Napapabuntong hininga ako once in a while dahil pumapasok ang Sandoval na iyon sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit pumapasok sa isip ko ang walang ekspresyong mga mata nito, ang kilay nitong laging salubong, his perfect nose, his soft lips na pakiramdam ko ay nakasayad pa rin sa mga labi ko. I must be crazy.

Matagal kong hinanap ang focus ko bago ako maging tutok sa trabaho. Ilang sandali pa ay may narinig akong malamig na boses.

"Do you know what time is it?"

I froze for a moment nang marinig ko ang boses nito. Hindi ko manlang namalayan na nakapasok siya sa office ko.

Agad akong nakabawi. Simple akong sumilip sa orasan na nasa ibabaw ng table ko bago tumingin sa mukhang niyang aburido.

"5:35. Walang battery 'yang watch mo?"

Lalong nagsalubong ang kilay nito sa pagiging sarkastiko ko. Napalunok ako. 5:35? Ang bilis naman yata ng oras?

"You're 35 minutes late. I thought I have told you that I hate waiting."

Tiniklop ko ang mga folder sa harap ko. "If you cannot wait, just go and leave me alone. I thought I have told you as well that I can go home alone?"

Nakita ko ang pagtangis bagang nito. I gulped something down my throat. Hindi ko alam kung kakabahan ako or what, but I must tell that his jawline was damn-- I should shut the ef up. Really.

I should be mad at him for entering this room without even knocking.

"Do you know what husband and wife do?" Tanong nito sabay bulsa ng dalawang kamay niya.

Bakit ba ang gwapo niya sa all black na outfit? at bakit ba laging nakabukas ang dalawang butones ng sleeves niya? Hindi ba siya marunong magsara ng butones?

Kung kanina ay mukhang bubugahan niya ako ng apoy, ngayon ay nakangisi naman ito na parang may gagawin siyang hindi ko magugustuhan.

Dahan-dahan siyang humakbang at sa bawat hakbang niya papalapit sa akin ay napapalunok ako.

"They care for each other," He looked so neat, ang bango-bango niyang tingnan at lalo iyong dumagdag sa sex appeal niya. "Show affection to each other,"

Hinila niya ang swivel chair ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. Dinantay niya ang mga kamay niya sa armrest and leaned forward hanggang sa maamoy ko ang mabango niyang hininga. Pakiramdam ko ay nagwawala na ang puso ko.

Lalo itong ngumisi. Maybe he saw how vulnerable I was. No. Hindi niya dapat makitang affected ka! Sigaw ko sa sarili ko.

"And..."

Damn! His breath smelled so good. Sunod-sunod ang paglunok ko nang tumingin siya sa mga labi ko,

"They make love until they get tired."

Pakiramdam ko nayelo ako sa huling sinabi niya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. His scent was making me crazy. Pakiramdam ko ay ilang boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko ng magdikit ang dulo ng ilong namin.

I should be pushing him away... I should— my eyes automatically closed. I was waiting for his lips to touch mine but—

"Ma'am--" Agad akong napadilat. He didn't even move. He was just staring at me. "so-sorry po, sorry po sa istorbo." Saad ni Alex at tumawa nang alanganin sabay sara ng pinto.

Dahan-dahan lumayo si Kier sa akin. I moved my swivel chair back at my table at kulang nalang yakapin ko ang mesa ko sa sobrang kahihiyan.

Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko. He was so chill. Mabilis kong inayos ang gamit ko sabay tayo at hakbang palayo. I was shaking, and I was so thankful that I've got my ass out of that room without fainting.

Paglabas ko ay agad akong humugot nang malalim na hininga. Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang bisig na humapit sa baywang ko. It was him. Tiningala ko siya and I saw smirk on his lips.

Tatanggalin ko sana ang braso niya sa waist ko pero napansin kong kinikilig na nakatingin sa amin ang mga empleyado. Seriously? Gusto kong mapairap but I just faked a smile. Hindi ko gustong makahalata ang mga ito.

Pagtapat namin sa elevator at pagbukas no'n ay akmang magpapatiuna ako sa kanya pero lalo niyang hinigpitan ang kapit sa baywang ko. He even managed to press the number 3 button pagpasok namin sa loob.

I was so stiffed. I didn't want him to see that I was really affected. He could see that as an opportunity to manipulate me in the future perhaps.

"You can now get your hands off me." Pagtataray ko.

Nagkatinginan kami sa salamin ng elevator. We stared at each other for a while bago niya bitiwan ang waist ko. Pasimple akong humugot nang malalim na hininga. Hindi pa ako nakaka-exhale ay naramdaman ko na ang kamay niyang gumapang sa kamay ko.

Damn, he's giving me a heart attack! Parang nakikipaghabulan ang puso ko sa bilis ng tibok. Air-conditioned naman ang lift pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako sa init ng kamay niya. Akmang babawiin ko ang kamay ko pero lalo niya iyong hinigpitan.

"Get used to it, Mrs. Sandoval," He said.

What? What did he call me?

"You're my wife now." Binitiwan nito ang kamay ko, "be a wife to me and I'll be a husband to you."

Bumukas ang lift at nauna itong lumabas.

How can I be a wife to him?

Nakapamulsa itong humarap sa akin, "just in public."

.

Luckyzerocreators' thoughts
ตอนถัดไป