webnovel

Chapter 3

Chapter 3

UNTI-UNTING IMINULAT ni Oddyseus ang kaniyang mga mata. Napakasinag na sinag ng araw ang sumalubong sa kaniyang balintanaw. Ganoon na lamang ang pagkapikit niya ulit ng mga mata dahil sa maliwanag na sikat ng araw, na hindi niya agad napag-handaan, mula sa bintana ng kaniyang silid.

Bumangon siya habang nakapikit parin. Kinapa niya ang kaniyang likod at dinama iyon. Napangiwi siya nang mas lumaki pa yata ang kuba sa kaniyang likod. Hindi niya alam pero sa tuwing kabilugan ng buwan sumasakit iyon tulad ng nangyari kagabi sa kaniya. Pagkatapos, pagkagising niya kinaumagahan nadadagdagan ang laki niyon.

Bumaba siya sa kaniyang higaan saka iminulat na niya ang kaniyang mga mata. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding ng kaniyang silid. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita kung anong oras na.

"Patay!"

Dali-dali siyang humugot ng tuwalya sa kaniyang hindi kalakihang kabinet. Kumuha narin siya ng kaniyang damit na susuotin. Kailangan niyang magmadali. Isang oras na lamang at pasukan na sa paaralang pinapasukan niya.

Alas-otso ng umaga ang kaniyang pasok ngayon at alas-siyete na ng umaga. Bakit kaya hindi siya agad ginising ng Inay Victoria niya? Ito tuloy at mahuhuli na siya sa klase kapag hindi niya bibilisan.

Pumasok na siya ng banyo at wala nang inaksaya pang oras at nagsimula na siyang maligo. Nasa kilos niya ang pagmamadali at ang pagkataranta.

Makalipas ang ilang minuto lumabas na siya ng banyo. Nakasuot na ng kaniyang uniporme at ang hoodie jacket niya, para kahit papaano matakpan manlang niya ang kulubot niyang balat.

Pero ganoon parin kahit anong pagtatago niya sa kulubot na balat makikita parin ito sa kaniyang mukha. Hindi niya rin maiiwasang taguin ang kuba sa kaniyang likod.

Ngumiti siya sa salamin. Pero hindi na niya itinuloy at nag-poker face na lamang. Napangisi siya ng mapait. Kahit siya mismo masasabi niya sa kaniyang sarili na mukha talaga siyang aswang.

Pangit. Isinumpa. Kuba. Kung saan totoo naman ang lahat maliban lang sa aswang.

Oo, pangit siya, isinumpa, at kuba. Pero hindi naman yata tama ang pagkamalan siyang aswang? Kahit ganito ang itsura niya hindi niya ugaling kumain ng laman loob ng tao.

Napailing siya saka kinuha ang kaniyang bag na nakapatong sa maliit na study tabe niya.

"Mga tao nga naman," komento niya habang papalabas ng kaniyang silid.

Pagkarating sa sala ng bahay nila. Umupo siya sa kawayang upuan na nadodoon at saka isinuot ang lumang sapatos.

Tipid na muna siya ngayon sa mga gamit para sa kaniyang pag-aaral. Kakailangan nila ng pera para sa pangangailangan nila araw-araw. Kahit na parang bibigay na ang sapatos niya, titiisin na lamang niya. Tutal, patapos narin ang school year niya. Sa susunod nalang siya bibili ng bagong sapatos. Tumayo siya saka naglakad patungo sa kusina. Naabutan niya ang Ina na busy sa kakahugas ng mga gulay nito na ititinda sa tindahan.

Lumingon ito sa kaniya saka ngumiti. "Anak, maupo ka na. Naihanda na kita ng pagkain diyan sa mesa. Kumain ka na, papasok ka ba ngayong araw? Kumusta naman ang pakiramdam mo?"

Hinugot niya ang isang upuan saka umupo na. Nagsimula narin siyang sumandok ng kanin. Lumpit sa kaniya ang Ina saka pinakatitigan siya ng mabuti.

Tinapunan niya rin ito ng tingin. "Okay naman ako, 'Nay. Hindi narin masakit 'yong likod ko. Saan nga pala si Itay?"

"Mabuti naman at ayos na ang pakiramdam mo.. Nasa labas ang iyong Itay, kumukuha ng mga gulay na ititinda ko mamaya sa palengke, sumabay ka na pala sa amin," sagot nito habang tinitimplahan na siya ng gatas.

Binilisan niya ang pagsubo ng kanin pagkatapos ay sinagot niya ito. "Mauuna ho ako sa inyo Inay, kalahating oras na lamang po ang natitira at pasok ko na. Hindi ho ako pwedeng ma-late."

Iniabot naman sa kaniya ng Inay Victoria niya ang gatas na tapos nitong timplahin. Agad naman niya iyong kinuha at sinimulan nang inumin.

"Osige, basta mag-iingat ka, Oddy. Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang sa amin anak...andito kami ni Itay mo."

Ngumiti siya sa Ina saka sumubo. "Opo, 'Nay. Tatandaan ko ho iyan."

Pagkatapos na niyang kumain. Agad siyang tumayo at isinukbit na ang kaniyang bag. Lumapit siya sa Ina at hinalikan ito sa pisngi.

"Alis na ho ako, 'Nay. Mag-iingat kayo ni Itay sa palengke mamaya," paalam niya rito.

"Oo naman anak, ikaw din. Mag-iingat ka."

Lumabas na siya at natanaw niya ag kaniyang Ama na pumipitas parin hanggang ngayon ng talong. Ngumiti siya aka ito kinawayan. "Aalis na po ako!"

Kumaway naman ito sa kaniya pabalik. "Sige anak, mag-iingat ka!" ngiting-ngiti siya habang papatungo sa daan kung saan papunta sa kaniyang eskwelahang inaaralan.

"YUCK! NAKAKATAKOT naman ang itsura niya. Mukha talaga siyang aswang," bulong ng isang babaeng estudyante na nakatayo malapit sa gate ng paaralan.

Kakarating niya lang at iyon agad ang sumalubong sa kaniya. Papaano na lamang kapag nasa loob na siya ng campus mamaya? Mas marami na namang masasakit na salita ang maririnig niya. Puro panlalait at pandidiri para sa kaniya.

Ibinaba na lamang niya ang kaniyang paningin saka dire-diretso siya sa paglakad. Halos araw-araw naman ganito ang scenario kapag papasok siya sa unbersidad na ito.

Isang publikong paaralan para sa mga taong may kaya, walang kaya, at katulad nilang katamtaman lang. Well, hindi naman siya pumunta sa eskwelahang ito para makipag-away kaya hindi na lamang niya ang mga ito pinapatos. Saka hindi naman talaga siya marunong manlaban.

"Tumahimik ka nga diyan, Esa. Baka mamaya ikaw ang isusunod niyang biktimahin," bulong ng kasama nito na umabot parin sa kaniyang pandinig. Hindi niya alam kung bulong pa ba iyon o sadyang pinaparinig talaga sa kaniya?

Ngumisi na lamang siya saka napapailing. Wala siyang mapapala sa pakikinig sa mga panlalait ng mga ito sa kaniya. Ang importante sa ngayon ay ang ihanda niya ang kaniyang sarili ulit sa araw na ito. Para sa mga panibago na namang panlalait at pambubogbog na kaniyang matatanggap. Huminga siya ng malalim saka pinagmasdan ang kabuuan ng campus. Ito ang pinaka-impyernong lugar para sa kaniya.

How he wish, he can survive again in this judgmental and discriminatory society.

ตอนถัดไป