LOUINNA THERESE MENDOZA
"So, for the last scene, we will be needing two rings, a bible and a gun, okay?" ani Professor Marissa.
"Copy, ma'am," sabay-sabay na sagot nina Jerome, Johan at Hans.
"And for the makeup, make it just light for the both of our leads," muling ani Professor Marissa sabay tingin kina Hailey at Riley na tumango lamang bilang sagot.
"Our practice ends here. Good luck for our performance tomorrow!" huling sabi ni Professor Marissa bago nilisan ang practice room.
Unti-unti nang nag-alisan ang members ng musical play. Ako na lang mag-isa ang naiwan dahil hinintay ko pang makaalis ang lahat. Well, guess what? Mrs. Altamonte just gave me a task. Ako lang naman ngayon ang key-keeper ng practice room dahil punishment ko daw ito sa tangkang pag-quit sa play. Sa tingin niyo, makatarungan kaya iyon? Kung ibang member kaya ang nagtangkang mag-quit, paparusahan din kaya niya? I bet she won't.
"Wala na bang tao diyan?" tanong ko upang masigurong wala na ngang tao bago ko ikandado ang pinto. Nang walang sumagot ay naglakad na ako papunta sa isang sulok kung nasaan ang mga switch ng ilaw at pinatay na ang lahat ng ito. Akmang aalis na ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Louinna Therese, wait," anang boses ng isang lalaki na nagmula sa dulong bahagi ng practice room, ang dressing room. Lumingon ako dito. Hindi ko siya maaninag dahil napakadilim na ng paligid. Bakit kasi hindi pa siya sumagot kaninang tinatanong ko kung may tao pang naiwan, eh. Hayst!
I could see nothing but darkness. As far as I know, I could see a little bit on the dark, but now, I guess, is an exception. I was just hearing couples of footsteps. By it, I could easily deduce that he was still meters away from me. As seconds pass by, the sound of his footsteps becomes louder and louder, but still, I couldn't see him.
"Why can't I take a glimpse of him? He seemed so near yet hindi ko siya maaninag."
Pagkatapos kong sabihin nito sa isip ko ay bigla na lamang may hindi kalakihang bola ng crystal na napakaliwanag na lumabas sa kung saan. Lumulutang ito na animo'y sinasabayan ang tunog ng mga yabag ng paa ng kung sinumang tumawag sa akin kanina sa pamamagitan ng pagsasayaw sa kadiliman. Dahil dito ay nagkaroon na ng kaunting ilaw at nakita ko na ang naglalakad papalapit sa akin na si Joshuan na katabi ng bola ng crystal. Hindi pa siya nakakapagpalit ng uniform. Ang damit na ginamit niyang pang-practice pa rin ang suot niya.
"Why? Bakit hindi ka pa nagpalit ng damit mo?" nagtatakang tanong ko nang makalapit na siya sa akin.
"Well, hindi pa ako nagpalit dahil kailangan pa nating mag-practice," sagot niya habang inaayos ang kanyang buhok.
"Practice? Practice hours for musical play are over. Kailangan ko pang mag-practice para sa solo ko."
"Six PM pa lang naman. We'll only be practicing scene six because I am not satisfied with it. Parang naiilang ka kasi sa akin, eh. Sasamahan na lang kitang mag-practice mamaya sa music room since I do not have any plans for today," nakangiting aniya.
"Ilang? Bakit naman ako maiilang sa iyo? May dahilan ba para mailang ako?" sunod-sunod na tanong ko.
"I don't know. Who knows? Dahil ba malapit tayo sa isa't-isa sa scene na iyon? Or..." he paused for a moment which left me hanging. I raised one of my eyebrows. I crossed my arms across my chest and stared at him as if telling him to continue what he was about to say dahil nabitin ako. Natawa naman siya ng mahina.
"Maybe because you are starting to like me? " nakangising pagtutuloy niya sa sinasabi niya na ikinabusangot ng mukha ko. I waited for it dahil akala ko ay makabuluhan ang sasabihin niya, but I was wrong.
"Hell no! Dream on, Mr. Wrights!" asik ko na nakapagpatawa sa kanya ng malakas.
"Okay. Sabi mo, eh," natatawa-tawang aniya. "Anyways, we really need to practice."
"But---"
"No buts. Remember, tomorrow is the contest, so we must prepare for it. I am not satisfied with that scene, so we must polish it," pagtatapos niya sa usapan. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa dulong left side ng practice room. Iniwan niya ako doon at naglakad patungo sa mga switch ng ilaw at binuksan ang spot light na nakatutok sa gitna. Pagkatapos noon ay pumunta na din siya kaagad sa kasalungat ng pwesto ko, sa dulong right side. Ang kaninang ilaw na nakalutang ay naglaho na na kanina lamang ay parang anino ni Joshuan dahil laging nakasunod.
"Let me ask you a question. Have you really memorized the script or should I give you a copy? A while ago, you were stuttering while uttering your lines," pasigaw na tanong niya na ikina-histerya ko.
God! How would I deliver my lines beautifully if he's distracting me? In what way? By simply smiling at me!
/FLASHBACK/
"Okay, so proceed na tayo sa scene six. Louinna and Joshuan, pumunta na kayo sa magkabilang dulo," ani Professor Marissa na nakaturo pa ang mavkabilang hintuturo sa mga dulong bahagi ng practice room. Pagkakasabi niya noon ay agad na akong dumiretso left side galing sa back stage samantalang sa kabila naman dumiretso si Joshuan.
"Have you memorized your lines in that scene already?" tanong ni Professor Marissa. Agad naman kaming tumango ni Joshuan bilang sagot. "Then start," muling sabi niya.
Tumingin kami ni Joshuan sa isa't-isa at sabay na nag-thumbs up. Dito sa scene na ito ay madudulas ako ngunit hindi ako tuluyang mapapangudngod sa sahig dahil masasalo ako ni Joshuan. Kapag nasalo na niya ako ay dito na siya aamin ng nararamdaman niya para sa akin.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gitna. May pampadulas na nakahanda sa medyo malapit na sa gitna kung saan kami dapat mag-i-stay ni Joshuan kaya naman hindi na ako mahihirapan sa pagpapadulas ng sarili.
Makalipas ang ilang segundong paglalakad namin patungo sa gitna ay nadulas na ako at agad din naman niya akong nasalo. Alam niyo ba iyong postura ng babae at lalaki sa palabas tuwing madudulas ang babae at sasaluhin naman siya ng lalaki? Ganoon na ganoon ang postura namin.
Ilang segundo muna kaming nagkatitigan bago nagbatuhan ng linya.
"Hey, Julia. Are you alright? Are you hurt anywhere?"
Yes. In the play, my name is Julia while his name is Rome. The musical play is quite similar to Romeo and Juliet. Both are tragic, but they don't have the same plot. Let us just say that it was based on Romeo and Juliet's love story.
"I-I am fine, Rome. If it wasn't for you, I should've hurt my head."
I acted as if I was really grateful for his support and smiled sweetly.
"Well, it's a good thing then. By the way, I think this is the perfect timing. I want to tell you something," aniya. He took a deep breath and smiled very sweetly and brightly at me.
His eyes. His nose. His lips. His face. His everything. Everything about him today, right at this very moment, is perfect! I felt like I saw an angel. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay iba ang epekto niya sa akin. Parang unti-unti niyang tinutunaw ang puso ko. Lagi akong nawawala sa huwisyo tuwing mapapatingin ako sa mga mata niya. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko ay may kumikiliti at humahaplos sa puso ko tuwing tumititig siya sa akin ng matagal? Maha---
"Hey, Louinna Therese. Ano na? Are you just gonna stare at me and smile? It's your turn to speak now," pabulong na sabi niya sa akin habang nakangiti pa rin ng pagkatamis-tamis. Bakit ba siya ganyan kung ngumiti? Nakakaasar pero ang cute niya!
"Ha? Ako na? Bakit hindi ko namalayan?" takang-takang tanong ko sa kanya.
"Aba malay ko. Siguro ay dahil nalunod ka na naman sa mga mata ko," natatawang aniya saka ngumiti. Err. Why the hell is he smiling like that again?
Bakit ba ang Hindi ko na siya pinansin dahil nakita ko ang seryosong mukha ni Professor Marissa sa pamamagitan ng peripheral vision ko kaya ibinato ko na ang aking linya.
"W-What do you w-want to t-tell me?"
In that line, I shouldn't be stuttering, but why the hell am I stuttering?! I seemed like I was nervous as to what he was about to say, which is inappropriate in the scene.
"I-I want to t-tell you t-that..."
He was supposed to be nervous on this part and so he did. He really seemed very nervous. He avoided my gaze at lumunok ng ilang beses bago muling nagsalita.
"You are beautiful..."
"Yeah, I am aware of that," natatawang sabi ko.
"And I t-think I... I l-like..."
"You like what?"
Huminga siya ng malalim sabay hum ng tono ng isang kanta. Even his humming is very good and pleasing to the ears.
To my surprise, kinanta niya ang kantang Gusto Kita. In the script, ang sabi lang ay sabihing niyang gusto niya ko pero iniba niya ito. He sang instead.
Pagkakakanta niya noon ng hanggang chorus ay itinayo na niya ako at kakaripas na sana ng takbo patungo sa kung saan siya nanggaling ngunit hinawakan ko ang braso niya at muling iniharap sa akin. Sa tagpong iyon ay dapat kinakabahan akong aminin din sa kanya ang nararamdaman ko. I was surprised when in reality, I really was nervous. I got carried away? I don't know. I just feel it.
"And I think I f-feel the same. G-Gusto din kita, R-Rome."
Pagkasabi ko nito ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Really?" he asked. I just nodded as a response. "Oh, my God! I never expected that it would turn out like this! Salamat, Julia! Maraming salamat dahil ginusto mo din ako!" tuwang-tuwang aniya sabay hawak sa kamay ko at pinaikot ako dito. Nagmistula kaming nagsasayaw.
Nang muli ko siyang tingnan, noong tapos na ang scene na iyon, ay nakangiti pa rin siya sa akin ng pagkatamis-tamis. His reason? I DO NOT KNOW.
/END OF FLASHBACK/
"Of course, I memorized it already. As far as I know, I am not that dumb, or stupid rather, to not memorize my lines," sabi ko sabay irap. "Let's begin!" I added.
"Okay then. You mustn't stutter when you don't need to, okay? Do not get too distracted by my handsome face," aniya sabay wink at tatawa-tawa. I said nothing. I just stared at his eyes while sending him the message "I am getting bored." via eye-to-eye. He just smirked and started to walk which made me walk, as well.
Gaya kanina ay naglakad kami. Malayo-layo pa man kami sa gitna ay bigla na lamang akong nadulas na siyang ikinalaki ng mga mata namin. Babagsak na sana ako ng tuluyan dahil one foot na lamang ang layo ng katawan ko sa sahig nang masalo ako ni Joshuan. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa. Malayo pa kami sa isa't-isa kaya hindi ko inexpect na masasalo pa niya ako.
Tumitig kami sa isa't-isa habang nanlalaki pa rin ang mga mata. I blinked several times for I thought that I was just dreaming when I saw his face just an inch across mine.
Nasa ganoon pa rin kaming posisyon. Nakaluhod siya habang ako naman ay halos nakahiga na sa tiles. Later on, after couples of minutes of staring at each other, his face drew closer to my face. His body leaned closer to me, as well. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung dapat bang pumikit o dapat bang itulak ko siya palayo kahit na maging sanhi pa ito ng pagkalapat ng katawan ko sa sahig. Parang bigla-bigla ay gusto na lamang gustong sumabog ng puso kong lundag nang lundag dahil sa kaba. Maski ako ay naghisterya na dahil sa pangyayaring iyon.
Louinna Therese Mendoza, kalma ka lang. Ang dapat mo lamang gawin ay itulak siya papalayo and then boom! You both are out! You don't need to feel this shitty thingy.
Right. That's what I should do. I, again, looked at his eye and was amazed for the nth time because of its beauty. Kumikinang-kinang pa ito habang papaliit nang papaliit dahil pumipikit na siya.
Itulak mo na, Therese! Now's the cue!
Suddenly, I saw the darkness.
Shemay! Trinaydor ako ng isip ko! 'Di ba sabi ko ay itulak ko siya? Bakit nagkaganito? Bakit pakiramdam ko ay ito ang gusto ko?! Hala! Traydor na utak! Magsama na kayo ng puso kong animo'y nagdiriwang na dahil kinikilig! Nagi-ingay na sa loob, eh!
TRAYDOR KANG UTAK KA! SHEMAY KA! I HATE YOU! HUHUHU!
Nag-rant ako ng paulit-ulit ngunti hindi ko naman iminulat man lamang ang mga mata ko. Hindi ko rin siya itinulak. Naramdaman ko na lamang na nakapulupot na ang mga braso niya sa bewang ko. Ang mga tuso ko namang kamay ay pumatong na lamang bigla sa batok niya. Hinitay kong lumapat ang labi niya sa labi ko.
Nagitla ako at napamulat, napabalik sa huwisyo nang may marinig akong yabag ng paa. Papunta sa direksyon namin ang tunog nito. Tumingin ako kay Joshuan na nakatingin pa rin pala sa akin at nakangisi.
Hala? Hindi ba't papikit na siya kanina? Bakit nakamulat na siya ngayon at nakangisi pa ng pagkalaki-laki? Niloko lang ba niya akong pipikit siya?! Lintek! Nakuha niya ako doon, ah! Nakakahiya ka, Therese!
"I-Itayo mo na a-ako. May paparating na t-tao. He or she might get the w-wrong idea," kandautal na sabi niya. Lalo namang lumakas ang yabag ng mga paa. Itatayo na sana niya ako ngunit bigla na lamang kaming may narinig na parang nahulog sa may pinto. Napalingon kami doon at nanlaki ang mga mata nang makita si Mathilda na nanlalaki din ang mga mata. Ang bunganga niya ay nakaawang pa. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Oh, my G! What the hell are you two doing?!" she asked, shocked.
"N-Nothing!" mabilis pa sa pagtibok ng puso ko na depensa ko. Inalis ko na ang mga kamay kong nakapatong sa batok ni Joshuan, na akala ko ay natanggal ko na kanina, at tinanggal ang nakapulupot na mga kamay niya sa bewang ko at tumayo na. Nanatiling nakaluhod pa rin si Joshuan habang nakangisi pa rin, but it is least of my concern right now. Ang pinoproblema ko ay si Mathilda. Paniguradong nasaktan siya sa nakita niya. As she have said before, she told me that Joshuan is the only person who never cheated on her yet she saw us in that position. I swear! She got the wrong idea!
"M-Mathilda, I am s-sorry. Nothing happened! I swear to God! Ask Joshuan if you don't trust me since sabi mo naman sa akin noon ay siya lang ang hindi nanloloko sa iyo," paliwanag ko sa kanya habang naiiyak na. I know that she considered me as her friend yet she saw that. Parang sinira ko lang ang tiwalang ibinigay niya sa akin. God! So stupid of you, Therese!
She turned her gaze to Joshuan who just stood up.
"JD, what happened here?!" nanlilisik ang matang tanong niya. Nagulat pa ako dahil hindi ko pa siya nakitang ganito kagalit noon.
"I kissed her," he answered and crossed his arms across his chest. He then turned his gaze to me and winked, but it was, again, least of my concern right now because he just saud that he kissed me!
"He never did that, Math! Believe me!" singit ko sa usapan nila. Lumapit ako kay Mathilda na hanggang ngayon ay nasa may pintuan pa rin at hinawakan siya sa braso ngunit agad niya itong tinabig. Naglakad siya na parang walang buhay papunta sa kinaroroonan ni Joshuan at yumakap dito. Tanging likod na lamang niya ang ang nakikita ko.
"I believe you more than her, JD. And because I love you, I forgive you. Kiss her every time you wish to if it makes you happy. I promise I won't be miserable, JD," aniya sabay halik sa pisngi nito.
Hindi na niya hinintay pang sumagot si Joshuan. Muli siyang humarap sa may pintuan kung saan ako nakatayo. Naglakad na siya papalabas habang may mga luhang na nag-uunahang tumulo sa mga mata niya. Hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin. No doubt, she hates me and resents me a lot because of what happened. Specifically because of Joshuan! Darn this handsome thing!
"JOSHUAN!" sigaw ko at naglakad papalapit sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis na ikinangisi niya.
"Did you hear her? She said that I may kiss you whenever I want to, right? Should I kiss you now?" nakangising aniya. Hindi ako nagsalita bagkus ay nginitian ko lamang siya.
Smile, Joshuan. SMILE!
As soon as I saw his lips form a curve, I slapped his face hard.
"And that's what you get for being such an asshole," galit na sabi ko sabay talikod. Tinawag niya ang pangalan ko dahil hindi pa daw kami tapos magpractice ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Sa halip ay lumabas na ako at umuwi na sa bahay.
As usual, wala akong nadatnang tao sa bahay kaya naman hindi na ako kumain pa. Agad na akong dumiretso sa kwarto ko, nag-shower at nahiga na.
What the hell did just happen? Friendship over na ba kami ni Mathilda? Bakit ganoon ang kinahinatnan ng practice namin? Aish! Practice gone wrong again! Ni hindi na rin ako nakapag-practice for my solo. Hayst! Bahala na bukas!
#