webnovel

Chapter 78 Handsomely

((( Monina POV's )))

Clueless ako kung saan ba nila ako dadalhin. Sa gandan pa naman ng dress ko kala mo kung saang coronation ako pupunta.

Sa gara ng sasakyan, walang umiimik. Si Secretary Lee ang nagmamaneho habang kami ni Mr. Mayak ang lawak ng agwat. Tipong maari pang tatlo ang maupo sa pagitan namin.

Layo-layo dahil alam naman natin kung saan dapat siyadadalhin.

Mental hospital.

Napaharap ako sa kanya. Nakasandal at nakapikit na parang tatlong araw na lang ang buhay niya sa mundo.

Talagang bumagay ang pormahan naming dalawa. Navy blue sout niya na bagay na bagay sa peach color ng dress ko. Hahaha. Maka-"ko" parang sa akin ang damit na ito. Siguro kay Rhoa.

Pagkatapos ata nito may balak na silang i-uwi ako diba? Sa totoo kidnapping ang ginagawa nila. Kapag ako talaga nakakita ng Pulis, isusumbong ko sila. Pero mabait naman si Secretary Lee. Ang kahina-hinala lang naman si Manyak na ang lalim ng iniisip.

Wag naman pag-isipan ako ng kung ano. Baka makatikim siya sa akin ng isang mapait na karanasan. Wag ako Mr. Manyak. Dahil kapag may nangyari sa akin. Putol lang naman ang pagkalalaki mo. Ahahaha.

Ang ginagawa ng mga babae sa India noong kasagsagan ng dark days din ng mga babae noon. Marami ang mga manyak na lalaki, saka nangangahasa ng babae. Nilalagyan nila ng patalim hiyas. Ano Mr Manyak? Gusto mo matry?

Wag ngayon dahil di ko pa na-instal. Saka, di pa naman ako nag-oorder noon. Hahaha.

Nakita kong tinapunan kami ng paningin ni Secretary Lee. Ngumiti ako sa kanya. May pakindat. Napangiti na lang din sa akin. Kasi ang seryoso talaga ng katabi ko. Wala man lang mapagtripan.

Inilapit ko ang mukha ko kay Secretary Lee. Ewan kung pabulong pa ba ang boses ko.

"Saan kami pupunta ng Mayak?"

At ang itinugon sa akin, nakangiting sinasabi na manahimik na lang ako. "Shhh."

Kaya napasandal na din ako sa upuan.

Siguraduhin lang nila na ibalik ang camera ko. Mga tao na biglang gumulo ng mundo kong pung ng schedule at ginagawa. Alam ba nilang busy ako? Di man lang ba sila concern sa isang breadwinner na kagaya ko?

"Uwi na ako pagkatapos nito." deklara ko. Ang sumalungat putol ang ulo sa akin.

Nang marinig ko nga ang ulol na Manyak. Napa-Tss.

Lumingon ako sa kanya. Okey lang salubungin ang mga mata niya na kala mo naman kaya mamatay ako sa talim ng mga mata niya.

Parang bulaklak ngang bumukas ang mata nito. Nagkasalubungan kami ng paningin. Sinadya ko talaga.

Ngunit, bigla akong nakaramdam ng pamumula nang aking pisngi. Mapapalunok ka na lang talaga ng laway. Para akong nakatitig sa isang anghel, na seryoso nga pero, maiihi ka sa sobrang ganda ng lalaki nito.

Ako ang sumuko sa titigan namin.

"Secretary Lee tell her kung hangang kailan ang dapat na serbisyo niya sa akin."

Napatitig na lang ako kay Secretary Lee. Ngumiti. Para lang mawala ang blush mode ko. Muntikan na ako doon. Wag mo sasabihin sarili ko na mahuhulog tayo sa lalaking katabi mo.

Nangako ka sa sarili na, siya ang huling lalaki na papatulan mo!

Ahh. Di pa naman ako handang mainlove. Ahaha. Wag ako Mr. Manyak. Nagulat lang ata ako sa sarili ko. Pasensya na talaga. Puso ko na kumakabog na di ko nga marinig ang sinasabi ni Secretary Lee.

Hangang sa magising ako.

"You sign the contract Miss Monina, that's means kailangan mong gawin ang part mo."

"Kontrata?! Di yun joke?!"

Napangiti sa akin si Secretary Lee. Sabay iling.

Napaharap ako ng dis-oras kay Mr. Manyak.

"Ang Manyak mo talaga!" isang malakas sanang batok, kaya lang bago pa man lumanding sa kanya ang mapanakit kong kamay, parang si Superman niyang pinigilan kamay ko.

Galit ang kanyang mga mata. Parang ang dami kong kasalanan sa kanya. O sadyang galit lang ito sa mundo. Bakit ako dinadamay niya? Siya na nga itong binigyan ko ng title na Manyak diba?

Wait lang Monina. Infairness ang lapit mo na sa kanya. Naamoy mo na ba ang amoy niya? Ang bango no? Nakakalalaki masyado. Nakakatempt. Mukha niyang perpekto na wala man lang pagkakamaling ginawa sa kanya ang diyos. Sana lahat ganito kagwapo diba?

Masyadong nakakalaglag ng…

Di ko aakalain na nakatitig lang ako sa mukha nito. Hangang sa pinilipit niya kamay ko.

"A-arrayyy!"

"Tss." at patapon nitong binitiwan.

Aray. Gwapo na nga at parang ang lakas pa ng pangangatawan.

Papa God, ano po ba ang weakness niya? Di naman po ata siya si Achilles na heel yung weakness. Haist!

Kaya napadistansya ako sa kanya.

Hi Readers!

Thank you so much sa supporta. ?

Please do vote this Novel. ?Love this novel. Recommend to other ?

Review and Comment!

International_Pencreators' thoughts
ตอนถัดไป