webnovel

Chapter 73 You may Leave

((( Monina POV's )))

Di na ako kinakausap ng kausap ko. Napatitig na lamang ako sa inabot niya. Saka nga binasa ko. Ang daming pages! Nanlalabo na din ang mata ko dahil puyat na rin ako.

"Ibaba mo na ang camera ko." hamon ko kay Secretary Lee. Na siyang kinuha ko na nga ang ballpen. Napapindot para lumabas yung panulat.

Nilapag na nga niya malapit sa akin. At pipirma ako dahil para sa kaligtasan ni Caroline. Pumirma na nga ako para matapos na ito.

Lover pala para mapatunayan sa kapatid niya na di na ako available para dito. Sa daming maaring maisip, kuya gwapo ng kapatid mo… bakit sa ganito pang paraan. Ang daming kailangan pirmahan.

Pagkapirma ko, nagulat na lamang ako ng hinila kaagad ito sa akin ni Secretary Lee.

Napabuntong hininga na lamang ako. At padabog na inilapag yung ballpen sa mesa.

"Dapat sa mga boss na sira ulo Secretary Lee, iniiwanan. Uwi na ako." tayo ko.

"Miss Monina. Marami pa tayong kailangan pag-usapan."

Tumaas ang kilay ko?

"Ipakain mo na yang papel sa kapatid niyang Dominic para maniwala itong wala akong interest sa kanya."

Muli na naman sa akin ngumiti ang secretarya.

"Asahan mo magkikita pa tayo ulit Miss Monina."

"Kahit wag na." irritable na nga ako. Ang sakit na talaga ng ulo ko.

Dumating si Rhoa. May dala itong inumin at nakangiting inabot sa akin.

"Thank you." uhaw na talaga ako.

Ngunit ng mainom ko. Biglang umikot ang paningin ko. Napahawak sa mesa saka nawalan ako ng malay na naramdaman ko na lang may sumalo sa akin.

((( Secretary Lee POV's )))

"Utos ni Master Cedrick. Wag daw muna siya pauwiin." saka lumapit na ang tauhan nito sa amin at kinuha nga sa akin si Miss Monina. "Tsk. Tapos ako pa ang naatasan na mag-alaga sa babaing yun."

"Change of job description, Rhoa."

"Alam mo maniniwala na ako sa sinasabi ng babae kanina. Sira na ata ang ulo ni Master Cedrick para magpatuloy ng sira ulo dito." huli niyang sabi na halos d parin makapaniwala. Tumalikod na at napasunod sa kasamahan.

Napatingala ako sa terrace at senenyasan ako nitong puntahan ko siya. Kailangan ko din ibigay ang documenting ito sa kanya.

Nadatnana ko siyang pinaglalaruan ang alak na nasa loob ng baso nito. Tahimik kong inabot sa kanya. Saka ng makita ang mga pirma nga ni Miss Monina.

"Tell my brother that he can't touch my woman."

Naghahamon ba siya ng digmaan sa pagitan ng kapatid niya?

"I will Master Cedrick."

"You may leave."

ตอนถัดไป