webnovel

Chapter 65 Don't dare

((( Monina POV's )))

"Hoy Kuya Manyak." tumaas ang kilay ng babae. Dahil ayaw nito ako palapitin kay Kuya Manyak. Kinuha ko ang kamay nito saka sinaksak sa palad nito ang cheque.

"Ibalik mo sa amo mong manyak. Paharang-harang ka pa. Di ko kailangan ang pera niya!" talikod ko na tinapunan ko nga ng titig si Manyak na nasamid ang iniinom nito. Very good. Atleast karma na yung gumaganti para sa akin.

Nang bubuksan ko na yung pinto, di ko mabuksan. Napalingon ako sa kanila na lumapit na nga yung babae sa boss nito. Binigay yung cheque at tinitigan ako.

"Yan ang pinasok mong pera sa account ko diba? Wala akong maisip kung sino ang maaring gumawa niyan. Kundi kayong magkapatid. Wala kayong utang sa akin para tumangap ako niyan. Ayoko din makisali kung ang krimen niyo ngang ginagawa Money Laundering. Lubayan niyo ang bank account ko!" dilat mata na sana makisama ang kidlat para maganda ang effect.

"Kulang pa ba ito?" tanong niya sa akin. "Tawagin mo si Secretary Lee." utos niya nga sa maangas na katulong. Kala mo naman nakikipag-compete ako sa katarayan niya. Dinaanan ako na may pahabol ngang ngising aso para sa akin.

Ang dali lang niyang nabuksan yung pinto. Sasabay na sana ako ng sinarhan ako nito ulit.

Kaya napaharap ako kay Kuya manyak.

"Manyak. Magkalinawan nga tayo. Kung binabayaran mo yung first kiss ko. Priceless yun. Ang magagawa mo lang kalimutan yun!"

"Wanna die."

"Oo, pwede mo pala akong patayin dito. Pero, may karma ka din ata."

"First kiss. Tss. Magkano ang gusto mo para lubayan ang kapatid ko."

Teka? Diba sa teleserye ang mga gumagawa nito ay mga malditang nanay o lola. Basta mga babae. Pero sa nangyayari ngayon sa akin. Isang lalaki at kapatid.

"Sa tingin mo ba kilala ko ang kapatid mo? Wow. Wala nga akong malay na may naiinlove na pala sa akin. Ito kuya manyak ang itaga mo sa bato. Hinding-hindi ako papatol sa mga lalaking kayabangan ng pera ang pananga nila. Pakisabu din sa kapatid mo na, wala akong interest sa kanya. Di ko nga siya kilala."

Talikod ko. Na labi ko… ang gwapo kaya ni Kuya gwapo. Diyos ko po, isa din siya sa magigig source of income ko. Tiyak marami ang humahabol at nagpapansin sa kanyang babae. Sayang ng pera kung magkakagalit nga kami. Kaya napaharap ulit ako kay Kuya Manyak.

"Okey na sa akin na magkakilala kami odalhin na natin sa upper level, magkaibigan?" na may ngiti sa labi ko. Ako itong nakikipag deal sa kanya diba?

Ngunit halos mapalunok ako ng laway na lumala ang expression ng mukha niya. Napatayo ito. Saka pinunit ang cheque na yun nga ang patunay na binabalik ko yung pera. Ibig lang sabihin noon, wala na siyang paki-alam sa halagang yun. Ang laki noon!

"Di ko na yan kasalanan ha." Ngumisi sa akin at para ngang confetti na pinaulan sa harapan ko. Nakalapit siya sa akin.

"Kayabangan ng pera ang pananga namin?" pag-uulit nito sa sinabi ko sa kanya. "Bakit Miss, may kayabangan ka rin ba? Anong pinagmamayaban mo?" lapit ng labi nito sa tenga ko na parang dinala sa ilalim ng paa ko ang yelong territoryo ng Alaska.

"Para kang basura sa akin na madali lang iligpit. Wala ka ba talagang interest sa kapatid ko?"

"Wala Kuya Manyak!" sagot ko na. Tss. Gusto ko nang umuwi lalo na nga nasilip ko sa bintana parang gabi na.

"Prove it to me na wala kang gusto sa kapatid ko."

"Huh? Bakit ko naman pag-aaksayahan ng oras ang bagay na yan?!"

"I heard ypur sister nasa ibang bansa ngayon."

"Kuya Manyak. Wag mong idadamay ang pamilya ko dito."

"My brother is only family I have. Kaya nga hangang maari Miss, nilalayo ko siya sa mga taong peke lang naman ang pakikitungo sa kanya. Ayokong masaktan siya."

"Wow. Ang abnormal level naman ng proteksyon mo sa kapatid mo."

"Yeah. At kung ayaw mong may mangyaring masama sa kapatid mo. I'll give you two weeks to prove me na wala ka nga sa kanyang interest."

"Kuya! Ako na ang nagsasabi sayo na wala akong interest sa kanya. At saka baka nagkakamali ka lang sa nalaman mong may gusto ako sa kanya!" bulyaw ko na biglang bumukas ang pinto at sumulpot na nga yung kasama niya palagi.

Secretary Lee ang pangalan nito, ayon na rin sa narinig ko kanina. Si Kuya na may utang sa akin na full tank na gasolina.

"Ah basta. Yapos na ako dito. Pareho tayo nagsasayang ng mga oras. Busy akong tao at wag na wag mong pagbabantaan kapatid ko." dilat mata.

"Secretary Lee, gumawa ka ng paraan para maaksidente ang kapatid niya during her performance." na di ko napigilan hinila ko ang collar ng damit niya.

Wow. Ang lakas ko. Ngunit agad kumilos ang kamay niya para mabitiwan ko ito ng walang sa isang segundong hawak. Naalarma din yung babae ngunit siya mismo ang humawak ng kamay nito sa bantang pananakit sa akin.

Binitiwan niya kamay ko, binitiwan din nito ang kamay ng babae. Naramdaman ko ang lakas ng kamay niya.

ตอนถัดไป