((( Monina POV's )))
"Mocha lang sa akin." sabi ko nga sa waitress na humihingi ng order namin ni Justin Sy.
Produckto ko, naging ka-close ko. Wag mong hahayaan na masira mukha mo. Tapos, maintain your status na marami kang pinapa-fall. Para tiba-tiba ang perang dumating sa akin.
"How about you Sir?" na eleganteng napasenyas ito ng kamay na wala siyang order. Tsk. Nakatitig lang ang mata sa akin, may ngiti sa kanyang mga labi.
"Ako na lang magbabayad no'ng order ko." Nginisian niya ako.
Sa di naman kita tinitake advantage. Kumikita ako ng dahil sayo. Kaya nga kung umurder k asana eh, libre na kita.
"I don't mind na ako ang magbayad noon. Since ako naman ang nangyaya sayo."
"Wag kang mag-alala. May sarili din naman akong pera."
"Nice." Habang kayo, asang-asa sa bank account ng magulang niyo.
"Asaan yung kaibigan mo?"
"Wala siya dito. Actually sabi ko sa kanya, kakausapin kita para nga mareserve ang puso mo para sa kanya."
"Ang romantic mo para sa isang kaibigan. Sa tingin mo Easy to get ako. Alam kong ikaw lang naman yung may gusto sa akin eh! Palusot mo lang na may gusto sa akin ang kaibigan mong di naman nag-exist sa mundong ito."
"Grabe. Ayaw maniwala. Actually Miss Monina, nagbackground check na kita. Yung kinuha mong larawan sa akin, ibenenta mo sa isang sophomore."
Ayan na Monina. Taas noo pa kasi. Huli ka tuloy. Sa lakas pa naman ng impluwensya ng pera nila. Walang privacy yung taong mapagtitripan nila.
Napatango ako. Thank you na lang din dahil binigyan ako ng pag-asa dahil sa perang dumating sa akin.
Speaking of perang dumating sa akin… yung cheque na tinatago ko nga ngayon sa akin. Sa hospital… kilala ni Justin Sy si Kuya Gwapo.
"Ano Justin, yung kinunan kita ng picture sa araw na yun…" napapahalukay sa bag. Hinanap camera ko. Nilabas ko nga.
"Yung mga bisita mo. Alam mo ba kung saan ito nakatira? Sino siya?" pakita ko ng larawan sa kanya. Yung nakatalikod.
"Ah. Si Dominic nga."
"Dominic?"
"Yung may gusto sayo. Miss, di ako magkakagusto sa babae na gusto ng kaibigan ko. Na love at first sight ata sayo." at natawa.
Rich kid nga. Kaya ganito na lang kung paano magpakawala ng perang di naman nila pinaghihirapan.
"Saan siya nakatira?! Bigay mo ang address sa akin."
"Bakit?"
"May ibabalik lang ako sa kanya."
"Wala sa bansa si Dominic."
"Ahh. Ang ibig lang sabihin nito ang magaling niyang kapatid ang may gawa nito. Ihatid mo ako sa kanya."
"Teka lang."
"Ihatid mo ako sa kapatid ng Dominic na yan. Ang dami na ng kasalanan ng magkapatid na yan sa akin!"
Na napalingon sa amin lahat ng tao sa loob. Di lang pala kami ang tao dito. Sorry na.
"Please, Mr. Justin Sy." mahinang boses ko. Napatango na lang ito dahil nadala sa sinabi ko.