webnovel

Chapter 51 Her bank Account

((( Monina POV's )))

Nadaanan ko yung computershop. Kailangan ko din I check through email ang kapatid ko na tatlong araw na lang uuwi na siya kung di nga kasali sa championship. ang bad ko naman kung ganoon ang ipapanalangin ko para sa aking kapatid. Syempre kapatid kita Caroline alam kong dalawang linggo pa kami maghihintay sayo dahil i-uuwi mo yung trophy diba?

Sige supporta ang Ate.

Napareply sa kanya na di nga kami nahahalata ni Papa na wala si Caroline dahil ako itong napapakunwaring sumasayaw. Pareho pa namang kaliwa ang paa ko. Haist.

Nadidisgrasya pa ako sa sofa kapag nagkakamali landing ko. Ako mababalian ng paa kapag tumagal pa ito.

Pero sa huli ng reply ko. Andoon parin ang paalala na umingat. Wala ang Ate Monina kapag may mang-away man sa kanya at syempre ang kapatid niyang dalawa na sa tiyan pa lang magkasama na sila.

Mahal ka ni Ate. Chanak Caroline.

Pagkatapos, may natira pa akong oras, napahanap na nga ng information tungkol kay dr. Alucard. marunong naman ako magbasa kung legit ba yung news or sadyang fake.

Di nga liable sourse si Wiki dahil na eedit. Pero habang tumatagal, maganda nadin siya pagkunan ng chismis. Hahaha.

Dr. Alucard.

Ang daming result ngunit pagdating sa mga image ang lalayo naman ng result. Wala siyang mukha, kundi mga nagkukunwari atang Dr. Alucard.

Yung isang image may hawak na scythe ni kamatayan. Alucard sound drakula. Parang vampire.

According nga sa result, tuwing kabilugan ng buwan sinasagawa niya ang matagumpay na surgical operation. Mapakomplikado mang organs ng mga tao. Pati ata patay na mabubuhay pa niya. Hehe. Fake news ito.

Pero saan nga ba ako kukuha ng impormation tungkol sa kanya.

Napaisip ako. At tada… yung hospital na sinasagawaan niya ng operation!

Nabasa ko sa article, yung hospital na naconfine si Justine Sy. Wu Medical Institute. WMI.

Napasearch nga ako tungkol sa hospital.

Limit lang yung information. Basic, like emergency hotline… address, mission, vission.

okey. Basta yung hospital na muang yun. Kailan ba ang full moon ulit?

Tingin ko sa calendar. Dalawang linggo pa. Uuwi na din si Caroline.

Di ko alam kung anong oras nga ba ang surgical operation niya. Kaya parang kailangan ko maghintay ng boung araw sa hospital. Ang hirap pa naman doon makalusot sa mga security. Haist.

Pauwi na ako. nang kailangan ko ipasok yung pera sa bank account ko. Yung downpayment na binigay sa akin. Dumaan ako sa isang convenient store para mag pa cash in.

Nang ma-icash in ako. Tinignan ko na balance ko…

Na halos nabitawan ko yung card ko dahil… labing dalawang bilog ang nakikita ko. Ano ito? Di ba ito system error lang?! Ang kunti lang naman ng pinasok kong pera ah?!

Jusko po! Ano ito.

Monina. Di tamang ariin mo ito! Paano na lang kung nagkamali lang yung banko? Tapos babawiin sayo. tapos ginasta mo na? O diba? Libre lang papunta sa kulungan.

Teka. Napailing ako.

Dahil pumasok sa aking isipan ang ngisi ng demonyong yun. Ah… Ayaw na ng cash. Kundi direct sa bank account ko.

Humanda sa akin ang kapatid ni Kuya Gwapo. Sa nakaka-insulto na sila. Oo na! Sila na mayaman! Please lang! Wag ako itong pinaglalaruan nila.

Tuloy… nanginig kama ko dahil nga sa laman ng ATM Card ko.

Parang mahihimatay ako.,

Monina, di ka nanalo. At di mo yan pera.

Sinusubukan talaga nila ako! Magpakita lang yang si Kuya Gwapo…

Natigilan ako…

Si Kuya Gwapo na kaibigan ni Justin Sy at ito lang ang nakikita ko.

Napangisi ako. Saan ka nga nakatira Justin Sy?!

Saan pa nga ba Monina sa mga exclusive subdivision na mahirap pasukin. Gusto mo pumasok roon?

Mga bomb wire doon… instant letchon ang abot mo.

Well, sa school ko na lang siya kakausapin.

ตอนถัดไป