webnovel

Chapter 39 Be Guardian and Responsible

((( Monina POV's )))

Nahihirapan kaming magkakapatid. Umakting na andito si Caroline.

"Di'ba Caroline." at ang magsasalita si Catriona na mapapamimik sa boses nito.

Tumango lang siya.

"Wala ka na bang boses para tanguan mo lang ako."

"Mal-la-man-."

"malamon ka masyado."

Syempre nakikinig si Papa. Ang galing ng aktingan namin. Hangang sa nagpahinga na nga si Papa.

Sa silid namin, binuksan ni Carolina yung laptop na ginagamit noon ni Papa para mag-edit nga sa Photoshop.

Napasearch nga tungkol sa Dance Shool International Contest.

At napahiyaw kami ng isalang na nga sa Caroline. Kapatid ko yan!

"Go sissyy!"

Isang sway dance na halo-halo nga kasama ang kapareha niya. Ang galing. Ngiting ngiti ang kapatid ko. Ganyan nga! Laban kapatid!

Nang makapasok siya sa Semi-finals!

Napatalon talon kaming apat. Hangang sa may kumatok.

Binuksan ko. At agad na itiklop ni Cathriona yung laptop.

"Ano pinapanuod niyo?"

"Ah Pa. FIBA Champion po."

Saka nga napatango-tango siya at napa-alalay ako na ibalik ito sa silid nito.

Bumalik ako sa silid namin.

"Shhh… Wag tayong pahalata. Kundi patay tayong apat."

"Ate."

Napalingon naman ako sa kay Cathriona. "Kumuha na ako ng screening sheet. Sasali ako sa Beauty pageant."saka nga tumayo siya at may kinuha sa drawer.

Kawawa naman ang mga kapatid ko ang tataas ng pangarap. At alam kong di papaya nito si Papa.

"Seryoso ka dito."

"Please ate." na kanina pa nga ata siya humuhuli ng tamang pagkakataon.

"Sayang ng ganda ko oh."

"Maganda nga. Wala namang utak." si Carolina.

"Oy meron kaya."

"Psst! Wag kayong mag-away. Dapat sa magkakapatid, laging sinusuportahan ang isat-isa. Tayo ang magkakampi dito Cathriona, baka may gastusin tayo."

"Wag kang mag-alala ate, may sponsor ako."

"Sponsor? Sino?"

"Secret."

"Anong secret. Dapat makilala ko siya."

"Ate naman. Ayaw mo ata ako payagan."

"Alam mo Cathriona. Hindi na uso ngayon ang ibang tao na tumulong sayo na walang kapalit. Gusto ko siya makilala."

Napabuntong hininga si Catriona. Pout na lang din ang itinugon sa akin pbago nga napadive sa higaan nito.

Kailangan ko parin masigurado kaligtasan niyo. Sa totoo lang kinakabahan ako kay Caroline. Sana umuwi na siya.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter