webnovel

Chapter 8 Get Out

((( MONINA POV's )))

Ano yun?

Bago pa man nga nila ako mahuli agad akong nakababa. Ngunit sugat naman sa binti ang nakuha ko dahil sa pagmamadali ko.

Nakalabas na ako ng hospital, bago pa man nga maalarma sila.

Ewan kung ano nga ba ang nangyari? Pero marunong ako magsense ng panganib.

Panaganib na baka makulong ako sa ginagawa ko ngang to. Nagbebenta ako ng larawan na di alam ng mga subject ko. Sa piece of art sila sa mundong ito. Their beauty is money. Hahaha.

Awwww… Ang hapdi masyado.

Ngunit kailangan ko magmadali dahil nga may klase pa ako.

Pagdating ko sa school… tiis hapdi. Padating ang pera kapag nakita ko nga ang cliente ko mamaya.

Napasilip ako sa pinto ng classroom namin. Napapikit ako dahil nagsisimula na yung klase at halos fifteen minutes late ako.

Kaya naman dahan dahan akong pumasok na di napapansin ng strikta naming professor na nagtuturo lang naman sa minor subject pero masyadong pa-major.

Nakarating nga ako sa upuan ko at napangiti sa akin si Stella.

Success na sana ng… ang traydor talaga ng babaeng to!

"Ma'am." napalingon sa amin yung professor. "I think merong tanong si Ms. Alvarez."

Kitams. May problema nga ang babaing to sa akin.

"Miss Monina Alvarez. paanong may tanong ka kung kakarating mo lang? Get out!" bulyaw nga sa akin ng pinakastrikta na may issue namang professor sa campus. Buntis siya, at single.

Tss. Kung alam mo lang Ma'am ikaw ang pinagchichismisan ng Stellang to sa boung campus.

Lumabas nga ako. Okey yung umaga ko… badtrip lang talaga ang sumunod na mga eksena. Pero Papa God di po ako nagrereklamo.

@International_Pen

Please Do Vote

ตอนถัดไป