@International_Pen
((( Secretary Lee POV's )))
"About Young Master Dominic Wu. He is doing great on his study. At wala parin siyang balak na umalis sa pinapasukan."
"Hard-headed. Tss."
Pumapasok ang kapatid niya sa isang public university. Kumukuha ng kursong medicina dahil nga nangaling sila sa pamilyang lahat naman doctor or scientist. Yun ang mga hilig nila. Di na ata mawawala sa dugo nila.
Di parin mapilit ang kapatid niya na umalis sa pinapasukan nito.
Nag-aalala si Master Cedrick dahil sa pamilya nila, silang dalawa ang na-iwan sa mundong ito, matapos ang trahedya.
Sa nabalitaan ko, sinisisi siya ng kapatid niya kung bakit nangyari ang bangungot nilang dalawa.
Simula din ng trahedyang, isang beses lang sila nagkita. Di na muling naulit pa halos sampung taon ang lumipas.
He just hated him.
Ngunit nag-aalala sa kanya si Master Cedrick. Kaya sa ayaw o gusto, pinaligiran nito ang kapatid ng mga bantay. Even a spy. Di nito alam ang ilang kamag-aralan niya ay bantay para sa kanya.
I don't know kung di pa nga niya alam. I heard na tatanga-tanga sa klase ang mga bantay na nagbabalatkayo bilang studyante.
Halata din naman na naiintindihan ni Master Cedrick ang kapatid niya. gusto nitong lumayo sa kanilang pamilya. Maging malaya.
"Rest assured. Safe ang kapatid ninyo."
Heto na ang pinaka-mahirap. Tungkol sa nangyari sampung taon ang nakakaraan. Wala paring progress ang inbestigasyon tungkol ng sa trahedya. Wala parin...
"About the investigation." napatitig siya sa akin.
Ang mga mata ng lion na ikinayuko ko.
"Don't tell me na wala parin."
"Wala nga Master Cedrick."
"That's bulshit Secretary Lee! It's almost ten years! Wala parin silang nalalaman?!"
Kalmado nga ang malamig na boses niya, ngunit parang lion naman ang boses nito kapag di kaaya-aya ang naririnig.
"Master Cedrick, tinitignan nila ang angulo ng mga nakasurvive nga noon sa trahedya."
"I heard that already. Mga bulshit na negosyante lang ang nakaligtas noon."
"Nasa listahan na nga sila ng mga suspects but as they dig deeper sa mga records noon sa ilang hospital na sinugod ang mga nabiktima. We find out na my isang photographer na nakaligtas. Ngunit matapos ang pangagamot sa kanya may tumakas o tumakas ito."
Mukha ni Master Cedrick, kailangan ko pa magsalita. At wag ko siyang ibibitin sa impormasyon.
"Who's that photographer?"
"We don't have any details to him. Dahil, di siya kabilang sa mga kinuha niyo noon. He is part of the media. Kaya nga maraming trabaho ang investigator para alamin kung sino-sino bang media industry ang naroroon sa araw na yun. They are doing their job Master Cedrick. Tracking every guest and gate crasher."
"Find that photographer kung makakatulong nga sa imbestigasyon."
"Yes Master Cedrick." na di ko alam kung inuutusan ba niya ako. O yung mga inbestigador.
"You can go." tanging huling mga salita nito sa akin ng ipinikit ang mga mata.
Umalis na nga ako sa kanyang harapan. Sumisilip na ang buwan na parang buo ito, pero bukas pa nga magiging bilog ito ng husto.
Bilang secretarya nga niya, kailangan kong kilalanin ng husto si Master Cedrick kung gusto ko tumagal sa trabaho.
Habang tumatagal, lalo ko siyang nakilala.
Halos sa loob ng limang taon, he is the man na binabalot ng poot, paghihinagpis at higit sa lahat pangungulila sa kanyang asawa. Si Vanessa.
Balita ko nagdadalang tao ito ng mangyari ang trahedya. Kaya siguro napakatigas ng puso ni Master Cedrick ngayon.
Sa tagal ng sampung taon na pinalipas niya, di nga siya nagmahal pa.
I wonder kung kailan siya makakalaya sa nakaraan niya. He just wasting his time dealing with the past.
@International_Pen
Please Vote and Support