webnovel

Chapter Five

   Naalimpungatan si Serene ng marinig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Bahagya siyang nagulat ng matagpuan ang sarili sa kama. Basa pa rin ng luha ang kanyang mga mata.

'Sana panaginip lang ang lahat.' Bulong niya sa kanyang sarili.

Pinilit niyang tumayo kahit na hinang-hina ang kanyang mga tuhod. She reached for the chair. Kailangan niya ng makakapitan kundi ay muli siyang babagsak.

"So, you're awake."

Nilingon niya ang bagong ligo na asawa. Nakatapis lamang ito ng tuwalya habang nakatayo sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung paano o kung saan magsisimula. Kung anong itatanong o sasabihin rito.

"B-Bakit?" Iyon ang unang salitang pumasok sa isip niya. At kusa iyong lumabas sa kanyang bibig.

Sa halip na sumagot ay tinawanan lamang siya nito.

"B-Bakit mo ginawa sakin 'to, Axel?" Nanginginig ang kanyang boses.

"My brother asked you the same question years ago, Serene. I bet you know the answer."

Tears started to ran down her face. Hindi na yata siya mauubusan ng luha. "Pinatay mo na lang sana ako."

"Don't worry, I will. And I'll do it slowly." Isinuot nito ang mamahaling relo na nakapatong sa side table.

Pinagmasdan niya si Axel. Ibang-iba ito sa Axel na nakilala niya sa club. Sa Axel na pinakasalan niya. This one was cold and heartless. Kitang-kita niya iyon sa mga tingin nito pati na sa mga binibitawan nitong salita.

"Sabi mo, gagawin mo ang lahat para makabawi kay Jacob, hindi ba?" Anito. "Pwes, simulan mo ng pagbayaran ang kasalan mo, Serene."

"Bakit hindi na lang si Kayleigh ang pinakasalan mo? Bakit kailangan niyo pang mas guluhin ang buhay ko?" Her shoulders were shaking. Hindi rin mapakali ang kanyang mga kamay.

"Alam mo, hindi ako naniniwala na bobo ka. Pero bobo ka pala talaga?" Saka ito tumawa. "Okay. I'll explain it you. Tatagalugin ko na para mas maintindihan mo."

Narinig niyang bumuntong-hininga ito.

"Masaya kami, Serene. Masaya ang pamilya namin. At alam mo ba kung gaano kasaya ang umuwi sa isang bahay na punung-puno ng pagmamahal? Yung uuwi ka, daratnan mo ang Nanay mo na nakangiti habang nagaasikaso ng hapunan. Habang ang Tatay mo, tahimik na nanunuod ng basketball sa sala. Pero dahil sa'yo, nasira ang pamilya ko. Naiintindihan mo ba 'yon? Ikaw ang sumira ng pamilya ko Serene!" He shouted angrily at her.

Maya-maya'y ibinato nito sa mukha niya ang mga litrato ni Jacob. Mga litratong kinuhanan noong tumalon ito mula sa itaas ng building. Halos hindi na makilala ang mukha nito habang walang buhay na nakaratay sa semento.

"Tignan mo!"

Umiiyak at nanginginig niyang dinampot ang mga litratong iyon.

"Now, tell me. How could I ever forgive the person who did this to my brother and to my family?"

"Axel, please …" Ibinagsak niya ang sarili sa sahig saka siya lumuhod sa harapan nito. "Huwag mo namang gawin sakin 'to."

But Axel showed no mercy on her. Walang awa siya nitong sinipa palayo. "Don't touch me! Nandidiri ako sa'yo!"

Halos mahubaran rin siya ng tumalsik siya sa ilalim ng mesa. Pero hindi niya ininda ang itsura niya maging ang ginawa nitong pagsipa sa kanya. Muli siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito. Muli siyang nagmakaawa.

Pero sa pagkakataong iyon ay yumuko siya at dinampian ng halik ang mga paa nito.

"Axel, nagmamakaawa ako sa'yo. Patayin mo na lang ako. H-Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin." She had been through a lot. Baka hindi na niya kayanin pa kung muli niyang pagdadaanan ang hirap at sakit.

Ngayon, muling nagmamakaawa at nakikiusap si Serene sa isang Buenavidez. Nagmamakaawa siya, hindi para pigilan itong magpakamatay kundi para pigilan ang pagpatay nito sa kanyang puso.

"Get dressed. Mom is waiting for us downstairs."

Saka nito inihagis sa kanya ang damit niyang susuotin.

"Axel …" Hinawakan niya ang binti nito.

"What the fuck? I said, get dressed!" Muli siyang sinipa nito palayo. "Ayusin mo ang sarili mo, Serene. Ayokong malaman ni Mommy ang sitwasyon natin."

Humahagulgol si Serene habang pilit itinatayo ang sarili. Hindi siya martyr. Hindi siya masokista. Hindi niya kakayanin kung patuloy siyang sasaktan ni Axel. Mas gugustuhin pa niyang makulong na lamang at doon pagbayaran ang kasalanan niya kaysa sa panoorin ang asawa kung paano siya kamuhian nito.

"And by the way, in case you were wondering about Kayleigh. She's the reason why I need to marry you. Hindi dapat malaman nila Mommy ang tungkol sa relasyon namin. At alam kong alam mo kung bakit."

Kahabag-habag ang kanyang itsura ng makita niya ang sariling repleksyon sa salamin. Namamaga ang kanyang mga mata sa magdamag niyang pagiyak. May malaki rin siyang pasa sa braso. Lalo siyang naiyak habang pinagmamasdan ang sarili. Pakiramdam niya'y mababaliw siya.

   Alam niyang nagsisimula pa lamang si Axel sa paghihiganti nito sa pagkamatay ni Jacob. Unang araw pa lamang niya sa mga kamay nito ay labis na siyang nasasaktan. Hanggang kailan siya tatagal? Hanggang kailan siya magbabayad?

"Katherine, bakit ganyan ang itsura mo? Para kang magdamag na umiyak, iha." Puna ng ina ni Axel sa kanya.

Saglit siyang tumingin sa asawa bago siya ngumiti rito. "Ito po kasing si Axel, hindi ako pinatulog kagabi." Pagsisinungaling niya.

Ibinaling nito ang atensiyon sa anak. "And where did you go last night? Bakit iniwan mong mag-isa itong si Katherine sa reception?"

"Migraine, Mom. As usual." Sagot nito habang patuloy sa pagkain.

"Okay ka na ba ngayon?"

"Yes. I'm perfectly fine. And I've already apologized to Katherine about it. Di ba, babe?" Sabi nito ng hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin.

"O-Oo."

   Kinagat niya ang kanyang labi. Napakagaling talagang magpanggap ni Axel. Kayang-kaya nitong paikutin ang mga tao sa paligid nito. Maging ang sarili nitong ina ay kayang-kaya niyang pagsinungalingan at lokohin.

"Hi, Tita Jackie."

Halos sabay-sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. It was Kayleigh. Naka-two piece lamang ito at nakasuot ng see-through na bestida. Hinubad nito ang sunglasses na suot saka ito lumapit sa kanila.

"W-What are you doing here?" Mataray na tanong ng ina ni Axel rito na may halong pagkabigla.

"Si Tita naman. Nagpunta lang ako rito para i-congratulate sila Axel at Katherine sa kasal nila."

Hindi mapigilan ni Serene na hindi makaramdam ng inis habang pinagmamasdan ang dating kaibigan. Ano bang naging kasalanan niya rito para maki-ayon sa plano ni Axel? Kung yung pera na ibinibigay nito sa kanya ang dahilan, hindi niya ito kayang bayaran. Pero naging mabuting kaibigan siya rito.

   "Lumayas ka … ayokong makita ang pagmumukha mo rito!"

   "Mom!" Awat ni Axel. "Hindi siya nagpunta rito para manggulo."

   "Iyang babaeng iyan, siya mismo ang gulo, Axel!" Duro nito kay Kayleigh.

   Mukhang alam na niya kung bakit galit na galit ito sa dating kaibigan. Marahil ay nalaman nito na may namamagitan sa dalawa.

   "M-Mama, kaibigan ko po si Kayleigh. Ako po ang nagpapunta sa kanya rito. May problema po ba?" Tutal, nasangkot na rin naman siya sa isang malaking kasinungalingang iyon ay paninindigan na niya.

   "Kaibigan mo ang babaeng ito?"

   "O-Opo."

   "I'm sorry iha, pero hindi ko gusto na maging kaibigan mo pa ang babaeng ito." Kalmado nitong sabi sa kanya. Nang ibaling nito ang tingin sa dating kaibigan ay muli nito iyong dinuro. "And you. Hindi ang babaeng katulad mo ang hahayaan kong sumira sa buhay ng anak ko. So stay away from my son! Stay away from my family!"

   "You know what, Tita. Hindi ko alam kung bakit gigil na gigil kayo sakin. Sana tanungin niyo rin yang magaling niyong anak kung bakit hindi niya ako magawang iwan."

   Isang malakas na sampal ang natamo ni Kayleigh mula sa ina ni Axel. "Wala kang modo!"

"Ma, tama na."

  Lumapit si Axel at hinawakan nito sa braso ang ina. Hawak-hawak naman ni Kayleigh ang pisngi ng lisanin nito ang lugar.

   Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Serene sa nasaksihan. Alam niya, may hangganan ang lahat. Hindi siya ang mahal ni Axel ngayon. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na siya nito kailanman mamahalin.

   Nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa kanila ni Axel ng bumalik sila sa kanilang silid. Hindi siya nito iniimikan, hindi rin siya nagsasalita. Mas mabuti ng gano'n. Kung hindi sila mag-uusap, hindi rin siya makakarinig ng masasakit na salita mula rito.

   Nang isarado ni Axel ang pintuan ng kwarto ay agad na hinubad ni Serene ang pang-itaas na suot niya. Ganoon rin ang kanyang pantalon. Wala siyang pakialam kung tignan siya nito o hindi. After all, he is her husband. Malaya itong tignan ang kanyang katawan hanggang sa magsawa ito.

   "What the fuck are you doing?" Nagtataka nitong tanong sa kanya.

   Hindi niya ito pinansin.

   Ipinusod niya ang kanyang buhok bago niya inalis ang pagkaka-hook ng kanyang bra. Nalaglag iyon sa sahig. Nang akmang huhubarin na niya ang kanyang suot pang-ibaba ay biglang nagsalita ito.

   "Huwang mong dalhin rito ang pagiging puta mo."

"Hindi ako puta."

"Oh c'mon! GRO, pokpok, puta -- pare-pareho lang yon. Magkano ang binabayad sa'yo ng mga lalaki, maikama ka lang? Ha, Serene?" Saka ito saglit na tumawa. "Oo nga pala, you tried to have sex with me that night I paid for your service."

Napalunok siya sa ng marinig iyon. "Y-you don't know --"

"Sshh. Stop explaining yourself. I don't want to hear it. Dahil kahit anong sabihin mo, isa kang bayarang babae, naiintindihan mo? Binili kita."

Humarap siya rito habang yakap ang kanyang sarili. "Kung binili mo lang ako, hindi mo na sana ako pinakasalan!"

"Kung hindi mo pinatay ang kapatid ko, walang kasalang magaganap. My God, Serene, who would want to marry a whore like you?"

Marahas niyang dinampot ang kanyang mga damit mula sa sahig saka siya padabog na pumasok sa banyo.

Duming-dumi si Serene sa sarili.

   She wanted to cry for help. She wanted to escape. Pero sino pa ang tatanggap at tutulong sa babaeng katulad niya?

   Pinilit niyang maging maayos at disente sa harap ni Axel. Kinain niya ang pride niya ng tanggapin niya ang pera nito para makapagtapos ng pag-aaral pati na rin ang pambayad sa ospital at pagpapagamot ng ina. She tried to be the woman he deserves. At ipinaramdam naman sa kanya ni Axel na karapat-dapat siyang mahalin.

Iyon pala'y isa lamang iyong pagpapanggap. Isang malaking kasinungalingan. Basura lang ang tingin sa kanya nito. Isang basahan na panglinis ng kalat. Kalat na siya mismo ang may gawa.

'Sana nakinig ako sa'yo Mama.' Iyon na lang ang tanging nasabi niya sa sarili.

Next chapter