webnovel

Chapter 36 - The Information

MEDC OFFICE...

Bawat ilaw ng cellphone ay nakatingin si Ellah. Umaasa siyang ang dating gwardya na ang nag reply.

Ilang beses na rin siyang nag text kay Gian kung kailan ito pwedeng makipagkita sa kanya.

Ilang araw na mula ng hindi ito nagrereply sa mga mensahe niya.

Mukhang kinalimutan na talaga siya.

Umilaw muli ang kanyang cellphone at biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga sa nakita.

May mensahe mula sa taong pinakainaasam niyang makausap!

Agad niyang binasa ang mensahe.

'Ano bang kailangan mo?'

Agad niya itong tinawagan at kabadong nakapikit habang umaasang sasagutin ng kabilang linya.

"Anong kailangan mo?"

Pigil ang hiningang ngumiti ang dalaga nang marinig ang pamilyar na boses.

"K-kumusta?"

Ilang saglit bago ito nagsalita.

"Ano bang kailangan mo?"

Nahigit ni Ellah ang hininga sa deretsong saad ng binata.

"Pwede ba tayong magkita? "

"Nakalimutan mo yatang ayaw mo na? Hindi pwede, busy ako. Ano bang kailangan mo?"

Nakagat niya ang labi. "Tungkol kay Galvez. Ano ang kasalanan ni Mr. Galvez sa'yo?"

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

"Tatawagan ba kita kung siya ang kailangan ko?"

"Hindi mo ako tauhan Ms. Lopez huwag kang magtaas ng boses."

"Bakit mo siya ipinakulong ano ang kasalanan niya?"

"Hindi mo na dapat malaman pa. "

"Mr. Villareal!" banta niya.

Hindi ito kumibo kaya kumalma siya.

"Come on! Don't make things harder, sabihin mo na. Gusto ko lang malaman."

Huminga ng malalim ang binata.

"Ang kaso niya, attempted murder."

Umawang ang bibig niya sa narinig.

"Mr. Villareal you can't be serious!"

Nagtiim ang bagang ng binata sa kabilang linya. "Mukha bang biro ang pumatay?"

Kumabog ang kanyang dibdib at nagpalinga-linga bago hininaan ang boses.

"S-sino ang biktima?"

"Ako," malamig nitong tugon.

"A-ano!"

Natabig niya ang baso sa pagkabigla kaya bumuhos ang lamang kape sa mesa.

"Aw shit!"

"May nangyari ba?"

"W-wala natabig ko lang ang baso."

"May sasabihin ka pa?"

"Bakit ka niya pinagtangkaan? May kinalaman ba 'yon sa kumpanya? Sa amin? Sa akin?"

"It has nothing to do with you. "

"Then tell me the reason why?"

" I can't tell you the truth, it's part of my job not yours. "

"I know, but still, he is my responsibility. Kaya sabihin mo bakit sa dinami-daming tao sa mundo na balak niyang patayin bakit ikaw pa?"

"Personal ang kaso, nagkataon lang na empleyado niyo siya. Walang kinalaman ang kumpanya ninyo. Kaya walang dahilan para malaman mo ang rason niya kung bakit binalak niya akong patayin. Pero kung gusto mo, ang tauhan mo ang tanungin mo. Baka sakaling magtapat siya sa'yo."

Tumingin si Ellah sa ibang dereksyon, habang napapailing.

"Tandaan mo may karapatan akong magreklamo sa kumpanya ninyo dahil tauhan niyo ang kriminal."

"Pero sinabi mong personal ang bagay na 'yon at walang kinalaman ang kumpanya. Wala kang karapatang magsampa ng reklamo dahil wala kaming kinalaman."

Hindi na ito umimik pa at maging siya ay wala na ring masasabi.

"Mag-iingat ka."

Ni hindi siya nakasagot at agad na nitong pinatay ang linya.

Napakasakit magsalita ni Gian, parang bigla na niyang hindi kilala.

Wala pa itong tiwala sa kanya.

Sabagay bakit nga ba siya pagkakatiwalaan samantalang wala na silang koneksyon.

Ipinikit niya ang mga mata saka naman may kumatok sa pinto ng kanyang pribadong opisina.

"Bukas 'yan," aniya at umupo.

Bumungad ang marketing manager.

Lalo lang siyang naiinis dahil alam niya ang pakay nito.

"Itatanong ko lang Ms. kung ano ang development tungkol sa kasamahan ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya nakakalabas," anito at umupo.

Huminga siya ng malalim at ipinatong ang dalawang kamay sa mesa.

"Mr. Javier, attempted murder ang kaso niya.

Sa tingin mo ba gano'n lang ka simply?

Isa pa, personal ang kaso niya. Wala tayong kinalaman, ang pinakamagandang gawin ay tanggalin si Mr. Galvez. "

Napatayo ang lalaki at dumilim ang anyo.

"Hindi 'yan pwede! Masisira tayo sa medya kapag nagkataon. "

Tumayo din siya.

"Saan ka ba talaga mas concern Mr. Javier? Sa kumpanya o kay Galvez?"

"Ang yabang mo talaga! Maghintay ka sa mga medya!"

Sigaw ng lalaki bago nangangalaiting  umalis.

Muling napaupo ang dalaga.

Marahil tama nga si Gian. Wala silang ibang paraan kundi alisin ang sagabal at nakaharang!

---

LOPEZ MANSION...

Pag-uwi niya ay sinalubong siya ni don Jaime.

"Totoo bang si Galvez ang may pakana ng muntik ng pagkamatay ni Villareal?"

Ibinaba niya ang dalang shoulder bag sa sofa at umupo.

"Opo lolo. "

"Tinanggal mo ba siya dahil doon?"

"Opo lolo. "

Umalsa ang boses ng don.

"Kahit kailan talaga, hindi pa rin tayo tinatantanan ng Villareal na 'yan! Tinanggal na kasi natin kaya gumagawa na ng gulo!

Ang akala ko noon tatahimik na ang buhay natin dahil wala na ang lalaking 'yon pero hindi na tayo tinigilan ng hayop na 'yan!"

Naiiling ang dalaga habang nakatingin sa kanyang lolo.

Hindi siya makapaniwala sa naririnig.

Wala yata itong alam sa tunay na nangyari o wala itong pakialam?

Dismayadong hinarap niya ang abuelo.

"Ang tinutukoy niyo po na gumagawa ng gulo ay siyang biktima rito. Paano niyo nasasabi ang ganyang bagay lolo?"

"Wala na tayong kinalaman pa sa kanya. Ang problema ipinakulong niya ang tauhan natin kaya tayo nadamay!"

"Hindi na po natin tauhan si Galvez. "

"Pero hindi ibig sabihin na mawawala ang gulo ng gano'n lang kadali."

"Lolo, sinasabi niyo bang hindi na dapat ipakulong ang dati nating tauhan?"

"Ang sinasabi ko nagdulot ng gulo ang Villareal na 'yan! At ngayon ma e-eskandalo na naman tayo nang dahil sa kanya!"

"Si Galvez ang may kasalanan. Kung ako ang nasa katayuan ni Gian gano'n din ang gagawin ko!" Hindi na siya nakapagtimpi at sinigawan ang don.

"Ano? Ikaw na nga ang masasabak sa eskandalo ganyan pa pala ang gagawin mo? Anong bang pumasok sa kokote mo at nagkaganyan ka!"

Tumayo siya at binitbit ang bag.

"Pasensiya na po, pero kailangan ko ng magpahinga. Natitiyak kong may hindi magandang mangyayari bukas."

"At anong gagawin mo kung dudumugin ka ng medya? Hihingi ng tulong sa Villareal na 'yon? Siya na nga ang nagdulot ng gulo sa kanya ka pa hihingi ng saklolo? Gano' n ba? Ipapahiya mo ba ang kumpanya! "

Tiningnan niya si don Jaime.

"Lolo, hindi niyo po ba ako magagawang tulungan? "

Umiwas ito ng tingin.

" Wala akong magagawa pagdating sa bagay na 'yan.

Iyan ang resulta sa mga paglilihim mo! Huli na para mapigilan pa natin. Titingnan ko kung kaya ko pang pigilan ang paglabas ng mga artikulo laban sa kumpanya at sa iyo. "

"Patawarin niyo po ako. "

Hindi umimik ang don, yumuko lang siya bilang paalam at tinungo ang silid.

Humugot siya ng malalim na paghinga bago umupo sa kama.

Napapailing siya kapag naiisip ang sinasabi ni don Jaime.

Kakaiba ang utak ng kanyang lolo.

Lumalabas na ang suspek pa ang kinakampihan.

Naiinis na humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata.

---

MEDC OFFICE...

Malapit na sa opisina si Ellah nang may mapansin.

"Ano 'yan?" tanong niya sa bodyguard.

"Ms. sa tingin ko mga reporters 'yan."

"Shit!"

Alam na niyang mangyayari ito!

Malaki ang posibilidad na bababa na naman ang stocks nila dahil sa nangyayari.

Sa kanya na naman ang sisi ng taga kumpanya.

"Ms. tutuloy po ba tayo?"

"Oo, kailangan kong magtrabaho."

"Lilinisin lang ho namin ang daraanan ninyo. "

Bumaba ang tatlo, may naiwan sa kanyang isa.

Nagkagulo ang mga taga medya.

Sa halip na magbigay daan para sa kanya ay iba ang ginawa ng mga ito.

"Oh Holy shit!"

"Ms. ila- lock ko po ang pinto."

Saglit lang nasa labas na ng kotse ang mga ito. Pinalibutan ang kanilang sasakyan.

Pilit namang hinihila ng mga gwardya ang mga taga medya.

Kinalma niya ang sarili at nanatiling walang imik.

Buti na lang tinted ang salamin kaya hindi siya nakikita ng mga ito.

Hindi pwedeng hintayin niya ang mga ito na lumayo.

Nasasayang ang bawat oras niya sa loob.

At habang nagtatagal siya, lalo niyang naiisip na talo siya sa kung sino man ang may pakana nito.

Nang ma kontrol na ng mga gwardya ng kumpanya ang mga mamamahayag ay nag pasya siyang bumaba.

"Kailangan ko ng lumabas. "

"Sandali lang po Ms."

Kinausap ng lalaki ang kasamahan sa labas. Pagkatapos ay binalingan siya nito.

" Ms. hintayin niyo po ang go signal ko, " wika nito at bumaba.

Huminga ng malalim ang dalaga.

Umatake agad ang mga naghihintay ng balita nang makababa ang gwardya niya.

"Huwag po kayong magtulakan, layo lang po tayo ng kunti, padaanin po natin si Ms. Ellah, " wika ng kanyang gwardya.

Nang makita niyang lumayo ang mga ito ng bahagya ay binuksan ng gwardya ang pinto.

"Ms. pwede na po kayong bumaba. "

Bumuga siya ng hangin pagkatapos ay bumaba na.

Inalalayan siya ng kanyang gwardya.

Abante lahat ng taga medya!

Nagkislapan ang mga kamera.

Inulan siya ng tanong.

"Ms. Lopez, totoo bang pinagtangkaan ng inyong empleyado ang dati ninyong gwardya?"

"Ms. Lopez alam niyo ba kung ano ang dahilan?"

"Ms. Lopez, anong masasabi ninyo tungkol sa issue? "

"Ms. Lopez…"

"Ms. Lopez…"

Marami pang mga tanong na hindi na niya maiintindihan dahil magkasabay ang mga ito.

Nasisilaw siya sa mga kislap ng mga kamera.

Nasa likuran siya ng head security.

"Distansya po kunti, sige na po pakiusap, " wika nito habang sinubukan nitong umabante ng hakbang.

'Ugh! Paano ba ito?'

Nakita nilang umikot sa kanyang likuran ang iba pang mga taga medya.

Maagap naman na pumagitna ang mga gwardya ng kumpanya at mga gwardya niya para harangan ang mga ito. Kaya hindi tuluyang nakalapit ang mga taga medya.

Magulo at maingay ang lahat!

"Sandaling katahimikan lang po!"

Natahimik ang lahat sa lakas ng pagkakasigaw ng isang tinig ng isang lalake na kilala niya!

ตอนถัดไป