AMELIA HOMES...
Nang sumunod na araw ay dinalaw siya ng kaibigan kinagabihan.
"Gian pare! Kumusta ka...na?" napanganga si Vince sa nakita.
Nilingon niya ito. "Okay lang ako pare, napadalaw ka?"
Umupo ito sa kanyang tabi.
"Inaalam ko kung buhay ka pa, at mukhang buhay ka pa nga. "
Bahagya siyang natawa.
"Siyempre ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?"
"Akala ko, nagpapakamatay ka na sa lasing. Umiiyak at hindi na kumakain, pero sa nakikita ko, mukhang tataba ka pala. Tingnan mo nga oh? Lumalamon habang nanonood ng movie marathon?"
Ibinalik niya ang tingin sa screen.
" Walang magawa eh, on leave ako kaya nagpapahinga kaya bumabawi ako pare, o ano? Nood tayo?" anyaya niya.
"Ibang klase ka, pero sige na nga, " nakikain din ito sa chichirya niya.
Nanonood sila habang ngumunguya.
"Nga pala pare, dalawang araw na lang ang pagmumukmok mo at pag –eemote balik uli sa trabaho."
"Alam ko. "
"Gian pare, ipapaalala ko lang, bawal ang distraction sa trabaho natin. Ikakamatay mo 'yan. "
" Alam ko, " sagot niya habang nakatuon ang mga mata sa screen habang kumakain.
"Gian pare, alalahanin mo ikaw ang team leader sumusunod lang kami sa utos mo. "
" Alam ko, " sagot niyang hindi na kumukurap habang tutok ang mata sa telebisyon.
Natigil sa pagnguya si Vince at pumormal ang mukhang tumingin sa kaibigan.
"Pare ibubuhos ko itong coke sa ulo mo."
"Alam ko."
Tumayo si Vince at bahagya itong lumayo.
Hindi naman ito pinansin ni Gian, pero nagulat siya sa sunod nitong ginawa.
"Fuck Vince!" napatayo siya sa pagkabigla.
Binuhusan ba naman siya ng softdrinks sa ulo!
"Natauhan ka na ba? Baka kasi nagha-hallucinate ka pa?"
Basang-basa siya. "What the Hell!" napipikon na itinulak niya ito.
"Hell talaga Gian!" itinulak din siya nito.
Saglit lang nagsasapakan na ang dalawang magkaibigan!
Lahat ng atake niya rito gano'n din ang ginagawa sa kanya!
Walang patatalo at hindi siya magpapalamang!
Kung sinipa niya ito sa tiyan sinipa din siya sa tiyan, sinuntok niya ito sa panga. Sinuntok din siya sa panga.
Dumugo ang mga labi nito, gano'n din ang kanya.
Nagpagulong-gulong sila sa sahig, nadaganan nila ang pagkain at inumin.
Parehas na silang nakahiga at nakahawak sa leeg ng isat-isa.
Nang biglang may tumunog.
"Tumatawag ang girlfriend mo. Tumatawag ang girlfriend mo. Tumatawag ang girlfriend mo."
Binitiwan siya ni Vince.
"Pasalamat ka, tumawag ang girlfriend ko!" anito at tumayo bago sinagot ang tawag.
Napaupo siya sa sofa.
Nahimas niya ng mga kamay ang batok.
Nabigla siya sa ginawa ng kaibigan sa kanya. Sinapak siya ng walang dahilan.
Gano'n pa man, hindi niya itatangging naiinggit siya rito , dahil ito ay may girlfriend at siya ay wala!
Bumalik si Vince, pero hindi lumapit sa kanya.
"Ayos ka na ba?"
Hindi siya umimik.
Tinatanong siya kung ayos lang siya samantalang ito ang unang nanapak?
Gago lang ang tirada?
Tumalim ang tingin niya rito.
Lumapit si Vince at umupo sa kanyang tabi.
Ipinikit niya ang mga mata. Ayaw niya itong makita dahil baka masapak niya!
Pero nagulat siya sa sunod nitong ginawa.
"Damn! Lumayo ka nga!" itinulak niya ito, pero mas humigpit ang yakap ni Vince sa kanya.
"Pare, inaasahan kong ayos ka na sa muli nating pagkikita.
Matindi ang pag-aalala ko dahil ngayon ka lang nagkaganito. Ayokong isang araw kapag binigyan tayo ng trabaho ay mamamatay ka ng lumilipad ang isipan! Pare alam mong palaging nakataya ang buhay natin sa trabaho. Umaasa akong sa pagbabalik mo, buo ka na at hindi pira-piraso."
Hindi siya umimik, nahihiya man ay gumanti siya ng yakap.
"Pare, babae lang 'yan. Ikaw ang nang-iwan kaya panindigan mo. Umaasa akong wala ka ng iniisip na iba kapag nag-umpisa na tayo sa trabaho. Makakahanap ka rin ng iba pare. Makakalimutan mo rin siya. "
Ipinikit niya ang mga mata.
Tinapik-tapik siya nito sa balikat.
"Pare, tandaan mo, dalawang araw na lang ang tagal mo sa pagsisintemyento. At sana sa pagbabalik mo, bumalik na ang dating Gian na matalik kong kaibigan. "
Humigpit ang yakap niya rito.
"Pare, salamat sa sapak mo, natauhan yata ako. Pero ang sakit pare eh, ang sakit talaga. Ako na nga ang lumayo dahil gusto niya, ako pa itong lumabas na may kasalanan. Galit na galit si don Jaime, wala na akong karapatang lumapit sa apo niya. Lumayo ako dahil kagustuhan 'yon ng don na 'yon at para ma protektahan sila! " Kumuyom ang kanyang kamao nang muling nagbalik ang kanyang hinanakit sa dalaga.
Hindi umiimik si Vince at hinaplos-haplos ang kanyang likod.
Bahagya siya lumayo habang nakayuko.
"Ano ba ang dapat kong gawin pare? Dalawang araw na lang pero lutang pa rin ako. Hindi ako 'to eh…" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pipiyok na ang boses niya.
"Pare, kaya mo 'yan, " nakayukong wika ng kaibigan.
Muli siyang kinabig ni Vince at niyakap ng mahigpit.
"Ginagago niya ako, pinalayo ako ni don Jaime sa apo niya para hindi madamay sa panganib na dala ko, pero ako ang pinalabas niyang masama sa apo niya!"
"Pare, nauunawaan kong nagkakaganyan ka dahil mahal mo si Ellah, pero dapat mo ng kalimutan. Tandaan mo hindi lang babae ang magpapabagsak sa'yo kaya bumangon ka. Nandito ako pare, tutulungan kita hanggang sa makalimutan mo siya. "
" Salamat pare, maraming salamat. "
Kumalas si Vince at tumayo.
"Nga pala, kumakain ka pa ba?"
"Kakain ako, sino ba sila para isakripisyo ko ang sarili ko."
"Tama 'yan. Paalam sir Gian!" tinapik nito ang balikat niya.
"Salamat"
"Ipangako mong' di ka na magiging ganyan ulit ipangako mo!"
"Oo, promise."
Tumango ito bago tuluyang umalis.
Nagpapasalamat siya dahil matapos silang magsapakan ay binigyan siya ng payo ng kanyang matalik na kaibigan!
---
MEDC BASEMENT...
Anim na araw ang makalipas.
Isang araw na lang ang itatagal niya sa pagsisintemyento.
At ang huling araw na 'yon ay ngayon!
Ito ang desisyon niyang hindi na pinag- iisipan. Wala na siyang ibang pagkakataon kundi ngayon lang.
Kapag pinalagpas pa niya, wala ng ibang tsansa!
Nasa loob siya ng basement para mapag-aralan ang sitwasyon.
Suot ang maitim na sumbrero na halos nakatakip na sa kanyang mukha ay mariin siyang tumitig sa iisang sasakyan sa hindi kalayuan. Kilala niya ang kotse ng dalaga, kulay asul ito na ngayon ay napapalibutan ng tatlong kalalakihan, hinala niya ay ang mga ito ang ipinalit sa kanya bilang bagong gwardya dahil may mga suot na earpiece.
Animo mga matoon ang mga lalake pero magkakasing tangkad nagmukhang minnions!
Nang mag-abot ang tingin nila ng isa sa mga ito ay agad siyang umiwas at inayos ang suot na leather jacket.
Balik sa dating pormahan ngayong hindi na siya protektor ng isang Ellah Lopez.
Ang kanyang layunin sa pagtungo sa lugar na ito ay upang ang kanyang panig at ipapaalam ang katotohanan sa dalaga.
Iyon lang, ipinangako niya sa sariling pagkatapos nitong makausap at magkalinawan na sila ay iiwan na niya ito ng tuluyan.
Naalala niya ang sinabi ni don Jaime.
"Punyeta ka Gian! Hindi ka pala nagpaalam sa apo ko ng umalis ka! Ginagago mo ba ang apo ko? Simula ngayon hinding-hindi ka na makakalapit sa kanya!"
Kung pwede lang sanang lapitan ito na para bang wala siyang nagawang kasalanan ayos na sana.
Ngunit tiyak niyang hindi siya kakausapin nito kahit magmakaawa pa siya.
Hindi na rin siya pwedeng pumasok sa opisina.
Kaya walang ibang paraan kundi ito lang!
Kapag pumalpak pa siya rito, mahihiya na siyang magpakita sa dalaga.
Mahirap pala ang mag suicide!
Kalahating oras ang kanyang pinalipas matapos pag-aralan ang basement.
May isang oras pa bago lalabas ang kanyang target kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob ng sasakyan, ngunit hindi pa man nakarating ay napansin niyang nakatitig ang tatlong gwardya sa kanyang direksyon subalit hindi siya nagpahalata.
"Sandali lang!" sigaw ng isa sa mga ito.
Alam niyang siya ang tinutukoy nito, subalit patuloy siya sa paghakbang habang palihim na nakahawak ang kanang kamay sa baril mula sa likuran ng pantalong maong. Natatakpan ito ng jacket kaya hindi mapapansin.
Nagkatinginan ang tatlo. Isa sa mga ito ang humugot ng baril ngunit naunahan niyang tutukan ng hawak na kwarenta y singko na ikinagulat ng lahat.
Mabilis tumaas ang mga kamay ng mga ito.
Siya na ngayon ang lumalapit sa mga ito habang pinaglilipat-lipat ang pagtutok sa baril.
Nang mga oras na iyon tanging silang apat lang ang naroon.
"Ihagis niyo ang baril. Huwag kayong magkakamali, dahil magkakaubusan tayo dito."
Sinunod siya ng tatlo kaya ang tatlong baril ay nasa paahan niya.
"Talikod! "
Tumalikod ang tatlo, saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan at kumuha ng tatlong posas.
Naghanda siya ng limang posas, ito kay kung sakaling may makikialam, at mayroon nga.
"Harap!"
Sabay na nagsiharap ang tatlo saka niya initsahan ng tatlong posas.
"Alam niyo na gagawin diyan."
Walang kumilos sa mga ito.
"Bilis!" singhal niya.
"S-sino ka ba?" matapang na tanong ng isa.
"Ako ang papatay sa'yo kapag nagtagal ka pa!"
Napilitang magposas ang mga ito.
"Ang susi ng kotse akin na."
Nagkatinginan ang mga ito bago dinukot ng isa sa mga ito ang susi sa bulsa at initsa sa kanya na nagawa naman niyang saluhin.
Pinindot niya ang susi at tumunog ang kulay asul na kotse.
Nang matapos ay pinatungo niya sa bukas na bodega. Sinulyapan niya ang relong suot.
Kalahating oras na lang lalabas na ang target. Kailangang matapos na siya sa mga ito bago pa man lumabas ang dalaga.
"Sumunod lang kayo walang masamang mangyayari sa inyo," aniya habang nakatutok ang baril.
Pagdating sa pinto ng bodega ay nagsihinto ang mga ito.
"Pasok!" Tinadyakan niya ang nasa gitna na muntik na nitong ikadapa.
Mabilis sumunod ang iba pa, isasara na niya ang pinto ng bodega saka naman papalabas ang isang lalaki mula sa loob.
" Putcha! Gian! " nanlalaki ang mga mata nito.
" Back off!"
Itinaas nito ang mga kamay.
Agad niyang isinara ang pinto at kinandado nang nasa loob na ang apat.
Kapag minamalas ka nga naman!
Agad siyang pumasok sa loob ng kotseng asul.
Ilang sandali pa, nakita na niyang naglalakad ang target papunta sa sasakyan.
Agad kumabog ang kanyang dibdib pagkakita rito ngunit pinilit niyang kumalma.
Nang makarating ito sa kotse agad namang binuksan 'yon at umupo, pagkatapos ay sinulyapan siya.
"Bakit mukha na naman ng lalaking 'yon ang nakikita ko? Hallucination na ba ito?"
Naiiling ang dalaga at ikinabit ang seatbelt.
Kumunot ang noo niya.
"Bert, umuwi na tayo at nanlalata ako, teka nga nasaan na 'yong dalawa mong kasama?"
Mabilis niyang pinaandar ang kotse at nagmaneho palabas ng basement.
"Sandali nga, iiwan mo ba ang mga... " Muli siyang tiningnan ng dalaga.
"Shit! Ano ba namang klaseng mata ito! Lagi na lang mukha niya ang nakikita ko! Kainis naman!" Kinusot-kusot nito ang mga mata at muling humarap sa kanya.
Muntik na siyang matawa sa ikinikilos ng dalaga.
Nagsalita siya.
"Kumusta ka na?" malamig niyang tanong.
---
CANELAR HIGHWAY...
Napanganga si Ellah habang nanlalaki ang mga mata.
"Shit! Gian! Ikaw ba 'yan? Ikaw ba talaga 'yan!" lumayo siya habang sumisigaw ng pagtatanong.
"Pumayat ka, maputla pa, "
malamig nitong tugon.
"Ihinto mo ang kotse! Ngayon na!"
"Sa palagay mo ba susundin kita?"
Mabilis na hinalungkat niya ang bag at kinuha ang cellphone, hihingi siya ng tulong!
Pero biglang inagaw ng binata ang hawak niya.
"Akin na 'yan!" singhal niya.
Hindi ito umimik, habang itinutok ang mga mata sa daan.
Ipinikit niya ang mga mata.
Anim na araw na tuwid na hindi sila nagkita pero ngayon, pumayat ang binata at naging halimaw sa tingin niya.
Nakasumbrero kasi ito ng itim at naka leather jacket ng itim din kaya hindi niya nakilala.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Dinadalaw ka"
Humagkis ang tingin niya rito.
"Umalis ka ng hindi nagpapaalam tapos bigla kang babalik na parang walang nangyari?"
Muli hindi umimik ang binata.
"Ano pa ba ang kailangan mo?"
Huminga ito ng malalim.
"Sabihin mo, bakit mo ako iniiwasan?"
"Huh! Late naman yata masyado ang tanong mo? Ikaw nga biglang nang-iwan!"
Hindi umimik ang binata.
Nang bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding sakit.
"Ahhhhh...shit!" sapo niya ang tiyan.
"Bakit?"
"M-masakit ang tiyan ko. "
"Damn it! Hindi ka na naman ba kumain!" tumaas ang boses nito.
Tinitigan niya ito ng matalim.
"Ano bang pakialam mo? Wala naman hindi ba? Umalis ka nga ng hindi nagpapaalam tapos ngayon heto ka at magtatanong? Baka naman naligaw ka lang!"
Nagtagis ang bagang ng binata.
"Ahhhh... Shit talaga!" sigaw na niya.
Napasandal ang dalaga sa headrest.
Inihinto nito ang kotse.
Tumabi si Gian, ayaw man niya pero wala siyang lakas para pigilan ito.
"Fuck! Namumutla ka na! Dadalhin kita sa hospital!"
"NO!" mariing tutol niya.
Napahigit ng malalim na paghinga ang binata.
"Magpapakamatay ka ba ha Ellah!"
Kinabig nito ang kanyang ulo at isinandal sa dibdib nito.
"Don't worry I'm here, I'll protect you. Promise, hindi kita pababayaan!" bulong nito at hinalik-halikan ang gilid ng ulo niya.
"Hindi ka na dapat nagpakita pa, kinakalimutan na kita, " nanghihinang wika ng dalaga.
"Kung talagang umiiwas ka at kinakalimutan mo lahat ng pinagsamahan natin, huwag mo namang parusahan ang sarili mo. Hayaan mong ako na lang. Tutal sanay na akong masaktan."
Niyakap siya ng binata ng isang braso nito.
"I'm sorry, " nakapikit na wika niya.
"Bakit ka humihingi ng tawad ito ang gusto mo 'di ba?"
Wala na itong nakuhang sagot mula sa kanya dahil nagdilim ang kanyang paningin.
---
CIUDAD MEDICAL...
Nagising ang dalaga, at unti-unti niyang inilibot ang paningin.
Puro puti ang nakikita niya at may nakayuko sa kanyang tabi na isang lalaki sa tingin niya natutulog ito.
Naalala niyang nagkita sila ni Gian kaya ito nandito ngayon.
Talaga palang dinala siya nito sa ospital.
Iniangat niya ang isang kamay para haplusin ang buhok ng binata nang may nakita siyang nakakabit na dextrose sa kanyang kamay!
"Shit!" naimura niya.
Nagising si Gian.
"Gising ka na? Kumusta? Okay ka na ba?" Hinawakan nito ng mahigpit ang isang kamay niya.
"Dinala mo talaga ako rito? Ayoko ng tinutusukan ng karayom lalo na pag may dextrose!" singhal niya sa binata.
"I'm sorry pero ito lang ang alam kong paraan."
Muli siyang nahiga, frustrated ang dalaga.
"Si lolo, kailangan ko siyang matawagan. "
"Parating na siya. "
Huminga siya ng malalim.
"Tatawagin ko ang doktor."
Hindi siya umimik.
Lumabas ang binata. Maya-maya ay may kasama na itong doktor.
"Sa labas lang ako, " paalam nito.
Kinausap siya ng doktor pero ang tanging naintindihan niya ay muntik na siyang magkaroon ng stomach ulcer.
Ito na pala ang resulta ng kanyang pagpapabaya.
Naiiyak siya.
Pumasok si Gian, pinahid niya ang mga luha at tumalikod.
"Anong sabi ng doktor?"
"Saan ka galing?"
"Diyan lang sa labas, gusto mo ng kumain?"
May dala itong pagkain na naka pack.
Umiling siya. Inilapag ni Gian ang dala sa lamesita.
Hinawakan nito ang kamay niya, pero pinalis niya.
"Anong ginawa mo sa mga bodyguard ko?"
"Wala, iniwan ko lang sa basement ninyo."
Tiningnan niya ito.
"Sa palagay mo ba, matutuwa si lolo kapag nalaman ang ginawa mo sa kanila?"
Huminga ito ng malalim at tinitigan siya.
"I don't give a damn. Ang mahalaga nadala kita dito. Dahil ang mga tanga mong gwardya walang alam sa nangyayari sa'yo!"
Hindi siya umimik.
Bumangon siya at umupo sa kama. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang tabi.
Saka mabilis na tinawagan ang head security.
Sinabihan niya itong huwag ng ipaalam sa kanyang lolo ang nangyari.
"Pero Ms. Ellah, hindi pwedeng..."
"Follow what I say and shut up! Sabihin niyong nag collapse ako at nakita ni Gian."
Noon una ay hindi ito makapaniwala pero naipaliwanag niya rin ng malinaw.
Matapos makipag-usap ay napag-alaman niyang kinulong sa bodega ang mga ito pero nakaalis na.
Ibinaba niya ang cellphone matapos ang usapan.
"O tapos na ang problema
mo, siguro naman quits na tayo. "
Napatanga ang binata.
"Salamat, buti hindi pa nakapagsumbong sa lolo mo. "
"Wala na akong utang na loob kaya makakaalis ka na, " malamig na wika ng dalaga.
Napaupo ito sa tabi niya.
"Don't do this. " Hinawakan ni Gian ang kamay niya. "Please" dugtong nito.
Nagtagpo ang kanilang mga mata at hindi maikakaila ang nagsusumamong tingin nito.
Huminga siya ng malalim at iniwas ng dalaga ang tingin.
"Galit ako sa'yo, kinasusuklaman kita! Iniwan mo ako nang hindi ka man lang nagpapaalam. Sinabi ko na noon pa, ayoko ng biglaan ang pagkawala mo, pero sinadya mo talagang gawin!"
"I'm sorry, pero kung magpapaalam pa ako sa'yo baka hindi ko na magawang iwan ka. Ginawa ko lang ang bagay na gusto mong mangyari."
Hindi ito kumibo.
"Hindi na kita kayang iwasan pa, kaya kung pwede lang ikaw na lang ang umiwas, nakikiusap ako Gian, ikaw na lang. Ipangako mo ikaw na lang!"