webnovel

SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 17

Ran's POV

TUMIGIL NAMAN si Atoz sa pagtugtog ng gitara at napatingin sa akin. "Bakit ka nagpapaliwanag sa akin?" tanong niya matapos kong sabihin sa kaniya na hindi ko kakilala ang Gio na iyon.

"Kasi, baka kung anong isipin mo," sagot ko.

"Hindi mo naman ako boyfriend para ipaliwanag ang bagay na iyon. Anong pakialam ko kung nililigawan ka niya, `di ba? Sino lang ba ako sa'yo? Ako lang naman si Abcde Xyz Jerusalem, kaklase mo, `di ba?" sabi niya at saka tumayo at nagsimula nang maglakad palabas ng music room.

Pero bago pa siya tuluyan makalabas ay may sinabi muna siya. "Unti-unti na nga kitang nakakalimutan pero heto ka at lumalapit ka na naman sa akin. Please, Ran. Tama na. Tama na ang minsang sakit na naidulot mo sa akin," anito at tuluyan na siyang lumabas.

Nakatingin lang ako sa papalayong pigura ni Atoz. Hindi ko alam pero maski isang patak ng luha ay walang lumabas sa mga mata ko.

Lumabas na ako sa music room nang tumunog na ang school bell hudyat na magsisimula na ang susunod na klase. Mabagal akong naglalakad pabalik sa aming silid aralan.

'Unti-unti na nga kitang nakakalimutan pero heto ka at lumalapit ka na naman sa akin.'

'Please, Ran. Tama na. Tama na ang minsang sakit na naidulot mo sa akin.'

Tama nga si Perzeus. Dapat noong una pa lang ay hindi na ako nagkagusto sa isang tao. Sana sa una pa lang ay sinunod ko na ito. Sana noong una pa lang iniwasan ko na si Atoz.

Naglalakad ako papunta sa klase ko nang hindi ko namalayan na may isang timba pala na may laman na tubig ang nakaharang sa dinaraanan ko. Natisod ako kaya naman bumagsak ako sa sahig at nabasa.

"Okay ka lang? Bakit hindi mo kasi"

"Papa?" nagtatakang tanong ko. "Anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa suot niya.

"Kasi anak"

Hindi ko pinatapos magsalita si Papa. "Bakit, `Pa? Bakit ginagawa mo ito? Ito ba ang dahilan kaya pilit mo pa rin akong pinapapasok"

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin. Napahawak ako sa tagiliran ko kung saan ang parteng nasaksak noong isang linggo dahil bigla itong kumirot.

"O-okay ka lang, Ran?" nag-aalalang tanong ni Papa sa akin.

Akmang lalapitan sana ako nito pero pinigilan ko siya. "Kaya ko ang sarili ko," sabi ko rito at unti-unting tumayo habang nakahawak sa aking tagiliran. Napangiwi ako sa sakit nang umayos ako ng tayo at hinarap si Papa.

"Ran, magpapaliwanag ako," nagmamakaawang saad nito.

"Sa bahay na lang po. May klase pa po ako," sabi ko rito at nagsimula na ulit akong maglakad.

Dumiretso na muna ako sa CR para tibgnan kung okay lang ba ang sugat ko sa tagiliran. Nang nasa loob na ako ng isang cubicle ay tinanggal ko ang suot-suot kong damit. Napadaing ako nang mahubad ko ang benda na nakalagay sa aking sugat. Sobrang dami ng dugong lumalabas. Wala akong ibang benda kaya naman nilinis ko na lang ng tubig at sinuot ulit ang blouse at jacket ko. Ang malas ko lang dahil kulay puti ang suot kong jacket ngayon. Sigurado akong makikita ang dugo rito dahil walang benda ang sugat ko at sobrang daming dugo ang lumalabas.

Naalala ko ang pagkabagsak ko kanina. Tumama sa tagiliran ko ang timba ng bumagsak ako sa sementadong sahig. Lumabas naman ako ng cubicle at naghilamos ng aking mukha.

Late na akong nakapasok sa last subject ko kaya tinanong ako ng aming teacher kung saan ako galing. "Why are you late, Miss?" mataray na tanong nito sa akin.

"M-may g-ginawa lang po ako. S-sorry," halos pabulong kong sagot.

"Okay, pumasok ka na. Basta next time on time ka na pumasok," sabi nito at pinagpatuloy ang pagtuturo nito sa harap.

Pumasok naman ako sa klase. Habang nilalandas ko ang daan patungo sa aking upuan ay ramdam kong parang bumibigat ang bawat hakbang ko. Pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi normal ang tibok ng aking puso.

"Okay ka lang?"

Lumingon naman ako sa nagsalita. Tinanguan ko lang si Keith. Ayaw kong sabihin sa kaniya na hindi mabuti ang pakiramdam ko dahil alam kong mag-aalala na naman siya.

Ilang minuto bago ako tuluyang nakaupo sa aking upuan. Hawak-hawak ko pa rin ang tagiliran ko dahil sumasakit pa rin ito at ramdam kong may mga dugong lumalabas doon. Nakatingin lang ako sa guro namin na nagsasalita sa harap.

Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasasabi niya. Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko maigalaw nang maayos ang aking katawan. Mabuti na lang at mayamaya pa, uwian na. Naglabasan na ang mga kaklase ko at pati na rin si Keith. Nagpahuli akong lumabas para hindi nila makita ang aking damit na may dugo. Dahan-dahan naman akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Ah!" Daing ko nang maramdaman ko ang pagsugid ng sakit ng aking tagiliran.

Pinagpapawisan ako nang buo at malamig. Nagmamanhid na rin ang katawan ko. Pinilit kong maglakad nang maayos pero lagi akong nawawalan ng balanse kaya napapahawak ako sa mga upuan at mesa na madaraanan ko.

Nasa pintuan na ako nang mawalan ako ng balanse.

"Shit!"

Dumulas ang kamay ko na nakahawak sa door knob. Napadaing ako nang bumagsak ang aking katawan sa sahig. Tatayo na sana ako nang may kamay na umakay sa akin patayo.

"Ran! Ayos ka lang?"

Iyong boses na iyon. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon.

Atoz's POV

PAGKARAAN NAMING mag-usap ni Ran sa music room ay mas lalong gumulo ang isip ko. Lalo na sa tuwing nakikita ko ang Gio na iyon na kasama o kinukulit si Ran.

Totoo naman kasing wala akong pakialam kung lagi silang magkasama. Naiinis lang ako dahil nilalayuan ko na nga siya gaya ng kaniyang sinabi pero ito naman siya at lumalapit sa akin.

Nang makalabas ako sa music room ng araw na iyon ay nagulat ako nang makita kong nasa labas si Camille.

"I-ibig s-sabihin siya ang babaeng kinukwento mo sa akin?" tanong nito nang magsimula na kaming maglakad.

Tumango lang ako.

"Pero bakit? `Di ba sabi mo mahal"

"Halika na. Ihahatid na kita sa airport. `Di ba, flight mo ngayon pabalik ng New York?" tanong ko.

Tumango ito habang nakasimangot.

"Anong mukha iyan?" natatawang tanong ko.

"Paano kasi hindi mo man lang ako pinakilala sa pinakamamahal mong babae!" sigaw nito at pumasok na sa sasakyan nila.

Nang makarating kami sa airport ay nagpaalam na ako kay Camille. "Mag-ingat ka roon. Balik ka ulit dito, ah?" nakangiting sambit ko.

"Oo naman insan. Basta, pagbalik ko sana okay na kayo ng Ran na iyon," sabi nito at kinindatan ako.

Nginitian ko lang ito bilang sagot. Nang makapasok na sa loob si Camille ay napagdesisyonan ko na rin na bumalik sa paaralan.

Napailing na lang ako. Kung alam lang nito sana kung ano si Ran.

Nang makarating ako sa paaralan ay saktong tumunog ang school bell kaya naman tumakbo agad ako papunta sa klase ko.

Tumatakbo ako nang mapalingon ako nang may narinig akong bumagsak kaya nilingon ko. Isang estudyanteng nakasalampak sa sahig at ang janitor. Mukhang nadulas ang estudyante at tinutulungan ito ng janitor. Hinayaan ko na lang sila at tumuloy na ako sa klase ko.

Buti na lang at sabay kaming dumating ng subject teacher namin kaya hindi ako tuluyang na late. Habang nagsasalita sa harap ang subject teacher namin ay napatingin ako sa babaeng matulin na naglalakad sa labas ng classroom.

"Why are you late, Miss?" mataray na tanong sa kaniya ng subject teacher namin nang akmang kakatok siya sa pinto.

May sinabi si Ran pero hindi namin narinig dahil sabrang hina ng boses niya.

"Okay, pumasok ka na. Basta next time on time ka n pumasok," sabi ng subject teacher namin.

Habang papasok siya ay napansin kong basa ang kaniyang palda at ang isang kamay ay nakahawak sa bandang tagiliran.

"Okay ka lang?" tanong sa kaniya ni Keith.

Tumango lang naman siya.

Nang dumaan siya malapit sa akin ay doon ko lang napansin na may dugo ang suot niyang jacket.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya pero mukhang hindi niya ako narinig.

Hawak-hawak pa rin ni Ran ang tagiliran habang nakikinig at nakatingin sa harapan. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kaniya dahil naririnig ko siyang dumadaing.

Nang uwian na ay nagpahuli akong lumabas para tingnan si Ran kung kaya niya bang tumayo dahil mukhang malala ang sugat niya sa kaniyang tagiliran. Dahan-dahan naman siyang tumayo sa kinauupuan at nagsimulang maglakad.

"Ah!"

Napatayo naman ako nang marinig kong napasigaw siya. Lalapitan ko na sana si Ran pero naunahan na naman ako ng takot. Gusto ko siyang tulungan sa tuwing natitisod siya pero natatakot ako.

Natatakot dahil baka sa muling paghawak ko sa kaniya ay hindi na ako makawala pa sa pagkagusto ko sa kaniya. Kaya sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa may pinto.

"Shit!"

"Ran!" sigaw ko at tumakbo palapit nang makita kong tumumba siya.

Bigla naman akong nagtago sa likod ng pintuan nang makita ko si Perzeus.

"Ran! Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito kay Ran at tinulungan itong tumayo.

"P-perzeus?" naiiyak na saad niya at hinawakan ang mukha ni Perzeus. "B-bumalik ka," saad ni Ran at humagulgol.

"Tahan na," ani Perzeus. Pilit na pinakakalma ang kaibigan habang hinahagod ang likod. "Hindi ko na uulitin ang ginawa ko," sabi nito at saka niyakap si Ran.

Parang dinudurog ang puso ko nang makita silang magkayakap kaya naman minabuti ko na lamang na umalis.

Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan kong may kausap sa sala si Hillary.

"Wait lang, Kuya. Tatawagan ko lang ang kuya ko baka nasa school pa siyaoh! Ito na pala siya, eh!" sigaw ng kapatid ko nang makita niya akong papasok ng bahay. "Kuya, may naghahanap pala sa'yo. Gio raw ang pangalan."

Nang marinig ko ang sinabi ni Hillary ay agad kong nilingon ang lalaking nakaupo sa sofa sa may sala. Kumaway naman ito sa akin at nginitian ako.

"Sige, punta ka na sa kwarto mo, mag-uusap lang kami."

Tumango lang naman si Hillary at tuluyan nang umalis. Tinungo ko naman ang sala kung saan nandoon iyong Gio.

"Hey! Gio Concepcion pala"

"Anong ginagawa mo rito?"

"Wala man lang bang 'Hi'?" natatawang saad nito at saka lumapit sa akin. "Nandito pala ako para sabihin sa'yo ang totoo."

Kumunot naman ang noo ko. "Anong pinagsasasabi mo? Anong totoo? At paano mo nalaman ang bahay namin?" tanong ko rito.

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman kung saan ka nakatira. Ang mahalaga ngayon ay malaman mo ang tunay na kalagayan ni Ran. Atoz," tawag nito sa akin at tumingin sa mga mata ko. "May malubhang karamdaman si Ran. Hindi niya alam kung magtatagal pa ba siya."

Parang nabingi ako sa narinig ko.

"Ako ang may kasalanan kung bakit siya naghihirap ngayon."

Nang marinig ko ang sinabi nito ay hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin na sapakin ito.

"Bakit?! Ano bang kasalanan sa'yo ni Ran at nagawa mo sa kaniya iyon? Sino ka ba? Sino?!" Halos marinig sa buong bahay ang sigaw ko.

Napatingin naman ako kay Hillary na lumabas ng kwarto niya na tumatakbo palapit sa amin.

"Kuya! Anong nangyayari?" tanong nito at hinawakan ako sa braso. Napatingin naman ito kay Gio na nakasalampak sa sahig.

"Kuya, nag-aaway ba kayo ni Kuya Gio?" nag-aalalang tanong nito sa akin.

Hindi ko sila pinansin. "Umalis ka na," sabi ko kay Gio bago ko sila iniwan. Hindi pa ako nakakalayo sa kanila nang magsalita muli ito.

"Atoz..."

Napatigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon.

"...Alam kong galit ka sa akin lalo na sa ginawa ko kay Ran. Wala na talaga akong ibang choice nang araw na iyon, eh. Sa ayaw ko man o sa gusto, kailangan ko ng pera dahil nasa hospital ang kapatid ko. Napag-utusan lang ako, Atoz. Napag-utusan lang ako ng papa mo. Hindi ko naman alam na may las"

Hindi ko na pinatapos pa kung ano man ang sasabihin nito. Umakyat na lamang ako sa aking kwarto. Malinaw na sa akin na ang papa ko na naman ang may kagagawan. Pumayag naman ako sa kondisyon niya na iwasan ko na si Ran pero bakit ginawa pa rin niya ang bagay na iyon?

Gabi na pero gising pa rin ako. Hinihintay ko kasi ngayon si Papa. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa pagpapasaksak niya kay Ran. Kung totoo ngang siya ang nag-utos.

Habang nanonood ako ng TV ay napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon.

"Bakit gising ka pa? Kumain na ba kayo ng kapatid mo?" tanong niya habang tinatanggal niya ang coat galing opisina.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang papunta siya sa kusina para kumuha ng malamig na tubig na inumin.

"Kumusta sa paaralan mo? Balita ko pumapasok na raw ulit si Ran?" tanong nito at umupo sa tapat kong sofa.

Hindi ako nagsasalita.

"Oh! Maganda ang pinanonood mo na iyan. Iyan lagi ang inaabangan ko tuwing umuuwi ako galing trabaho," masayang sambit niya habang nakatingin sa TV.

Bakit ang dali sa kaniyang ngumiti kahit ang totoo ay may kasalanan siyang nagawa?

"Papa," tawag ko sa kaniya.

"Mmm?"

"Totoo bang inutusan ninyo itong si Gio Concepcion para kitilin ang buhay ni Ran?"

Nabitiwan naman niya ang hawak na baso. Hindi siya umimik.

"So, totoo nga?" Mapaklang tawa ko. "Papa, bakit? Pumayag naman ako sa kondisyon ninyo na layuan ko si Ran, ah! `Di ba, nagkasundo nga tayo na kung lalayuan ko siya pababayaan ninyo na siya?!" sigaw ko sa kaniya. "Papa! Bakit?! Pumayag naman ako sa kondisyon mo tapos... ito. Ito ang gagawin mo?" naiiyak na ako.

Hindi ko alam ang aking nararamdaman. Inis. Galit. Lungkot. Hindi ko maipaliwanag. "Papa, kinalimutan ko si Ran dahil sa kagustuhan mo na layuan ko siya. Kinalimutan ko ang nararamdaman ko at pinagtaboy ko siya para lang maging ligtas siya pero bakit ginawa mo sa kaniya iyon, Pa? Hindi mo ba alam na naghihirap siya ngayon dahil sa lason na nilagay mo sa kutsilyong ginamit ni Gio para saksakin siya?" Umiiyak na saad ko.

Nilapitan naman ako ni Papa at hinawakan sa balikat. "Anak," mahinang tawag niya sa akin. "Hindi ko ginusto ang nangyari. Pinagsisisihan ko na. Kinain lang ako ng takot na baka kung mamahalin mo siya ay sasama ka sa kaniya at iiwan mo rin ako gaya ng ginawa sa akin ng mama mo. Anak, patawarin mo sana si Papa," umiiyak na sambit nito at akmang yayakapin niya ako nang tinulak ko siya.

"Ang selfish mo, Papa! Sana naisip mo iyan bago mo ginawa kay Ran ang bagay na iyon." Pagkasabi ko noon ay lumabas ako ng bahay.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa mga oras na ito. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa lugar na ito. Ang lugar kung saan unang beses kong nakitang kumanta at sa unang beses na iyon ay tumibok nang kakaiba ang puso ko para lamang sa isang babae.

Next chapter