webnovel

51

"I just.. I can't have you. Kim owned you back then."

Tumitig s'ya sa mga mata ko. Na para bang may pinapahiwatig ang mga mata n'ya. Namumula iyon at gusto nang lumabas ang mga luha pero pinipigilan lamang n'ya. Hindi n'ya na napigilang mapaluha nang bigla n'yang inilagay ang noo n'ya sa balikat ko.

Muling dumiin ang pagkakahawak n'ya sa braso ko. Hindi ko maiwasang masaktan sa lagay n'ya ngayon. Kalahati sa'kin na nagsisi na parang s'ya pa ang nasaktan ng todo sa aming dalawa.

"Hindi na n'ya ako pag-aari, Emelita."

Doon ako natigilan. But I decided to stay calm as much as I can. I don't want to give him a reason to give us a chance. I don't want to let my guard down.

"Alam kong may namamagitan sa kanila ni Gerald. I could sense it, hindi ako manhid, hindi din ako tanga. Natutunan kong mahalin s'ya pero sa tingin ko ay hindi magiging kami hababg buhay. She wasn't mine because someone owned her already before we'd be together as a couple." He faced me again and looked straight into my eyes.

"You're confusing me again. What the hell are you trying to say?!" Muli ko s'yang tinulak pero parang pinapahirapan ko lang ang lagay namin ngayon, nadala ako dahil sa higpit ng pagkakahawak n'ya kaya nakadikit parin kami sa isa't isa.

"I mean it. Fuck! Bakit mo ba ako pinapahirapan? Wala naman akong ginawa. Nagmahal lang naman ako. Bakit mo ba ako pinipigilan at pinapahirapan? Sapat na ang halos pitong taon na paghihirap mo sa'kin, Emelita. Pagod na ako, gustong gusto na kitang maging akin. I'm in love with you, so badly, baby.."

Doon sumuko ang buong pagkatao ko. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang bigyan ng pagkakataon si, John. Gusto kong subukan at bigyan ng pagkakataon ang isa't isa. Napagtanto kong kapag hindi ko susubukan ay hindi ko malalaman kung seryoso ba s'ya o hindi.

"I love you, Emelita. Mahal na mahal kita at mas lalo lang lumaki ang pagmamahal ko sa'yo noong umalis ka. At mas lalo lang nagiging komplikado ang sitwasyon natin dahil pinapahirapan mo. We'll fix it and everything will be alright."

Hindi ako umimik, hinayaan ko lang s'yang magsalita. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagmamahal ko sa'yo. Gumising nalang akong mahal na kita. Hindi ko napansin na gusto ko ang lahat ng mga kilos mo, the way you move and act. I love your brown eyes, your hair, your lips and all. You have this extraordinary beauty that I love the most. Kahit pa siguro ilang beses ko pang ibaling sa iba ang atensyon ko, hindi parin kita maalis sa isip ko. I just love you Emelita. Gusto kong sabihin sa'yo na tayo namang dalawa ang isipin mo. Kahit hindi mo na ako mahal, kahit hindi mo ako gusto. I will make sure that you'll fall in love with me again. Wala akong pakialam sa ibang tao, ikaw lang iniisip ko. So, think about us."

"Please, baby.. please?" Pagmamakaawa n'ya.

Huminga ako ng malalim at sinagot s'ya. "Okay, I will give us a chance. But—"

Tumigil ako nang lumaki ang mata ni John dahil sa excitement. "Ligaw muna."

Kahit napipilitan ay ngumiti na lamang s'ya. "Okay, I'll wait, babe."

I sighed. "Okay."

He slowly ran his hand towards my back, circling his arms—hugging me. Muling nabuhay ang dugo ko sa ginawa n'ya. Hindi ko maintindihan kung bakit laging ganito ang reaksyon ng puso ko. Mas lalo akong nahuhulog sa kan'ya.

"I missed you. Hindi ko alam kung bakit nakayanan ko pa noong nawala ka. Pero sigurado akong hindi ko na makakayanan kung mawala ka pa."

ตอนถัดไป