webnovel

CHAPTER 2

AN: Hello po, pasensya na at matagal si author mag-update 😂😌 sana'y makapaghintay kayo. Maraming-maraming salamat sa mga nagbabasa na nito. Love you all guys! 😍😘

======================================

NIGEL CALIXTO

"Wala ka bang balak na magkaroon man lang kahit na isang anak?"

Kunot noong napaangat ako ng mukha dahil sa sinabi ni, Michael.

"Wala naman naisip ko lang, alam mo naman simula ng makilala kita at ginawa mo akong katulad mo, nag-iisa ka lang."

Binaba ko ang papel na binabasa ko at tiningnan ko siya nang seryoso. Naisip ko rin sa loob ng dalawang daang taon na nabubuhay ako ng isang normal na tao. Kahit kailan hindi pumasok sa isipan ko ang magkaroon ng pamilya o kahit anak man lang.

"Sa tingin mo ba kailangan ko pa magkaroon ng anak? Lalo na sa totoong katauhan ko?" sagot ko na napapaisip rin, humugot ako ng isang mahabang buntong-hininga at muling nagsalita. "Kung sakali man, anak lang ang kailangan ko at lalaki ito." seryosong sagot ko.

"Puwede naman kung anak lang para kahit paano naman may magmana naman sa gandang lalaki mo," natatawang wika nito.

Hindi ko naman pinansin ang natatawang pagtawa nito dahil sa sinabi niya, dahil nasa isip ko ang pagsisimula sa paghahanap ng babaeng magbibigay ng lalaki na anak sa akin. Matalik na kaibigan ko si Michael, simula ng mapadpad ako sa lugar nila. Isang vocalist ng banda ito sa mga moaliit na resto bar, dahil sa pagkasira ng grupo nila nakilala ko siya. Isang lalaki na hanap 'ay gulo lagi at wala ng patutunguhan ang buhay, ginawa ko siyang katulad ko ng malagay siya sa alanganin na maaaring ikasawi niya.

-----

"Boss, may transaksyon na magaganap sa may tambakan ng mga lumang truck."

Tumango lang ako sa isa sa mga tauhan ko na kasalukuyan na nag-iinom kami ni Michael, dito sa maluwang na sala ng aking mansyon.

"Dito lang kayo at kami na ang bahala doon." sagot ko lang at sabay na tumayo kami ni, Michael.

Gamit ang aking mamahalin na kotse, mabilis na nakarating kami sa lugar na sinabi ng tauhan ko. Tahimik na pinagmamasdan namin ang paligid dito sa may madilim na bahagi.

"May dumarating na," mahinang sambit ni, Michael.

Tumalas naman ang pandinig ko sa mga yabag ng mga taong paratin sa gitna ng napapaligiran ng mga lumang truck. Hanggang sa matipon na ang mga ito sa gitna, napako ang paningin ko sa lalaking nakasalamin at sa dalawa pa nitong kasama. Habang ang mga kaharap naman nito 'ay apat na mga kalalakihan na halatang mga bigtime.

"Nigel, ang magaling mo na tauhan at hindi nga ako nagkamali sa taong 'yan. Hudas talaga," naiiling na tukoy ni Michael, doon sa lalaking nakasalamin na si, Benjamin. Ang isa sa mga matagal ko ng tauhan na ngayon 'ay gumagawa ng sariling transaksyon sa iba na hindi namin alam.

"Hayaan na muna natin silang matapos sa kanilang pag-uusap," seryoso na sagot ko lang habang pinakikinggan ang kanilang pinag-uusapan.

Matapos magkaabutan ng kanilang items at kabayaran, naghiwalay na silang lahat. Tahimik at walang ingay na sinundan namin ang nagmamadali na si, Benjamin. Muntikan pa itong mapasigaw pagkakita niya sa akin, dahil wala pang segundo naroon na ako sa kaniyang harapan. Habang nasa likuran naman nito si Michael, napapangiti siya ng pilit pagkakita sa amin.

"Boss, kayo pala." nakangiting sagot nito at naglulumikot ang dalawang mata nito sa kasama niyang dalawa.

Hanggang sa ginawa niyang paghampas sa akin ang bag na hawak niya sabay takbo at tinulak ang kasama niya. Hinayaan ko siyang makatakbo pati na ang kasama niya dahil hindi naman sila makakaligtas sa akin kahit saan man sila magpunta.

Sumenyas lang ako 'kay Michael, sa isang iglap nawala kami sa kinatatayuan namin at manbilis na tumatakbo hanggang sa makita ko ang isang kasama ni Benjamin, umikot ako paharap dito at hinugot ko ang baril ko sa tagiliran. Walang alinlangan na dinikit ko lang ito sa tiyan ng lalaki at pinaputok ito, nagtalsikan pa ang dugo nito mula sa bibig.

Hinabol rin ni Michael ang isa, nang maabutan niya ito 'ay binalian ito ng leeg sabay sinapa at tumalsik ito sa may basurahan.

Naglakad na ako at hinahanap ng mata ko si Benjamin, hanggang sa mamataan ko na patuloy itong tumatakbo. Matulin na hinabol namin ng sabay ito ngunit may isang lalaki na humarang at pasalubong rin ito sa biglang labas ng babae.

Napahinto kami pareho ng makita namin nabunggo nang lalaki 'yung babae at bumagsak, muling tumayo ito ngunit tinamaan ulit ito at hindi ko alam kung bakit kusang tumakbo ako ng mabilis at sinapo ko ang katawan niya. Kitang-kita ko sa pawisan niyang mukha ang pagkagulat at ang pagtitig na ginagawa nito sa akin.

Matapos iyon ay binitawan ko na siya, narinig ko pa na kinausap ni Michael yung babae.

"Nakalayo na siya," wika ni, Michael.

"Hayaan na natin siya dahil tiyak na makikita natin siya ulit." mahinang sagot ko lang dito at hindi ko na sinulyapan pa ang babae. "Bumalik na tayo," muling salita ko at humakbang na. Naramdaman ko ang mata nang babae na kanina pa ako pinagmamasdan, at naramdaman ko sa kaniya ang pagod.

"Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni, Michael.

Narinig ko naman ang mahinang pagtugon nang babae, pero mabilis na napaikot ko paharap at muling sinapo ang babae dahil sa bigla na lang itong babagsak.

"S-salamat," mahinang sambit nito.

May kung anong kakaiba sa aking pandinig ang boses niya kaya sandaling pinagmasdan ko ang kaniyang mukha.

"Miss, maaari ka ng umuwi dahil delikado ang lugar na ito." muling wika ni, Michael.

"P-pasensya na kayo kung nakaistorbo ako, naghaha-"

Hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin dahil sumenyas ako agad kay Michael na iwan muna kami dito na hindi napapansin nitong babae. May halong pagtataka ang bumalatay sa kaniyang simpleng mukha na walang kahit na anong bahid ng pinta dito, damang-dama ko naman ang lambot ng dibdib nito.

Ang kaniyang hininga na amoy na amoy ko, habang pinagmamasdan ko siya nabasa ko ang nasa isip niya na problema. Laman rin ako ng isip niya na hindi ko alam pero nagugustuhan kong malaman.

"Ipagbuntis mo ang aking anak na lalaki." mahinang bigkas ko sa malamig at mapang-akit na tono. Napansin ko ang ginagawa niyang pagtingin sa aking kabuuan na mukha. "Narinig mo ba ako?" basag ko sa katahimikan niya dahil sa walang sawa na pagtitig sa akin.

"P-pero, naguguluhan ako sa sinabi mo," mahinang sagot nito.

"Wala kang ibang gagawin kung hindi ang ipagbuntis lamang ang anak ko na lalaki." ulit ko sa kanya.

"Lalaki? Paano kung hindi lalaki?" hindi makapaniwalang sagot niya.

"Sigurado ako na lalaki ang ipagbubuntis mo at papalitan ko ito ng malaking halaga. Alam ko naman na kailangan mo ng pera," seryosong sagot ko lang sa kaniya na kinatahimik nito

Napako naman ang mata ko sa labi niyang nanunuyo at pakiramdam ko inaanyaya ako na dampian ko ito, kusang bumaba ang labi ko sa kanya at ng lumapat na ito. Parang ayoko ng pakawalan, ngunit nagpigil ako sa aking sarili. Mahinang napapahingal ito ng bitawan ko na napamulat ang kaniyang mga mata na kusang pumikit kanina.

"Puntahan mo ako sa address na 'yan." muling salita ko at tumalikod na ako nang tumango na siya, nagsimula na akong maglakad habang pinakikiramdaman siya mula sa likuran ko.

"S-sandali! Anong pangalan mo?"

Napahinto ako saglit at kahit medyo malayo na ako sa kaniya 'ay narinig ko ang mahinang pagtatanong nito sa pangalan ko.

"Nigel, Nigel Felix Calixto." sagot ko at hindi ko alam kung bakit niya narinig kahit malayo na ako, hindi ko na lang pinansin ito at mabilis na naglakad na.

"Sigurado ka ba na siya na ang napili mo?"

Napahinto naman ako sa pagsakay  sa kotse nang marinig ang boses ni, Michael. Tumango lang ako at pumasok na sa loon ng sasakyan, gayun din ito na umikot sa kabila.

"Ngunit hindi mo pa siya kilala," muling salita nito.

"I know, pero siya ang gusto ko na magdala sa magiging anak ko," seryosong sagot ko at binuha ko na ang makina at pinaharurot ito sa daan.

Pagdating namin sa mansyon dumiretso na ako sa aking silid at nagpunta sa shower. Habang hinahayaan ko na mabasa ang buong katawan ko at tumulay sa bawat parte ng katawan ko ang tubig, muling sumagi sa aking isipan ang babae kanina.

Bigla akong hindi makapaghintay na makita siya dahil may kung anong kakaiba na nararamdaman sa kaniya. Hindi na rin ako makapaghintay na makasama siya sa aking malaking kama. Napapikit ako sa isipin na 'yon lalo na ng malasahan ko ang kaniyang labi, pakiramdam ko damang-dama ko pa rin hanggang ngayon ang paglapat ng labi ko sa kanya.

------------

Next chapter