webnovel

Six

Chapter 6

"San ba tayo?" Hinila ako ni Hazel palabas ng bahay. Aga aga kasing nagtext dahil may lakad raw kaming lahat. Hindi ko naman alam na saan kami pupunta. Pero sinabi niyang maglagay ako ng damit para pambihis.

"Ingat kayo." Kumaway si Ate Bianca sa labas. "Ingatan niyo yang kapatid ko." Kinindatan pa ako ni Ate at pumasok sa loob. Napailing nalang ako.

"Ya." Inis akong napalingon kay Jeydon na kinuha ang aking backpack na nakasabit sakin.

"Ako na." Aniya at unang lumakad na samin. Nakayapos parin sakin si Hazel hanggang makasakay kami sa isang Van.

"Kanino 'to?" Takang tanong ko pagkapasok. Nakita kong nakasuot sila nang bohemian, habang ako at si Jeydon ay nakasuot ng simpleng Tshirt at pants.

"Sakin ito. Pupunta tayong Beach!" Sigaw ni Quinn. Pumalakpak naman si Rolly at Yna. They are all excited.

Napangisi ako dahil sa kakulitan nila. Napatingin ako Driver's seat, kung sino ang nagdadrive. Lumingon ito sakin.

"Gusto mo tabi tayo?" Tinanggal niya ang kaniyang sunglasses at lumabas ang kaniyang ngiti sa labi na parang nang-aasar.

Tinignan ko lang siya ng masama at umiwas ng tingin. What the hell? Uminit ang mukha ko.

Habang nasa byahe kami ay nakatulog agad sila. Napapikit nalang ako dahil tahimik ang paligid. Nakaka-antok.

Itinagilid ko ang aking ulo at piniling sa bintana para makatulog.

"You sleepy?" Narinig kong tanong ni Jeydon. Binuka ko ang isang mata at tinignan siya.

"Hmm." Tumango ako at pumikit uli. Hindi ko namalayan kaya nakatulog ako.

----

Napamulat nalang ako sa sigaw ng lalaki. Kaya dali-dali akong napamulat.

"Nandito na tayo?" Lumingon ako sa likod pero wala nang tao.

"Yeah, naghihintay na sila. Let's go." Napalingon ako sa Driver's seat at doon nakita ko ang nakakasilaw na ngiti ni Jeydon. Siya ba yung sumigaw? I think it's a girl.

Alanganin akong numiti at tumango. Pagkalabas niya sa sasakyan ay dali dali kong kinuha ang Cellphone at icheck kung may dumi ba ako sa mukha o ang pangit ko pang tignan.

"Omo." Inilapit ko ang mukha ko sa Cellphone nang may napansin ako sa bandang mata.

"My Eyeliner are all smudge." Napanguso ako, ang pangit ko yata tignan ngayon. Kinuha ko ang wet tissue at pinunasan iyon. Tumagal yata ako dahil ang tagal tanggalin yung eyeliner ko.

Pagkalabas ko sa Van ay ang nakasimangot na mukha ni Jeydon ang bumungad sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wae?" Lumabas ang korean tone ko bigla.

Umiling lang siya at kumapit sa aking braso. "Let's go. Nandoon na ang gamit mo." Tumalon talon pa siya at ako naman ay nahila. Ang laki ba naman ng taong ito sino bang hindi mahila?.

"Retard." Tawag ko sakaniya. Pero hindi niya lang ako pinansin.

Pagkadating naming dalawa sa resort ay namangha ako. "Wow." Ibang-iba ito sa dagat namin doon.

Napatingin ako sa paligid, ang daming tao. Kumpara doon saamin ay kokonti lang. At para kang nasa Hawaii dahil iba't ibang kulay na bulaklak ang nakapalibot sa mga cottage. At may naka lagay na 'La Vista Beach Resort' sa harap.

"Ganito ba talaga kadami ang mga tao dito?" Takang tanong ko, tumingala ako sakaniya. Dahil ang tangkad niya talaga.

"Yeah." Ngumuso siya at tumingin sakin. Pinanlakihan ko siya ng mata at siniko sa tagiliran. Napadaing ito sa sakit kaya napabitaw siya sakin. Dahil mukhang hahalikan niya ako.

Napatakbo ako dahil mukhang hahabulin niya ako, or na konsensya ako? I don't know, nararapat lang yun sakaniya.

Kumaway ako ng makita sina Rico at Geoffrey na dala ang mga kagamitan namin.

Ngumiti din sila sakin at kumaway. Lumapit ako sakanila at nagtanong. "Saan sila?"

"Nandiyan sa cottage." Tinuro niya ang malaking Bungalow. Napa woah ako. Ganito ba talaga kayaman si Quinn? Or mayaman talaga silang lahat? Pakiramdam ko kasi na mga mayayaman ang nag-aaral doon sa pinasukan kong school.

Nagpasalamat ako sakanila. At pumunta sa Bungalow na kanilang tinuro. Ito yata ang pinakamalaking Bungalow sa ibang Bungalow na nandito.

Pagkaakyat ko ay hinawakan ko ang haligi na gawa sa Bamboo. May mga nakasabit rin na Dream Catcher sa itaas at iba't-ibang kulay.

"Akala namin hindi kana aalis dun." Nagngising aso si Rolly sakin at sinapak ako sa balikat.

"Bakit?" Hinimas ko ang kaniyang sinapak. Hindi ba niya alam na ang laki ng kamay niya? Ang sakit kaya.

Napaatras ako ng dumaan si Hazel na may dalang paper plates. "At ang sweet niyo ha. Hindi ka talaga niya iniwan at binantayan ka pa." Kumindat ito sakin bago ito lumampas.

Tumawa si Quinn at Yna sa tabi ni Rolly. "Yeah right." Nag apirran pa silang dalawa.

Napa-iling ako dahil sa kanilang mga pinagsasabi.

Pagkapasok ko sa isang Kwarto ay ang laki. Nandoon na rin ang kagamitan ko sa gilid.

Tumakbo ako sa higaan na halos kulay puti lahat ang nakalatag. "Ang ganda dito." Napahiga ako at napapikit. I really like it here.

Ngayon lang ako nakaranas na lalabas kasama ang mga kaibigan. Dahil noon, kami ni Yerin ay malling lang ang aming naabot. Parati kasi akong nag-aaral, dahil yun ang gusto ni Dad sakin.

Nagising ako nang may naramdaman na yinugyog ako sa tabi. "Bakit?" Bumangon ako at nakita kong nakabihis na ng two-piece swimsuit sina Quinn, na at Hazel.

"Let's go. May ibinilin kaming Swimsuit diyan." Tinuro niya ang tabi ko na may nakalatag na. Kulay Red at two-piece.

"What the?!" Umiling ako. Ayoko, kahit kailan hindi pa ako nakasuot ng ganyan.

"No more buts." Hinila ako ni Hazel kaya nagpapabigat ako. Ayoko, dahil ang pangit ng katawan ko. Hindi na ako nag gi-gym ngayon.

Tinulungan nila si Hazel sa pag-hila sakin at tinulak sa CR. Napasimangot ako. "Ang pangit ng katawan ko!" Sigaw ko sa loob.

No choice. Sinuot ko ito at perfect fit. Kaya lang natatakot ako dahil isang hila lang ay tanggal agad. We don't usually wear this. At hindi pa ako nakasuot ng ganito.

Pagkasuot ko ng Swimsuit ay isinuot ko rin ang aking Tshirt. Kaya lang kitang kita ang pangbaba ko.

Lumabas akong nakanguso. "Hindi bagay sakin." Nang nakita nila ako ay agad silang tumayo at linapitan ako.

Lumingkis ang kamay ni Hazel at Yna sa magkabilang braso. Habang si Quinn naman ay nasa likod ko.

Pagkalabas namin ay nakita ko agad sina Rico, Geoffrey at Jeydon na naka swim trunks. And they look really hot.

Napalunok ako habang nakatingin kay Jeydon, namumula na ang kaniyang katawan dahil yata sa init. At kahit payat ang kaniyang katawin, pero may abs siya. I'm really not interested in men with abs. But now, why?

"Girls, lets go na." Tili ni Rolly sa likod kaya napatingin kami sakaniya. I covered my lips. Muntik na akong bumunghalit ng tawa. Pati narin sila Quinn, Hazel at Yna na mukhang pinipigilan din ang tawa.

Nakasuot kasi si Roland or Rolly nang maikli na shorts. Tsaka yung pang-ilalim niyang polo ay itinaas at kita kita ang kaniyang tiyan. He really looks funny and wierd. Dahil he is a thin person, na parati kong makikitang katawan sa Korea.

Ibinaba ni Rolly ang kaniyang sunglass at tumakbo sa dagat. "Tinalbugan tayo mga friend. Tara na!" Dali dali silang tumakbo papuntang dagat.

They really are beautiful. Their beautiful tanned skin, long and black hair.

Napalingon ako sa paligid at halos lahat talaga dito naka swimsuit. At ako at ako lang ang iba.

Linapitan ko ang mga lalaki na nakaupo sa mga bench, pero may umbrella itong nakapalibot.

Tumabi ako kay Jeydon na nakatulala sa Dagat. "Hindi ka maliligo?" Tanong ko sakaniya.

Nakita kong napa atras ito sakin dahil sa gulat but he smiled. "Mamaya na. Ikaw ba?"

Tumingin ako sa Dagat at nakatingin silang lahat sakin. Winagayway nila ang kanilang kamay at samahan ko raw sila.

"Tinatawag nila ako." Humalakhak ako at tumingin sakaniya. "Maliligo na ako."

Tumayo ako at kumunot ang noo ko nang sumenyas si Rolly na 'Wait'. Sumenyas rin si Hazel na yung Tshirt kong suot.

Agad ko naman nagets kaya tumayo ako para hubarin ang tshirt ko. Agad kong naramdaman ang hangin sa aking balat, and it's new to me.

Lumingon ako kay Jeydon na masamang nakatingin kina Rico at Geoffrey sa kaniyang tabi. "Oy, dito muna Tshirt ko." Linagay ko sa kaniyang tabi pero hindi siya lumingon. Pero nakita kong mas lalong namula ang kaniyang katawan, pati na rin ang kaniyang mukha at tenga. Is he mad at something?

Hindi ko nalang pinansin at tumakbo papunta sa dagat but I regret it, dahil ang init ng buhangin.

Nang nasa tubig na ako ay tumatawang lumapit silang apat saakin.

"Anong ginawa mo kay Jeydon?" Tanong ni Yna sakin na may nakaka asar na ngiti sa kaniyang labi.

Tumingin ako kay Jeydon na namumula parin pero nakatitig sa kawalan. "Bakit? Anong nangyari ba?" Takang tanong ko.

"You're so innocent. Eh nag strip ka bigla sa harap niya eh. Sino bang hindi mawalan ng kaluluwa." Ani Quinn at tumawa ng malakas saka sinapaksapak yung tubig.

Nang magets ko ang pangyayari ay pinamulahan ang mukha ko. "Omo."

------

Loooong update. Ngayon lang, hahaha. Enjoy reading!

Vote and Comment :)

Next chapter