webnovel

Chapter 3

Chapter 3:

Troublemakers

Glitzie's POV

"Andrea with Diabolus,Charley with Glitzie..."Pagmemention ni Ma'am ng mga pairs.Napasimangot ako ng di ko naging partner si Diabolus at mas naging malungkot ako at nainis ng malaman na ang kapartner ko ay si Charley."Okay class ang kailangan niyong gawin ay gumawa ng healing potion at ang mga ingredients ay mahahanap niyo sa garden dito sa paaralan.Magresearch kayo tungkol doon...that's all....class dismissed"Pagbibigay direksyon ni Ma'am at pinaalis na kami."Hey"Pagtatawag sa akin ni Charley."Oh?Anong kailangan mo?"Pagsagot ko."1 PM sharp at the field"Pagbigay impormasyon niya.

Agad na din siya umalis sa aking harap pagkatapos nun.After lunch kasi wala na kaming iba pang subject sa academics dahil nga 1st day of school palang at bukas lang magseseryoso ang lahat sa academics.Naglakad ako papuntang canteen para makipagmeet kila Diabolus at Alzstar."Hiii Diabolus at Alzstar!"Masaya kong bati sa kanila at binungad naman nila ako ng malaking ngiti."So kamusta naman kayo ng partner niyo?"Tinanong ko si Diabolus."Tsk ayun ang sungit at walang kaalam alam sa mga bagay bagay"Pagrespond niya sa aking tanong."Oh ikaw naman Glitzie,kamusta kayo ng partner mo?"Pagtanong niya.

"Tsk okay lang pero medyo masungit eh..."Sabi ko ng may halong disappointment ang boses ko."Awww okay lang yan Glitzie parehas lang man tayo....apir naman diyan!"Sagot niya sa akin na may naawa effect pa sa akin.Nakiapir naman ako sa kanya at nagsimula ng pumila para makabili ng makakain.Habang pumipila ay nakaramdam akong matinding force ng isang tulak na nagresulta sa paghulog ko at pagbagsak ko sa sahig ng canteen.Napatingala ako sa tumulak sa akin at nakita ko ang pagmumukha ng kambal ni Andrew na si Andrea."Tsk lampa lampa din naman"Pag mamaldita ni Andrea sa akin.

"Ano bang problema mo ki Glitzie?!Ha?Andrea!"Naiinis na tanong ni Diabolus ki Andrea at malakas na tinulak ni Diabolus ito.Agad akong tumayo at pinagpag ang aking puwetan habang nakatingin ki Andrea na nakaupo na din ngayon sa sahig."Huwag na huwag mo nga akong hawakan...ayoko makisali sa mga taong katulad mo!"Sabi ko at marahas siyang tinulak palayo ng siya ay makatayo."Umayos ayos ka Anderson!Porket espesyal ang iyong kapangyarihan...kung meron ka nga....ganyan ka na!"Pagtatawag niya sa aking apelyido."Ano bang mga sinasabi mo?!Di kita maintindihan!"Nalilito at pasigaw ko yung sinabi.

"So...hanggang ngayon di mo pa din alam history ng iyong pamilya?Tsk"Mataray niyang sabi at mabagal na lumakad paalis na nagmamaganda pa.Napabuntong hinga nalang ako at umayos ng pagkatayo para makaorder na.Nang matapos na magorder ng nasa unahan ko ay agad ako lumapit at nagorder ng dragonball pasta at simpleng grape juice.Hinintay ko muna sila Diabolus matapos magorder bago kami makaupo sa isang table sa canteen."Tsk nakakainis talaga yung Andrea na yun"Pagsisimula ni Alzstar sa usapan."Oo nga!Sarap sampalin ang hayop na Andrea na yun eh!Kakagigil na eh bwisit..."Naiinis ni Diabolus na sabi.

Bahagya akong natawa na ikinagulat niya."Okay lang naman Diabolus...wala naman akong alam sa mga bagay na iyon"Pagpapakalma ko sa kanyang at hinimas ang kanyang likod."Kasi naman Glitzie!!Nakakainis eh...first day palang natin dito ng gugulo agad agad siya....eh tinulak ka pa niya nga kaya ayun napasubsob ka sa sahig!"Pagpapaliwanag niya sa kaniyang namumuong galit sa kanyang dibdib."Kalma lang Diabolus...haba habaan mo naman pasensya mo....okay lang yan..."Pagkakalma ko dahil hindi talaga mahaba ang pasensya nito ni Diabolus sa aking napansin ngayon unang araw namin sa paaralan na Crystal Rose Academy.

Huminga akong malalim at napansin na malapit na pala mag 1 PM.Hala!!Malalagot ako ki Charley pag di ko dinalian eh."Ahm...Alzstar and Diabolus..."Pagtatawag ko sa kanilang atensyon."Ano naman yun Glitzie?"Sabay nilang sagot sa akin."Kailangan ko na kasi mapuntahan si Charley sa field eh baka sungitan nanaman ako ng lalakeng yun haysss...."Walang gana kong sabi at tinawanan na lang nila ako."Oh sige na basta kita kitz nalang bukas ha?"Sambit naman ni Alzstar kasi next next meeting pa naman ang submission nung healing potion na yun.Nagsimula na ako maglakad at unti unting tumakbo.

Tumako ako ng mabilis patungong field at hinanap hanap ko ang pagmumukha ng Charley na yun.Hinihingal akong lumapit sa kanya at pinahid ang pawis na namumuo sa aking ulo."I--I'm he--re..."Putol putol kong sabi dahil sa pagtatakbo at pagcatch ng aking breath."Tsk...5 minutes late...how disappointing....Anderson"Pageenglish niya sa akin at naparoll ko nalang ang aking mga mata."Patawad naman aking mahal na hari...ginawa ko naman ang makakaya ko para makapunta dito agad agad"Sarkastiko kong sabi sa minamahal na hari."Tsk such a liar,my servant"Nakangisi niyang sambit sa aking sagot.

"Ugh whatever....oh ano na mahal na hari?"Pagtatanong ko."Kailangan natin ng Blue Rose Petals,Teardrops Of Magic,Blood From A Jinx tapos Fresh Magical Water"Sambit niya sa mga ingredients na kinakailangan naming kunin sa garden."Ano pa ang hinihintay natin?Halika na papuntang garden!"Excited kong sigaw pero agad agad niyang hinawakan ang aking braso at ipinaharap sa kanya ang aking mukha."Nagexperiment ako nun lunch time sa mga ingredients na nasa garden at masasabi ko na fresh yung mga ingredients pero hindi yun ang the best quality ingredients"Pag papaliwanag niyang mabuti sa aking naguguluhang mukha.

"Pero....saan naman natin mahahanap ang the best quality products?Bawal naman tayo lumabas patungong Enchanted Forest dahil nasa Warrior Divison palang tayo"Naguguluhan kong tanong ki Charley at ngumisi naman ito at kinaladkad ako papuntang gate."Just follow my lead....makakalabas tayo...I promise"Sambit sa akin ni Charley at agad agad na nilapitan yung guard."Kuya..kuya!Tulong po meron nagaaway doon sa garden!Tulong po"Pagpapabebe ni Charley at agad naman ako tumango tango."Ah....sige salamat bata"Sambit ng guard at agad na tumakbo patungo sa may garden.Napangisi naman ako at agad na binatukan si Charley.

"Ang galing mo naman umakting!Hahaha"Natatawa kong sambit at tuluyan na humalaklak."Tsk tumigil ka na nga diyan halika na"Namumula niyang sambit at tuluyan na akong kinaladkad papuntang Enchanted Forest.Tawa pa din ako ng tawa habang siya ay naiinis na kaya agad agad niya akong binatukan."Oy babae kumuha ka nalang nga ng Blue Rose Petals at Fresh Magical Water"Paguutos niya sa akin habang ako ay nakatulala sa paligid.Nagiilaw ang soil ng kulay dilaw tapos madaming nagtataasang puno ang nakapaligid sa amin.Biglang may nakita akong anino habang kumukuha ako ng tubig."Huh..."Nalilito kong sambit sa anino.

Pagkakita ko ay sila Andrea at Diabolus pala yun."Diabolus?!Bat kayo ang dito ehmm?"Pagtatanong ko."Ahmmm sinundan kasi namin kayo Glitzie...kaya ganun"Sagot niya at nagkamot kamot pa sa kanyang ulo.Tinuloy ko nalang ang pagkukuha ng Blue Rose Petals at nakiusap nalang kila Andrea.Pagkatapos namin mangolekta ng bagay bagay ay agad ko naman sila pinasunod sa akin upang hanapin si Charley.Nang makita ko si Charley ay patungo siya sa isang malaking puno at ang kanyang mukha ay parang determinadong determinado."Charley!"Marahas kong sigaw at agad niya naman ako liningon na may nakakalatay at malamig na titig.

"Halika na babae...kuha na tayo ng Teardrops Of Magic"Nagmamadaling sabi sa akin ni Charley at agad na hinawakan ang aking kamay.Sinenyasan ko nalang sila Diabolus na magsunod sa amin at agad naman ako napatingin ki Charley.Pinagmasdan ko ang maamo ngunit masungit at malamig niyang mukha.Kung paano nagsasayaw ang mga loose strands of hair niya sa hangin.Kung paano guluhin niya ang kulay asul niyang buhok gamit ang kanyang kamay."Huwag mo naman ako tunawin ng iyong tingin....babae"Sambit niya habang nakatingin pa din sa aming unahan.Agad kong niyugyog ang aking ulo at biglang namula ang buo kong mukha.

"Tsk...tumi---gil ka ng--a diy--an....."Nahihiya at nauutal kong sambit at agad na umiwas ng tingin.Habang lumalakad ay bigla nalang ako natapilok sa isang maliit na bato na nagresulta sa pagkahulog ko at pagsubsob sa damuhan.Nasama ko na din si Charley sa aking pagkahulog dahil hawak hawak niya ang aking kamay.Namula ako at pinagmasdan siya na nakatitig sa aking mga mata."Your eyes...purple mixed with blue huh?Such scenery"Mahina niyang bulong kaya napakunot ang aking noo."Ha?Ano sabi mo Charley?"Nalilito kong tanong."Wala....my servant"Pagaasar niya sa akin at malamig akong tiningnan.

"Uhmm Charley...."Pagtawag ko sa pangalan niya."Ano nanaman servant?"Naiinis niyang tanong."Tumayo ka na!Di ako makahinga sa ilalim eh"Sagot ko at naiinis ko siyang tinulak palayo.Agad naman siya tumayo at pinagpag ang kanyang damit,agad din siyang umiwas ng tingin at namula ng sobra.Tumayo ako at pinagpag ang aking puwetan."Halika na Charley!Ano pa ba ang hinihintay mo?"Naiinis kong tanong at ipinaharap siya sa akin."Ha--halika na nga"Sagot niya at napailing sa baba.Tumango nalang ako at sinundan siya.Pumunta siya at lumapit sa malaking puno at agad na lumabas ng bottle na maliit.

Natahimik kami ng ilang minuto pero bigla siyang umiyak at hinawakan yung base ng puno.Hinawakan ko siya sa kanyang braso at niyugyog para tumigil siya sa pagiyak.Pagkatapos niyang umiyak ay kumuha siya ng tatlong piraso ng leaves sa puno at pinisil ito hanggang may liquid na lumabas dito na agad niya naman sinalo gamit ang bote.Tumawa siya dahil sa aking concerned na expresyon at binatukan."Hahahahha ang priceless naman ng expresyon mo hahaha pretend man lang yun para sa Teardrops Of Magic"Natatawa niyang sabi habang malamig niya ako tinitigan.''Tsk...whatever"Sagot ko at namula nalang dahil sa hiya.

Napatingin ako sa aking likod at nakita si Diabolus na nakangisi habang si Andrea ay tinitingnan ako ng masama.Napabaling ulit ang aking tingin ki Charley ng kiblitin niya ako."Oh?Ano nanaman?"Naiinis kong tanong sa kanya."Balik na tayo...mag gagabi na baka mapahamak pa ako"Sagot niya at nawala lahat ng kulay sa kanyang mukha.Napatango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad patungong Crystal Rose Academy.Masaya kaming nagkwekwentuhan ng bigla may narinig kaming malakas na ungol at mga kaluskos.Napatigil kami at tumawa ng malakas dahil baka kung ano lang naman yung bagay na yun pero naulit na naman.

Nakarinig din kaming pagpunit ng mga ugat at laman kaya napatingin kami sa isa't isa na may bahid na takot sa aming mata except ki Charley na concerned lang at malamig na titig.Narinig namin ang malakas na pagtapak ng paa ng hayop na yun at ang pagyanig ng lupa na tinatapakan namin.Napakapit ako sa sanga ng puno dahil sa takot,kaba at vibration na nagmumula sa lupa."Oh huwag ka naman yumakap diyan sa puno para kang koala"Masungit na sambit ni Charley at pagliko namin sa ibang direksyon ay may nakita kaming parang lobo na namumula ang mga mata.

Meron din itong mga pakpak at mahaba na claws na kulay red na nagraradiate ng heat.Napahakbang ako malayo habang nanginginig ang aking mga tuhod."Run..."Mahina kong sambit at tumakbo kami ng mabilis pero naririnig namin ang mga yabag nito sa likod namin at biglaan nalang natapilok si Andrea kkaya hinintay namin siya pero...nasa harap na namin yun lobo.Malamig na pawis ang namumuo sa aking noo at marahas siyang tiningnan.Ngumisi ito at pinaka ang kanyang mga ngipin na matulis at naghanda para kalmutin ako.Napapikit ako ng mata para sa pagdiin ng mga claws niya pero wala akong naramdaman man.

Binuksan ko ang aking mata at nakita ko ang kakaibang lobo na naka kulong sa bisig ng mga ugat ng puno.Napalingon ako sa aking gilid at nakita ang isang estudyante na parang nasa Elite Division na nagiging kulay berde ang mata.Nakatitig siya sa lobo at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa kanya ng mga ugat.Bigla na ding tumaas ang puno at humiwalay sa lupa at ito ay kanyang tinapon sa lobo na nagresulta sa pag ungol nito.Nagpumiglas yung lobo at nasira yung mga ugat,pinataas ng lalaki yun lupa at binagsak sa lobo na nagresulta sa pag kamatay ng lobo.

Next chapter