webnovel

Having You Near Me

Nhel's Point of View

FINALLY, we're done with Marga. It's time for me and Laine to live a normal married life.We have to move on from the past and move forward. Why would you look back on all the heartaches and pain when you can look forward in pure bliss with a kind hearted wife and a beautiful daughter? What more can I ask for? I have them now.We've been through a lot of hardship at siguro naman marapat lang na maging maligaya na kami ngayon. Ibigay na sana sa amin yon ng tadhana.

It's been three months nung huli naming makita si Marga. Binalita sa amin ni kuya Frank na umalis na daw ito ng Comtech simula nung malaman ni Wesley ang katotohanan tungkol kay Mark. Nagalit daw ito kay Marga sa paglilihim sa kanya na mayroon pala silang anak. Sa ngayon wala kaming balita sa kanya. Hindi namin alam kung nasaan na sya. Ayon kila mama, wala daw ang buong mag-anak na Quinto sa Sto.Cristo, tanging mga kasambahay lang ang tao sa bahay nila Marga.

Paminsan-minsan sumasagi pa rin sa isip ko si Mark. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos na matanggap na ang batang pinalaki at inalagaan ko ay hindi pala sa akin. Minahal ko ng todo ang bata at hindi na siguro mawawala ang pagmamahal na yon sa kabila ng katotohanan na hindi sya nanggaling sa akin. Umaasam din ako na isang araw ay makikita at makakasama ko rin sya.

I heaved a sigh. Maybe someday magkikita rin uli kami ni Mark. Sana lang maayos syang inaalagaan ni Marga at hindi na sinasaktan.

Naputol ang pagmumuni ko ng maramdaman ko na kumilos si Laine. Bumago sya ng pwesto mula sa pagkaka-unan nya sa braso ko. Tumagilid sya at tinalikuran ako. Ayaw na ayaw ko pa naman na hindi ko sya nararamdaman na nakadikit sa katawan ko kaya naman hinila ko sya palapit sa akin at niyakap ko mula sa likuran. Hindi man lang sya nagising sa ginawa ko, napagod ko na naman kasi sya ng husto. After four rounds of steamy hot love making, sumuko na sya at nakatulog. Samantalang ako kahit gaano kapagod ay hindi talaban ng antok.

Panay ang halik ko sa ulo nya at batok na kahit kailan yata ay hindi ko pagsasawaang gawin sa kanya. Dahil malakas ang kiliti nya sa batok, napaigtad sya at nagising.

" Beh why are you still awake? It's 3am at may pasok ka pa mamaya." turan nya at humarap sa akin. Hindi mo kababakasan ng iritasyon ang maamo nyang mukha kahit naistorbo ang tulog nya bagkus ay pag-aalala ang nabasa ko mula dito.

" Alam mo naman na hindi agad ako nakakatulog after our session. I'll just take a leave na lang tutal Friday na at tapos ko na yung pinagagawa ni boss kahapon pa.Don't mind me, go back to sleep."

" I can't sleep knowing that you're still awake."

" Okay let's sleep.Come closer to me, I will hug you." umisod pa sya ng konti at niyakap ko sya ng mahigpit. I felt contentment every time we're this close. She's really my medicine. She cures my weakening soul, my deepest wound and fills the emptiness that's within me. No one can make me whole except Laine.

" I love you babe." I said and kiss her temple.

" I love you more beh to infinity and beyond." she kiss me on the lips.

" Haha..you always tell me that during our younger years, I miss that."

" Yeah me too."

" Babe?"

" Hmm."

" I wanna marry you again. Ituloy na natin yung church wedding na naudlot noon."

" Really? I like that beh.Same date and venue ba?" masayang tanong nya.

" Ikaw, ano ba ang gusto mo?"

" Same na lang. Kaya lang kung yung date ng anniversary natin tayo magpapakasal ulit, it will be nine months from now. Do you still want that?" tanong nya.

" Yeah, that's fine with me. Ayokong pabago-bago tayo ng anniversary. Sobrang memorable sa akin ang araw na yon kaya gusto ko pati church wedding natin yun din ang petsa." sagot ko.

" Okay .That's settled then. Same church, same date, same entourage and same wedding dress. Yung invitation na lang ang gagawin natin at hintayin yung araw ng kasal. So let's sleep now my dear husband at may pasok ang anak mo mamaya sa school."

" Sige na nga but after another round." asar ko sa kanya.

" Beh naman, mamaya na lang ulit. Sakit na ng katawan ko pati na rin yung jaws ko. Kasi naman!" reklamo nya. Wala talagang preno ang bibig nya minsan.

" Hahaha.silly! I'm just kidding, patola ka masyado. Sige na matulog na tayo, umaga na nga." I said then kiss her again.

I so love this woman.

_____________

Another three months has passed. And Christmas vacation came. We decided to spent the holidays in the U.S. with my in-laws.This time kasama sina papa at mama. Pinag-ipunan namin ni Laine yung pamasahe nila dahil gusto namin silang ipasyal sa lugar na matagal na nilang pangarap puntahan. Noon pa naman kasi sila niyayaya ni daddy Franz, all expense paid pero tumatanggi sila pero ngayon talagang pinilit namin silang isama kahit todo tanggi pa sila.

Isang buong linggo namin silang dinala sa ibat-ibang lugar dito sa U.S at binisita yung mga branches ng Kabayan Restaurant ni daddy Franz. Tumigil lang kami sa pamamasyal nung bisperas na ng pasko.Tulong-tulong kami sa pagpe-prepare ng ihahanda sa noche buena kasama rin ang mga ate ni Laine na dito na naninirahan kasama ng mga pamilya nila.

So far naging masaya talaga ang pasko at bagong taon namin sa States dahil marami kaming magkakasama.Napuno ang malaking bahay nila daddy Franz sa dami namin. Nag-enjoy ng husto ang lahat,kakaiba sa mga nagdaang pasko. Para sa amin ni Laine, ito yung unang Christmas na buo kami bilang isang pamilya pagkatapos ng limang taong paghihiwalay namin.Pati ang mga kapamilya namin ay naging masaya para sa amin. Kaya nung umuwi kami ng bansa after ng New Year, tila may hang over pa kaming lahat sa nakalipas na holiday season.

After a few days mula nang bumalik kami from US, balik trabaho na naman ako. Hindi na pinagtrabaho ni kuya Frank si Laine sa Comtech ng full time dahil nandoon naman si Wesley, once a week na lang sya pupunta doon para i-check ang mga trabahador at ang mga kailangan nila. Ayaw kasi ni kuya Frank na mapabayaan ni Laine ang sariling pamilya dahil sa trabaho lalo na't lumalaki na si Aliyah.Pabor din naman sa amin yun ni Aliyah dahil malungkot ang bahay kapag wala si Laine.

Tomorrow is my birthday. Plano kong dalhin ang mag-ina ko sa isang resort na pag-aari ng isang engineer din na kasama ko sa office. Sa bandang Laguna iyon at binayaran ko na yung accommodation para sa overnight stay naming tatlo. Im sure matutuwa si Aliyah dahil mahilig syang mag swimming at namana rin nya yon sa akin. Si Laine kasi hindi masyadong mahilig sa paglangoy although may swimming pool sila sa bahay nila sa Dasma at sa Sto.Cristo, nae-engganyo lang sya kapag may kasama.

Kinabukasan tanghali na akong nagising at wala na si Laine sa tabi ko. May pasok si Aliyah sa school kaya marahil inasikaso nya muna ito. Dahil birthday leave ko naman at alam naman yun ni Laine kaya hindi na nya siguro ako ginising. At isa pa, madaling araw na kami natulog dahil nag-meet and greet si noynoy ko at si pempem nya kagabi. Pinagbigyan nya ako hanggang madaling araw dahil birthday ko naman daw. Kaya nakatulog ako na masaya kahit pagod.

Bumangon ako at nagtungo sa bathroom para maligo. Pupunta muna ako sa office dahil mayroong mga papeles akong kailangang pirmahan.

Paglabas ko ng bathroom ay ang nakangiting mukha ni Laine ang nabungaran ko.

Oh what a great way to start my day!

" Morning beh! Happy birthday!" bati nya sa akin. May dala syang cake na sya mismo ang nag-bake.

" Thank you babe. Yung mini me ko nakaalis na ba?" hinanap ko kaagad yung anak namin.

" Oo kanina pa. Hindi ko na sana papapasukin sa school kaya lang periodical test nila ngayon. Oh make a wish na and blow the candle." untag nya.

" Ano pa ba ang iwi-wish ko eh nandito kana sa tabi ko. Yun lang naman ang wish ko tuwing birthday ko." saad ko.

" Asus ang mister ko aga-aga pinapakilig ako.Sige na blow na!"

Sinunod ko naman sya, nag wish na muna ako saka nag-blow ng candle sa cake na gawa nya.

Thank you Lord for everything.For giving me a good family. Happiness and good health for everyone of us.

Pagkatapos kong umusal ng maikling panalangin, ibinaba ko ang cake sa study table at niyakap ng mahigpit si Laine then I kissed her passionately. God, this is indeed the life that I ever wanted. A life with this wonderful woman at my side. My wife. My Alyanna Maine.

" Babe punta lang ako saglit sa office, babalik din ako kaagad dahil mag-oovernight tayo sa resort ni Engr.Castello sa Laguna. Aalis tayo mamaya pagdating ni Aliyah."

" Really beh! Magse-celebrate tayo ng birthday mo out of town? Wow excited na ako. I'm sure matutuwa si Aliyah nyan." tuwang -tuwa nyang sambit. Ang cute talaga ni Laine parang bata kung minsan.

" Yeah, kaya mag-pack kana ng gamit nating tatlo para pagdating nya aalis na tayo."

" Sige beh ako na ang bahala."

Pagkatapos kong magbihis ay kumain na ako ng breakfast na hinanda ni Laine sa akin. Tinikman ko na rin yung napaka sarap na cake na ginawa nya na kung hindi pa nya ako inawat ay talagang mauubos ko.

Nang makapagpahinga ng konti ay umalis na ako para pumunta na ng kumpanya. Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil walking distance lang naman mula sa bahay namin ang kumpanyang pinapasukan ko.

Pagdating ko ng opisina ay binati agad ako ng mga tauhan ko pati na rin si boss Cesar. Nagpabili na lang ako ng pagkain sa isang sikat na food chain sa secretary kong si Bhel bilang blow out ko sa kanila.

Makalipas ang isang oras ay umalis na ako ng office. Nang makalabas ako ng building ay nagulat ako sa taong naghihintay sa akin sa labas.

" Nhel pwede ka bang sumama sa akin? Nasa ospital si Mark at hinihiling na makita ka!"

Hala! may asungot na naman yta. Anubanamanyan!

Thank you for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter