webnovel

Fate

Laine's Point of View

KASABAY na namin sila papa Phil at mama Bining na pumunta sa bahay namin. Nagulat sila dad ng makita nila kami. Tuwang-tuwa nilang pinanggigilan lahat si Aliyah na sabik din naman na makita rin sila.

Masaya na sila mommy at daddy na makita kaming magkasama na ulit ni Nhel. Kahit na nag-aalala pa rin sila dahil hindi pa naayos ang problema namin kay Marga, hindi maikakailang masaya sila na buo na kami bilang isang pamilya.

" Salamat at dumating kayo. Hindi na namin ine-expect na uuwi kayo dahil nga umiiwas kayo na may makakita sa inyo pero nasurpresa nyo ako at talagang masaya ako na dumating kayo." si dad habang mahigpit akong yakap,ramdam ko ang sobrang pagka-miss nya sa amin.

" Sabi ko nga po kay Laine hayaan na lang kung may makakita man sa amin para matapos na po ang pagtatago namin at maging malaya na kami." turan ni Nhel.

" I guess you're right. Mas lalong itinatago nyo mas lalong tumatagal ang posibilidad na maging malaya na kayo ng tuluyan. Kayo ang legal kaya dapat ipaglaban nyo yan. At magagawa nyo lang yan kung uumpisahan nyo na ang laban."

" Kaya nga dad nandito na kami. Kanina nung lumabas kami papunta dito, alam ko maraming nakakita sa amin at alam ko na hindi maglalaon makakarating  yon sa kampo ni Marga. But we don't care. We're ready." turan ko.

" Basta nandito lang kami mga anak, maaasahan nyo ang suporta namin at kasama nyo kami sa laban nyo." wika naman ni papa Phil.

" Lunch is ready." anunsyo ni mommy kaya sabay-sabay na kaming tumungo sa dining para pagsaluhan ang birthday lunch na hinanda para kay dad.

Masaya kaming nag-uusap over lunch nang mag-overseas call ang mga ate at kuya ko para batiin si daddy.

Nang malaman nila na nandoon kami ni Aliyah ay hiniling nila na makausap ang aking anak. Masayang nakipag-usap ang bata sa kanila at katakot-takot ang bilin na pasalubong sa kanila sa pag-uwi nila sa susunod na buwan.

Nung maibalik ang phone kay dad ay tinawag naman ako dahil gusto daw akong makausap ni kuya Frank.

" Hello kuya!" masayang bungad ko.

" Hi baby! Balita namin magkasama na kayo ni Nhel,we're all happy to hear that. Alam mo naman na sobra rin kaming nasaktan at nalungkot nung maghiwalay kayo.And we're very sorry for the lost of your baby.Basta baby kung kailangan nyo ng tulong andito lang kami ha?"

" Salamat kuya Frank,alam ko naman na hindi nyo kami pababayaan ni Nhel sa problema namin. Anyway, bakit nga gusto mo raw akong makausap? At saka bakit nga pala nandyan ka?"

" May io-open akong branch dito. Actually, kagagaling ko lang ng Singapore dahil mayroon din akong ino-open dun, iniwan ko na kay Wesley dahil kailangan naman ako dito."

" I'm so happy for you kuya, napalago mo ang business na binigay ni dad sayo. Hanggang kailan ka dyan? Nami-miss na kita kuya." turan ko. Yung business kasi ni dad na computers at computer parts ay binigay na nya kay kuya Frank 8 years ago dahil hindi na maasikaso ni dad nung magkasakit sya.Si mommy dati ang humahawak nito pero dahil sa pagdami ng branches  ng restaurant business nila hayun nga at umuwi sila ng US at naiwan ako kila Nhel nung time na yun nung engaged na kami. Si kuya Fred ay yung isang company naman ni dad ng mga motorcycle. Yung tatlong ate ko ay tig-iisang branch na ng restaurant namin na mina-manage nila sa US. At ang mga branches naman na sumusulpot sa mga businesses na yun ay sa amin namang apat na magkakapatid.Sa akin, kay Rogen,Earl at Drake.

" I missed you too baby kayo ni Aliyah. Medyo matatagalan nga ako dito then babalik uli ako ng Singapore. Buti naitanong mo yan, actually gusto talaga kitang makausap  dahil  dyan.Can I ask you a favor baby?"

" Sure. What is it kuya?"

" Hindi kana man pumapasok na sa Montreal bilang EVP nila di ba? Baka pwedeng ikaw muna dun sa company ko habang wala ako, kilala ka naman ng assistant ko. Mahirap kasi na walang nag-aasikaso at magaling ka sa pagpapatakbo ng business kaya mapapanatag ako kahit wala ako ng isang buwan o higit pa."

" Sige kuya pero magpapaalam muna ako kay Nhel. If ever na pumayag sya, kailan ba ako mag-start dun?"

" ASAP baby. Kailangan talaga kita dun ngayon,gusto mo ako na kakausap kay Nhel?"

" Sure kuya. Wait lang tatawagin ko sya."

Nagkausap nga si Nhel at kuya Frank at pumayag naman ang asawa ko sa pakiusap ni kuya. Kaya kailangan na namin umuwi kinabukasan sa Manila dahil gusto ni kuya na mag-start na agad ako.

Kinagabihan, nang matapos na ang celebration ng birthday ni dad, tinawagan ko si Anton para manghiram ng dalawang kasambahay sa mommy nya para may mag-asikaso kay Aliyah pag pumasok na ako sa company ni kuya. Hindi naman kakayanin ni Melba kung siya lang lahat.Pumayag naman ang mommy nya at ihahatid na lang ni Anton sa bahay namin ang mga kasambahay bago ako magtrabaho kay kuya.Good thing na kahit divorced na kami ni Anton ay maayos pa rin ang relasyon ko sa family nya. And Anton is a real best friend to me.

Okay rin naman kay Anton na hindi na ako bumalik ng Montreal, naiintindihan naman nya na ayaw kong pag-usapan kami dun dahil sa paghihiwalay namin. Yung pagiging modelo naman namin ni Nhel sa kanila, ibang usapan na yun, may contract kami sa kanila at isa pa hindi naman madalas ang photo shoot at fashion show namin.

SUMAPIT ang lunes at ito na yung first day ko sa trabaho ko sa company ni kuya. Isasabay na lang ako ni Nhel sa pagpasok nya. Medyo aagahan lang ng konti ang alis namin sa bahay para maihatid nya ako. Madadaanan naman yung office ni kuya bago makarating sa planta nila, kaya hindi ako mahihirapan sa pagpasok at pwede rin nya akong sunduin pag uuwi na.

Hindi naman mahirap ang magiging trabaho ko. Kung ano yung ginagawa ni kuya Frank yun din naman ang gagawin ko. Sanay na rin naman ako dahil sa naging trabaho ko sa Montreal.

Pinakilala ako ng assistant ni kuya na si Mitch sa lahat ng department bilang pansamantalang kapalit ni kuya at ni-orient din nya ako sa lahat ng gagawin ko.

So far nakabisado ko naman lahat pati mga pangalan ng mga EVP at managers sa bawat department.But there is this one name that really caught my attention. I never knew at all na dito pala sya nagwo-work. Kapag pumupunta kasi ako dito noon hindi ko naman sya nakikita. I wonder kung alam din ni Nhel ito. Siguro naman alam nya pero bakit hindi sya nag- comment kanina nung hinatid nya ako.

I heaved a deep sigh. Is this some kind of a joke or fate?

Maybe this time luck is on our side. Fate is really intervening. Magagamit ko ang natuklasan kong ito sa laban namin ni Nhel.

Natuklasan ko lang naman na Marga is working in this company as a manager under kuya's best friend, the EVP for sales, Wesley Tanchiangco.

This is exciting. I'm going to make Marga take the dose of her own medicine.

This is really exciting.

Humanda ka Margarette Quinto! Sabi nga ni Sharon Cuneta dun sa dating movie nya, Babangon ako at dudurugin kita....😡

Huwaw! this is really exciting!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter