webnovel

This Girl Has Turned Into a Woman

Nhel's Point of View

Wala na si Laine sa tabi ko ng magising ako kinabukasan.Nakaramdam agad ako ng pangungulila sa kanya.Last night was the best night for me after five long years of longing for her.

Sa loob ng limang taon nanangan ako sa pangako nya.Naghintay ako at umasa.Pero ng mabalitaan ko na nag-asawa na sya, gusto kong magwala at puntahan kung nasaan man sya pero bigo ako.Kaya tinanggap ko na lang ang buhay na kasama si Marga.

Hindi naging maganda ang buhay ko sa piling ni Marga.Itinali nya ako sa mundong siya ang nagpapaikot.Hindi ako pwedeng makisalamuha sa mga kaibigan ko.Hindi pwedeng umalis ng bahay ng hindi sya kasama kahit pa sa bahay ng mga magulang ko ang punta ko.Palagi syang nagseselos ng wala sa lugar.Pati yung mga babaeng fans ko sa pagiging model ko, inaaway nya.May matignan lang akong babae, magwawala na pag nakauwi na kami ng bahay at aawayin na ako.Gusto ko ng sumuko sa sitwasyon ko pero madalas nya akong tinatakot ng sakit nya.Ginagamit nya ang sakit nya para mahawakan ako sa leeg.

Hanggang sa magkaroon kami ng anak.

Si Mark.

Alam nyang mahal na mahal ko ang bata kaya ito naman ang ginagamit nya laban sa akin, ilalayo daw nya ito kapag iniwan ko sya.

Kaya naman ngayong nagkita na kami ni Laine hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para makasama ko na sya.Naiisip ko rin na parang malabo na dahil nakikita ng dalawang mata ko kung gaano kaganda ang turingan nila ni Anton.Nagseselos ako kapag nakikita ko silang sweet.Hindi ko gusto na may ibang humahawak kay Laine kahit pa asawa nya ito.Hindi naman sila legal dito.Kami ang legal.

Kahit naman ang kasal ko kay Marga ay invalid dahil si Laine ang una at legal na asawa ko.Hindi nga lang alam ni Marga at ng pamilya nya ang tungkol dun.

Kagabi nagulat ako ng lapitan ako ni Anton, pero dahil nagseselos ako I punched him without asking what he wants from me.Hanggang sa gumanti na rin sya at nagpagulong-gulong na kami sa buhanginan. Mabuti na lang dumating si Pete at naawat kami.

Matapos ang katakot-takot na sermon mula kay Pete, pinapunta na nya ako sa room ko para maligo at magbihis.

Saktong katatapos ko lang ng may kumatok sa pinto.Ang lakas ng tibok ng puso ko ng si Laine ang mapagbuksan ko at may dalang medicine kit.

Sinungitan ko sya at ipinakita ang galit ko.Defense mechanism ko yun dahil sa totoo lang sa tuwing makikita ko sya, nanlalambot ako. Gusto ko syang ikulong sa mga bisig ko at ipadama ang pangungulila ko sa kanya.At the same time nasasaktan ako na makita sya na masaya sa piling ni Anton.

Kahit nagsusungit ako ay itinuloy pa rin nya ang paggamot sa mga sugat ko.Masaya ako na pinagsisilbihan nya ako kahit na ang puso ko ay nasasaktan dahil sa kaalamang ginawa lang nya yun dahil sa utos ni Anton.

Sinumbatan ko sya dahil sa hindi nya pagtupad sa pangako nya pero ako ang nasorpresa sa sagot nya.

All this time akala ko sya ang hindi tumupad. Aaminin ko na nagkimkim ako ng hinanakit sa kanya sa loob ng limang taon sa kaalamang hindi nya ako binalikan.Nagkamali ako.Ako pala ang unang sumira sa pangako at nasaktan ko sya ng husto.

Nabaghan ako ng makita kong tumulo ang mga luha nya, bagay na ayaw kong nakikita sa kanya noon pa man.Mas doble ang nararamdaman kong sakit pag ganon.Lumapit ako sa kanya at kinulong sya sa mahigpit na yakap at hindi ko na rin napigilan ang pag-alpas ng mga luha ko sa labis na emosyon at pagsisisi sa nagawa ko sa kanya.

Imbes na magpaliwanag ako, ginawaran ko na lamang sya ng halik sa labi na sya namang gusto kong gawin simula pa ng makita ko uli sya.Nung una ay nagulat sya.Pero mas nagulat ako ng tumugon sya ng may pananabik din.At hayun nga, nauwi na kami sa pagpapadama ng kasabikan sa isat-isa.

Hindi ko alam kung bakit pumayag sya na may mangyari sa amin.Knowing Laine, hindi nya magagawa yun kung alam nyang masasaktan nya si Anton.Pero sa mga sandaling yun, hindi na ako nag-isip kung tama pa ba ang ginagawa namin. Basta ang alam ko lang nasasabik ako sa kanya at gusto kong ipadama yun lahat sa kanya at bahala na kung ano ang kahihinatnan nito pagkatapos.

Hindi kami nag-uusap, sapat na ang mga kilos namin para ipadama ang init na nararamdaman namin sa isat-isa.Bahala na bukas.And after three rounds we both drifted to sleep.The best sleep I had, with her on my side.

" Grabe naman yang Montreal, bakit kailangan kayong dalawa pa ng ex mo yang nandyan sa billboard na iyan? At ang pose nya ha? Daig pa ang bold star." naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni Marga na nasa tabi ko.Napatingin ako sa sinasabi nya.Billboard ni Laine suot ang bagong produkto na ila-launch ng Montreal.Ngayon ko lang ito nakita dahil gabi na nung umuwi kami ng Sto.Cristo nung isang araw pa bago ang kasal nina Pete at Rina.Sa kabilang side ay yung billboard ko naman.Kaya naman pala naggagalaiti tong katabi ko.Billboard lang yan pinagseselosan pa.Ganyan sya katindi.

" Pwede ba Marga nananahimik yung tao.At isa pa,modelo sya at trabaho nyang mag~pose ng ganon.Hindi naman masagwa and it was done in good taste.I should have known dahil modelo din ako.Huwag mo akong umpisahan, pagod ako! " turan ko at hindi na sya pinansin.Pagod talaga ako kagabi but it's worth it.

" Okay fine! Siguradong masaya kana ngayon dahil bumalik na sya.I'm warning you Nielsen,kung ano man ang binabalak mo hindi ka magtatagumpay. Sisiguraduhin kong hindi mo na makikita si Mark pag lumapit ka sa Laine na yun." nanggagalaiting turan nya.

Kung alam nya lang, malayo ang narating namin kagabi ni Laine. Baka bumuga na sya ng apoy pag nalaman nya!

Naiinis ko syang hinarap. " Gawin mo ang gusto mong gawin! Pagod na pagod na ako sayo, sawang~sawa na akong maging preso mo Marga. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin, wala na akong pakialam dun." natahimik sya sa mga sinabi ko,hindi nya akalain na masasabi ko yon.Nakita ko sa mga mata nya ang takot pero hindi nya yun pinapahalata.

" Ah ganon tignan lang natin." at tinalikuran na nya ako at humarap sa may bintana ng kotse.

Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay hindi kami nag-uusap ni Marga.Dito kami nakatira dahil nag-iisa lang syang anak.Araw-araw kaming umuuwi dito pagkagaling ng trabaho.

Tuwang-tuwa naman si Mark ng makita ako.Mas malapit ito sa akin kaysa sa sarili nyang ina.Hindi ko maintindihan si Marga kung bakit ganoon sya sa bata at maging sa akin ay ibang klase ang pagpapadama nya ng pagmamahal.

Sakim.Madamot.Makasarili.

Matapos maghapunan ay nilinis ko si Mark at pinatulog ko na.Binasahan ko muna ng paborito nyang fairy tale.Nang masiguro kong tulog na sya ay lumipat na ako sa room namin ni Marga.Tulog na si Marga ng pumasok ako.

Mabuti naman!

Humiga na ako sa tabi nya at tinalikuran sya.

I heaved a sigh.Inalala ko na naman yung nangyari sa amin ni Laine kagabi.Para akong nag-iinit kapag sumasagi sa isip ko ang sexy at makinis nyang katawan.Ang laki na ng pinagbago ng hubog ng katawan nya, na-developed na ng husto.And the way she responded to our love making last night, it's kinda different.Ang bilis nya akong nadala sa ikapitong langit.

At yung billboards nya, though it was done in good taste,hindi ko maiwasang hindi tablan.

God, ang pervert ko na yata.

Naisip ko, talagang malayo na ang narating nya. Iba na sya sa dating Laine na simple at naive.Binago na sya marahil ng mga masasakit na pinagdaanan nya katulad ko.Naging unfair sa aming dalawa ang tadhana.Pero hanggang ngayon,siya pa rin ang naririto sa puso ko at yon ang hindi kailanman mababago.

And I proved it to myself last night.

Sana medyo naliwanagan na kayo kahit paano ngayong nabasa nyo na ang side ni Nhel.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter