Laine's Point of View
MEDYO madilim na nung matapos kaming mag-ihaw nila Candy.Ang mga lalaki naman ay nagsisimula ng gumawa ng bonfire at yung ibang mga kasama namin ay nagpe-prepare na ng pagkain sa mahabang mesa na inilabas kanina.
Maya-maya lang ay tinawag na ni Rina ang lahat para kumain.Dali-dali namang lumapit si Anton sa akin at humingi ng pagkain.Gutom na raw sya kanina pa.
Napansin kong papalapit si Nhel, aalis sana ako para umiwas pero pinigilan ako ni Anton.Sumenyas sya na hayaan ko na lang daw.
Walang gaanong kumikibo dahil abala ang lahat sa pagkain.Katabi namin ni Anton sila Wil at Candy at nasa harapan naman ang mag-asawang Pete at Rina katabi si Nhel.
Nagtataka ako kung bakit wala si Marga pero syempre hindi ko yun pwedeng itanong sa kanya.Asa!
Tila parang nahulaan naman ni Candy ang nasa isip ko kaya siya na ang nagtanong kay Nhel.
" Mukhang wala ka yatang guardia civil ngayon Nhel? " umangat ang tingin nya dahil sa tanong ni Candy.
Gusto ko namang matawa dahil sa term na ginamit ni Candy patungkol kay Marga.
" Wala kasi yung yaya ng bata, day off, kaya siya ang nag-alaga ngayon." sagot naman niya sa tanong ni Candy.
" Mabuti naman, kundi hindi kana naman namin makakasama.Ang higpit din naman kasi ng isang yon!"
" Labs!" saway ni Wil kay Candy.
" Oh eh bakit labs? Totoo naman yun tsaka mga bata pa lang tayo sanay na yang si Nhel sa akin .Di ba insan?" sabay lingon nya sa akin.
" Huh!" gulat kong sambit.
" Bakit si Laine ang tinatanong mo labs?" sita na naman ni Wil.
" Ha? Wala lang.Peace Anton." naka peace sign pang humarap kay Anton. Parang timang din kasi itong si Candy kung minsan.
Malapad lang na ngumiti si Anton sa kanya.Kanina pa kasi nang-aasar tong si Candy, mula dun sa incident sa kwarto kanina.
Pagkatapos kumain ay nagtulong-tulong na sa pagliligpit ng kinainan.Nung matapos ay dumiretso na ang lahat dun sa ginawang bonfire.Umupo kami ng pabilog.May dalang alak at pulutan ang mga boys at ang mga girls naman ay juice at ladies drink.
Nagkatuwaang maglaro ng truth or dare.Si Candy ang taga- ikot ng bote at pinagpasyahang siya rin ang taga-tanong at taga-utos.
Pinaikot na ni Candy ang bote at sa malas naman ay sa akin pa unang tumapat.
" Insan,truth or dare?"
Nag-isip akong mabuti. Kilala ko tong babaeng ito eh, puro kalokohan ang nasa isip.
" Truth na lang.Mamaya pag dare pasayawin mo pa ako dyan sa gitna."
" Paano mong nahulaan?"saka pilyang ngumiti. Sabi ko na nga ba walang gagawing matino ito eh!
" Sige dali na!" untag ko.
" Sabihin mo nga kung paanong naging kayo nyang si Anton?"
Kinabahan ako sa tanong, pwede bang sabihin na hindi kami umiinom ng Nido kaya hindi ma-check ang label ng relasyon namin?
Tinignan ko si Anton at nakakaunawang pinisil nya ng bahagya ang kamay ko na kanina pa nya hawak.
" Sinundan nya ako sa pinuntahan ko tapos hayun na then inalok nya ako ng kasal at pumayag naman agad ako kasi tignan mo naman,ang gwapo na at yummy pa." sabay muwestra ko pa ng mga kamay ko na parang ibinebenta si Anton sa talipapa.
Nagsigawan ang mga kaibigan namin. Nanunukso.Nang mapatingin ako kay Nhel ay parang galit na naman sya.
Haay ano kaya kinagagalit nya?
Pinaikot muli ang bote, tumapat naman kay Pete at nag dare sya.Ang ginawa ni Candy inutusan nya itong kumuha pa ng alak at pulutan sa loob ng bahay.Iiling-iling na sumunod na lang si Pete.Sabi na nga ba walang matinong iuutos tong isang to eh.
Ganun din ang nangyari sa mga sumunod na nag-dare. Puro utos na di matino ang inabot nila kay Candy na hindi naman maawat ni Wil, medyo lasing na rin kasi ito.
Pinaikot na muli ang bote at kay Anton naman tumapat.Ayaw na nyang mag dare kasi nakakapagod mag-utos si Candy kaya truth ang pinili nya.
" Mahal mo ba talaga si Laine ha Anton?"
" Oo naman!" mabilis nyang sagot.Pagkasagot nya nun ay narinig na lang namin na may nabasag na bote at nagmamadaling nag walk out si Nhel.Nanahimik ang lahat. Ramdam ang tensyon sa paligid.Tumayo si Pete at nagpaalam na susundan si Nhel.
Nagpaalam na rin yung iba na maliligo na sa dagat kaya iniligpit na lang namin yung mga ginamit namin at sumunod na sa iba para maligo.
" Insan, feeling ko kasalanan ko kung bakit ganon ang reaksyon ni Nhel.Gusto kong mag sorry sa kanya." turan ni Candy sa amin.
" Friend hindi mo kasalanan yun,laro lang yan.Wala lang sa mood yun, mamaya ok na uli yun pag nakausap na ni Pete." saad naman ni Rina.
She sighed." Sige dadalhin ko lang si Wil sa room para makapagpahinga na sya,medyo may tama na rin eh." nung tignan namin si Wil ay medyo sumusuray na nga ang lakad pero kaya pa naman na makarating sa room nila.
" Sige susundan ko na rin si Pete.Guys kung gusto nyo maligo sige lang, aayusin ko lang yung sa loob." paalam ni Rina sa amin ni Anton at sumunod na sya kila Candy.
Pumunta na kami ni Anton sa tubig at nakisali sa iba.Nung mapagod ay umupo na lang kami sa may pampang at masayang pinanood yung iba.
Nasa likuran ko sya at nakayakap sa bewang ko,nakapatong naman yung baba nya sa balikat ko.
" Hindi ka pa ba inaantok baby?" tanong nya.
" Hindi pa naman.Why?" tanong ko rin.
" Wala naman.Natulog nga pala tayo kanina."
" Hubby?" lumingon ako ng bahagya sa kanya.
" Hmm." sagot nya at medyo humalik pa sa pisngi ko.
" Bakit ganon kaya kung umasta si Nhel? May sarili na syang pamilya pero bakit parang galit sya na nakikita nya tayong sweet na ganito? Siya naman ang sumira sa pangako kaya naman hindi na ako bumalik ulit.Malinaw naman na pinagpalit na nya ako kay Marga dahil may anak sila.Pero sa mga inaasta nya, ginugulo lang nya ang dati ko ng magulong isip.Nasasaktan din naman ako kapag nakikita ko sya."
" Baby tingin ko mahal ka pa rin nya."
" You think so?"
" Yeah, 100 °/• sure, hindi magkakaganon yun kung hindi yon nagseselos."
I sighed. " What am I going to do?"
" Talk to him."
" About what? the truth about us?" nanggigilalas kong tanong.Hindi pa panahon, marami pa na dapat ayusin.
" No, that's not what I meant."
" Eh ano?"
" Na hindi ka sumira sa pangako mo.Para hindi na sya ganon kagalit sayo.That way hindi ka na nya sisihin kung bakit hindi mo na sya binalikan."
"Pagkatapos ano Anton? Magsisimula na namang guluhin ni Marga ang buhay ko pag nalaman nyang nakipag-usap ako kay Nhel."
" Bakit nyo naman ipapaalam pa sa kanya? You can talk to him right now.Kailangan din na kumalma na sya ngayon.Do it now.Tonight is the right time, Marga's not around."
" Alam mo imposible ka rin Mister.Asawa mo pinagtutulakan mo na kausapin yung ex nya."
" If it's for the better,why not? You know the real score between us.And besides, ano ba ang isa sa mga agenda natin bakit tayo umuwi dito? This is the first step, so let's get it over and done. " he said then winked at me.
" Tama ka pero paano ko gagawin yon ngayon? ang dami nating kasama kaya.Tiyak loyal yung iba dyan kay Marga."
" Ngayon na, habang busy sila dito.Tara punta na tayo sa room natin at magpalit na ng damit then after that puntahan ko sya sa room nya at sasabihin ko na mag-uusap kayo.Babantayan kita hanggat hindi ka nakakapasok para siguradong walang makakakita sayo.Maliwanag baby?"
" Paano hubby kung hindi sya pumayag na kausapin ako?" nag-aalalang tanong ko.
" Eh di hinde..hayaan mo na sya kung kailan nya gusto basta you try your best."
Tumango na lang ako.Sa totoo lang gusto ko na rin syang makausap para malaman naman nya yung side ko.Hindi yung parang sya pa ang galit sa akin.Pero hanggang dun lang muna, hindi pa nya dapat malaman ang lahat.May takdang panahon para dun.
" Thanks hubby for being so understanding."
" You know that I'm always here for you."
" Yeah, I know and I love you for that."
" I love you too baby." he said and kiss me on the cheek.
Inalalayan nya akong tumayo at pagpihit namin para pumunta na sa malaking bahay, pareho kaming nagulat dahil naroon si Nhel nakatayo sa may pinto at matiim na nakatingin sa amin ni Anton.Pain was written all over his face.
OMG! Nasaktan ko na naman ba sya ng hindi sinasadya?