webnovel

Peace Talk

Laine's Point of View

NAGYAYA si dad pagkatapos nung pageant.Magte-treat sya.Kakain kaming lahat sa labas.

Okey, galante si papa.

Nung papunta na kami sa parking lot, nagtaka ako kung bakit sa kabilang side ng school kami pumunta eh dun naman sa kabilang side nag park si mommy.

Naku naman! Naka gown at high heels pa naman ako.

Nung sabihin ni tito Phil kay daddy na sa kabila kami nag park, sabi nya na tatawagin lang nya si Mang Gusting.

Really? Eh bakit lahat pa kami kasama?

Haay si daddy talaga,minsan kung mag trip kakaiba.

Alright! Pagbigyan na nga natin ang gwapo kong tatay.

Hayun na nga! Pagdating namin dun may nakita akong pamilyar na bulto na nakatalikod.Kinabahan ako at nabigla nang humarap sya. Oo sya nga. The famous Nhel Mercado.

What he's doing here? Napanood nya kaya ako kanina? Well, maybe.

Dad asked him to go with us.At pumayag naman sya.

Oh!no.

And I noticed dad smile, that was huge.Ganun din ang barkada.Anong meron ha?

Then, dad instructed Mang Gusting.Pagkasyahin na daw sa car yung mga brothers ko , si tita Baby at yung 4 na friends namin.At si Nhel dun na sa amin sasakay.

Sabi ko na nga ba eh.May kakaiba dito.Sakyan na nga lang baka naman it's for the better.

Kaya nung sumakay na kami, dun kami sa likod kasama parents nya.

Hindi kami nagkikibuan.Awkward eh.Torture na naman, naaamoy ko kasi yung cologne nya.Grabe! Six months ko rin di naamoy yun ah.

Nakarating na kami dun sa restaurant na pinili ni daddy.Filipino foods ang sine-serve nila.Ang ganda ng ambiance at mukhang masarap naman ang mga pagkain.Yung long table ang pinili naming pwesto para sama- sama kami.

Pinili kong gumitna kay Candy at Rina, baka kung ano na naman kasi maisipan ng tatay ko eh.Pero halos magkaharap rin kami ni Nhel.No choice eh! naka-pwesto na kasi sila.

Umorder na kami.Dumating na yung pagkain.Kainan na! Galit- galit muna.

Nung dessert na lang , nagkwentuhan na.Topic pa rin yung mga ginawa ko sa pageant.

" Kinilabutan ako dun sa talent ni Laine, akala ko sesemplang nung umikot sya ng mabilis.Napapaangat ako sa kaba." kwento ni mommy.

" Ako nga mare, napakapit ako sa kumpare mo sa nerbyos ko!" si tita Bining naman.

" Eh si daddy nga po kung makakatalon lang, nagtatalon na sa tuwa nung manalo si ate." singit nung kapatid kong si Earl.

" Muntik ko na ngang makalimutan anak eh, tatayo na sana ako.hahaha" sabi ni dad habang tumatawa.

Nagtawanan na kaming lahat.Napatingin akong bigla kay Nhel, ngumiti sya sa akin.

Gosh! Na miss ko ang ngiting yun.

Makatulog kaya ako agad mamaya.Harot talaga ng isip ko!

Tipid ko rin syang nginitian.Ayokong itodo, hindi pa kami okey noh!

Makalipas ang ilan pang sandali, nagkayayaan na.Sleepy na kasi mga oldies, 9pm na rin kasi.Buti na lang walang pasok bukas.

Isa- isa na silang hinatid sa mga bahay nila.

PAGDATING sa bahay namin, pumasok agad ako sa room ko at nag shower.Feeling ko kasi nangangati na ako dun sa gown ko.Inayos ko lang yung mga gamit ko then humiga na ako sa bed ko.

Grabe sumakit katawan ko dun ah! But it's worth it kasi wagi ako.Masaya ako kasi napasaya ko silang lahat.

Akala ko kanina may kulang pero nung makasama namin sya parang lahat nung pagod ko nung practice nawala lahat.

Nahalata ko naman na gumawa talaga ng paraan si dad at yung barkada para magkasundo na uli kami.Although, talagang medyo masama pa rin ang loob ko sa kanya, willing naman akong ayusin na, kung ano man yung gusot.Let bygones be bygones.Magpapasko na.

Siguro sya rin naman ganun din.Sayang friendship na binuo namin.

Nag pray nako at nagpasalamat ng bongga kay Lord then nag ready na akong matulog.

Hindi pa ako natatagalan sa pagkakahiga ko ulit ng may kumatok sa pinto ko.

Pagbukas ko si mommy pala.

" Baby, can I have a minute with you?" bungad nya.

" Sure mom, what about?

" Bukas na yung dating nila Uncle Vince mo from States.Sa rest house natin sa Baguio sila tutuloy,gusto nila pag nag Christmas vacation na kayo sa school,uwi tayo dun.Duon tayo mag spent ng Christmas hanggang New Year na.Gusto mo ba?

" Of course naman po.it's great mom.

We're family." pagpayag ko.

" Tomorrow susunduin namin sila sa airport.Gusto mo sumama?"

" Huwag na po, gusto ko magpahinga bukas, napagod po ako buong week sa practice." tanggi ko.

" Are you sure anak?" i just nodded.

" Dito na lang po ako.Maglalagay na lang ako ng Christmas decor." sabi ko ulit.

" Okey, thanks anak! masayang sabi ni mommy at tumungo na sa pinto.

" By the way, andyan nga pala si Nhel kausap ng daddy mo,nagpapaalam kung pwede ka raw kausapin." habol ni mom.

" Po? Eh gabi na ah! sabi ko.

" Gabi na? o ayaw mo lang kausapin?

Dati halos madaling araw na kayo natatapos magkwentuhan di ba? sabi pa ni mommy.

I sigh. " alright, you're the mom, anyway."

Tumawa lang si mommy at lumabas na ng tuluyan sa room ko.

Alright! Lahat sila parang United Nations, nagkakaisa para sa kapayaan.

Let there be peace on earth.Yeah!

Oh my Gosh! Nandito sya.

What am I going to do?

Ayos ba buhok ko?

Ayos naman.

Okey ba pajamas ko?Oo cute nga.

Eh yung nails ko? Malinis naman.

Yung slippers ko?ayos din naman.

Yung teeth ko?Nakapag-toothbrush kana di ba? Nag mouthwash ka pa nga eh.

Teka bakit nga ba ako natataranta?

OA ka..Parang si Aga Muhlach naman yang dumating, kung makaasta ka dyan para kang timang.Ang harot mo lang Laine.Si Nhel lang yan yung bestfriend mo.

Tamo tong isip ko panay ang epal.

Haisst!!! Ano ba yan para akong sira neto pati sarili ko inaaway ko.

Nang may kumatok sa pinto ko.

Ngek! nanang ko po ayan na yata sya.

Kinabahan ako.Heto na naman yung instinct ko.

Kalma lang Alyanna.Kalma lang.

Inhale-exhale!

Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang pinto.

OMG! Bakit ba ang gwapo ng nilalang na ito? Bumalik na naman yung pagpa- palpitate ng heart ko.Natulala na naman ako.This time para akong masusuka na ewan dahil parang may mga paru-paro sa stomach ko.

Nagulat na lang ako ng magsalita sya.

" Laine, can we talk?

  Hayan na, umpisa na ng pagkakasundo para sa kapayapaan.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter