(Sena POV)
"I will sign it then Sena." Ahhh. Ayun. Walang reklamo. Kaya napathumbs up ako. Good. Very good.
"Shooo." Sinabi ko sa kanya na ikinabalik ko ngang mahiga. Pero lumipas ang ilang minuto, di man lamang ito umalis.
"Sean!" Bangon ko ulit. "Malinaw sa kontrata na hindi ka invited kapag nasa isang lugar ako! Di mo maaring puntahan na wala akong alam!"
"Yeah."
"Alam mo pala. Edi breeching of contract na ang ginagawa mo."
"Sa bini-breech ko nga Sena. Kasi wala naman nakasaad kung mabreach ko man ang contract? Ano to Sena? Basura?" kaya bumangon na ako.
"Akin na nga yan. Di pa nga nache-check ni Cecile. Pinaki-alaman mo na." Ngunit inilayo niya saka nga ibinigay sa katulong yung laptop saka yung hardcopy.
"Sean."
"The kids already left. First day nila sa bagong school. At kung hinintay nga nila tayo, di nga yun maganda."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com