webnovel

Chapter 547 Playful Early Morning

Pahirapan na kumbinsihin si Sean. Huhuhu… Bahala siya, kung ayaw niya sumama eh di wag. Mabulok siya dito, pero ako dapat na payagan niya. Kahit si Butler Nazi lang magdrive para sa akin… O maglalakad na lang ako. Bakit kasi ang layo ng pammahay na ito ni Sean! Tsk… Wag bad mood magsisimba tayo sa ayaw man o gusto niya.

"Balik ka na sa higaan, di kita guguluhin."

Ngunit ngiti niya ang itinugon sa akin. Saka napatango…

At bumalik talaga sa higaan.

Tamad!

"Maghahanap ako ng makakasama ko roon!"

At napabalikwas ito ng bangon. Hehehe… see, minsan okey lang palang seloso ang taong nagmamahal sayo.

"Gusto mong makapatay ako Sena."

"Gusto. Tamad mo."

"Tsss…"

Kaya bumangon na siya, at dumaan sa likuran ko…

Napatitig ng masama sa salamin… saka pumunta na ng Wardrobe niya.

Yehey! Nagwagi si Buntis! Wagi si Mommy, Baby ko.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter