@International_Pen
((( SENA )))
Napanguya na lamang ako ng kinain ko… at napatitig sa kanya. Ibig sabihin di totoo yung divorcement na yun! Napatango ako… ako ata dito ang napapaglaruan ah…
"Mahal mo ako Sean?" Bigla ko na lang naitanong kahit… masusuka ako bigla… bakit yun ang tinanong ko? Napangiti siya sa akin… at bahagyang natawa…
"Sobrang mahal na mahal kita Sena, kahit na mas matigas pa ang ulo mo kaysa sa akin. "
Ako na itong napangiti… kasi… napaipit ako ng buhok ko sa tenga ko. Bakit ako kinikilig ng ganito? Psst… umayos ka nga sarili ko. Masya lang yan si Sean kaya kahit ano-anong kalokohan ang pinag-sasabi sayo. Sa tuluyan akong namula.
"Kumain ka ng marami." Saka pinaglalagyan niya ng kung-ano-ano yung pingan ko. Di na lang ako makapagsalita, kasi gutom din talaga ako. Mamaya na yang pagpapakilig ni Sean. Ang baby ko muna ang atupagin.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com