@ International_Pen
((( JANINE )))
Nawala ang ngisi ng Babae… at niluwagan ang pagkahawak sa bata. Agad na napabitaw yung bata at napapunta sa aking likuran. Parang di alam ang gagawin ng babae… at si Mayet na ngiti na laman ang ibinigay ko… ng samahan ko na nga yung bata kung saan man ako nito gusto dalhin. Nakasunod sila sa amin… umakyat kami ng mga hagdan… at sa huling hagdan… tahimik… at madaming pinto. Nang…
" Miss Janine, hindi po kayo maaring pumunta dito."
" Bakit hindi…" Sagot ko kay Mayet… Tila hospital ang desenyo ng loob… nang harangin na kami ng mga nagbabantay dito. Sa loob maraming nakaputi… na parang mga doctor at kamay nilang suot ang gloves na duguan… na parang nangaling pa lamang sa operasyon. Hinila ng bata ang laylayan ng damit ko… hindi ko siya maintindihan, dahil nga hindi ito nakakapagsalita.
" Anong ibig sabihin niya Mayet."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com