CHAPTER THREE – Girl in the Mirror's New Classmate
Binilhan ako ni Neil ng isang formal attire na damit. Sa pagkakaalam ko ay invited rin siya sa debut party ng kapatid ni Ryan at hindi naman gaano ka-bongga yung debut party na pupuntahan namin.
"Ba't mo naisipan na bilhan ako ng damit ah?" tanong ko kay Neil habang naglalakad papalabas ng mall.
"Di ba sabi mo wala kang damit. Nagda-drama ka pa diyan na hindi ka na lang pupunta sa debut ng kapatid ni Ryan."
"Yun na nga ang sinasabi ko. What I mean to say is… ganyan na ba talaga ang concern mo sa akin kaya mo 'ko binilhan ng damit just to go to Ryan's sister debut party?"
"Ayoko naman na pupunta ako doon na wala ka di ba. Also… hindi kami papayag ni Gabriel na wala ka doon. You just have to come," sabi na lamang ni Neil sa ako.
"Ikaw bahala. Pero… salamat sa damit ah. Hindi ko alam na may taste ka rin sa style sa pagpili ng damit para sa babae. Napaka-swerte naman ng magiging girlfriend mo," as I said to him then he didn't even reply to my conversation to him. Kaya bigla akong napatingin sa kanya nung na-curious na ako na hindi na siya nagsalita. And then, our eyes met. Nandyan na naman yung titig niya na parang nakakatunaw at nakaka-awkward tingnan. I don't know what happened to him. Parang kakaiba lang kasi ang galaw niya ngayon this past few days kapag kasama ko siya.
"Okay ka lang?" tanong ko bigla sa kanya and then he nodded, paulit-ulit. Para siyang nataranta nung pinakuw ko yung atensyon niya sa pagtitig sa akin.
"I bet na bagay sa iyo yung damit na binili ko sa iyo. I promise…" he said then lumabas na kami ng mall para makabalik na sa school.
Pagdating sa school, hinatid ako ni Neil sa department ko kung saan doon yung class ko for this afternoon. He represents himself na ihatid niya ako kahit may klase rin siya same time as me. Nahiya naman ako sa ginawa niya sa akin.
"This four o'clock pa matatapos ang class mo 'no?" tanong ni Neil sa akin nung nakababa na ako sa motor niya.
"Oo."
"Then magkita na lang tayo sa gym. Sabay na lang tayo ni Gabriel umuwi."
"Okay…"
Paalis na sana ako nung bigla niya ulit akong tinawag. "Cindy, yung damit mo nakalimutan mo."
Nahiya ako. Kasi feeling ko eh parang binalewala ko lang yung effort niya na binilhan niya ako ng damit tapos makakalimutan ko lang. Sorry for that.
"Ayy… nakalimutan ko. Thank you." Kaagad kong kinuha yung plastic na may laman ng damit na binili ni Neil para sa akin at nagpaalam ulit sa kanya. Hinintay ko naman siyang umalis bag ako pumasok sa department.
Pagdating ko sa classroom, saktong kasunod ko lang ang professor namin na pumasok sa room. Since this is a second week of the semester, medyo namumukha ko na yung magtuturo sa amin. Our proffesor is very sweet. Mabait siya sa amin. But she's too old na. Senior citizen na si Ma'am Gomez but she can teach pa.
Habang nagre-ready sa projector si Ma'am Gomez sa unahan, something I noticed with my girl's classmate. Hindi kami same ng kurso ng mga ito pero very comfortable naman ako sa kanila. This time, nagbubulangan ang mga ito. Hula ko ay may pinag-uusapan sila na tao.
But then I realized when one of the ate girl stare to the guy at the right corner of the classroom. I saw a guy… a new face for me. Siguro sa pagiging college student ko dito sa school na ito, I didn't even notice him since I was a freshman student. The guy is looked like twenty or twenty-one years old same as old like me. He is wearing a brown cap at kahit hindi niya ito tanggalin sa kanyang ulo, mahuhulaan mo kaagad na mahaba ang buhok niya. But not as long like a girl's hair. Saktong haba lang ng buhok na lagpas sa tenga I think ang haba nito.
He is also wearing a gray t-shirt at short-short pants.
Kung babasehan natin sa mga classmate ko na mga babae kung bakit pinag-uusapan nila ang lalaking ito secretly, I bet that the guy is so very attractive. He's skin is so very white and he have this masculine body na kahit nakaupo siya sa kanyang inuupuan ay makikita mo na his body actually fit to his t-shirt. Hindi masyadong malaki ang both muscles niya but it is very obvious sa kanyang sleeve ng t-shirt ang paninikip ng muscles nito roon.
I got froze for a while in my seat. Why is that I am feeling like my heart beats fast?
Napapansin ko pa rin na pinag-uusapan pa rin siya ng mga classmates kong mga babae and he is also busy typing to his android phone. Who's he texting?
While ako… I'm so very damn busy staring at him. Like, doon ko na napansin na parang unti-unti na akong ngumingiti habang pinagmamasdan siya. Kung makikita niya lang ako na nakatingin sa kanya, I think he will think that I am crazy.
I stop staring at him nang biglang magsalita si Ma'am Gomez. Sabay na napagalaw rin ako nung bigla siyang napatingin sa akin. Mabuti na lang at mabilis akong umiwas ng tingin at um-acting na makikinig na sa lesson ni Ma'am Gomez.
"Okay, before we will continue our lesson last meeting, let me check your attendance. Say present if your surname will be called... Amestoso…?"
"Present, Ma'am."
Napatingin ako sa likod. Halos lahat kami yata dito sa classroom ay napatingin doon sa bagong guy na mukhang ngayon lang pumasok. Pati nga si Ma'am Gomez ay parang nanibaguhan yata siya kay Mr… ahmm… Mr… ano nga ulit iyon?
"So you're Mr. Amestoso, right? Can you introduce yourself in front as we also done last week? I bet na ngayon ka lang pumasok," said by Ma'am Gomez.
Hindi na nagpaliguy-liguy pa si Kuya kaya kaagad siyang tumayo at pumunta sa unahan para magpakilala.
"Hello everyone, my name is Felix John Amestoso. I'm a transfer student and specifically a new student here in your school. I'm taking up Bachelor of Science in *********. That's all thank you."
Biglang nagsipalakpakan yung mga babae kong mga classmate. Pati siguro yung classmate kong bakla ay napasigaw na rin. Habang ako….? Ayun, nakatitig sa kanya habang nagpapakilala siya. Kahit nung bumalik na siya sa kanyang kinauupuan, hindi pa rin maalis-alis yung tingin ko kay… Felix. Salamat, naalala ko yung name niya.
Felix. What a handsome name. Bagay na bagay sa kanya. Walang halong biro. Good to see him as well.