webnovel

Chapter Eight

             Hindi ako lumabas ng kwarto ko sa takot na makita si Tyler. What happened last night should stay last night. Wala na akong balak na ulitin yung katangahan na yun. Kung pwede lang na mabura ko yun sa isip ko ay ginawa ko na. That was bullshit. Sinong matinong babae ang napapakama sa lalaking hindi niya kilala? Buti sana kung wala ako sa katinuan nun, but I was so wide awake. Hindi ako lasing o tinarakan ng droga. Akong ako yun.

             Huminga akong malalim. Nanuod na lang ako ng tv. Buti na lang at may tv sa kwartong toh. Tama. Manunuod na lang ako ng tv hanggang sa umalis na kami sa lugar na ito. Magpapadeliver na lang ako ng pagkain dito sa kwarto ko.

             Tahimik na akong nakahiga't relax na relax na ng may kumatok sa pintuan ko. Muntik na akong mahulog sa lakas ng kalabog ng kung sino mang bwesit na yun.

             Nakakunot ang noong tumayo ako at binuksan ang pinto. Sisigawan ko na sana iyun ng bumungad sa akin si mommy. Ang kaninang kunot na noo ay agad nawala. I smiled.

             "What are you doing here, my? Do you need anything?" tanong ko.

             Nilibot niya ang paningin niya sa buong kwarto ko. Nang hindi siya makontento ay pumasok pa talaga siya. Pati banyo ko, ilalim ng kama, cabinet at kung saan-saan pa ay sinilip niya. Nagtataka man ay hinayaan ko na siya. Idk what she's looking for pero siguradong wala siyang makikita.

             "Bakit di ka bumaba to eat breakfast?"

             My mom's always strict. Makikita mo naman yun sa lakad at pagtayo niya. Kahit di pa siya nagsasalita, alam mo na agad na hindi siya basta basta. Maybe that's why she's our school's president. Everyone thinks she can handle it carefully because of her attitude.

             "I am not hungry. Gusto ko lang sana magpahinga dito buong araw. Watching tv and siguro mag-aaral na rin. You know, our midterm's coming. Ayaw kong sayangin ang oras ko rito by not doing anything."

             Tumingin siya sa akin. "Where were you last night?"

             "I was with them. Edmund dragged me na sumama sa kanila but nauna naman akong bumalik rito."

             I don't know why I'm explaining. I feel like she knows something. Kahit gaano siya kastrikta, may tiwala naman siya sa akin. Hinding hindi siya nagtatanong, maliban sa school of course. Hindi ko alam kung anong nasagap niya o nakita from me and she's acting this way. If it's about Tyler then I'm doomed. That just means na hindi ko dapat talaga makita ulit ang lalaking yun.

             "Your dad will arrive later. I want you to come with me. We will be having dinner with him. Wag ka na muna sumama sa party nila mamayang gabi. You're too young for that. You don't enjoy parties like?"

             Napalunok ako. "Y-yes of course. Wala din naman po akong plano na sumama sa kanila."

             "Good. Make sure na andito ka lang. Ipapasundo kita sa body guards mamaya."

             "Okey, my."

             Nagmasid pa ito ulit sa kabuoan ng kwarto ko bago siya lumabas. Sinara ko agad ang pinto. Wow. What was that? Ano bang alam niya? Why is she acting weird? I think this was about that night na may nagsabi sa kanya na lumabas ako sa kalaliman ng gabi. I'm sure may ibang sinabi pa ang kung sino man yun about that night. Hindi ko alam kung ano pero oras na malaman ko kung sino yun, bibigyan ko talaga siya ng mag-asawang sampal.

             Naghirap ako to get my mom's trust. Wag niya lang sirain yun. Ayaw kong masabwat sa gulo. I still have a long way to go.

             Like I said, hindi ako lumabas ng bahay buong araw. Nag-aral na lang ako. Nagbasa-basa para hindi ko makalimutan yung mga important discussions namin last week. I chatted my blockmates and nanghingi ako ng mga diniscuss nila noong mga nakaraang araw na wala ako and agd kong pinag-aralan yun.

             Tinanggal ko ang suot kong contact lense saka sinuot ang sooooobrang kapal kong eyeglasses. Medyo sumasakit na ang mata ko. Wala naman akong importanteng lakad ngayon o ano so eto na lang muna ang isusuot ko.

             After a couple of minutes, narinig kong may kumatok sa pinto. Nakabihis na ako. I wore a floral dress na abot hanggang tuhod. Pinaresan ko iyun ng white snickers. Pinungko ko ang buhok ko. Messy bun. Simple lang. Sanay naman sina mommy na nakikita akong ganito so I don't really mind.

             I looked at myself in the mirror. I smiled. I look innocent. The sweet, innocent Ken they all know. Pinractice ko pa ang tatanga-tanga kong galaw. Mahina akong napahalkhak. After that, pumunta na ako sa pinto saka binuksan iyun.

             "Good evening ma'am. Pinapasundo po kayo ni Senyora." anang isang bodyguard ni dadd.

             I smiled sweetly saka nauna ng maglakad sa kanila. They guided me papunta sa restaurant sa labas ng hotel. Mas prefer daw ni daddy na doon dahil mahangin saka kitang kita ang view ng dagat.

             Pagdating namin sa restaurant ay mabilis ko silang nakita. Kumaway si mommy sa akin. I smiled at them. Lumapit na ako sa kanila. Nakatingin lang ako sa table nila when suddenly, I bumped into someone.

             Natumba ako sa sahig at nahulog ang salamin na suot ko. Kinakabahan akong kinapa iyun. Napaka labo ng paningin ko kaya hindi ko makita kung saan napunta iyun.

             "Here." anang isang boses lalaki.

             He guided my hand hanggang sa makuha ko iyung salamin ko. Agad kong sinuot iyun.

             "Jesus, are you okey, Kendra??" tanong ni mommy na alalang alala..

             Inalalayan ako ng mga bodyguards ni daddy na tumayo. Napatingin ako sa nakabangga ko at halos mahulog ang panga ko ng makita si Tyler. Mukhang nagulat din ito ng makita ako. Sa mukha niya, parang hindi pa siya sure kung ako ba ang nakikita niya. I remembered what I was wearing. Well... Iniwas ko agad ang paningin ko sa kanya at tinuon na lang yun kay mommy.

             "Are you hurt? May masakit ba sayo?" natatarantang tanong ni mommy.

             Umiling ako. "I-I'm fine mom." I assured.

             Bumaling siya kay Tyler na nakabangga ko. "Be careful next time. You almost hurt my daughter!" pagalit nitong wika.

             Yumungo si Tyler. "I'm sorry, ma'am. I was taking pictures that's why I didn't see her." aniya. "Are you okey?"

             Tumingin ako sa kanya. May nakabitay ngang camera sa leeg niya. Napalunok ako ng makita ang basa niyang buhok na para bang kakaligo niya lang. He's only wearing a white shirt and short pants.

             "I'm fine. Thank you." sagot ko pagkuway.

             "Come on. Let's go. Ipapatingin na lang natin mamaya if you have injuries. Be careful next time. Mamamatay ako sa kaba sayo."

             I rolled my eyes. "My, natumba lang ako. No harm done. You need to relax."     

            Nagsimula na kaming maglakad sa table kung nasaan si daddy.

             "You know I can't let anyone hurt you. You're too precious. Di bale na yung ate mo at matagal na naman niyang tinapon ang buhay niya but you... Oh you... You're too precious. You're my precious daughter."

             Naasiwa akong ngumiti. Precious daughter. What would she do if she finds out that her precious daughter is not as precious as she thinks? Magkakagulo talaga. That's why kailangan kong itago ang mga sekreto ko hangga't kaya ko. They can't find it out now. Not now.

ตอนถัดไป