webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

นักเขียน: Webnovel_Phrygian
สมัยใหม่
กำลังดำเนินการ · 170.7K จำนวนคนดู
  • 35 ตอน
    เนื้อหา
  • เรตติ้ง
  • NO.200+
    สนับสนุน
เรื่องย่อ

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

แท็ก
1 แท็ก
Chapter 1Chapter 1 - Claudine

Chapter 1 – Claudine

"Mommy! Mommy tingnan mo ulap oh, ang ganda pagmasadan tapos parang hugis tao sya!"

"Alam mo ba anak, dyan namin hinango ng daddy yung pangalan mo, sa ulap kasi pareho kaming naantig sa taglay na kagandahan ng kalangitan. Para ngang may pinagmanahan ka ha hehe 😊"

"Sayang mommy, di ko manlang nakasama si daddy, hanggang picture nalang ako nya"

"Masaya naman na si Daddy mo ngayon, malay natin sya yang hugis tao nay an diba? Kahit na nasa langit na sya Claudine, tuloy pa din ang buhay natin dito."

"Opo mommy, namimiss ko lang talaga sya. Pero kahit na nasa langit na sya, mommy sya lang daddy ko ha. Hindi ka na mag aasawa pa ng iba"

"Oo naman anak, mahal na mahal ko yang daddy mo ng sobra…."

..

Sa tuwing nakatingala ako at tinitingnan ang kalangitan, yung usapan namin ni Mommy nung bata pa ako at si Daddy ang naaalala ko. Tandang tanda ko pa lahat ng iyon, eight years old pa lang ako nun at sa bakanteng bahagi pa ng lupa namin kami magkasama ni mommy nun, sa silong pa nga iyon ng puno ng sampaloc.

Ngayon, bihira ko nalang makasma si mommy kasi laging busy sa negosyo nya. Habang ako naman kakabagsak lang sa examination sa college algebra, hayssssssss… himbis na mag-emote ako sa fb na bagsak ako, naka-upo lang ako dito sa bench habang kumakaen ng burger mag-isa, naaantig lang ako sa ganda ng kalangitan…

Ako nga pala si Claudine M. Santos, isang hamak lang naman ako na teen ager tulad nyo. Kaka- 19 ko lang nung nakaraang linggo kaya ang teen ko parin tingnan. BSE Science Major ako pero feeling ko malalaglag na ako sa course na to. Di ako gaano naka focus sa pag-aaral recently kasi may pagtatalo kami ni mommy, para ngang wala naman sense tong pinaghihirapan kong kurso kasi parang wala lang naman sa kanya kung pasado ako o bagsak, ang alam nya lang binabayaran nya pampaaral ko. Minsan na nga lang kami magkasama sa hapagkainan, lagi pako papagalitan eh wala naman akong ginagawa na mali. Tapos kamakailan lang nakipag-hiwalay na ako sa boyfriend kong si Philip, gf nya na pala yung impaktang tinuring ko na kaibigan tapos todo paliwanag pa sya ng…

"Magkaibigan lang naman kami!"

Langhya di pa kami nagbebreak nyan pero ramdam ko naman na bago pa ako sabihan ng ilan kong concern na kaibigan. Tama lang din na itigil ko na, ang tanga ko na nga eh, tatangahin pa ako neto. Nakatira kami sa isang exclusive subdivision dito sa Maynila, may sasakyan kami, malaking bahay, rich kid na kung rich kid. Pero amboring, kami lang ni Yaya Atria lagi magkasama dito, sya nga lang naiiwan pag papasok ako eh. Minsan kasama nya si Kuya Benjo, family driver namin pero pinauwi muna sya ni Mommy kasi may emergency daw 'bout sa family nya sa probinsya.

Only child ako, kaya halos lahat ng gusto nakukuha ko. Saka pag mamayari naman ni Mommy tong Cloud 9 Executive Homes kaya pwede ako mag feeling reyna anytime kung gugustohin ko kaso ayoko. Kung pumorma nga daw ako parang di ako anak ng mayaman eh, saka mas prefer kong maging simple lang, yung kakain sa di gaano mamahalin na restaurant, naglalakad o kaya bike, sasakay sa jeep saka yung buhay na less arte. May iilan lang akong kaibigan kasi lagi nalang ako napagkakamalang mataray pero mabaet naman ako sa totoo lang. Di ko nga alam kung bat ganto lagi nae-encounter ko.

..

"Claudine, nag-iisa ka ata dyan? Mukang emotera nanaman ampeg mo ha?" -Sabi sakin ni Alex habang papalapit sila ni Queenie saakin.

"Brokenhearted yan, wag mo na nga asarin" -Queenie

"Di ko naman sya inaasar eh" -Alex

"Anong ginagawa nyo dito?" -Tanong ko sa kanila

"Wala lang naman, samahan ka lang, hayaan mo na yun si Philip. Dibale Claud makakahanap ka rin ng matinong, yan kasing MGA LALAKI NA YAN, MGA MANGLOLOKO YAN…" – Pinaparinggan nya si Alex

"Sorry ka, loyal ako mag mahal eh, hahaha!" -Biro ni Alex

"Sya nga pala nakita nyo na tong trending na balita sa FB ngayon? Hahaha! Real-Life Superhero daw oh, may natimbog syang riding in tandem at snatcher sa isang grocery store haha!" -Alex

"Real-life superhero? Tssss pa-trending lang sa social media yan haha!" -Queenie

"Ang cool siguro maging superhero noh, yung may super powers ka tapos makakalipad ka" -Nakirelate nalang ako sa usapan nila kahit di naman talaga ako interesado.

"Kung magiging superhero ako gusto ko yung kay Jean Grey sa X-Men, yung nakakapag-palutang sya ng bagay tapos nakakabasa ng isip ng iba" -Queenie

"Ako naman kung magkaka-powers ako, yung kay the Flash naman ng Justice League, para super bilis ko, hindi nako mamamasahe papunta dito sa school hahaha!!" -Alex

Ang cool nga naman kasi kung totoo ngang magkakaroon ka ng super powers diba, kahit di tayo mag aminan siguro naman may isang beses sa buong buhay mo na pinangarap natin maging isang superhero. Kung ako nga tatanungin, ang gusto kong super powers is yung flight, maski yun lang. Makalipad lang ako ng malaya okay na ako dun, gusto ko maabot yung mga ulap na hanggang titig ko lang.

Talagang sinamahan lang ako nung dalawang iyon, si Queenie Maglalang matagal ko na syang kakilala, same kami nang pinagmulang high-school pero that time di naman kami close na unlike ngayon, nagkataon lang na magkaklase kami sa college na to at pareho kaming science major. Si Alex Esteban naman, manliligaw sya neto ni Queenie kaya lagi nakabuntot, mabait naman sya saka ginagawa nya best nya para maging kwela, kinulang sa sense of humor. Friends lang sila pero hindi best friends, kasi yung best friend ko na naging boyfriend ko, si Philip Pinas, yeah you heard it right Pinas talaga apelido nya tapos Philip pinangalan sa kanya ng parents nya pero di naman sya patriotic. Wala eh, manloloko pala… tinuring ko din na kaibigan dati si Jessica Sinocruz, yung pinalit nya saakin. Ewan ko ba, ambait lang tingan pero nagpalandi rin kay Philip. Leche sila dalawa.

..

Minsan lang ako nasusundo ni kuya Benjo pag uwian ko kahit na naka-leave sya ngayon. Kasi mas priority nyang sunduin si Mommy, pero ayos lang kasi nakakagala ako at may pamasahe naman ako pauwi. Habang naglalakad ako kanina bago umuwi, napadaan ako sa isang karinderya nun at pinanood ko yung binabalita sa TV, about nga doon sa trending ngayon na real-life superhero ng pinas. Totoo nga na nagawa nyang maipahuli yung riding in tandem at yung shoplifter sa isang grocery store, naitumba nya by means of pangbubugbog pero di naman yung halos patayin nya na, disabling lang ang dating. Pero buti trending sya at positive ang tingin ng karamihan sa kanya, I mean kay…

Reporter: "Maaari ka bang magpakilala saamin…"

Rouser: "Ako nga pala ang inyong tagapag-tanggol na si Rouser (raw-ser), at aktibo akong tutulong sa pag-sugpo sa mga nagtatangkang gumawa at gumagawa talaga ng mga krimen"

Reporter: "Paano mo pala nagawang maipahuli yung riding in tandem at yung isang magnanakaw sa isang araw lang?"

Rouser: "Ginawa ko lang po kung ano po sa tingin ko yung tama at dapat talagang gawin, pinagbalaan ko sila, sumuway sila kaya ginawa ko nalang yung makakaya ko para hindi na sila maka-perwisyo pa ng iba muli"

Reporter: "Ano naman ang naging reaksyon ng kapulisan sa 'kabayanihang' ginawa mo?"

Rouser: "Pinagtawanan nila ako nung una dahil di sila naniniwalang superhero ako, dahil siguro sa costume kong bahagi ng motor na Rouser, pero buti nalang nakipagtulungan sila saakin pati na din yung mga natulungan ko, para ipahuli sila"

Reporter: "May iba ka pa bang mensahe na gusto mong ipabatid sa taong bayan?"

Rouser: "Sa mga kriminal at nagbabalak pang mangperwisyo ng kapwa ko pinoy, bilang na ang masasayang araw nyo dahil ako, si Rouser! Hahanapin ko kayo at dadalhin ko ang hustisya sa mga muka nyo, yun lang… Rouser out!"

Reporter: "Maraming salamat sa-- at tuluyan na nga po syang umalis agad. Kasalukuyang number 1 padin na trending sa twitter at facebook ang #Rouser dahil sa kanyang kabayanihang ipinakita. Back to you guys!"

..

Legit nga yung nagawa nya, andaming pumupuri at nambabash sa kanya kasi ng syempre sa Pilipinas ang setting eh. Di nya ni-reveal yung identity nya, tapos yung costume nya parang pang cosplay na mask rider ang dating tapos ang tunay tingnan ng plating ng costume nya parang parte talaga ng motor na Rouser. Yung nakita kong weapon nya parang mahabang stick eh at yung motor nya talaga yung ang angas tingnan. Di ko alam kung bat parang in ako sa balitang to, ang weird lang pero dapat talaga wala akong pake sa mga ganyang bagay.

Pag-uwi ko saamin, nakasabay ko kumain ng dinner si mommy nun at nagka-kamustahan kami na para bang hindi kami nagkatalo kahapon lang. Sabi ko okay naman yung studies ko at wala sya gaanong imik, wala namang paki si mommy about doon. Sa kwarto ko, nagawa ko muling mapagmasdan ang ganda ng kalangitan, at full moon pa talaga kaso natatakpan naman ng mga ulap yung buwan.

Nahikab ako nun na may kasamang pag unat ng kamay nang biglang nakita ko yung moon, nagtaka ako bigla eh…

"Bat ganun, ang bilis naman mawala ng mga ulap na nakaharang sa buwan, parang nag-siurungan yung mga ulap?"

Nagtaka lang ako na bakit ang bilis umurong nung ulap, mabagal ang galaw ng mga ulap, parang orasan lang na binabantayan yung pag-ikot ng segundo. Pero hinayaan ko nalang, at binukasan ko nalang tong laptop ko, may need lang ako matutunan kasi may exam nanaman bukas sa eskwela. Acads is life pa din syempre…

..

..

..

..

..

"Nahati sa dalawa yung ulap, imposibleng mangyari ito pero… may isa lang akong kilalang kayang gumawa nyan…"

คุณอาจชอบ

Adik Sa’yo

Napagkamalang adik at na-inlove sa isang adik! Ito ang dilemma ni Nadia. Dahil sa inggit at galit ng kanyang stepmother matapos ipamana sa kanya ang malaking inheritance ng daddy niya, na-frame up si Nadia at pinasok sa Love and Hope Rehabilitation Center. Adik daw siya at lulong sa bisyo, susmaryosep! Ni yosi nga never niyang nahithit, bato ni Darna pa kaya? No choice si Nadia kung hindi makisama sa mga adik at sumunod sa mga patakaran upang makaalis siya after six months. Pero paano magiging at peace ang pamamalagi niya sa loob ng center kung may isang Jace Devenecia ang gumugulo ng sistema niya? Dahil utang na loob naman, si Jace nang pinakagwapo at pinakaseksing adik sa balat ng lupa! Pakitaan ba naman siya ng nagtitigasang abs. Eh, talaga naman kahit sinung babae ang mahuhulog sa katawan nito. Lalo na at ubod nang sarap lang naman nitong humalik; malululong ka na, mapapaungol ka pa! Hay... paano na? Marupok is real! “Ano ba ang pinatira mo sa’kin at bakit baliw na baliw ako sa’yo?” “Huwag mo nga akong pagbintangan dahil matagal ng may tama ‘yang utak mo!” “Oo, adik talaga ako, adik na adik sa’yo at hinding hindi kita pakakawalan hangga’t hindi ka nagiging akin, dahil Nadia mas matindi ka pa sa kahit anung droga natikman ko at wala ng gamot dito.” Nalintikan na dahil sa kauna-unahang pagkakataon, totoong na-adik si Nadia… na-adik sa makapantindig-balahibong halik, nakakatirik-matang mga haplos at nakakabaliw na pag-ibig. Ito ay kwentong pang-adik… sa kilig! Adik ka ba? Genre: Contemporary Romance, Comedy, Drama TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, nudity, loss of a loved one, emotional abuse, self-harm, drug & alcohol use ”Anj Gee Novels” Grim Reapers Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Strawberry Bite- Completed Diary ng Birheng Maria- Completed ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · สมัยใหม่
5.0
18 Chs

The CEO's Substitute Wife

Sampung taong gulang siya noon nang ipadala siya ng mga magulang niya sa US at doon pinatira sa lolo't lola niya. Madaming dahilan kung bakit siya inilayo ng mga ito. At isa na doon ang pagtago sa kanya sa mga Sandoval. She was sad that time because she knew that her parents never liked her. Kaya nga pinadala ito siya ng mga ito sa ibang bansa. She tried to beg but they never give her a chance. She was abandoned by her own family. But her grandparents never let her feel that way. Thay kept her,  loved her, and let her feel secured and happy.. But 13 years pass when her gradparents died. Her parents never showed up instead they just send her a money for her grandparents funeral. Ilang araw din pagkatapos ng libing ng mga ito ay pinauwi din siya ng mga magulang niya sa Pilipinas. She was forced to go back because of her sister. Nawawala daw ito bago ang kasal nito sa lalaking mahal niya. Yes. Her sister will supposed to marry the man that she loved 13 years ago until now. The man that she abandoned 13 years ago without noticing it and saying goodbye. Mahal ito ng kapatid niya at suportado din ito ng mga magulang nila. Kaya nga pinadala siya sa ibang bansa sa araw ng operasyon nito. Sa araw na dapat ay kasama siya nitong lumalaban. Pero wala nang halaga yun. Dahil ang lalaking mahal niya ay may mahal nang iba. At yun ang kakambal niya. He don't know anything and she don't have any intentions to say or speak about that matter anymore. Ayaw niyang sirain ang pagmamahalang meron sila. Ayaw niyang maging kontrabida sa isang love story na ang main characters ay ang taong mahal niya at ang kapatid niya. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil pinagkasundo siya ng mga magulang niya na gawing pamalit sa kakambal niya. She need to marry him as a substitute to her twin sister. She can't even protest about it. Time passed and they are now husband and wife. But that's only in a piece of paper that they've signed. Isang taon din ang lumipas hanggang sa bumalik ang kakambal niya. Pero sa isang taong yun ay may namuo kayang pag-ibig na maaaring magbago sa kanilang tadhana o tutuldukan na nito ang lahat nang meron sila? Let's all find it out!

Mixxy_18 · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
31 Chs

I GO TO KOREA TO FIND MY FATHER BUT I FOUND A LOVE (TAGLISH)

SI YEJIN KIM AY ISANG HALF FILIPINO AND HALF KOREAN NA NAGPUNTA SA KOREA PARA HANAPIN ANG KANYANG AMA NA BUMALIK SA KOREA AT DI NA NAGPAKITANG MULI. NGUNIT NABAGO ANG PLANO NANG MAKLALA NYA SI CHOSEON NAM TURN OUT NA ANG IDOL PALA NYANG SI CHAE JANG JOON. DAHIL SA ISANG MISUNDERSTANDING NAPAGKAMALAN SYA NITONG GIRL FRIEND NI CHOSEON. KAYA IMINUNGKAHI NI CHOSEON NA SIYA AY MAGTRABAHO SA KANYA MUNA BILANG ISANG KATULONG PUMAYAG NAMAN ITO KESA NASABAHAY LANG SYA NG ATE NYA AT TUTAL WALA PA NAMAN SYANG PINAGKUKUNAN NG INCOME. NGUNIT SADYANG ANG KAPALARAN AY MAPAGBIRO DAHIL SA ISANG PANGYAYARI "NAHULOG SYA SA HAGDAN AT NASAMBOT NI CHOSEON" THAT TIME DI RIN SINASADYANG MAKUNAN NG CAMERA "NAKAON PALA AT TUMAPAT SA KANILA", TAPOS ANG FEMALE LEAD AY NAPABALITANG BUNTIS THAT TIME THEY NEED A FEMALE TO BE LEADING LADY AND THEY DECIDES THAT YEJIN WILL BE DAHIL SA PAGKAHULOG LANG NG HAGDAN...SIMULA NOON NABAGO NA ANG TAKBO NG BUHAY NI YEJIN. AT DAHIL DIN SA PAGDATING NI YEJIN NAGING UPSIDE DOWN ANG BUHAY NI CHOSEON. MGA TAUHAN... FL~YEJIN KIM-DAE GIWU/ YEOJA1BABAE2GIRL3 ML~BAEK JANGMUL/ CHOSEON NAM/ CHAE JANG JOON-LEE JOON GI INA: LORAINE DIAMANTE 56 yrs old + AMA: KIM JINHYUK 60 yrs old = KIM YEJIN ANAK NI LORAINE... OSAKA HANA 30 yrs old F BUMKEZER AL ALI 28 yrs old M ADI KUMAR 26 yrs old M IRISH UNDERZON 24 yrs old F KIM YEJIN 22 yrs old F ANAK NI KIM JINHYUK SA KOREA KIM JINNA 22 yrs old F KIM HAEBYEOL 21 yrs old F KIM DABYEOL 20 yrs old M KIM DARIM 19 yrs old M ASAWA SA KOREA: KWON JISYA 56 yrs old KIM YEJIN'S GRANDFATHER IN KOREA: KIM NAMSEOL 70 IN PHILIPPINES: MARTIN A. DIAMANTE 75 GRANDMOTHER IN KOREA: WON SEOLHWA 69 IN PHILIPPINES: ANISYA L. BERNARDO 74 NAM CHOSEON PARENTS BAEK WANGJI DEAD 36 yrs old~car accident GU HANNA DEAD 34 yrs old~suicide REAL NAME: BAEK JANGMUL 39 yrs old M BAEK JANGSEOL~DEAD DIE BECAUSE OF ALLERGY IN GINSENG, 5 YEARS OLDER THAN JANGMUL AND 12 YEARS OLDER THAN JANGWOOL. BAEK JANGWOOL 32 YRS OLD~THE ONLY BIOLOGICAL FAMILY OF JANGMUL HE LIVES WITH CHAE ORIGINAL SONS IT MEANS NOT SONS OF MISTRESS. (CHAE DAECHANG 35 YRS OLD AND CHAE DAEJEON 29 YRS OLD) POSTER PARENTS... NAM NAMPYEONG 63 yrs old M JIN HAERI 59 yrs old F POSTER SIBLINGS NAM JOONIM 27 yrs old M NAM SANJO 30 yrs old M NAM KAESEOL 21 yrs old F ASSISTANT: GU RYUNG-OH 50 yrs old FRIENDS YEJIN'S FRIENDS LUCILLE A. BRIZE 27 F MERCER V. ANTONOVICH 23 M BRIANEL E. MASAY 34 M ANNATALIA M. ROSARIO 30 F JANA H. MAGAYON 21 F LEILA S. SANTIAGO 25 F CHOSEON FRIENDS DAE RYEHWANG 30 yrs old F KANG HAERYUK 26 yrs old F NINE 42 yrs old M HAN BONGHEE 35 yrs old M FOREIGN POWERS BOOM (BUMKEZER) 28yrs old M ZECK 23yrs old M XIAOBAO 25 yrs old M DRAVE 26 years old M EX3M SANJO NAM~ANAK NG MAY-ARI NG STEC 30 yrs old M ZANDRE 30 yrs old XUEMING 31 yrs old BAEK ANHO~ pinsan ni Choseon, mula sa pamilyang Baek. BAEK SOOKANG ~pinsan ni Choseon mula sa pamilyang Baek. FOR THE SAKE OF LOVE TEAM Barbara Fontanoza Alfred Richnore Alpued Pak Kruewahtt Hatti Spencer Chad Mclene Delorosa Han Joon Woo Yaxer Bulahan Lisa Kael F~FEMALE M~MALE

2YEOJA1BABAE2GIRL3 · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
191 Chs
สารบัญ
จำนวน 1 :The Beginning
จำนวน 2 :CableBlade Arc
จำนวน 3 :The Uprising