webnovel

Chapter 22: FEAR

Halos hindi na makahinga si Faith sa takot. Nanginginig pa sya. Parang bakal ang kamay na nakahawak sa pulso niya.

Nakita ni Rain ang takot sa mga mata ni Faith. Ramdam din niya ang panginginig nito. Dahan-dahan niya itong binitawan. Agad napaatras ito mula sa kanya. Halatang kinamumuhian siya nito.

"Walanghiya ka." Sabi nito at tumalikod na, tumakbo palayo.

Nanatiling nakatayo sya sa pwesto niya. Di alam kung bakit nagawa yun. Nawalan siya ng kontrol sa sarili. He rumpled his hair to let out his frustration.

Nakita ni Raimer ang nangyari. Nagtaka siya sa nasaksihan. Parang may kausap o kasama si Faith na hindi nakikita ng lahat. Napailing na lang siya at napangiti. 'Weird lang talaga ang babaeng yun.'

Faith attended her class. Kahit late na ay pumasok pa rin. Tinanguan lang siya ng guro at nagpatuloy sa pagdidiskusyon. Nasa kalagitnaan na sila ng klase pero wala siyang naiintindihan dahil iba ang nasa isip niya. Ang nangyare kanina. Tungkol sa dalawang Azarcon.

Saka lang siya nagising sa pagkatulala nang may kamay na lumapat sa balikat niya. Napatingin sya sa kaliwa, inaakalang kaklase lang niya yun. Paglingon niya ay bigla siyang napabalikwas patayo pero sa pagkataranta ay natumba siya sa upuan at kasama nya yun na lumagapak sa sahig.

Nahinto lahat sa klasrom at napatingin sa gawi niya.

Hindi niya pansin ang mga nakatingin sa kanya, dahil nanatiling nakatitig siya sa pulang mga mata kahit nanginginig katawan niya at kinikilabutan. She didn't expect to see one right at this moment. And worst of all, hinawakan siya nito.

"Ms. Fajarah, what's happening to you?" Papalapit ang guro sa kanya pero tila wala siyang narinig. Ang atensyon niya ay nasa demonyong nakatayo sa paanan niya.

She's staring at him with wide eyes and mouth open. Nakangiti pa ito. Di siya makagalaw sa takot. This is not her first time to see one, pero sadyang nakakatakot lang ang mga ito.

Pinapalibutan na siya ng lahat, nagtataka sa kilos niya at reaksyon.

"Ano ba ginagawa niya?"

"Nagpapapansin na naman."

"Ang weird talaga ng babaeng yan kahit kailan."

"Ou. At malandi pa."

"Nilalandi si Rain Azarcon kanina."

"Nagpapahimatay, tapos ngayon, another drama na naman."

"Nagpapasikat lang yan para maawa lahat sa kanya at makakuha ng atensyon."

Ilan lang yan sa mga ingay na naririnig mula sa mga kaklase niya. Pero balewala lang din yun sa kanya.

"Faith." Pag-alog ng guro sa braso niya. Nakaluhod ito sa kanyang tabi. "Are you okay? Anong nangyayare sayo? Nanginginig ka pa."

Napatingin na rin siya sa guro. Mababakasan sa kanyang mga mata ang takot.

Napatili ang karamihan nang biglang tumilapon ang upuan niya sa kanya. Muntikan pa matamaan ang guro pero nabitawan siya nito. Tumama iyon sa ulo niya at nahiga na siya sa pwersa niyon. Nag atrasan ang lahat at umugong ang tili ng mga natatakot. Sigawan kung pano yun nangyari, bakit lumipad nalang bigla ang upuan sa kanya.

Si Faith lang ang nakakita, sinipa ng demonyo ang upuan sa kanya.

"Faith! Jusko.." Nilapitan uli siya ng guro.

Sobrang sakit ng ulo niya at nahihilo pa siya. Pinilit niyang bumangon, tinulungan siya ng guro. Sapo ni Faith ang ulo at pailing-iling pa. Parang lasing pakiramdam niya. She blinked a few times para luminaw uli ang paningin.

Tumingin uli siya sa demonyo at humakbang ito palapit sa kanya.

Agad siyang tumayo kahit nahihilo. Pinulot rin bag niya at umatras na.

"Ms. Fajarah? A-anong nakikita mo?" Nuutal na tanong ng guro. Halatang takot na din ito at lumalayo sa kanya.

Tumingin na rin siya sa lahat ng nasa klasrom. Mababakasan ang takot sa mukha ng mga ito at kinakabahan. Lahat nakatingin sa kanya.

'Bwesit! Hindi dapat to nangyayari. Mali..'

"Nothing. I'm sorry, excuse me po." Sabi niya sabay talikod at takbo palayo doon.

Pagtalikod niya ay rinig niya pa ang usapan ng lahat. Sino daw yung sumipa ng upuan sa kanya, at sigurado silang wala silang nakita. Baka multo daw yung may gawa at siya lang ang nakakakita.

Takbo pa rin siya ng takbo. Kahit nahihilo ay pinipilit niya. She have to stay away from everyone para walang ibang masaktan. Pinagtitinginan nga sya dahil sa kakatakbo.

Nang hindi na kinaya ay tumigil sya sa isang puno. Inilapat niya ang palad at hinahabol ang hininga. Napasubsob ang ulo niya sa puno. Nahihilo talaga siya at parang binibiyak pa ang bungo niya sa sakit.

"Bwesit.." Pamimilipit niya. Hindi siya pwedeng himatayin ngayon kundi wala siyang laban.

Kailangan niyang umalis. Lumayo sa lugar na yun. Umayos na siya ng tayo at naglakad papuntang cafeteria. Kukunin ang gitara niya sa storage room para makauwi na. Magpapaalam nalang din sya sa head doon.

Dahan-dahan lang siyang naglalakad dahil pakiramdam niya ay matutumba na siya anytime. Pinagtitinginan pa siya dahil mukha siyang lasing maglakad. Wala ng ibang nasa isip niya kundi ang makauwi lang ng buhay sa ngayon. Doon na rin siya bibigay sa pagkahilo.

Naglalakad na si Raimer patungo sa huli niyang klase. Nakita niya si Faith sa di kalayuan. Panay ang paghinto nito para umiling at sapo pa ang ulo. Napakunot ang noo niya don. 'Nahihilo kaya ito? O masama ang pakiramdam?' Tanong sa isip niya.

Pumasok na ito sa cafeteria at binawi na ang tingin mula sa dalaga.

Faith went directly to the storage room. May mga pumapansin sa kanya at tinatanong kung okay lang siya. Tumayo lang siya sa mga ito. Pagpasok ay in-on niya ang ilaw at nilapitan na agad ang gitara na nakasandal sa sulok. Habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ulo niya. Iniinda niya lang ang sakit, saka na siya magpapahinga pagnakauwi na at siguradong ligtas siya.

Binuhat na niya ang gitara pero binaba niya kaagad nang muntik na siyang matumba. Napasandal siya sa pader. Lumalabo na ang paningin niya, umiling siya at kumurap-kurap ng ilang beses, para bumalik ang linaw non.

Kinuha niya ulit ang gitara at nagsimula ng maglakad pabalik sa pinto. Nagdidilim na paningin niya at parang umiikot ang paligid.

'No! I can't blackout here. Kailangan kung makaalis muna. Makalayo. Baka makita ako non.' Sermon niya sa sarili. Hahawakan na sana niya ang doorknob nang lumabo na ng tuluyan ang paningin niya at lumala ang sakit ng ulo. Napasubsob siya sa sahig at nag-ingay ang nabitawan niyang gitara. Wala na siyang lakas, wala ng magawa. And she lay unconsciously on the ground.

Next chapter