webnovel

What Victoria Wants

Victoria's POV :

10 years ago...

Tahimik niyang pinagmamasdan ang paligid. Mag isa siya ngayong kumakain ng lunch sa student parking lot. Walang pumupuntang estudyante sa bahagi ba iyon pag ganitong oras.

"There you are Victoria", wika ng isang babae.

Pag angat niya ng ulo para tingnan kung sino ang nagsalita. Sila na naman?

"Dito ka pala naglalagi, kaya kahit saang butas di ka namin mahanap", ani ng isa pa nitong kasama.

Araw araw na ginawa yata ng Diyos eh hindi nakakalimutan ng mga itong tumigil sa pambu-bully sa kanya.

Madali niyang niligpit ang lunch box. Hindi siya nagaabalang pansinin ang pang iinis ng mga ito. Patayo na sana siya ng hawakan siya sa balikat at sapilitan uling iupo. Pumaligid sa kanya ang iba pa.

"You know that you don't belong here."

2nd year high school na siya. Nag aaral siya St. Bernard, isa sa mga prestihiyosong school sa Davao. Namamasukan ang nanay bilang kasambahay sa pamilya ng Clifford, ang may ari ng naturang eskwelahan. Bibigyan siya ng pagkakataon na mag aral sa ilalim ng foundation ng pamilya. Isa ang mga Clifford sa pinakamayaman sa lugar na iyon, maraming mga nasasakupang lupain ang mga ito.

Pero wala yatang estudyante doon na masaya sa pagkaka admit niya sa eskwelahan. Simula ng pumasok siya wala na yata ang mga itong ginawa kung hindi i-bully at paringgan siya

Napabuntong hininga siya. Nasasaktan din siya pero kailangan niyang mag tiis mairaos lang ang high school niya. "Kailangan ko ng umalis."

Hinayaan siya nitong tumayo pero unang hakbang pa lang niya ay sadya nitong iniharang ang isang paa nito kaya't napatid siya.

Nagtawanan silang lahat habang nakasubsob siya sa lupa. Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Lumapit ang babae na tumatayong leader ng grupo, hawak hawak ang lunch box niya. Unti-unti nitong ibinuhos ang laman sa ulo niya.

"Bagay pala sayo," sabay tawa ng matinis.

"Hey!"

Sabay sabay silang napalingon sa baritong boses na iyon. Parang namutla ang babae pagkakita sa lalake na nakatayo di malayo sa kanila. B-Brad Clifford?

Ito ang solong anak at tagapagmana ng mga Clifford. Kaklase niya ito sa ilang subjects. Ni minsan hindi niya pinangarap na kakausapin siya nito dahil aminado siya sa estado nila sa buhay.

"Aren't all of you getting tired with this childish act?"

"Well, she's an eyesore to everyone. It's not our fault that she's poor."

"It's not her fault either!!" Sigaw nito.

Nagulat siya habang nakatingin sa mga ito. Parang mga langgam na isa isang nagsi-alisan ang grupo na harap niya.

Patalikod na sana ang lalaki ng magsalita siya. "W-why? Why save me?"

Huminto ito pero hindi lumingon. "I'm just tired of their act, that's all."

Naiwan siyang nakatunghay sa papalayo nitong likod.

****

Present time. . . .

"Vicky are you listening?" Tanong ng manager niyang si Lily.

"I'm sorry "

"Like what I've mentioned there'll be number of interviews & photoshoots with you & Brad. Are you sure okay lang sayo?"

Batid ni Lily ang nangyari sa pagitan nila ni Brad. Ngumiti siya dito. "Yes, I know it will be hard but what is victory if there is no struggle? I'll claim for what is mine."

Next chapter