webnovel

CHAPTER 14: THE DANGEROUS HER

"OH, LOOK at her!"

Nakita niya si Tiffany at Vanessa na palapit sa gawi niya. Bahagya pang pumapalakpak ang una habang may naglalarong mapang-uyam na ngiti sa mga labi. Mula ulo hanggang paa rin siya kung tingnan ng dalawa na tila hinahanapan siya ng kapintasan.

"Third to the last... Without any experience in ramp modeling. A newbie... Anong ginawa mo para makarating sa malaking event na 'to? Sinong inakit mo?" mapang-uyam na tanong ni Vanessa. Bagay na tuluyang pumutol sa pisi ng pagtitimping kanina pa kinikimkim ni Misha.

"You know what, hindi mo 'ko kilala!" mahinahon niyang turan. Unti-unti rin siyang lumalapit dito dahilan para mapaatras ng ilang hakbang ang babae. Ngunit, hindi siya tumigil hanggang sa halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

"So, you have no rights to mess up with me!" patuloy niya. Pagkuwa'y itinulak niya ang balikat nito gamit lamang ang hintuturo. Sa pagkagulat ng babae'y nawalan ito ng balanse't malakas na napasandal sa pader na naroon.

"Tsk! Kilala mo rin ba kung sinong kinakalaban mo, babae?!" Akma siyang sasampalin ng babae ngunit agad naman niyang napigilan ang kamay nito.

"Don't you ever dare to put your dirty hands on me!" malakas niyang singhal sa babae na bahagyang nakakuha ng atensyon ng ilang taong nasa malapit. Hindi na niya naitago pa ang labis na galit ng mga sandaling iyon kaya wala na siyang pakialam kung ano man ang iisipin ng ibang nakakakita.

"How dare you! Bitiwan mo 'ko!"

Sa halip na sundin ang sinabi ng babae'y lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito.

"Alam mo... kanina pa ako nagtitimpi sa inyo, e! I tried my best to ignore you but you're persistent. Ano bang problema niyo sa'kin? Inaano ko ba kayo, ha?"

"Because, you're a slut! No wonder kung bakit ang bilis mong nakarating sa level ko samantalang baguhan ka lang!" Nakipagtagisan din ito ng titigan sa kanya. Matapang nga talaga!

Mapakla siyang napangiti sa sinabi nito. Para siyang sinampal sa mukha sa pag-akusa nitong isa siyang bayarang babae—na lalong nagpakulo ng kanyang dugo.

"Alam mo, ayaw sana kitang patulan dahil una sa lahat, hindi mo 'ko kilala. Magiging pointless lang na makipagtalo sa 'yo with your false accusations. Pero, dahil mapilit ka at talagang sinasagad mo ang pasensya ko... Fine! Bibigyan kita ng kaunting background tungkol sa'kin."

Hindi sumagot ang babae. Halatang naghihintay sa mga susunod pa niyang sasabihin.

"Let's wrap it up to the most recent happenings dahil wala na tayong oras. Listen, Vanessa. My journey all the way here was worse than stripping na hindi mo na gugustuhin pang malaman. But, here's the most interesting one, almost two years akong na-confined sa isang mental health facility. Isa akong literal na baliw dati. At maraming nagsasabing hindi pa ako lubusang magaling."

"My God!" Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Tiffany na noo'y tahimik lang na nanunood sa kanila.

"Yeah! You heard it right! Kaya hindi mo 'ko masisisi kung may magawa man ako sa 'yong bagay na hindi mo magugustuhan, Vanessa! Hindi ako nagbibiro kaya 'wag mo nang ipilit na patulan pa kita. I'm warning you!" Iniwanan niya ito ng mga titig na puno ng pagbabanta—enough to leave her speechless.

Nag-iwan ng mga bulong-bulungan ang naging eksena nilang iyon mula sa ibang mga modelong nakapansin. Pero hindi na niya pinansin pa. Ilang sandali na lang ay rarampa na siya kaya kailangan niyang linawin ang isip at payapain ang sarili para magawa niya ng maayos ang trabaho.

Mabuti na rin palang kinumpronta niya ang dalawa dahil ngayon ay nanahimik na ang mga ito. 

"Miss Misha, on queue!" saad ng isang staff na nangangasiwa sa timing ng kanilang paglabas.

"Okay." Lalo siyang nakaramdam ng kaba nang masilip ang stage na napapaligiran ng napakaraming tao. Pakiramdam niya'y naging mas malakas pa ang kabog ng kanyang dibdib kaysa sa musikang pumapailanlang sa buong paligid.

'Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.'

"Okay... 3, 2, 1 and go!" hudyat ng staff at lakas-loob na siyang tumapak sa stage. Sa paglabas niyang iyon ay hindi niya inasahang marami-rami ang papalakpak sa kanya. Ang ilan ay humihiyaw pa. Bagay na nakapagpangiti sa kanya ng maluwag.

Labis din niyang ikinamangha ang ganda ng stage and production. Talagang pinaghandaan at hindi isang ordinaryong event lamang. Maging ang mga light effects na purple and white ay bagay na bagay sa dark theme na inirarampa nila ng mga sandaling iyon. May mga back up dancers din na nakalinya sa tabi ng stage na lalong bumubuhay sa live performance ng singer at ng mga modelong rumarampa.

Kaya naman naisip niyang kailangan niyang tapatan ang energy na hinihingi niyon. And she's starting to enjoy it.

Sa kabilang banda, may tatlong tao na tumigil ang mundo sa paglabas na iyon ni Misha sa stage. Si Loven sa tutok na tutok sa panonood. Si Harris na kasalukuyang nagbibigay ng inumin sa mga manunood dahil waiter ang papel nito sa misyon. At ang lalaking magpahanggang ngayo'y misteryo pa rin ang pangalan para sa kanya. Natulala ang mga ito't walang ibang makikita sa kanilang mga mata kundi ang labis na paghanga.

Sa unang exposure pa lang ay naging playful na si Misha. Kailangan niyang galingan para na rin ipamukha sa iba na deserving niyang rumampa sa mga ganitong stage.

Masyado ring mahaba ang stage at sapat para maipakita ang galing niya. Ito rin ang kanyang pagkakataon para hanapin sa crowd ang dati niyang asawa at alamin kung sinu-sino ang mga kasalamuha nito.      

At hindi naman siya nahirapan. Dahil nasa VIP section ito kasama ang ilang mga mukhang pamilyar na rin sa kanya.

Bago pa man siya makarating sa dulo ng stage, their eyes meet and locked for a moment. His jaw dropped in shock as if he's seeing a ghost in front of him. Mukhang hindi nito inasahang isa siya sa mga rarampa. At lalong alam niyang wala ito sa bukabularyo ng lalaki dahil nakilala siya nito bilang isang mahiyain at simpleng babae na kailanma'y hindi magagawang ibandera ang halos walang saplot na katawan.

'Miss this body? Indulge the moment, Loven! Dahil hanggang tingin ka na lang!'

At binigyan niya ito ng isang kindat bago mag-full turn at bumalik sa backstage.

NAKAILANG PALIT-RAMPA ang ginawa ng mga modelo dahil sa iba't ibang variety ng mga new collections na kailangang maipakita sa mga tao. At sa paulit-ulit niyang paglabas sa stage ay minahal na niya ito. Nawala na nang tuluyan ang kaba at hiyang naramdaman niya sa umpisa.

And what's makes her enjoy the most ay ang paulit-ulit na makita kung gaano ka-ilang si Loven sa kanyang kinauupuan sa tuwing lalabas siya ng entablado suot ang maninipis na telang halos maipakita na ang maseselang parte ng kanyang katawan. Hindi mapakali ang lalaki at kung tama ang kanyang hinala't hindi lamang pag-iilusyon ay tila gustong-gusto na siya nitong hatakin sa entablado at balutan ng damit.

She grinned on that thought. Gagawin nga kaya ito ng lalaki? 'Tingnan na lang natin mamaya sa ball kung ano ang gagawin mo, Loven!'

THE EVENT ended with a blast! At sa inaasahan, si Vanessa nga ang naging 'star' ng gabing iyon dahil sa pagrampa nito suot ang pinakamahal na collection ng W Company. She pity that woman for only wanting fame and attention.

'That woman is choosing the rough road to success.' Napakibit-balikat na lang siya't sinagot ang cellphone na kanina pa nagba-vibrate sa pagtawag ni Harris.

["Misha, papunta na ako sa venue ng ball. Tandaan mong iri-report mo sa akin ang lahat. LAHAT, Misha!"]

"I know. 'Di mo na kailangan pang ipaalala sa'kin, Harris. Ipapakita ko sa 'yo kung paano maging totoong secret agent sa pagkakataong 'to."

["Siguraduhin mo lang! Dahil kapag naulit ulit ang kapalpakan mo kagaya ng mga huling misyon, I'll make sure na huli mo na 'to sa trabaho!"]

"Gosh!" She rolled her eyes in disgust. "Trust me! Wala akong sisiraing ano pa man! 'Wag ka ngang masyadong nega! Sige na. Ba-bye na!" Kaagad niya itong binabaan ng telepono bago pa man tuluyang masira ang mood niya.

Kahit kailan talaga'y hindi siya nito pinag-isipan ng maganda. Wala pa nga siyang ginagawa may sermon na kaagad. 

Muli niyang ipinagpatuloy ang pagri-retouch ng make up sa harapan ng malaking salamin sa loob ng banyo. She's all ready with her plunging V neckline with a knotted bodice, fitted long sleeves and a daring high slit black dress. And she's ready to heat up the party.

'Be prepared, Loven! Gagawin ko ang lahat matuklasan lang ang baho mo!'

...to be continued

ตอนถัดไป