webnovel

PROLOGUE

"AND NOW, you may kiss the bride!" magiliw na saad ng pari matapos ang seremonya ng kasal.

Mariing hinalikan si Misha ng kanyang asawang si Loven, habang naghihiyawa't nagpapalakpakan ang mga tao sa kanilang paligid.

Damang-dama niya ang mainit nilang pag-iibigan. At masaya siya. Sobrang saya! Ganoon din ang kanyang asawa.

Pakiramdam ni Misha ay isa itong fairytale na they will live happily ever after pagkatapos ng kasal.

Ngunit, mali pala siya. Mali siya dahil ito pa lang pala ang simula ng mga pagsubok at kalbaryo sa kanilang pag-iibigan.

NAGNGANGALIT sa galit na hinarap ni Misha ang kaniyang asawa. Hawak niya ang divorce papers na gusto nitong papirmahan sa kanya.

"What do you mean by this fucking papers? Huh?!" galit niyang bulyaw kay Loven. Pagkuwa'y malakas niyang ibinato ang mga papeles sa mukha ng asawa na noo'y prenteng nakaupo sa harap ng office desk nito.

"Don't act like an idiot one, Misha! It's very obvious that it's a divorce papers, for Pete's sake!" galit rin na sagot ni Loven. Dumagundong ang malakas nitong boses sa kabuuan ng silid.

"I know! I know! Pero, para saan ang divorce papers na 'to?!" inis na pag-uulit niya. "Ano bang problema mo? Bakit kailangan nating humantong sa ganito? Tell me!"

"Alam mo kung para saan ang mga walang kuwentang papel na 'yan, Misha! At alam mo kung ano ang problema. This trash relationship must end now! Hindi na ako masaya. Hindi na ako makuntento sa 'yo. Nagsasawa na ako! And I know that we both want it. Ayaw lang tanggapin ng PRIDE mo na ako ang unang humiling nito!" Mariin ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

"How could you..." nanlulumong bulalas niya. Halos wala na siyang maapuhap na sasabihin dahil sa paulit-ulit na pagdurog nito sa kanyang puso.

Oo. Madalas nga silang mag-away pero pinipilit naman niyang ayusin ang mga bagay-bagay. Kahit madalas na ito ang may kasalanan sa pagtatalo o pag-aaway nila, siya pa rin ang unang humihingi ng tawad.

Hindi na napigilan pa ni Misha ang kanyang mga luhang malayang nag-unahan sa pagpatak. Hindi niya alam kung saan ba siya nagkamali o nagkulang para humantong sila sa puntong ito. Ginagawa naman niya ang lahat upang intindihin ito't maging mabuting asawa.

"Pirmahan mo ng kusa ang divorce papers. Or else, I'll cut your arms to force you to sign those shits!" Ito ang mga katagang paulit-ulit niyang naririnig sa isipan, at ang mga huling salitang narinig niya mula sa asawa bago sila tuluyang maghiwalay.

MATAPOS ang ilang buwan na ganap na nga silang hiwalay, ay nagtuloy-tuloy pa ang mga kalbaryo sa buhay ni Misha.

Namatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Walang ibang naiwan sa kanya kundi ang matinding kalungkutan na unti-unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.

She was left exhausted, so lost, depressed...

Pakiramdam niya'y biglang lumabo ang kanyang mundo at naging madilim—to the point she can't see even single ray of light. Nawalan na siya ng dahilan para magpatuloy pa sa buhay.

Binalak niyang magpakamatay. But, she was so scared with the process. Kaya, nilunod na lamang niya ang sarili sa alak at bisyo para pansamantalang maging manhid. Sinira niya ang lahat hanggang sa isang araw ay nagising na lamang siyang nakakulong na sa rehab kasama ang mga baliw na kagaya niya.

ตอนถัดไป