webnovel

Fifteen

Sabay kami napadilat ng mata ni Ria ng biglang may magbukas ng kurtina sa loob ng kanyang kwarto. Napaupo ako ng maayos sa kinauupuan ko at tiningnan kung sino ito. Ang Mama niya pala.

Nakangiti itong binati si Ria ng "Good Morning" kahit na medyo nahihiya parin si Ria sa ikinikilos ng kanyang Ina. Marahil ay naninibago parin ito.

Nalaman ko'ng hindi pumayag si Ria na umalis sa puder ng kanyang Ina, gusto niyang manatili sa tabi nito. Open naman din sila na pwede siyang bisitahin ng kanyang Lolo. Pumayag rin ang kanyang Ina sa ganuong set-up. Kahit papaano hindi ko parin naman mapagkakaila na mas kailangan ng kanyang ina ang presenya ni Ria dahil siya nalang ang pamilya nito. Masyado lang siguro itong naging depress sa nangyareng relasyon ng kaniyang Ama kaya ganuon siya tratuhin nito.

"Tumayo kana diyan, handa na ang pagkain. Pumasok kana sa school" malambing na sambit nito sakanya. Nginitian niya rin ito at tumango.

Nang makalabas na ang kanyang Ina ay nakita ko pa siyang nakangiti habang animoy kinikilig. Napangiti ako.

Nagtuloy na siya sa kanyang Cr at nagready sa school. Pagkababa ay nakahanda na ang kanyang almusal gayun din ang babaunin niya sa kanyang school.

Napangiti siya ng lihim at nagpaalam na. Malalate na siya sa school.

Halos takbuhin na niya ang school makarating lang ng mas maaga. Sa gate pa lamang ay nakaabang na sakanya ang kaibigang si Shiela. Lumawak ang ngiti ni Ria ng makita niya ito.

"Nalate ka ng gising? Tara na malalate na tayo" tumango siya at tsaka sila sabay na pumasok sa loob ng school. Pareho sila napahinga ng maluwag ng makitang wala pa roon ang kanilang guro. Umupo ako sa pinakadulo habang umupo na sila sa kani-kanilang mga upuan. Kapansin pansin ang mga bulungan bg mga kaklase nila, marahil ay napansinna nila na magkasama na si Ria at Shiela.

"Bagay nga silang magkasama. Parehong weird" rinig kong bulong ng nasa harapan ko. Nawala ang bulungan ng kanilang mga kaklase ng biglang dumating ang guro at natuon doon ang atensyon nila.

Napatayo ako at binagtas ang Rooftop. Nang makarating doon ay tahimik ko lamang pinagmasdan ang buong kapaligiran. Kinuha ko ang kandilang hawak ko. Nagiisa nalang siya... Kailangan kong pagisipan kung saan at kung kailan ko ito gagamitin.

Napahinga ako ng malalim.

"Ang oras mo dito ay malapit ng maubos" kaagad nabaling ang tingin ko sa lalaking biglang sumulpot sa tabi ko.

Malungkot akong napahinga ng malalim.

"Alam ko"

"Kailangan mo ng magmadali, may tatlong araw ka nalang. Kailangan mo ng matapos ang gusto mong tapusin dito"

Napatango ako. Humarap ito saakin at ngumiti.

"May isa lamang akong katanungan saiyo?" tanong niya saakin.

"Ano po iyon?"

"Bakit mas pinili mong bumalik at maging tao sa kasalukuyan? Kaysa sa nakaraan? Kung sa nakaraan mo pinili na bumalik pwede mong mabago ang nangyare sa buhay mo. Pwede kang manatili bilang isang tao."

Napangiti ako ng malawak sa tanong niya.

ตอนถัดไป