webnovel

ANG GINAGAWA SA SINUNGALING, SINASALDAK SA PADER!

A day before Raphael and Faye cut their ties.

Nagkaroon ng isang malaking meeting ang ospital sa isang sikat na hotel sa may Pasay. They were celebrating sa mga latest achievement nila kahit na may balitang kumakalat na ang sakit sa isang barangay at siguradong mapupuno ang kanilang ospital sa mga susunod na araw. Siguro ay dahil sa kilala sila na isa sa pinakamagaling na ospital sa bansa kaya kampante sila.

"Shot pa!" sigaw ng isa sa kanila na lasing na lasing na sa alak.

"Alam niyo tong si Raphael, baguhan pa lang pero kita niyo naman napakagaling. Yan ang gayahin niyo! " sambit ng Chairman habang itinataas ang baso para tumagay.

Hindi naman pabor ang karamihan kaya nagkaroon ng kaunting tensyon at ingay.

Lasing na ang karamihan sakanila maliban kay Krystal na malakas ang tolerance sa may alak dahil sa sobrang dalas nitong mag-bar. Katabi niya sa upuan si Raphael na hindi na rin makabangon sa pagkalasing.

"Pst! Hoy halika na matulog ka na lang sa room mo, itigil mo na yang pag-inom mo." ani ni Krystal habang buhat-buhat ang mabigat na braso ng binata.

"Hinde! Kaya ko pa to, gusto mo pagpatuloy natin sa taas?"

"Hmmm. Pag-iisipin ko pa." sagot niya nang bigla siyang hatakin ni Raphael papunta sa designated room niya. " Pero bago yan, may ilan muna akong itatanong okay lang ba?"

"Tsk. Kahit ano, bilisan mo na!" habang hinahanap sa bulsa niya ang susi ng pinto. Pumasok na sila sa room at nagsimulang uminom.

"Eto na ang tanong ko." nakangiting sabi ni Krystal.

"Sige lang. Ano yon?"

"Saan ka ba talaga galing?"

"Hmm. Ano namang kapalit nito kapag sumagot ako?" gamit ang kanyang lakas ay binuhat niya si Krystal sa itaas ng lamesa.

"Ikaw, kung ano gusto mo." gumanti naman ng yapos ang dalaga. Magkayakap na sila ngayon.

"Bago ko sagutin yan, mauna ka munang magpakilala kung sino ka talaga?" tanong ni Raphael habang tinatanggal ang kanyang long sleeve at sabay hawak sa hita ng dalaga paitaas.

"Teka! Masyado kang mabilis~" sinampal nito ang kamay ni Raphael na ngayo'y binubuksan ang damit niya gamit ang kanyang bibig. "Okay. I'm Krystal and I like you. Is that enough?" hahalik na sana ang babae pero pinigil ito ni Raphael.

"Sigurado ka? Ayoko ng sinungaling."

"Ano bang ginagawa mo sa sinungaling?" pagkasabi ni Krystal nito ay hinubaran na ng damit ni Raphael ang dalaga, ang natitira na lang ay ang bra at palda.

Parang tigre ang lakas niya habang buhat-buhat ang dalaga pagkatapos ay isinaldak niya ito sa pader. Ang malikot na kamay niya ay nagtungo sa may dibdib nito. Sa pagkakataong ito ay halinghing na lang ng babae ang naririnig.

"Siguro naman sasabihin mo na sakin? dahil kung hindi~" bago pa mabunot ni Krystal ang injection na nakatago sa kanyang pang-ibabang damit ay nakuha na ito ni Raphael.

"Ano tong bagay na to?" pinindot niya ang button nito at tumambad ang isang injection na naglalaman ng nakamamatay na lason. "Oh injection? Sinasabi ko sayo na kung hindi mo sakin sasabihin kung sino ang nagpadala sayo rito, ikaw mismo ang tatanggap ng saksak nito.

Gumanti ng halik ang dalaga at nabitawan ni Raphael ang injection, bumagsak ito sa lapag nang biglang bumukas ang pinto ng room.

"Oh Diyos ko!" nagulat si Nurse Joan sa nakita niya. Magdadala sana siya ng mga prutas para kay Raphael. Nagulat siya sa nakita niya, nasaksihan ng kanyang mata ang halikan ng dalawa. Dagdag pa rito ang makinis at maputing kutis ng doctor at malulusog nitong hinaharap na kanilang kinaiinggitan.

Agad na tumayo ang doktora at isinuot ulit ang damit. "Mauna na ko." sambit nito nang mabilis itong umalis sa room.

"Teka, aalis na rin ako bakit hindi niyo ituloy."

"Nako Ate Joan pasensya ka na sa nadatnan mo. Para sakin ba yang prutas? Ibaba niyo na lang diyan. Salamat." ani ni Raphael.

FLASHBACK SA BAHAY NILA RAPHAEL.

"Huy, may nadetect akong wiretapping device sa may bag mo nung isang araw. Sino bang kasama mo nung Wednesday?" tanong ni Ton habang pumipindot sa kanyang computer.

"Si Doc Krystal lang bakit?"

"Malamang siya ang naglagay niyan. Tsaka hindi ka ba nagtataka ang bait niya sayo eh karamihan ng doctor don hindi naman natin kasundo." paliwanag niya." May atraso ka ba sakanya o kahit kanino?" tanong nito.

"Wala Ton, Sa susunod ko na lang ipapaliwanag lahat-lahat. Pwede ko bang malaman yung location ng mga tracker?"

Isang pindot lang ay lumabas na agad ang sagot. Nagmumula ang locatiob ng device sa isang probinsya kung saan dating nakatira sila Miguel at Faye. Isa lang ang ibig sabihin nito sa isip-isip ni Raphael.

"Kilala ko na kung saan yan galing." ani ni Raphael dahil ang tinutukoy niya ay si Don Joaquin na tinutugis pa rin hanggang ngayon si Miguel para patayin. Delikado rin ang buhay ni Faye dahil nakilala na ito nila Don Joaquin nang pumasok ito sakanilang mansion.

"Ano pang gusto mong ipagawa?"

"Sa ganap na 5pm ng gabi magkakaroon kami ng meeting sa hotel sa Pasay. Magpapanggap ako na lasing para maverify kung tauhan si Krystal ng tinutukoy ko. Bago kami pumasok ng room gusto kong kuhanan mo kami ng larawan at ikalat ito sa social media. The rest ako ng bahala."

"Teka. Anong point ng picture niyong dalawa?"

"Ayokong madamay si Faye sa problemang ito dahil nung isang araw ay muntik na kaming mamatay dalawa. Hindi na muna ko magpaparamdam sakanya, dahil kapag nakita niya ang picture ay kamumuhian niya ko at gusto kong lumiban ka na muna sa trabaho at bantayan si Faye at ang kanyang pamilya." paliwanag niya.

"Teka nga, bakit ganyan na lang pagmamahal mo sakanya? Wag mong sabihin na nafall ka sakanya?" gulat na tanong ni Ton.

"Yun na ba yung tinatawag na pagmamahal sa mundo niyo?"

"Sa mundo namin?" nagtaka si Ton bigla.

"I mean. Kailangan ko munang tapusin ang problema na to, hindi ako sigurado kung saan to patutungo pero umaasa ako sakanya." sabay turo sa langit.

"Alam na ba to ni Kuya Maki?"

"Yun nga ang problema, magwawala yan pag nalaman niya na madadamay si Faye. Sa susunod na araw lilinawin ko sainyo kung ano ang tunay na nangyayari."

"Copy, mag-iingat ka sa doktora na yan, baka mamaya madali ka niyan. Ako na munang bahala kila ate Faye." sagot ni Ton habang nagtype ulit at bumalik sa ginagawa niya.

I just made an account sa twitter. Follow me @typewri_manila ! thank you everyone!

ManilaTypewritercreators' thoughts
Next chapter