webnovel

ANG LALAKING NAKA-ITIM

Avenida Recto, Manila 5:15 pm.

"Ok. Class dismissed!" banggit ni Faye na isa na ngayong teacher makalipas ang limang taon.

Sa gilid ng silid-aralan ay may batang naiwan. Ayaw pa nitong umuwi.

"Miguel tapos na ang klase hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Teacher Faye.

Nakasingamot ang mukha ng bata kaya naman nilapitan siya ng guro para kausapin.

"May problema ka ba anak? Dali na sabihan mo si Teacher para alam ko." nakangiting sabi ng guro habang ang bata ay nagpupunas ng luha sakanyang mata.

"Ang tatay po kasi may sakit huhu." "Sabi ng mga doctor hindi na raw po siya gagaling." saad ng bata na mas lalong nagpaiyak sakanya.

Niyakap siya ni Teacher Faye nang mahigpit. Sabay na rin silang umuwi at ihahatid na rin siya ni Teacher Faye sa kanyang tatay na ayon sa bata ay patuloy pa rin nagtitinda ng mga kakanin sa kanilang kanto ng ganitong oras.

Naglalakad ang dalawa ngayon sa kalagitnaan ng Recto. Nababalot ang lugar na ito ng makakapal na usok dahil sa dami ng mga sasakyan na halos hindi na nga umuusad.

Beep! Beep! Beep! Halos wala ka na ring marinig kung hindi mga busina at reklamo lalo na ng mga jeepney driver na init na init na ang ulo. Nasanay na nga lang din sila sa traffic na araw-araw ba naman. Nagkalat din dito ang iba't ibang street foods na biglaang sumusulpot sa isang kurap. Para silang lulubog lilitaw.

"Gusto mo ng tuhog anak? Mag-iisaw lang si Maam pili ka na ng gusto mo." tanong ni Maam Faye na biglang may naalala sa isaw. Naninikip tuloy ang kanyang dibdib at medyo nahihilo.

Matagal-tagal na rin simula ng umalis sila sa sakanilang probinsya. Wala rin siyang kahit anong balita kay Miguel na huli niyang nakita noong tinutugis sila ng mga tauhan ni Don Joaquin. Mabuti na lang din ay hindi siya namukhaan nito dahil kung hindi ay matagal na siyang patay pati ang pamilya niya.

Masakit pa rin sakanya ang pangyayari, dagdag pa ang lihim na illegal na gawain ng Don Joaquin na sa pagkaka-alam niya ay nag-operate pa rin hanggang ngayon ang hospital. Sinubukan na rin niyang isumbong ito ng pasikreto sa mga pulis pero hindi siya nito pinaniwalaan. Walang ebidensya, purong kwento lang sa kung ano ang nakita ng mata.

Kaya naman, mas pinili na lang nila ng pamilya niya na manahimik at manirahan sa Maynila. Hindi rin alam ng kanyang pamilya ang nangyari na yon pero madalas nilang itinatanong dati kung nasaan na si Miguel. Madalas sinasabi na lang niya na nagtungo itong Manila para mag-aral nang hindi nagpapa-alam sakanya.

"Isaw na lang din po ako. Ayos lang po kayo? Parang nahihilo kayo maam." pag-aalala ng batang Miguel.

Hinawakan siya sa ulo ng kanyang teacher. "Ha? Si maam mahihilo?" itinaas niya ang dalawang kamay na parang macho "Superhero yata to!" sabay kindat sa estudyante na natawa naman sa tinuran ng kanyang guro.

"Kuya apat na isaw." sambit ni teacher

"Baka pwede niyo ng gawing lima kuya. Libre na po yung isa ilalakad ko kayo sa teacher ko. Tama naman kuya diba? Maganda ang teacher ko?"

Kanina pa nga namumula itong si kuya dahil sino ba namang hindi maiinlab sa magandang teacher na ito.

"Nak! Wag mo namang ipagkalat na maganda si teacher ha? Baka maniwala si kuya gawin pa yang pito!" sabay apir sa bata na ngayon ay tumatawa na pero umiiyak kanina.

"Basta kayo Maam walang problema!" ani ni kuya na ngumiti pa pero wala palang ngipin sa gitna. Pasikreto tuloy tumawa ang dalawa.

"Maam, sumakay na po kayong LRT gabi na po kaya ko ng sarili ko." sabi ng bata na nag-aalala rin para sa kanyang guro. Pero mas nag-aalala siya na makita ng kanyang guro ang kanyang ama sa ganoong kalagayan para lang makapag-aral siya sa magandang eskwelahan.

"Ano ka ba, hindi wala to, hahatid na kita pauwi nak." paninigurado ni Teacher Faye.

Ang mabuting magulang, gagawin nga naman ang lahat para sa kanyang anak kahit buhay nito ang kapalit mabigyan lang ito ng magandang buhay.

Sinubukan niyang huminto ng pag-aaral pero hindi naman siya pinayagan ng kanyang ama. Iniwan sila ng kanyang mama noong ipinanganak pa lang siya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon, sa palengke. Dito ay nakahandusay ang ama ni Miguel sa tinda nitong kakanin. Ngayon lang din naman nakita ni Maam Faye ang tatay niya kaya naman nagulat siya nang biglang tumakbo papunta sa lalaki ang kanyang estudyante.

"Tay!" sigaw ng bata na humahagulgol nang makitang hindi gumagalaw ang kanyang ama.

Nakatitig lang ang mga tao sa mag-ama dahil alam nila na may taning na talaga ang buhay nito. May sakit ito sa puso matagal na.

"Tulong po! Tulongan niyo po kami!" hiyaw ng bata habang patuloy na niyayakap ang ama. Natulala ng ilang segundo si Teacher Faye, pinangungunahan din siya ng takot pero kailangan niyang labanan ito para sa kanyang munting estudyante.

Tumawag siya sa emergency hotlines

"Hello?"

"Hello po?"

"May lalaki pong inatake dito sa kanto ng Avenida Recto emergency po!"

"Sige papunta na kami!" at doon natapos ang tawag.

Nilapitan ni Teacher Faye ang kanyang estudyante at niyakap. Nagsimula na ring mag-usyoso ang mga tao sa paligid nito. Chismis dito, chismis doon. Walang humpay na salitan ng mga opinyon na hindi naman nakatutulong.

Isa sa mga tao rito ang naglakas loob na puntahan ang mag-ama. Hindi naman siya mukhang doctor at kung hindi nagkakamali si Teacher Faye ay isa lang itong normal na tao. Nakasuot ng itim na mask, cap, jacket at pantalon at itim din na boots.

"Sino po kayo?" tanong ni Teacher Faye.

"Mahalaga pa ba yon kesa diyan sa nakahandusay?" tanong ng lalaking naka-itim na inilabas ang kanyang stethoscope sa bag din na itim na naglalaman ng iba't-ibng medical equipments.

Hindi na nakasagot ang teacher dahil lumuhod ang kanyang estudyante sa lalaki.

"Parang awa niyo na po iligtas niyo ang tatay ko. Gagawin ko po lahat pagalingin niyo lang siya--"

"Nak! Tumayo ka diyan--" pigil ni Maam Faye.

"Magkano ba ang ibabayad mo sakin? Isang milyon?" nakangiting tanong ng lalaki.

"Huh? Lahat po ng meron ako! Babayaran ko po kayo pagtanda ko pangako yan." inilabas ng bata ang kanyang bag at tinipon ang natitirang walongpu't limang piso.

"Hoy! Walang kakayahan ang bata. Niloloko mo lang siya."

"Shhh" kinuha ng lalaki ang natitirang barya na iniabot ng bata sakanya. " Bayad ka na bata." sabay kindat at pektus sa kanyang kamay habang sinisimulan ang pag-examine sa katawan ng pasyente.

Hindi makapaniwala si Teacher, gusto niyang pigilan ang lalaki pero mukhang marunong naman ito. Chineck nito ang mata pati pulso ng lalaki. Isa lang ang hatol niya, kailangan na talaga itong operahan.

Binulungan ng lalaki si Faye, nag-request ito na dalhin ang pasyente sa isang sikretong lugar. Hindi sana papayag si Faye dahil parating na rin naman ang emergency. Kaya nga lang, pumayag ang kanyang estudyante sa hiling ng lalaki at balak nila ito ngayong dalhin sa bahay mismo ng bata.

"Kapag hindi ko nagamot ang tatay mo bata, ibabalik ko sayo ang bayad mo." seryosong sabi ng lalaki.

(Shout-out sa mga anak diyan na mahal na mahal ng kanilang mga magulang. Mag-aral kayo ng mabuti at ng masuklian niyo ang paghihirap ng inyong mga magulang. Mahalin at alagaan sila habang nabubuhay pa. Kung may galit ka man sakanila, patawarin mo sila dahil may natitira pa namang oras diba? Huwag sayangin dahil ang bawat segundo na ito, mananatili habang-buhay sayo.)

Next chapter