> NATE'S POV <
PAGKAALIS NI CHELSA at ng papa niya agad na rin akong naglakad palabas ng campus. Medyo may tampo ako ng konti, di man lang kasi ako pinakilala ni Chelsa sa papa niya. Siguro strict yun? Okay lang, baka di pa siya handang ipakilala ako. Habang naglalakad ako palabas ng campus, may ilang bumabati sa 'kin at ngumingiti. Pero maraming di ako pinapansin. Medyo nanibago ako dun. Nawala na ba ang magic ng pagiging The Famous Nate ko? Siguro di talaga nila gusto ang nangyari sa 'min ni Cristy. Well, whatever happens, I'm still Nate! The cool Nate!
Maaga pa kaya di muna ako nagpasundo sa driver. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay at nakakatamad lang. Mga kasambahay lang naman ang naghihintay sa 'kin dun. And usually, kapag ganitong maaga ang uwian nagtitrip kami ng tropa – kung anong maisipan lang. Pero ngayon wala sila at di ko alam kung nasaan sila. Kanina ko pa sila gustong tawagan kaso medyo umaandar ang pride ko. Haist! Pambihira! Pero kasi nasanay din ako na sila ang unang nagti-text sa 'kin o tumatawag kung nasaan sila. Pero ngayon wala. May idea naman ako kung nasaan sila, kay Nicole. Kaya ito, naglalakad ako papunta dun.
Pagdating ko kay Nicole nandun nga sila. Masaya akong makitang buo ang tropa. Pero mukhang kabaliktaran sa kanila. Nawala ang mga ngiti at tawanan nila pagkakita nila sa 'kin. Nakaupo sila sa sahig at nag-iinuman. May pizza, bucket of fried chicken, potato chips and a lot of bottle of light beers.
"Hi, guys!" cool ko pa ring bati sa kanila.
"Bro!" si Edward. Siya lang ang pumansin sa 'kin.
Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Jasper. Umakbay pa ako sa kanya at nag-alok ng hand shake ng tropa pero di niya ako pinansin at tumayo siya.
"Tayo na guys, dun na lang tayo sa 'min." sabi ni Jasper. Sa buong tropa, alam kong si Jasper ang malaki ang galit sa 'kin. Pinakiusapan pa kasi niya ako nun na wag kung iwan si Cristy at nangako naman akong hindi, dahil sa isip ko nun hindi ko naman talaga magagawang iwan si Cristy. Pero ginawa ko.
Isa-isang tumayo sina Lhyn, Zab, Kyle at Karl. Kita talaga ang bitterness sa mga tingin nila sa 'kin. Pero ako ngumiti pa rin. Parang nawala ang pagiging cool ko. Usually kasi sa ganitong tampuhan na may tampo sila sa 'kin, aakbayan ko lang sila at kukulitin, tapos ayun tawanan na. Pero ngayon di ko magawa. May nararamdaman kasi akong wall na namamagitan sa 'min. Yung pakiramdam na inaayawan ka na ng tropa mo, napapayuko ka na lang at ngingiti ng pilit.
Nagkatitigan kami ni Cristy bago siya tumayo. Sa mga tingin niya, ramdam kong galit pa rin talaga siya. Pero ngumiti pa rin ako sa kanya.
"Guys, pag-usapan naman natin 'to." Pagpigil ni Edward kina Jasper nang palabas na ang mga ito ng pinto.
"Sasama ka ba o hindi?" tugon lang ni Jasper.
"Bro, naman. Ayusin natin 'to, guys." Pamimilit pa rin ni Edward. Senenyasan ko siya ng tingin na wag nang pilitin sina Jasper kaya naman tumigil na siya nang di siya sagutin ng mga ito.
Minsan kasi di naman madadaan sa usapan ang lahat. Baka lalo lang lumala ang sitwasyon. Lalo pa't parehss ninyong pinagpipilitan na tama kayo sa sitwasyong yun. Kailangan minsan hayaan na munang humupa ang tensyon bago n'yo pag-usapan at ayusin kung ano man ang di pagkakaunawaan ang meron.
"Mukhang maglalasingan tayo nito?" si Edward nang maupo siya sa tapat ko pagkalabas nina Jasper.
"Mukha nga." nakangiting sagot ko. Halos isang case pa siguro ng light beers ang naiwan. Nag-cheers kami bago sabay na tumungga.
"Intindihin mo na lang sila. Kanina kasi, nakwento pa ni Cristy na tinulak mo siya kaya nagkasugat. Kahit ako nainis nang marinig ko yun. Pero syempre side lang naman ni Cristy ang sinabi niya. Wala pa yung side mo. Kaya magkwento ka. Ano ba talaga ang nangyari?"
Napangiti na lang ako sa pahayag ni Edward. At ayun napakwento. Wala talaga akong lusot sa pinsan kong 'to na tinuturing ko na rin na bestfriend. Nagkwento ako habang nag-iinuman kami. Pero di ako nagkwento para sa side ko, kundi para kahit isa man lang sa tropa ko alam kung ano ang totoong mga nangyari. Para na rin alam niya kung ano talaga ang nararamdaman ko at humingi na rin ng payo. Nakwento ko rin kasi ang fears ko tungkol sa mga nangyayari kay Chelsa.
"Di kaya masyado ka lang nag-iisip?" Sabi lang niya pagkatapos kong makwento ang lahat. Yun lang ang naging payo niya. Haist! Pambihira! Pang-MMK kaya yung kwento ko tapos yun lang ang sasabihin niya? Pero may punto naman. Baka nga I was just over thinking about sa mga nangyayari.
"Siguro nga?" ako sabay tungga.
"Baka dahil marami ka nang isinakripisyo, at natatakot kang mauwi lang sa wala yun? Kaya pumapasok sa utak mo na, pa'no kung iwan niya ako? Pa'no na yung mga ginawa ko para sa kanya? Baka dahil dun, kaya may fears ka? Walang masamang isipin ang future, ang masama kung di mo i-enjoy ang ngayon."
Napaisip ako sa sinabi ni Edward. Award yun. Ano ba yung isinakripisyo ko? Yung fame? Yung samahan ng tropa? Yung pagiging magkaibigan namin ni Cristy? Pero di ko naman sinusuko ang mga yun. Kaso nagmumukha ngang ganun, kasi unti-unting nawawala sa 'kin ang mga yun. At tama si Edward, dapat kung i-enjoy ang kung anong meron kami ngayon ni Chelsa. Hindi ko dapat hayaan ang iba na hadlangan ang happiness ko. Lalo pa't wala naman akong ginagawang masama. Pinili ko lang na magpakatotoo sa nararamdaman ko. At di ko dapat pangunahan ang di pa nangyayari. Ba't ko nga ba naiisip na iiwan ako ni Chelsa? Napaisip ako. Minsan kasi kung ano-anong sinasabi niya na kusa na lang nagbibigay kaba sa 'kin. Kailangan ko ngayong magtiwala sa kanya.
At oo nga pala, may dagdag yung payo niya. Minsan maaasahan din talaga ang bungol na 'to. Iba din talaga mag-isip ang mga tulad nitong frustrated writer.
"Di ka pa ba uuwi?" sita sa 'kin ni Edward. Tapos na kami mag-inuman. Seven pa lang ng gabi, nakahiga ako sa sofa habang siya nasa kama niya at pindot nang pindot sa laptop niya. Nagsusulat na naman siguro? Ayaw kasi niyan na may ibang tao kapag nagsusulat siya. Ewan kung bakit? Di ko naman siya ginugulo.
"Dito muna ako. Baka dito na rin ako matulog medyo may amats, eh." Sagot ko.
"Umuwi ka! May driver ka ba't di ka magpasundo?"
"Haist! Kung makataboy ka! Nag-text na ako na di ako uuwi. Eh, ikaw di ka ba uuwi sa inyo?"
"May tatapusin lang ako."
"Baka naman yung kwento ko sa 'yo kanina sinama mo na dyan?"
"Di naman lahat." Nakangiting sagot niya. Loko talaga!
"Pambihira, bro. Walang ganyanan!" si bungol ngumiti lang at di sumagot sa daing ko.
"Bro, makipag-date na kaya ako?" Biglang sabi niya. Gulat ako dun, ah. Pero konti lang. Nakikipag-flirt naman siya kung kani-kanino pero kapag sinabi niyang makipag-date parang iba na yun.
"Nice, bro! So, naka-move on kana? Akala ko forever ka nang single?" medyo na-excite ako. Akala ko kasi talaga di na siya makakawala kay Nicole.
"Walang forever, bro." smirked niya. At parehas pa sila nang sinabi ni Chelsa. Haist! Di kaya reader niya si Chelsa? Bad influence pala 'to, eh!
"So, naka-move on ka na nga?"
Di siya agad nakasagot. "Di ko alam?" sagot niya at tiniklop niya ang laptop at pabagsak na nahiga. "Pa'no ba malalaman kung naka-move on ka na?"
"Ikaw expert d'yan ba't ako tinatanong mo? Sabi mo pa nga may formula ang pagmo-move on, may step."
"Gawa-gawa ko lang naman yun. Yung mga sinulat kong 'Step to Move On' yun ang mga di ko ginawa." Seryosong sagot niya. At mukhang seryosong usapan talaga 'to. Dapat siguro may bote ng beer pa?
"Galing mo mag-payo, pero sarili mo di mo mapayohan. Ni di mo alam kung anong nararamdaman mo." ngisi ko.
Ngumuti lang siya. "Ganun talaga siguro?"
"So, may kinikita ka ngayon? May dini-date ka? Sino? Anong pangalan niya? Kilala ko ba?"
"Chat-date lang. At di ko alam totoong pangalan niya."
"Chat-date?" may ganun?
"Ka-chat ko siya lagi sa watty." At iba ang ngiti niya sa pagkakasabi niya. Kababawan. Posible bang ma-attract talaga sa chat-mate lang na di mo pa nakikita?
"Kaya pala minsan para kang tangang nakangiti?" sabi ko.
"Gago!"
"Ano pala yung watty?"
"Yung watty, wattpad yun. Saang bundok ka ba galing?"
"Gago!" sigaw ko. Gumanti lang. "Eh, malay ko ba sa ganyan! Wala nga akong idea na pwedeng mag-chat dyan! Ang alam ko lang nagbabasa ng stories d'yan."
At pinagtawanan niya lang ako. "Taga-school din siya." bigla siyang naging seryoso. "Lagi siyang nagko-comment sa mga story ko, hanggang naging magka-chat kami. Nakaka-relate daw siya sa mga story ko. Nararamdaman niya daw yung sadness, but at the same time nagkakaroon siya ng hope. May pinagdaraanan din siya tulad ko. Ewan ko bro, pero parang gusto ko siyang mas makilala pa. Gusto ko siyang makita ng personal. Gusto kong pawiin ang lungkot niya. Parang nararamdaman ko rin kasing siya ang muling magpapatibok ng puso ko. Napapasaya niya ako."
"Wow! Heavy! Lalim, hah! Hugot pa!" Gusto ko siyang pagtawanan, pero nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya. Pero natawa pa rin ako, kaya binato niya ako ng unan.
"Kung maka-react ka! Pagtawanan ba ako? Ako nga tahimik lang kapag nagkukwento ka!" at napaupo pa siya niyan mula sa pagkakahiga.
"Okay! Sorry naman!" natatawa pa rin ako. Muli siyang pabagsak na nahiga. "Natatawa lang kasi ako, kasi iniisip mo na yun. Eh, pa'no kung di mo magustuhan ang hitsura niya kapag nakita mo siya?"
"Alam mo naman na di importante sa 'kin ang hitsura. Ang importante, yung nararamdaman namin sa isa't isa. May kanya-kanya naman ganda ang bawat tao – bawat babae. Para sa 'kin maganda ang babaeng napapakatotoo. Yung walang pagpapanggap sa sarili." Litanya niya. Seryoso talaga siya. Gusto kong matawa ulit. Pero naisip ko rin, ako ba? Anong nagustuhan ko kay Chelsa? Ewan, basta biglang mahal ko na lang siya at di ko naman binase sa hitsura niya.
"Sigurado ka bang siya may nararamdaman sa 'yo?" tanong ko.
"Hindi ko alam. Basta gusto ko siyang makilala. Parang napalapit na kasi ako sa kanya. At sabi niya, ganun din ako sa kanya. Gusto niya mag-usap kami nang harapan, magkwentuhan at maging magkaibigan."
"So, ano nang balak mo?"
"Di ko alam? Baka kasi maging unfair lang ako sa kanya kung sino man siya. Baka hanapin ko lang sa kanya si Nicole."
"Kilala ka ba niya?"
"Hindi. Secret naman ang identity ko sa wattpad."
"For sure, di ka na tatantanan niyan kapag nakilala ka niya."
"Hindi naman siguro niya ako titingnan sa panlabas na anyo ko at kung sino ako. Alam kong mas gusto niyang makilala yung pagkatao sa likod ng manunulat na si xiunoxki."
"Okay yun. Approved ako d'yan bro. Kahit sino pa ang babaeng yan, basta ba napapasaya ka niya. Kaysa naman habambuhay ka nang – "
"Malungkot dahil kay Nicole?" siya ang nagtuloy nang dapat kong sasabihin at naramdaman ko ang lungkot niya dun.
"Umm." Tango ko.
"Kaya nga nagdadalawang isip ako makipag-date sa iba. Kaya nagtanong ako sa 'yo. Kasi bro, mahal ko pa rin siya. Pa'no kung di maging buo ang pagmamahal ko sa magiging karelasyon ko dahil nasa puso ko pa rin si Nicole?"
"Kasasabi mo lang kanina, walang masamang isipin ang future. Ang masama ang di mo i-enjoy ang ngayon. Malay mo naman matapatan nang pagmamahal mo sa kung sino man ang pagmamahal mo kay Nicole? At isa pa bro, wala na siya."
"Pero bro, nandito pa rin siya." itinuro ni Edward ang puso niya. Paktay! Iiyak na 'to. At ayun, may luha na nga siya. "Kung pwede nga lang sanang wala na lang. Pero hawak niya parin ang pagkatao ko. Di ako makawala. Sinisigaw pa rin siya ng puso ko. Hinahanap ko pa rin siya. Tinitingnan ko siya sa bawat makasalubong ko." Nalintikan na. Tuluyan nang umiyak si Edward.
"Di naman kailangan mawala ang pagmamahal mo kay Nicole. Pero kailangan mong magpatuloy." Naks! Kung makapagpayo naman ako. Wagas din, eh 'no?
"Sinusubukan ko naman, pero ang hirap. Sobrang hirap."
Nang mamatay si Nicole, halos ilang buwan siyang walang imik nun. At sabi niya parang ilang taon ang tinanda niya. Ang bata niya pa pero piling niya nun katapusan na ng lahat. Oo, kadramahan. Pero puso ang pinag-uusapan, eh. Masisisi mo ba ang pusong nasaktan? Kambal na siguro talaga ng love ang pain?
"Di kaya bro, tulad ng sinabi mo sa 'kin kanina, baka may pinanghihinayangan ka rin? Baka nanghihinayang ka lang sa mga pinagdaanan niyo ni Nicole kaya di ka makawala." Sabi ko.
"Siguro?"
"Ituloy mo ang pakikipagkita mo sa ka-chat mo. Susuportahan kita, bro. Nasa likod mo kaming tropa mo. At sa tingin mo ba masaya si Nicole kung ganyan ka?"
"Masaya siya kung masaya ako." Sabi niya.
"That's exactly my point! Malungkot ka ngayon. So, malungkot rin si Nicole. Kung nararamdaman mong magiging masaya kang makausap nang harapan ang chat-mate mong yun, sige! Sundin mo ang nararamdaman mo. Wag mong pagkaitan ang sarili mong maging masaya. Yayain mo siya sa Couple shirts' day ng school."
"Naisip ko na yan."
"Good! Mag-send ka sa kanya ng style ng damit or pag-usapan n'yo, tapos yung color. Separate kayong magpagawa. Tapos pumasok kayo sa school. Kung magtatagpo kayo, it's a good sign! Maybe si Nicole pa ang gumawa ng paraan para magtagpo kayo."
"Naisip ko na rin yan. Gumawa na ako ng style at naisip ko na rin kung anong kulay ng damit. Isi-send ko na lang sa kanya. Naisip ko na rin na baka si Nicole nga ang gumawa ng way para magkakilala kami ng ka-chat ko. Yung story kasi namin ni Nicole ang reason kung bakit ko siya nakilala."
"Eh, yun naman pala? Buo na naman pala ang plan mo, ba't nagtanong ka pa? Nagdrama ka pa!" medyo napalakas boses ko. Buo na pala ang plano niya, eh!
"Wala lang. Para mas epic!"
"Siraulo!" at binato ko nga ng unan. Tapos ayun, tinalikuran na ako. Loko! Ang seryoso ko pa naman. Pero parang dinaan niya na lang sa biro? Alam kong naguguluhan pa rin siya at nasasaktan. Nakikita ko ang paggalaw ng balikat niya habang nakatagilid na nakatalikod siya sa 'kin. Umiiyak pa rin siya. Iba rin talaga epekto ng alak. Palalabasin nito emosyon mo.
Couple shirts' day na nga pala sa Friday. Tradition na yun ng school namin every March 3. Na-excite naman ako. Pero medyo nawala yun sa isip ko. First couple shirts' day namin ni Chelsa, kailangan ko yung paghandaan. Dapat astig at standout ang design ng damit namin sa iba.
~~~
HAIST! PAGTINGIN KO sa oras, 2:00 am na. Di ako makatulog sa kakaisip ng design! Si Edward tinulugan na ako! Haist! Ba't ba kasi ang bobo ko pagdating sa mga ganitong bagay! Pati kulay di ako makapag-decide? Gusto ko kasing i-surprise si Chelsa kaya ayaw kung magpatulong sa kanya. Shit! Wala talaga akong maisip! Tanungin ko kaya si Cristy? Siya kasi nagpagawa nung damit namin last year. Pero ang tanga ko naman kung gagawin ko yun! Pambihira! Ano kaya kung pa-print na lang namin mga mukha namin sa shirts? Yung mukha ko sa t-shirt niya, yung mukha niya sa t-shirt ko? Kaso nagmukha naman na damit na pinamimigay ng pulitiko kung ganun. Ang labas para kaming nangangampanya nun!