> THIRD PERSON'S POV <
WELCOME TO BRILLIANT MIND ACADEMY'S JUNIOR AND SENIOR PROMENADE 2014!
Nagdatingan na ang magagarang sasakyan sa tapat ng engrandeng Function Hall. Nasa likod ito ng malaking building ng Brilliant Mind Academy. Dito ginaganap ang mga special occasions ng school. May dumating na mag-isa lang. Meron namang barkadahan. At may mga couples na talagang sweet sa isa't isa.
Lahat nakangiti at makikita ang excitement sa kanilang mukha. All of them dress up majestically. They look like Princes and Princesses. Pagbungad pa lang nila sa Function Hall, napapa-wow na sila sa Enchanted Theme ng prom. Maliwanag ang iba't ibang ilaw at may naggagandanag bulaklak. Ang bawat detalye ng ayos ng lugar ay halatang pinag-isipan at ginastusan. May fountain pa sa gitna ng dance floor na talagang napakaganda at may lights effect pang nag-iiba-iba ng kulay. May photo booth pa sa gilid at may props ka pang pwedeng gamitin sa pagpapa-pictures mo. Pwedeng solo ka, pwedeng barkada at syempre pwedeng-pwede ang couple. May mga photographer din na nakakalat para sa souvenirs at para sa stolen shots na rin to be posted sa school bulletin board.
Ito ang gabing pinakahihintay ng bawat high school students. Gabi na ang lahat ay pantay-pantay. Lahat maganda at gwapo. Pero syempre may nakakalamang. Alam n'yo na kung sino yun sa kwentong 'to.
Gabi na may magseselos sa secret crush niyang may date na iba. Gabi na ang torpe, nagkakalakas loob naman yayain ang crush na isayaw at baka mauwi pa sa pagtatapat hanggang sa manligaw na. Gabi na ang secret lover ay naghahawak kamay sa harap ng maraming tao. At gabing may manliligaw na sasagutin. May magsisimulang pag-ibig at siguro, may pag-ibig na matatapos din.
Gabing mahahanap mo kung ano at sino ang talagang gusto mo, o mahanap mo ang sarili mo mismo. Gabing may kadramahan at kasiyahan. And most specially, a night of every couple that has a different story to tell. Kwentong iba't iba at walang kapareha.
They just wanna enjoy this magical night. It's the night to go out with their friends, barkadas and love ones. And a night to seize their high school life.
~~~
"MANONG, PARA HERE!" si Lhyn, pinahinto niya ang taxi.
"Medyo malayo pa, hah?" si Jasper. Eh, kasi naman halos ilang hakbang pa bago mag-function hall.
Pero hinila na ni Lhyn si Jasper na bumaba. Pagkababa nila nagbayad sila sa driver at agad naman umalis na ang taxi.
"Maglalakad pa tuloy tayo." Dismayadong sabi ni Jasper na napakamot pa sa ulo.
"Ano ka ba! Nakakahiya na bababa tayo ng taxi. Ang ganda ko pa naman tonight." Sagot ni Lhyn.
"Noon pa naman maganda ka na." hinawakan ni Jasper si Lhyn at naglakad na sila.
Eeeee! Kainis 'to! Pinapakilig na naman ako! Sa isip ni Lhyn.
Pagpasok nila, tinginan ang mga tao. Hanggang sa makalapit sila kina Edward.
"Naks! Holding hands talaga mula pinto hanggang dito?" si Edward.
"Date, kami! Hello?" sagot ni Jasper. Oo nga naman.
"Wala pa sina Cristy?" tanong ni Lhyn sa apat. Umiling lang ang apat at naupo na sila.
~~~
HUMINTO ANG KOTSE ni Nate. Na-excite ang mga nasa labas ng function hall na nakakita. May mga nagtilian pa at may mga napalabas pa para makisilip.
Napangiti na lang sina Lhyn. Alam nilang sina Nate at Cristy na ang pinagkakaguluhan na dumating.
Naunang lumabas si Nate. Sapatos pa lang niya ang lumabas sa pinto ng sasakyan, tilian na ang mga girls. At lalong lumakas nang makita na ang porma at mukha niya. bahala na kayong mag-imagine, basta nakaayos palikod ang buhok niya. Nahiya yata yung bangs niya sa noo niya.
Pinagbuksan niya ng pinto si Cristy, tilian na naman. Hanggang sa maghawak sila ng kamay at alalayan niya si Cristy sa pagbaba ay di sila tinantanan ng tingin at tilian ng mga schoolmate nila. Ayaw man ni Nate ng ganung set up, pero hinahayaan na lang nila. Kaysa naman awayin nila ang mga taong hinahangaan sila.
Naglakad sila na hawak ni Cristy ang braso niya. Para silang naglalakad papuntang altar. Maintain ang tilian. Sinuklian naman nila ng smile ang mga schoolmate nila. Panay papuri ang naririnig nila. Nagkakatinginan na lang sila na medyo may hiya-factor. Pero smile pa rin sila hanggang sa makarating sa table ng tropa nila.
"You stole my spot light." Pouted ni Lhyn kay Cristy.
"Well, sorry!" sagot ni Cristy.
"We're complete! Let's drink to that!" si Edward sabay taas ng basong may juice.
Sumenyas naman si Jasper ng tingin. Alam ni Edward kung ano pinapahiwatig nun. Tumango lang itong nakangiti, yung alak sa juice yun.
"Okay! Cheers!" si Jasper at nag-cheers silang buong tropa.
~~~
THE PARTY'S STARTED. Nasa loob na ang mga prinsipe't prinsesa. Nagsimula na ang sayawan at kasiyahan. Pero may isa pang prinsesang parating. A very beautiful princess with innocent smile na sobrang excited. Her name is Chelsa.
Pagpasok niya makikita ang saya sa kanyang mukha, kasalukuyang nagsasayawan ang mga tao. Naaliw siya sa mga nakita niya – sa ganda ng ayos ng function hall na para kang pumasok sa ibang mundo sa mala-fairy land na ayos nito.
"Wow! Bigtime!" yun ang nasabi niya habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng hall.
Nahagip siya ng video na live na pinapakita sa monitor, at na-focus sa kanya ang video. Napatingin lahat sa monitor na nasa tabi ng stage. They all amazed sa beauty niya, pero wala pa rin siyang alam na napagkakaguluhan na siya.
May isang titig na titig sa monitor at mukhang nagka-system malfunction. Napanganga ito at napahawak sa dibdib. "Oh, shit!" pabulong sambit ng binata.
At hanggang sa makita na mismo ni Chelsa ang sarili niya sa monitor. Paglingon niya sa mga schoolmate niya, pinagtitinginan na siya ng mga ito. Tumigil ang sounds at tumigil sa pagsasayaw ang lahat. Bumukas ang halos lahat ng ilaw, at lahat nakatingin sa kanya. Parang yung piling na may bumabang tala at biglang lumiwanag ang paligid. Lumapit ang mga photographer at kinunan siya. Lahat napahanga sa ganda niya – sa ayos niya at sa purple gown niya. Para siyang isang tunay na prinsesa na naagaw ang atensyon ng lahat sa pagdating niya. Lakas maka-Cinderella effect.
Kahit sina Jasper, Edward, Kyle, Karl at Zab, napapa-wow. Maging sina Kristan, Awin, Arvin, at Melcho, bagsak bagang din. Sina Carly at Evy naman may ibang ngiti. Hmp? Something's fishy, huh? May ilang naimbyerna at nagngitngit, sina Cristy at Lhyn ay kabilang na doon. Masama ang tingin ng mga ito sa kanya. Parang gusto siya nitong ipagtulakan palabas. Magkakulay pa naman din ang gown nila ni Cristy. 'No other woman' lang ang peg. Paktay ka Chelsa!
"That bitch!" mahinang gigil na sabi ni Cristy.
Napapayuko naman si Chelsa habang kinukunan siya ng pictures. Yung pakiramdam na parang gusto na naman niyang lamunin na lang siya ng lupa. Sa kanya kasi lahat ng atensyon. Hindi niya alam ang magiging reaksyon sa bumungad na reaksyon sa kanya ng mga tao.
Ang lihim na napahangang binata, ayun system malfunction na nang tuluyan habang nakatitig sa kanya. Parang nag-slowmo pa. Parang sila lang ang tao sa function hall. Wala itong ibang marinig kundi tibok ng puso niya. At tukso pang napatingin sa kanya si Chelsa. Ayun, medyo nawala pa sa balanse ng pagkakatayo at napahawak sa balikat ng kaibigang si Edward. Hay Nate, you really try, huh?
"Woah! Problema, bro?" tanong ni Edward at inalalayan nito si Nate.
"W-Wala." Sagot ni Nate na nakatingin pa rin kay Chelsa. si Edward naman na tamang-hinala king may kung anong pumasok sa isip na naman.
"Ladies and gentlemen, maupo po muna tayo. Medyo nagkaproblema sa wiring. But later tuloy ang party-party!" anunsyo ng emcee. Ayun, kaya pala huminto ang tugtog at nagbukas yung mga ilaw, may malfunction pala. Pero di si Nate, hah. Yung wiring.
Hinila ni Cristy si Nate paupo sa kanilang table. Di maalis sa mukha nito ang simangot. Mukhang naagawan ng eksena.
Nakaupo na ang lahat ngunit nakatayo pa rin si Chelsa. Di niya alam kung saan siya mauupo, at pinagtitinginan pa rin siya. She totally stole the spot light! All of the attention is on her! Siya na! Siya ang pinag-uusapan. Siya ang pinagtitinginan. Siya na ang trending bigla. Siya na lahat! Sana all!
Nakita niya ang pagkaway ni Carly. Tinuro niya pa ang sarili niya kung siya talaga ang tinatawag nito. Nakangiting tumango naman ito. Paglakad niya sa gitna para pumunta sa table nina Carly, para siyang tunay na prinsesang pinagtitinginan ng lahat. Naks! Lakas maka-Disney princess. Graceful ang paglakad niya na tinuro pa ng mama niya. At habang naglalakad siya nagpa-flashback pa sa isip niya kung paano tamang gawin yun, pati na yung tamang pagngiti. At sabi pa ng ate niya dapat mag-agaw eksena siya para sikat. Well, it's working. Di naman siya prepared niyan?
Pero di niya naman gusto yun. Takot nga siyang mapagtripan. Kaya tyenempo niyang pumasok habang nagsasayawan ang lahat para di siya mapansin. Dahil busy ang lahat at medyo madilim sana. Eh, na-focus sa kanya yung video dahil pinatawag ang camera man nun kaya ayun, natigil sa kanya. Eh, nagkataon din kasing may technical problem pa kaya huminto ang tutgog at ipinailaw ang mga ilaw. Pagkakataon nga naman.
Nilapitan niya ang table nina Carly. Ngumiti siya kay Kristan at ginantihan naman siya ng ngiti nito. Nakangiti rin siyang tinanggap ng grupo.
"Dito ka," si Evy na tinuro ang upuan sa tabi nito. Naupo siyang napapagitnaan nina Carly at Evy.
Nakipagkamay sa kanya isa-isa sina Awin, Arvin, at Melcho. Medyo may hiya sa mga mukha nito, nakangiti naman niyang tinanggap ang pakikipagkamay ng mga ito. Walang sinabi ang mga ito pero alam niyang ang pangbu-bully sa kanya ang rason. Yun ang paghingi ng apology ng mga ito.
Naaaliw pa rin si Chelsa sa paligid. Tuwang-tuwa siyang pinagmasdan ang lahat. At habang nililibot niya ang paningin niya, may mga mata namang pasimpleng nakatingin sa kanya – si Nate. Halos magkatapat lang ang table nila nina Nate. Nasa kabilang row ang mga ito.
~~~
> NATE'S POV <
PAGKAKITA KO SA kanya, akala ko may bomb threat na? Para kasing sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pintig puso ko. Haist! Parang nanghina pa ako. Parang nanlambot mga tuhod ko. Patingin-tingin ako ngayon sa kanya. Sabi ko babalewalain ko ang nararamdaman kong 'to. Ayaw kong saktan si Cristy. Siguro dahil nagtapat siya sa 'kin at naging curious ako sa kanya kaya medyo iba ang tingin ko sa kanya ngayon. Pero ganun lang ba talaga yun? Bakit ko ba nararamdaman ang pakiramdam na 'to? Ni di ko maalalang naramdaman ko 'to sa mga babaeng nakilala ko? Maging kay Cristy.
"Babe?" si Cristy. Napatingin ako sa kanya at nag-smile lang ako. Alam kong may gumugulo sa isip niya. And I secured her na ayos lang ako, na wala siyang dapat ipag-alala.
Sinulyapan ko ang magkahawak na kamay namin na nakapatong sa mesa. Ba't ganun? Wala akong espesyal na maramdaman. Wala akong maramdamang iba. Noon ba meron? Tulad ng pakiramdam nang hawak ko ang kamay ni Excuse me girl? Ayaw ko man aminin, pero iba talaga ang pakiramdam na yun. Basta napapangiti ako. Di ko ma-explain kung ano? Haist! Ayaw kong isipin pa yun. Sobrang unfair naman para kay Cristy. Hawak ko ang kamay niya, pero kamay ng iba ang nasa isip ko.
Ugh! Naku,naman! Ba't napapatingin na naman ako sa kanya? Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kinakapos na naman ako ng paghinga.
"CR lang ako," paalam ko sa grupo ko sabay tayo at mabilis ko nang tinungo yung restroom.
Pumasok ako sa pinakadulong cubicle. Ni-lock ko 'to at napaupo ako sa toilet bowl. Wala naman talagang dahilan kung ba't ako pumunta rito. Ayaw ko lang makita ako ng tropa na naghahabol ng hininga. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Napapapikit ako, at siya ang nakikita ko. Hay, pambihira!
Nang medyo mahimasmasan na ako, lumabas na rin agad ako ng cubicle. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. At habang nakatingin pa rin ako sa sarili ko sa salamin, biglang may lumitaw sa likod ko na diwata. Nanlaki ang mga mata ko. Napakaganda niya. Natigilan ako at di nakagalaw. Naka-purple gown siya at pamilyar ang mukha niya. Wait?
"E-Excuse me girl?" mahinang sambit ko na nakatingin sa reflection sa salamin. Parang nautal pa ako. Ewan ko kung narinig niya ang pagkakasabi ko?
"S-Sorry. M-Mali!" napayuko siya at mabilis na lumabas ng restroom.
Napa-smirked ako. Pasaway talaga. Buti nagkataong mag-isa lang ako rito. Pero parang may naalala ako sa eksenang yun? De ja vu? Gusto kong matawa, pero nang mga sandaling yun, natigilan na naman ako. Para kasing hinaplos ang puso ko at naging maayos ang tibok nito. Bumuti ang pakiramdam ko. Siya ang sanhi ng system malfunction ko, siya rin ba makakaayos?
Paglabas ko, nakasalubong ko sina Joyce at ang tatlong kasa-kasama niya. Papasok sila sa ladies room. May kutob ako sa mga 'to. Alam kong may binabalak ang mga 'to. At ba't laging sa restroom? Ngumiti sila sa 'kin at nag-smile din ako. Di ako umalis at medyo humarang ako sa pinto.
"Nasaan date n'yo?" pasimpleng tanong ko.
"Nasa labas, nagyoyosi." Sagot ni Joyce. Tumango lang ako.
"Saan punta n'yo?"
"Wala. Magri-retouch lang."
"Naku, wag na. Magaganda na kayo." Sabi ko. Ayun, kinilig-kilig sila.
"Excuse me?" boses mula sa likod ko. Alam ko kung sino yun.
Umusog ako nang kunti at humarap sa kanya. Sa napakaganda niyang mukha. Ayun, slowmo mode na naman. Nakatingin din siya sa 'kin. Wag Nate! Sigaw ko sa sarili ko. Para kasing gusto kong hawakan ang mukha niya. Haist! Umayos ka Nate! Sita ko sa sarili ko.
Habang nakikipaglaban ako sa sarili ko, ayun yumuko siya at naglakad palayo. Napansin ko ang galit at may panghihinayang sa mukha nina Joyce. Nag-smile ako sa kanila at awkward silang ngumiti sa 'kin.
"Papasok kayo, di ba?" sabi ko sa kanila at itinuro ko pa yung CR ng thumb ko.
"Hah? A, oo." Sagot ni Joyce at pumasok na silang apat.
Hinabol ko ng tingin si Excuse me girl. Pinagmasdan ko ang likod niya. Napangiti ako, parang ibang tao siya. Ganun pala ang hitsura niya 'pag naayosan? Lalo siyang gumanda.
Naglakad na rin ako pabalik sa table namin. At nakatingin pa rin ako sa kanya hanggang sa makita ko siyang umupo na. Inalalayan pa siya ni Kristan. Parang nainis ako dun, hah?! Ugh! Ano bang meron sa kanila?
Paglingon ko sa table namin, nakita kong nakatingin sa 'kin si Cristy. Paktay! Nakita niya kayang nakatingin ako sa ibang table? Pag-upo ko agad hinawakan ni Cristy ang kamay ko at nag-smile ako sa kanya. Di siya ngumiti, tiningnan niya lang ako.
~~~
> CHELSA'S POV <
AYEEIII! ANG GWAPO niya! Para siyang prinsipe! Napapatili ako sa isip ko. Sobrang cute talaga kasi ni Nate. Nagkatitigan pa kami! Waaaahh! Kaso na-wow mali na naman ako kanina. Parang nung unang pagkikita lang namin.
"Napapaano ka?" tanong sa 'kin ni Carly, di kasi maalis ang ngiti ko.
"Wala." Sagot ko lang. Pero nagtataka pa rin talaga ako ba't ang bait ng group nila sa 'kin? Pero bahala na, ayaw kong masira ang gabing 'to. Best night ever talaga 'to! Sabi nina mama magpakasaya raw ako. Sabi nga nila, kung pwede naman maging masaya ba't sisimangot ka? Minsan, masarap na rin mabuhay sa sarili mong mundo. Yung wag natin hayaang maapektuhan ang happiness natin ng sasabihin ng ibang tao. Kahit sino, di deserved na maging miserable nang dahil lang sa iniisip ng ibang tao.