webnovel

CHAPTER 14

Nagising siya sa marahang haplos na ginagawa ng kung sino man sa pisngi niya. Pag-mulat niya ng kanyang mga mata ay nakasalubong niya ang napakagandang mga mata ni Saga.

"Good morning fiance," bati nito at akmang hahalikan siya kaya agad-agad siyang napabalikwas ng bangon. "What just happened?" natatawa ngunit na-wei-weirduhang nasambit ng lalaki sa ginawa niya. Naramdaman niya ang pag-akyat ng dugo sa ulo at nasisigurado niyang namumula siya dahil sa kahihiyan sa mga oras na iyon. Pero mas maigi nang mapahiya sa ginawa niya kesa mapahiya siya kapag hinalikan siya nito at baka maamoy ang morning breath niya dahil tao lang naman din siya katulad ng lahat na may morning breath.

"What time is it?" tanong nalang niya para gawing normal ang sitwasyon.

"5:30 so you better take a bath now because we're leaving at 6," sabi nito. Saka lang niya napansing nakaligo na ito at nakasuot na din ng pang-opisina. Hindi niya akalaing mauuna pa pala itong magising kesa sa kanya samantalang binalak niyang takasan ito para di na mag-abalang ihatid siya.

"You're really serious about driving me to the hospital huh?" paninigurado niya dito.

"I'm always serious when it comes to you babe," sagot nito at kumindat pa.

"Makaligo na nga," irap niya dito sabay walk-out para na din maligo. Narinig pa niya ang pagtawa nito.

Kelangan niyang bilisan para di naman nakakahiya ditong maghitay ng matagal at malate masyado sa opisina. Nasa Metro Manila pa man din sila kaya siguradong matatraffic sila kapag 10 miutes lang silang nalate umalis.

After 20 minutes ay natapos na siyang mag-palit. Hindi na siya nag-blower ng buhok at hahayaan nalang niyang kusang matuyo ito sa biyahe. Hindi rin naman siya nagme-make-up maliban sa lip gloss kung walang okasyon.

Bumaba siya sa first floor dahil sinabihan siya ng lalaking don maghihintay. Wala ito sa living room kaya nagpunta siya sa kusina. Naabutan niya ito kasama ang helper na may nilalagay sa paper bag.

"Oh andito na si ma'am Luna," sabi ng matanda kaya napalingon ang lalaki dahil nakatalikod ito sa kanya.

"Ready?" tanong nito. Pinasadahan siya nito ng tingin kaya mejo naconscious siya.

"What is that?" tanong niya para hindi sa kanya matuon ang atensyon nito.

"I asked ate Let to prepare sandwiches so you can eat in the car," sagot nito at kinuha ang paper bag na inaabot ng matanda dito.

"What a thoughtful man," puri ng tinig na nasa isip niya.

"Thank you po ate Let," pasalamat niya sa matanda.

"Wala yon," natatawang sabi nito. "Oh siya, umalis na kayo at alas sais na," taboy nito sa kanila.

"Let's go," sabi ng lalaki at inakbayan siya. "Alis na kami ate Let," paalam nito at iginiya siya palabas. Nakaparada na ang sasakyan ng lalaki sa harap. Pinagbuksan siya ni kuya Marlon ng pinto sa passenger's seat at pinasalamatan niya ito. "Salamat kuya Marlon, kahit mag-half day nalang kayo ni ate Let kase sa labas na kami kakain mamayang gabi," bilin ng lalaki sa driver. Tumango ang matanda at pinanuod silang makalabas ng gate bago pumasok sa loob.

"You eat your sandwich so you can at least sleep after," sabi nito kaya tumango siya. Masyado pang maaga pero sumunod nalang siya dahil hindi na masarap ang sandwich kung pipiliin pa niyang kainin ito sa hospital. Saka naappreciate niya ang thoughfulness ng lalaki dahil naisipan pa nitong magpagawa ng baon niya. Usually kapag A.M. duty siya, di na siya nakakakain bago umalis dahil sa pagmamadali. Hindi na din siya nagpapagawa sa nanay Celia niya dahil siya ang nagdadrive at di siya makakain sa daan.

"Have some as well," yaya niya sa lalaki.

"Don't mind me, I'll eat mine in the office," sagot nito at nagfocus sa pagda-drive.

"Hindi na to masarap mamaya," sabi niya dito at nilapit dito ang sandwich para kumagat. Napangiti ito sa ginawa niya at kumagat nalang.

"You know, I would rather be super careful in driving when you're with me but since you're being sweet, I'll let you feed me," sabi nito at hindi niya maiwasang matouch sa sinabi nito. Grabe naman kase ang lalaki, pogi na nga tapos magaling pang mambola.

"Whatever," umirap siya dito at nagkunwaring hindi apektado. Hindi siya pwedeng kiligin at mas lalong hindi niya pwedeng ipakitang kinikilig siya. "Aaaaah," agap niya sabay subo ng sandwich nang mapansing akmang magsasalita pa ulit ito. Tumawa ito sa ginawa niya pero kumagat naman. Papakainin nalang niya ito para hindi magsalita at baka magpatangay siya sa mga matatamis nitong sinasabi kapag hinayaan niyang magpatuloy ito sa mga banat.

Nang maubos ang sandwich ay nagpasya siyang tulugan ang lalaki para iwasan ito.

"I'll sleep," paalam niya dito.

"Sure, I'll wake you up later," sabi nito.

Nirecline niya ang upuan at pumikit at nagkunwaring matutulog. Ang totoo ay gusto lang niyang iwasan ang lalaki.

Narinig niya na binuksan nito ang radyo at narinig niya ang newscaster na nagbabalita. Nagka-ideya siya bigla na gagawan ito ng playlist dahil obviously, wala itong playlist. Tatanungin niya ito minsan kung sinu-sino ang mga favorite singers nito para gawan niya ng compilation. Hindi yata alam ng lalaki na napakalaking mood booster ang musika sa pagda-drive lalo na kapag traffic.

"Wow, thoughful," pangangantiyaw ng tinig sa ulo niya.

"Stop it brain," saway niya na naiinis. Mabait naman ang lalaki sa kanya kaya hindi naman masamang ibalik ang kabaitan nito.

"You're playing a dangerous game here girl," sagot ng tinig at bigla siyang napaisip. Naglalaro nga ba siya sa apoy? Kailangan niya bang ibahin ang pakikitungo sa lalaki para ipakita dito na ayaw niya ang sitwasyon nila?

"That's should have been the case since the first day," sagot ng tinig sa ulo niya at narealize niyang tama nga naman ito. Saka niya lang napagtantong maling-mali lahat ng mga ginawa niya.

"Luna, you're doomed!" frustrated niyang sita sa sarili. Nakatulugan niya ang pag-iisip kung ano ba ang tamang gawin niya. Nagising lang siya nang maramdaman ang smarahang haplos sa pisngi niya.

"We're here," masuyong sabi ng lalaki pagkamulat niya ng mga mata.

"Oh," turan niya. Di niya akalaing nakatulog siya buong biyahe. Agad niyang inayos ang upuan at nag-ayos ng buhok gamit ang mga daliri. Nagsalamin din siya saglit at baka may laway o kaya muta siya sa mukha. Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niyan pinagmamasdan lang siya ng lalaki pero nagkibit-balikat siya. Ngayon niya na sisimulang mag-ingat sa pakikitungo sa lalaki.

"Salamat sa paghatid," malamig na sabi niya dito nang makapag-ayos siya.

"Don't thank me like a stranger," sabi nito at bigla siyang hinila palapit para halikan ng mapusok. Gustung-gusto man ng katawan niyang tumugon ay pinigilan niya ang sarili. Hindi pwedeng magpatuloy ang pagsunod sa katawan niya dahil mapapahamak lang siya sa huli. Dapat una palang ay hindi na siya nagpatangay sa mga halik at mga matatamis na salita ng lalaki. Masyado siyang naging marupok pero hindi pa huli ang lahat para baguhin ang pakikitungo sa lalaki. Kaya lang naman siya pumayag sa proposal nitong magsama sila ay dahil gusto niyang ipaunawa sa lalaki na hindi nito gugustuhing makasama siya sa iisang bubong at mas lalong di nito gugustuhing makasal sa kanya.

Nakakunot ang noo nito at dumilim ang ekspresyon sa mukha nang tapusin nito ang halik. Marahil ay nagtaka ito sa hindi niya pagtugon.

"You alright?" may pagtatakang tanong nito.

"Yeah," patay-malisyang sagot niya. "I'd better go," sagot niya at dinampot ang bag sa likod. "Bye!" malamig na paalam niya at di n hinintay na sumagot o magsalita ito dahil binuksan niya na ang pinto at bumaba. Mabilis niyang isinara ang pinto at mabilis na umalis.

"That's right," pangungumbinsi niya sa sarili na tama ang ginawa niya.

Sorry for the late update, but here it is. Good evening!

Abogoddesscreators' thoughts
Next chapter