Maaga siyang nagising sa araw na iyon kaysa sa usual na gising niya kapag off duty niya. Alas sais palang ng umaga at usually, kapag off niya, ay mga alas otso na siya nagigising.
Mula sa pagkakahiga ay nagdesisyon siyang bumangon na para mag-ayos at magworkout. Habang nagmumuni-muni ay wala sa loob na napatingin siya sa lamesa niya at nakita niya ang maliit na kahon na binigay sa kanya ni Saga.
Kagabi ay binalik niya sa kahon na iyon ang sinuot na singsing ng lalaki sa kanya dahil agad na siyang natulog. Hindi na niya hinangaan pa ang singsing dahil pakiramdam niya ng gabing iyon ay naubusan siya ng energy sa pakikipag-usap sa lalaki at sa bilis ng mga pangyayari.
Tumayo siya at naglakad papunta sa kanyang lamesa. Hinila niya ang kanyang upuan at umupo. Saglit niyang tinitigan ang maliit na kahon saka dahan-dahang kinuha at binuksan. Hindi niya maiwasang mapasinghap pagkakita sa singsing. Kahit na binigay ito sa kanya nang walang pagmamahal at ng taong estranghero naman sa kanya ay di niya mapigilang humanga sa ganda nito. Kumikislap ang dyamante sa repleksyon ng liwanag at di niya lubos maisip na binigyan siya ng lalaki ng ganito kamahal na singsing.
"He can't really expect me to wear this everyday, can he?" di niya mapigilang sabi. Hindi niya alam kung totoong gagawin nito ang banta sa kanya kapag di niya sinuot ang singsing pero hindi talaga niya isusuot ito. Hindi siya mahilig magsuot ng mga mamahaling alahas kung wala namang okasyon. Isa pa, sa nature ng internship niya, hindi advisable ang magsuot ng kahit na anong jewelry sa kamay dahil hassle ito. Pangalawa, nagduduty siya sa pampublikong hospital kung saan nakakakita siya ng mga pasyente nilang mejo kapos sa buhay at insensitive naman masyado kung ipaparada niya ang milyones na singsing. Pangatlo, ayaw niyang ipangalandakang engaged na siya kung wala namang pagmamahal na namamagitan sa kanila ng lalaki kundi pure business lang naman.
Muli niyang ibinalik ang singsing at marahang inilapag ulit sa lamesa. Tumayo siya at nagtungo sa banyo para maghilamos. Pagdating niya sa banyo ay agad niyang nakita ang bathtub niya. Tila nang-e-engganyo ito na magrelax nalang siya kesa magworkout. Naisip niyang matagal-tagal na din siyang di nakakapagrelax ng sa bathtub kaya nagdesisyon siyang ipamper nalang ang sarili.
Sinuot niya ang bathrobe niya at bumaba para sabihan si Ley na ihanda ang panligo niya tutal at wala naman itong pasok.
Pagkababa niya ay naabutan niya ang mga ito na nagkakape. Tila nagulat ang mga ito dahil maaga siyang nagising kahit na off niya.
"Ba't gising ka na 'nak?" tanong ng kanyang nanay Celia at tumayo ito para ipaghanda siya ng kape.
"Nay ako na po," sabi niya dito kaya naupo ulit. "Ipapahanda ko po sana kay Ley yong bathtub nay," paliwanag niya sabay tingin kay Ley na ngumiti sa kanya.
"Sure ate Luna," ngisi nito. "Napagod kayo kahapon kaya you dezzerve some relaxsatien,"exaggerated nitong pagpronounce na ikinatawa nilang lahat. Matalino ang dalaga pero palabiro ito kaya kung di mo ito kilala at marinig mo itong magsalita sa unang pagkakataon ay aakalain mong hindi ito achiever sa klase nila.
"Salamat,"ngisi niya dito. Tumayo ito at nag-bow pa bago umalis.
"Bakit ang aga mo nagising nak?" tanong ng matanda sa kanya.
"Wala naman po nay," sagot niya habang hinahanda ang kape niya.
"May lakad ba kayo ni Saga ngayon?" tanong ulit nito na ikinailing niya.
"Wala po nay," sagot niya. "Makikipagkita lang po ako mamayang after lunch sa mga kagrupo ko sa hospital,"paliwanag niya.
"Ganon ba?"
"Opo," sagot niya. Tapos na niyang timplahin ang kape niya kaya umupo na siya. Tapos nang magkape ang matanda at Andrea nang tumayo ang matanda.
"Andrea, ikaw na bahalang magluto ng almusal at ako'y may gagawin pa,"utos ng matanda sa nagkakapeng si Andrea.
"Opo nay," sagot nito at nagmadaling humigop sa kape.
"Dito ba magaalmusal sina daddy nay?"tanong niya na ikinailing ng matanda.
"Naku yang daddy at mommy mo, hindi ko maintindihan kung bakit di magawang kumain man lang dito bago umalis," umiiling-iling na sabi nito. "Aba, halos di na mapirme mga yon dito sa sariling bahay nila a,"dismayado ang tinig nitong dagdag.
"Sobrang busy po kase siguro sa kompanya," sabi niya.
"Ganon nalang ba kabusy at di man lang magawang saluhan ka sa pagkain tuwing off mo?" dismayado pa din nitong sabi na ikinabuntong-hininga niya.
"Okay lang po nay," alo niya dito. "Nakasalo ko naman sila kagabi,"dagdag niya.
"Hay naku, kung di pa nagpunta ang mga Araujo ay malamang hindi yon mangyayari,"komento nito.
"Ikaw talaga nay,"pilit ang pagtawa niyang sabi para pagaanin ang ambiance.
"Oh siya at may gagawin pa ako. Utusan mo lang tong dalawa kung may kelangan ka pa," bilin nito bago umalis.
"Triggered na naman tong si nanay Celia,"natatawang komento ni Andrea na ikinangiti niya. Magsasalita sana siya para sakyan ang biro nito nang tumunog ang cellphone niya. Hindi nakaregister ang number na tumatawag kaya kinancel niya. Tumawag ulit ito at kinancel niya ulit. Hindi niya ugaling sumagot sa mga di niya kilala. Humigop siya ng kape niya at tumunog ang message ringtone ng cellphone niya. Ang tumatawag ang nagtext kaya binuksan niya ito.
"Answer my damn call soon to be Mrs. Araujo."
Napakurap-kurap siya pagkabasa sa message. Hindi pa siya nakakahuma nang tumunog ulit ang caller ringtone niya.
"Where did you get my number," bungad niya dito na ikinatawa ng lalaki sa kabilang linya. Hindi niya maiwasang hangaan dahil kahit tawa nito ay sexyng pakinggan tulad ng pananalita nito.
"Good morning to you too Luna," naaaliw na sabi nito na ikinaikot ng mata niya.
"Whatever," di na naman niya maiwasang mainis. Hindi niya alam kung bakit pagdating sa lalaki ay ang bilis uminit ng ulo niya. Kilala siya bilang kalmado kahit na naiinis na siya pero pagdating dito ay nawawalan siya ng composure.
"I got your number from your mom," paliwanag nito pero alam niyang nakangiti ito sa kabilang linya dahil naaaliw ito sa kanya. Hindi na siya nagulat na sa mommy niya nito nakuha ang number niya.
"Why are you calling then?" nakasimangot na tanong niya. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya si Ley na sinesenyasan siyang tapos na ito sa pinagawa niya. Tumango siya dito at tumayo para umakyat na. Binuhat niya ang kape at nagpasalamat kay Ley nang walang tinig dahil may kausap siya sa phone.
"I miss you, that's why," sagot nito na ikinasimangot niya lalo dahil halata naman sa boses ito na inaasar lang siya.
"Please, stop annoying me," frustrated na sabi niya. "Anyway I have to go," paalam niya.
"Why?" curious na tanong nito.
"I'm going to take a bath," sagot nalang niya imbes na magmatigas at basagin ito na wala itong pakialam kung ano man ang dahilan niya.
"It's your off so why take a bath this early?"
"Not that I owe you an explanation Mr. Araujo, but I just want to relax," inis na sabi niya dito. "Now that I answered you, can I hang up now?" sarkastikong sabi niya. Nasa tapat na siya ng pintuan niya at dahil may hawak siyang kape sa kabilang kamay niya ay inipit niya ang cellphone niya sa balikat at ulo para mabuksan ang pinto.
"Wait," pigil nito bago pa niya putulin ang tawag nito. Inantay niyang magsalita ito. Nilapag niya sa mesa niya ang kape at umupo. "Let's hangout later," pagyaya nito.
"Why?" kunot-noong tanong niya dahil di niya inexpect na yayayain siya nito.
"Why not?" balik-tanong nito. "Can't I spend my time with my future wife?"dagdag na tanog nito.
"I'm meeting my friends later," sabi niya.
"What time?" tanong nito.
"After lunch."
"I'll drive you," sabi nito na ikinasinghap niya.
"You can't," agad na tutol niya. "It will be weird," paliwanag niya para di ito maoffend.
"It won't," kaila nito. "I'll go with you whether you like it or not and I'll have my lunch at your house," seryosong sabi nito na ikinainit ng ulo niya.
"Are you kidding me!?" bulyaw niya dito. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto nitong sumama sa kanya at gusto pang makikain.
"No," tipid na sagot nito na lalo niyang ikinainis.
"I don't understand why you're doing this," frustrated na sabi niya.
"I told you I miss you and I want your off to be spent with me," paliwanag nito. Bahagya siyang nablangko pagkarinig sa sinabi nito. "You can have your bath now, see you," sabi nito nang di siya nagsalita. Nahimasmasan siya at magsasalita sana pero pinutol na nito ang tawag.
"The hell," mura niya sa sarili at inisang lagok ang mejo mainit-init pang kape niya.