webnovel

Curse Six: The Legend of Arcana

CURSE SIX:

THE LEGEND OF ARCANA

Nang dumating ang weekend ay nakiusap ako na magpasama kay Carlisle doon sa Geo Farm particularly doon sa may shop at agad naman niyang prinipare ang sasakyan niya.

Nagkataon kasing hindi lang si Carlisle ang nasabihan ko.

Noong isang araw sa may downtown na kung saan ay unbelievably na na-summon ko silang apat ay nakwento ko na gusto kong bumalik sa may antique shop kung nasaan 'yong painting and agad naman silang apat na nagplano.

Minabuting gawin nalang naming Saturday at Sunday Since it's weekend, At agad na nagpabooking si Carlisle with two rooms.

Pagdating sa lodge namin ay dumiretso na ako sa kwarto ko at agad na nag-unpack ng ilang gamit ko for two days stay tsaka na ako lumabas na kung saan ay kanina pa pala ako hinihintay sa labas no'ng apat.

"Kanina pa ba kayo naghihintay? Sorry." Bati ko kaagad.

Sumagot naman si Axel, "Hindi naman. Kabababa lang din namin." Sabi nitong nakangiti nanaman.

Magkakasama silang apat sa iisang kwarto. I know it's kinda small para sa kanilang apat ang iisang kwarto pero hindi naman pwedeng makasama ko ang isa o dalawa sa kanila sa room ko. But still I envy them. Nakakalungkot ding mag-isa sa kwarto ko, if only I had Sol and Mayumi dito ngayon mas masaya siguro.

Palagi ko silang nakakasalubongan sa school pero para lang akong hangin sa kanila na dumadaan at tila ba hindi nila ako nakikita.

Masakit noong una at maski ngayon mahirap pading tanggapin na 'yong mga kaibigan kong matalik na halos hindi nawawala sa tabi ko'y para bang nawala nalang bigla sa akin.

Tino'ngo namin ang shop na 'yon kung sa'y naniniwala akong magbibigay ng sagot sa lahat ng kung ano mang misteryong bumabalot sa mga kilos at galaw ng kalalakihang ito na kasama ko maski nadin ang pagtawag nila sa akin Arcana princess, lalong-lalo na ang paliwanag na gustong kong malaman sa likod ng mga panaginip ko.

Pagbungad namin sa may pintuan ng antigong shop ay agad kaming sinalubong ng isang babae't lalaking mukhang may-ari ng shop, "Ano pong hinahanap nila?" tanong noong ginang samin.

"May lumang painting po kasi akong hinahanap, larawan ng isang babaeng may kalumaan pero makulay pading damit?" Paliwanag ko ngunit nagtinginan lamang 'yong dalawa sa sinabi ko.

"Wala naman kaming ganyang painting dito?" sagot noong lalaki na tila nagtataka pa sa tanong ko.

"Nakita ko po kasi dito 'yon. Doon po sa may loob kung okay lang po sanang pumasok para pwede ko pong maituro?" sagot ko at pinayagan naman nila ako na makapasok sa loob ng shop.

Kaso nadismaya ako ng ibang painting ang nakasabit sa wall na kinasasabitan no'ng painting ng babae.

"Dito ko lang po nakita 'yong painting na 'yon." Sabi ko sabay turo sa pader.

"Hija, nag-iisa lang yan na painting dito. Galing pa 'yan mismo sa sikat na pintor na si Augustus Lustre." Sagot no'ng babae sa akin.

"Tch. Sikat na pintor." Ang narinig kong bulong ni Axel sa may tabi. Bakit diba siya proud sa great great great grandfather niya?

Hinayaan ko na lamang si Axel dahil may sarili akong problema. Bigla nalang nawala ang hope ko sa paghahanap ng kasagutan sa mga katano'ngan ko.

"Lady Anise, sabi daw nila may camp fire daw mamaya dito sa Geo Farm, dadaluhan daw ito ng ilang natives dito. Masaya daw 'yon sabi ng may-ari ng farm dahil sa mga kakaibang native dishes na iseserve nila." Biglang sabi ni Saichi na for sure ginagawa lang niya to cheer me up.

"Yeah. Mukha nga. Sige, punta tayo mamaya." Sabi ko nalang para di sila masyadong mag-alala.

Ngunit napansin ata eto ni Sky kaya bigla siyang nagsalita, "Wag mo ng masyadong intindihin 'yon, may iba pa namang shops dito."

"We'll try to look for it later kung gusto mo." Sabi din ni Axel.

"May mga iba pa naman sigurong nagtratrade ng painting dito for cash baka mahanap natin 'yon doon." Sagot din ni Carlisle.

And for a moment, I'm glad I have them to cheer me up, "Guys, thank you." sagot ko lang as I smiled sa kanilang apat.

Sabay-sabay naman nila akong sinagot ng, "Our pleasure, lady Anise." Naiirita man ako sa ginagawa nila minsan, at least now, somehow they all cheered me up.

Ngunit dahil nakaidlip ako ng pagkahaba-haba at ni isa sa kanila ay hindi ako nagawang gisingin ay sumimangot nanaman ako kinagabihan sa may camp fire sa gitna ng Geo Farm.

Habang nagkakasahayan ang lahat ay hindi ko maiwasang di mapansin 'yong mga malalanding foreigners na babaeng panay ang pagpapansin sa apat kong kasama na kanina pa ako sunod-sunod na inaayang sumayaw sa native dance circle.

"Ayaw ko! May kasalanan pa kayong apat kaya hindi ako sasayaw." sabi ko sabay turo dun sa mga babaeng foreigners, "...sila, sila isayaw niyo mukhang interesado silang makasayaw kayo." dugtong ko.

Tumayo ako at tumungo sa buffet table para kumuha ng makakain at least kapag pagkain mabubusog ako kaysa sumayaw.

Habang kumukuha ako ng baso para sana uminom ay may nag-abot sa akin ng isang malinis na baso, "heto oh." Sabi ng isang ginoo sa'kin.

"Salamat po." Sagot ko naman.

"Kasama mo ba 'yong apat na 'yon?" turo niya kina Axel na nageenjoy na sumayaw.

"Opo. Bakit po?"

"Nakasabayan ko kasi ang dalawa sa kanila kanina sa may comfort room at narinig ko silang may pinag-uusapang painting na hinahanap nila. Isang painting ba ng babaeng may makulay na damit?"

"Opo. 'yon nga po."

"Kung di ako nagkakamali, nakita ko na din ang painting na yon somewhere." Biglang sabi nito.

"Talaga po?"

"Ah oo...sa tahanan no'ng native na babaylan dito. Meena."

"Meena?"

"Meena ang pangalan no'ng babaylan."

"Nakikita niyo po ba ito hanggang ngayon?"

"Kamakailan ko lang kasi nakita 'yon no'ng napadalaw ako para bisitahin si Meena. Lagi ako sa kanila simula ng mapunta ako sa lugar na ito, naamuse kasi ako sa kwento niyang di nakakasawa kahit paulit-ulit."

"Kwento po?"

"Mnn...'yong tungkol sa curse ni Arcana."

"Arcana?"

"Yeah. 'yon nga ishashare kung kwento mamaya sa bondfire. Makinig ka ha?"

"Sige po." Sagot ko lamang at umalis na 'yong lalaki na ni hindi ko man lang natatanong ang kanyang pangalan.

Dahil sa interesado ako sa kwento niya ay nagtyaga akong hintayin ang part niya para magkwento sa bond fire.

Ang tagal ko ding nagtiis na makinig sa mga ghost experience ng mga foreigners na nagshare ng experience nila bago dumating sa kinaabangan kong part no'ng lalaki.

"Hello, ako pala si Zenaide, but just Zen for short. Native ang mga magulang ko dito pero lumaki ako sa ciudad. Actually, itong ikwekwento ko ay hindi ko experience but rather, isang kwentong I think kahit mga natives dito ay ilan-ilan nalang ang nakakaalam. Has anyone heard about the curse of Arcana or just the legend itself?" tanong noong lalaking Zen pala ang pangalan.

Bigla namang nanahimik ang apat na lalaking kasama ko na akala kong mag-uunahan sa pagsabing may idea sila dito since sila naman nagsasabi sa'king Arcana princess daw ako, Arcana Heiress at kung ano pang patungkol sa Arcana.

"Okay, I will start then..." paumpisa ni Zen, "Sinasabing noong araw ay mababa lang kalangitan sa lupa na kaharian ng mga Diyos at Diyosa kaya malayang nakakaakyat-baba ang mga tao upang maiabot ang kanilang mga alay na ani at alagang hayop na parte ng kanilang pagsamba. Ngunit may isang misteryosang Diyosa na tinatawag nilang Arcana, na sinasabi din na asawa daw ng chieftain God na si Arcanus.

Minsan ay may isang estrangherong tao na sumubok na akyatin ang mababaw na kaharian at dito ay nakilala niya ang napakagandang si Arcana na nagkataong naliligo sa may batis. Isang malaking kabawasan para sa mga Diyos at Diyosa na may ibang makakita ng kanilang hubad na kaanyuan lalo pa't sa isang pangkaraniwang tao lamang. At dahil sa takot ni Arcana na ipagkalat ng lalaking 'yon ang nakita niya, napilitan si Arcana na magpasakop sa lalaki kahit pa isa siyang Diyosa.

Hiniling ng lalaking maging asawa si Arcana at bigyan siya nito ng anak. kahit hindi man sang-ayon si Arcana ay napilitan siyang gawin ang mga ito kahit na alam niyang pagtataksil sa pagiging isang Diyosa niya ang gagawin, ngunit mas matinding kahihiyan at parusa ang matatanggap niya kung ituloy ng lalaki ang pagkakalat sa nakita nitong hubog ng katawan ni Arcana.

Di naglaon ay nagsama si Arcana at ang lalaking dayo, nabiyayaan sila ng isang anak na babae na may angking kagandahan na tulad ni Arcana. Lahat halos ng asa nayon ay nagagandahan sa batang babae ngunit ni minsan ay hindi ito nagkaroon ng pagkakataon makakilala ng kaibigan. Dahil na rin siguro sa kuro-kurong kumalat sa nayon na isa siyang isinumpang bata at dahil nadin sa kakaiba niyang kagandahan kaya siya iniiwasan ng ibang batang kanyang kataunan.

Nakarating din kay Arcanus ang patungkol sa kinaroroonan ng kanyang asawang si Arcana at sa anak niya sa isang tao. Nagsimulang maghasik ng matinding unos si Arcanus sa nayon. Halos madaming tao ang nangamatay at nagkakasakit sa matinding tag-gutom.

Buong-buo ang mithiin ni Arcanus na makita ang batang babae at patayin ito kasama ng kanyang ama at muling ikulong si Arcana sa kanilang kaharian.

Dahil dito ay nagpursiging makatakas at maitago nila Arcana kasama ang kanilang anak sa ibayong bayan malayo sa sinasabing nasumpang nayon. Dito'y napagdisi'yonan ni Arcana na itago ang katauhan ng kanyang anak sa pamamagitan ng mga larawan na ipinipinta ng kanyang asawa. Isang painting kumbaga..." hinto sandali ni Zen sabay lingon sa grupo namin tiyaka siya muling nagpatuloy, "...at dito ay sinilyado ni Arcana gamit ang nalalabi niyang kapangyarihan ang dugong nanalaytay sa kanyang anak.

Papano? Apat na batang lalaki na may kanya-kanyang anking espesiyal na katangian ang kinalap nila Arcana upang isama sa nasabing ritwal. Ang apat na lalaking 'yon ang magsisilbing backbone, ibig kong sabihin parang guardian na later on ay tinawag na sentries. Mula sa dugo ni Arcana at dugo ng apat na lalaki ay naselyado nila sa painting ang tunay na pagkatao ng anak ni Arcana at naging isang normal na tao nalang silang mag-ina.

Pero labing-anim na taon ang lumipas ay muling nagbalik si Arcanus ngunit sa anyong tao din, pinaniniwalaan kasing umabot si Arcanus sa pontong sinagad niya ang kapangyarihan niya bilang chief God at iyon ang iginanti sa kanya ang maging isang normal na tao.

Labing-anim nading taon ang nagdaan at nagdalaga din ang anak ni Arcana. Isang napakagandang dalaga ngunit napakalungkot sapagkat hanggang pagdadalaga niya pinagkakaitan padin siya na magkaroon ng kahit isang kaibigan.

Ayon sa kwento, natagpuan ng anak ni Arcana ang painting na kung saan ay nabuksan niya at nasira ang silyadong painting sa pamamagitan ng pagbasa ng ritual na nakasulat dito..." hinto saglit ni Zen na mukha atang nagpreprepare sabihin ang nakasulat sa painting.

Ngunit bigla kong napalakas na banggitin ito na parang may nag-udyok sa'kin, enough na marinig ng ilan, "And so as the myth foretells of Arcana's offspring that will one day reawaken to fulfill her legend's aim in return of her will to be granted, four sentries shall rise up to protect her from death that was fated."

Biglang napatingin sa'kin ang ilan at si Zen ngunit wala akong nabanggit na kahit anong isasagot sa tingin nila sa'kin.

Agad naman akong inignore ni Zen at nagpatuloy sa pagkwekwento, "Going back, ang sabi kasi noong nagawang nabasa ng anak ni Arcana 'yong nakasulat sa may painting ay muling nareawaken ang kapangyarihan ni Arcana maski ang totoong pagkatao ng kanyang dalaga at nagsipagdating ang apat na sentries. Kung matatandaan niyo, sila 'yong apat na batang lalaking kasamang sinilyado ni Arcana kalakip ng pagkatao ng anak niyang babae.

Di lingid sa kaalaman nila Arcana, maski ang kapangyarihan ni Arcanus ay nanumbalik din at dahil dito ay natunton niya ang kinaroroonan nila Arcana. Sinubukang kalabanin ni Arcana ang makapangyarihang si Arcanus ngunit wala ding nagawa si Arcana, at sa halip siya'y ikinulong ni Arcanus sa loob ng larawan habang isusunod naman ni Arcanus na patayin ang anak ni Arcana.

Subalit, hindi naging madali ang lahat para kay Arcanus, dahil sa apat na tinaguriang sentries na humahadlang sa kanyang makalapit sa dalaga.

Naging mahigpit ang labanan sa paggitan ng apat na sentries mula kay Arcanus. Sa pagkakatanda ko sa kwento, dahil sa isang makapangyarihang Diyos si Arcanus ay unti-unting nakaramdam ng kahinaan ang apat na tagapagtanggol ng anak ni Arcana.

At sa huli, namatay din ang dalaga ngunit hindi sa mga kamay ni Arcanus. Namatay siya sa pagsasacripisyo ng sarili niyang buhay upang maibalik ang buhay no'ng apat na lalaki na siya mismong tumapos kay Arcanus. Subalit di pa natapos dito, bago tuluyang maglaho si Arcanus ay isang sumpa ang binitawan niya sa nagaagaw-buhay na dalaga." Sabi ni Zen na inayos ang boses nito na tinono niya sa may lower pitch, "ikaw at ang magiging anak mo ganun din ng magiging kaapo-apohan mo sa sumusunod na henerasyon ay magkakaroon ng parehong kahahantungan tulad mo...ANG NAKATAKDANG KAMATAYAN." Ang tila mapanakot na tono ni Zen sa pagtatapos ng kanyang kwento. "'yon lamang po. Salamat sa pakikinig." Dugtong nito matapos.

Pero bago pa siya makaupo ay may isang batang native ang di nakatiis na magtanong, "may tanong po ako." sabi nito sabay taas ng kanyang kamay na parang nagrerecite.

"Ano iyon?" agad namang paunlak ni Zen.

"Papano po nasabi 'yon ni Arcanus kung namatay naman na po 'yong dalaga? Nabuhay po ba siya ulit para magkaroon ng mga anak? Isa po ba dun sa apat na lalaki ang naging asawa niya? Ibig po bang sabihin sa mga oras na ito may nabubuhay pang kaapo-apohan 'yong dalaga? Kung ganoon babalik pa po si Arcanus? Nasaan na po 'yong paint—" at bago pa siya matapos ay pinipitan na ang bibig niya ng kanyang Ama para tumigil.

"Pasensiya na po at masyadong mausisa ang anak ko." sabi no'ng Ama ng bata.

Bahagyang nagiliwan si Zen sa bata at napatawa ito, "Ayos lang po." At lumuhod si Zen sa harapan ng batang babaeng nahihiya nang magpakita dahil sa nagawa niya. Nginitian ito ni Zen bago siya muling nagsalita, "'yon ang parte ng kwento na misteryo. May nagsasabi na nabuhay ang dalaga dahil 'yon ang huling ginawa ni Arcana bago siya tuluyang nilamon ng larawan para makulong.

Meron ring nagsasabi na isa nga sa mga sentries ang kanyang naging asawa kaya naman nagpatuloy na magkaroon ng tagapagmana si Arcana. Ngunit hanggang ngayon hindi alam kung meron nga ba talagang nageexist na tagapagmana ni Arcana o gaya nga no'ng ibinansag ng mga banyagang mananaliksik na prinsesa ni Arcana or Arcana princess.

Patungkol naman kay Arcanus, sabi muli siyang magbabalik kung totoo nga ang Arcana princess pero dahil ito'y isang kwentong nayon malamang, isang kwento pang-aliw lamang ng mga tao noong unang panahon, this is something we should'nt think of that much." ang sabi ni Zen para hindi na humaba pa ang kanyang pagpapaliwanag.

Pagkatapos ang camp fire ay agad na akong naghanda para bumalik sa kwarto ko kaso may biglang humawak sa balikat ko...si Zen.

"Pwede ba kitang makausap saglit?" pakiusap nito.

I have a feeling na uusisahin niya ako tungkol sa nasabi ko kanina kaya naman dali-dali na akong umalis kaso naabutan parin niya ako.

"Papano mo nagawang malaman ang tungkol sa nakasulat? Ilang taon ko ng pinag-aaralan 'yon at iilan palang sa parapong iyon ang kaya kong basahin. I know I'm sounding crazy but could it be that you're—" ngunit pinutol ko na ang sasabihin niya.

"I'm not the Arcana Princess." Sabi ko sabay walk-out.

Noong akala kong umalis na siya'y muli siyang nagsalita, "Alam ko kung asan ang painting. I can take you there." Bribe niya.

"Ginugulo ka ba niya?" Bigla namang lumapit si Sky para pilipitin ang kamay ni Zen ngunit agad ko din itong pinatanggal.

"I can't pay you anything. Wala akong kapera-pera. Anong mapapala mo kung tutulungan mo ako?" ang sabi ko kay Zen.

"Hindi naman ako nanghihingi ng kabayaran basta sagutin mo lang ang tanong ko." Tugon naman nito kaagad.

"Maski ako naghahanap ng kasagutan na tulad mo kaya ako naririto. I need to find why I was able to read that."

"Then it's true. Totoo ang alamat. Ikaw nga ang kaapo-apohan ni Arcana. Katulad ng asa alamat, tanging ang Arcana princess lang ang may kakayahang makapagbasa noon." Ang tuwang-tuwang paliwanag ni Zen sa'kin.

Nagpaalam na ako ng matino kay Zen at Sky, dinahilanan ko na lamang silang kailangan ko pang maglinis para makatulog nako dahil sa sobrang kapaguran. Isa pa, kailangan kong mapaghandaan ang pagpunta namin sa sinasabi ni Zen na tahanan ng babaylang si Meena.

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●

Next chapter