22
Si Sir Rod ang tipo ng lalaking papangarapin ng kahit sinong babae. Si Sir Rod ang tipo ng lalaking gigising sa karupukang nakahimbing sa puso ninuman. Si Sir Rod ang tipo ng lalaking may kakayahang magpabaliw sa akin ng ganito. Si Sir Rod lang.
"Anong nangyari sayo Kriselda at ngingiti-ngiti ka riyan?" puna ni Nay Lordes habang naghahapunan kami. Sa sobrang kagalakan ko sa mga nangyari maghapon ay hindi ko na namalayang napapangiti na pala ako.
Pagkatapos kasi naming magtalo ni Sir Rod sa tindahan ng mga mamahaling alahas ay dinala niya ako sa sikat na bay dito sa aming lalawigan. Magkatabi kaming naupo sa batong upuan na naroon sa riprap habang kinakain ang chocolate cake na binili niya along the way at habang pinagmamasdan namin ang mapayapang tubig dagat.
"Aba Kriselda! May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Nabalik ako sa sariling huwisyo nang kumalampag ang kubyertos ni Nay Lordes.
"P-po? W-wala po, 'Nay... Naalala ko lang po ang binabasa kong libro, yung Florante at Laura," pagsisinungaling ko. Mukhang naniwala naman siya dahil hindi na muli siyang nagtanong.
Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo na ito at nagpaalam na gagawi ng kwarto. Ako naman ay iniligpit ko ang pinagkainan para hugasan ang mga iyon. Habang naghuhugas ng mga plato ay tila sirang plakang paulit-ulit na nagpe-play sa aking utak ang nakangiting mukha ni Sir Roderick. Ang nakakahalina niyang mga tawa na kaysarap pakinggan, maging ang naglalagablab niyang mga haplos na kaysarap damhin.
Tinapos ko ang gabing iyon nang may ngiti sa mga labi. At kasabay ng paglamon sa akin ng dilim ay ang pananabik ko sa muling pagkikita namin ni Sir Rod kinabukasan.
Kinabukasan, hindi pa man sumisikat ang haring araw sa silangan ay mulat na ang aking mga mata. Nagtaka nga si Nay Lordes dahil iyon ang unang pagkakataon na nagising ako ng maaga nang hindi niya ginigising.
Halos amagin ako kahihintay sa paglipas ng oras. Nakakainis lang dahil parang ang bagal nitong umusad ngayon.
"Sige Krisel alis na ako." Saka lang ako ginanahan nang sa wakas ay nagpaalam si Nay Lordes para pumasok sa trabaho. Dali-dali akong tumungo sa banyo para maligo. Medyo natagalan ulit ako sa pagpili ng isusuot. Hindi pwede ang pwede na. Deserve ni Sir Roderick ang higit pa roon.
Nang makuntento ako sa hitsura ko ay naupo ako sa silyang kahoy sa aming maliit na sala. Bilin ni Sir Rod sa akin kahapon na pupuntahan niya ako rito sa aming bahay. Ang hindi ko lang alam ay kung anong plano niyang gawin namin ngayon.
"Krisel?" Napatayo akong ngiting-ngiti nang marinig ko ang napakagwapong boses na iyon. Ura-urada akong tumungo sa aming pintuan para salubungin ang lalaking kinasasabikan kong makita kanina pa.
"Sir, good morning po! Tuloy po kayo. Naku, pagpasensyahan niyo na Sir at medyo makalat po rito sa amin. Hindi naman po kasi kami mayaman katulad niyo na--"
"It's fine, Krisel. You don't need to be sorry." Ngumiti siya saka umupo sa sofa naming halos ilang dekada na sa amin. Sa sobrang tanda na niyon ay lumalabas na ang mga alambre nun. Huli na nang mapigil ko si Sir Rod dahil halos mapatalon ito nang matusok ang pang-upo niya ng alambre ng sofa.
"Oh shit! Pambihira itong sofa niyo ah? Nanunusok ng pwet," natatawang anas niya. Kaagad ko siyang binigyan ng medyo matinong silya saka ako nahihiyang nagwika, " Pasensya na ho Sir. Dito na ho kayo maupo."
Ngumiti lang siya bago niya sinuri ang ibinigay kong silyang kahoy. "Ay sir safe po 'yan. Walang alambre riyan," paniniguro ko. Tumango-tango naman siya saka siya naupo.
"So," panimula niya. "We'll be having our session today here at your house." Inilabas niya ang librong Ways to Heaven na naiwan ko sa kanyang kwarto noong pinauwi ako bigla ni Nay Lordes. Kumuha ako ng isa pang silya at pinuwesto iyon malapit kay Sir.
"But before anything else, may I ask what did you learn last session?" tanong niyang tila isang estriktong propesor.
"Ah Sir... natutunan ko po kung paano makipag-usap nang nakadikit ang labi sa labi ng kausap."
Tumikwas ang isang kilay ni Sir Rod. "And?"
"Natutunan ko po ang apat na klase ng halik, ang smack, torrid kiss, french kiss, saka ang Roderick's kiss."
"Among the four types of kiss, ano 'yung pinakagusto mo?"
Kimi akong ngumiti saka pabebeng inayos ang aking buhok. "Yung totoo po Sir?"
"Yung totoo, Krisel."
"Se tetee leng Ser... Ehe!" Nangunot ang noo ni Sir Rod sa inasal ko kaya naman tumikhim ako at pilit na pinakalma ang nagwawala kong mga lamang-loob. "Ahh ang ibig ko pong sabihin Sir, sa apat na halik ang pinakanagustuhan ko po ay yung Roderick's kiss."
"Why?" nangingiting tanong niya.
"Tinatanong pa po ba yun Sir?" Mahina akong natawa nang matameme si Sir Rod nang ilang saglit. Ngumuso siya saka binuklat ang librong hawak.
"Naku si Sir, nahiya pang ngumiti!" panunukso ko at aba inirapan lang ako nito. Ang taray ni kuya mong Roderick!
"Okay, enough Krisel. Let's continue with the second part of Part 2: Bases." Ngumisi siya habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko. "The second base," namamaos niyang turan na nagpatindig sa mga balahibo ko sa katawan.