"Bakit ang aga mong nagising?" tanong ni Martin sakin habang pinagmamasdan ako sa salamin.
"To do the wife duty," sagot ko sa kanya saka ko siya nginitian. Sinadya ko kasing magising ng maaga kasi nga ayaw kong umalis si Martin na di nag-aalmusal at bilang asawa niya obligasyon kong asikasuhin siya. Isa pa gusto ko rin kahit papano na mamaximize yung oras namin na magkasama.
"Sana di ka na nag-abala, kaya ko naman!"
"Hon, naman hayaan mo na ko!"
"Puyat ka eh, kaya bumalik ka na sa pagtulog mo!"
"Okay lang ako, pag-alis mo naman pwedi ako uli bumalik sa pagtulog at saka duty ko ito kaya wag ka ng magulo," reklamo ko. Mahaba naman kasi yung oras ko sa maghapon saka wala naman akong ginagawa kaya kahit anong oras pwedi akong magpahinga or matulog kung gugustuhin ko.
"Duty mo as wife?" taas kilay na tanong ni Martin sakin.
"Oo," proud kong sabi.
"Paano naman yung duty ko as your husband?" tanong ni Martin sakin.
"Ginagampanan mo naman," mabilis kong sagot bago ko pinatay yung blower at iniligpit.
"Ginagampanan pero hanggang nagyon di mo parin tinatanggap yung binigay ko sayong card," sabi ni Martin sakin.
Saka ko lang naalala yung card na binigay niya sakin nung umuwi kami galing Bulacan. Dalawa iyon, isa yung atm niya mismo and yung isa is a credit card. Ipinatong niya iyon sa side table pero hanggang ngayon andun parin iyon at di ko ginagalaw.
"Wala pa naman kasi akong paggagamitan," paliwanag ko habang inaayos ko yung kwelyo niyang di pantay. Nakatayo na siya sa harap ko.
"Kahit wala kang paggagamitan at least man lang ilagay mo sa wallet mo para pag umalis ka dala-dala mo."
"Yaan mo na muna sila diyan di pa naman ako aalis at saka may pera pa naman ako kaya di ko pa yan kailangan, hihingi nalang ako kapag naubos!" pakunswelo ko kay Martin pero sa totoo lang parang ayaw kong tanggapin yung card niya kahit pa mag-asawa kami kasi ayaw kong isipin niya na pinakasalan ko siya dahil sa pera. Isa pa lahat naman ng expense namin sa bahay siya yung gumagastos kasama na dun yung pagkain, electricity, tubig pati pasahod sa tauhan kaya di ko kailangan ng pera.
"So ayaw mong itago yung pinaghirapan ko?" taas kilay na tanong ni Martin sakin.
"Di naman sa ganun," saad ko.
"Eh anong ibig sabihin nun?" sabi ni Martin bago ako hinawakan sa baba para iangat yung mukha ko para tumingin ako sa kanya.
"Hon?" tanging nasabi ko. Sakin naman kasi walang pinagkaiba kung ako yung magtatago ng ATM niya o siya.
"Binigay ko yun bilang husband because it's my duty to provide you the finances and bilang wife it's your duty to keep it or spend it kaya tanggapin mo!"
"Okay," sagot ko na lang.
"Very good," natutuwang sabi ni Martin bago niya ko dinampian ng halik sa labi.
Kaya nung bitawan niya ko agad kong kinuha yung cards na binigay niya at ipinasok sa wallet ko.
"Happy?"
"Verry happy, lalo na kung mag-shopping ka para di ka ma-boring dito sa bahay," sabi ni Martin bago ako inakbayan pagkatapos kong ibalik sa drawer yung wallet ko at sabay na kaming lumabas ng kwarto.
Pagkatapos naming magbreakfast hinatid ko si Martin sa may pintuan lang kasi di na niya ko hinayaang sumama sa may parking kasi nga naka bathrobe lang ako, dahil dun di na ko nagpumulit at dahil nga wala naman akong gagawin at inaantok pa talaga ako pinili kong bumalik nalang sa kwarto namin at matulog.
"Kring...Kring...," tunog ng phone ko na agad kong dinampot at sinagot.
"Hon," sabi ko.
"Anong Hon?" tanong sa kabilag linya kaya inalis ko yung phone sa tenga ko at tiningnan ko kung sino yung caller at si Zaida ang name na nag-aapear dun.
"Zai," mahina kong sabi habang minamasahe ko yung mata ko na mahapdi kasi nga bigla akong nagmulat ng mata.
"Wag mong sabihin na naistorbo ko yung tulog mo?"
"Hmmm," tanging sagot ko.
"Grabe ha, eleven na, nasa kama ka pa. Ano puyat?" pang-aasar sakin ni Zaida.
"Malalaman mo yan kapag nag-asawa ka na, by the way bakit ka tumawag?" tanong ko kay Zaida bago ako umupo at sumandal sa headboard ng kama.
Tiningnan ko yung kama na nakapatong sa side table, para confirm yung sinabi ni Zaida na oras at tama nga siya eleven na ng tanghali.
"Talaga lang ha, by the way, kaya ako tumawag kasi okay na yung invitation para sa kasal niyo ni Martin. Tina-try ko siyang tawagan kaya lang busy yung line niya kaya ikaw nalang tinawagan ko. Gusto ko sana check mo yung invitation para kung okay na sayo ipapadala ko na ito sa mga invitees?" paliwanag ni Ziada sakin.
"Send mo ba sa email ko o gusto mo punta ako diyan sa shop mo?"
"Mas maganda kung pumunta ka dito, maaga pa naman para ma check mo na rin yung ibang mga gagamitin sa kasal mo."
"Sige, ligo lang ako at kain ng lunch punta na ko diyan." sabi ko kay Zaida bago ako tumayo na sa kama.
"Okay wait kita, Ingat!" sabi ni Zaida bago niya binaba yung tawag.
Pagkatapos nun a dumiretso na ko sa banyo at naligo. Pagbaba ko sa baba naka ready na yung lunch kaya agad na kong umupo sa dining table. Naisip kong kumain muna bago ko tawagan si Martin para mag-paalam.
Dahil nga kay Ziada lang naman ako pupunta pinili kong magsuot ng plain white shirt at saka maong na jeans na pinaresan ko ng white rubber shoes. Nilagyan ko ng red scarf yung leeg ko para takpan yung mga kiss mark na gawa ni Martin.