webnovel

Chapter 221

"Text ko si Zai, sasabihin ko na magpapalit ako ng gown."

Huminto ako sa laglalakad para kunin yung phone ko sa bag na agad ko namang nakuha pero bago pa ko makapag composed ng text kinuha iyon ni Matin.

"Akin na!" Sigaw ko sa kanya.

"Di pwedi!" Itinaas pa niya yung braso niya na may hawak ng cellphone ko para di ko iyon maabot.

"Hon naman! Mganda naman yung napili ko pwedi na yun."

"Wag ka ng makulit!" Tanging sabi niya sa akin habang ibinulsa yung phone ko.

Muli niya kong inakbayan para makasakay kami sa escalator papunta sa second floor.

"Kapag di ka papayag paano ko mababayaran yung gown na iyon?" Sabi ko kay Martin habang nakakapit ako sa braso niya. Bahagya pa kong naka pout para maipakita sa kanya na talagang feeling ko is aggravated ako.

"Wag mo na kasing alalahanin yung mga expenses sa kasal natin ako ng bahala dun."

"But I want to share!" Mahina kong sagot sa kanya habang naka yuko ako.

"Hays... Bakit di nalang yung sapatos mo yung sagutin mo." Offer niya sa akin at sakto naman na nasa tapat kami ng isang shoe store.

Dahil sa narinig ko agad akong ngumiti kasi malamang sa price nung sapatos kayang-kaya na yun ng ipon ko.

"Sige!" Masigla kong sagot.

"Text mo si Zai kung anong kulay yung sapatos ang pwedi mong suot para makapili ka na." Sabi ni Martin sa akin sabay balik ng phone ko sa akin na agad ko namang inabot.

Habang naglalakad kami ni Martin papasok sa Shoe store nagtype ako ng message para kay Zaida.

Makalipas ng ilang minuto ay nagreply naman siya. Nasaakin na daw kung what type or design yung gusto ko kasi natatakpan naman daw yun ng gown ko pero sana atleast three inches yung hills and mas maganda kung color white.

Muli akong nagpasalamat sa kanya at tuluyan na kaming pumasok sa shoe store.

Agad kong ini-scan yung buong paligid para tingnan yung mga shoe display habang nakakawit parin yung kamay ko sa braso ni Martin. Nang makita ko yung hinahanap ng mata ko agad kong hinili si Martin sa gawing iyon at wala naman siyang reklamong sumunod sa akin.

Bumitaw ako kay Matin para lapitan yung isang shoe display kung saan nakita ko yung napakahgandang handcrafted white floral lace framed na may pink leather piping na sapatos na may two slender straps close shoes siya pero open yung back na if ever madali mo siyang mahuhubat at masusuot. Tamang tama lang din yung heels niya nasa three inches.

"Ano sa tingin mo Hon? Tanong ko kay Martin habang ipinakita sa kanya yung sapatos.

"Okey lang sa akin kung anong gusto mo pero sukat mo muna para alam mo kung confortable ba sa paa mo. Ayaw ko naman na sumakit yung paa mo during our wedding." Sabi ni Martin sa akin habang naka upo siya sa leather sofa kung saan pweding maghintay yung mga kasama ng mga namimili or para maka-upo ka habang nagsusukat ng sapatos.

Tumabi ako sa kanya at inumpisahan kong tanggalin yung suot kong rubber shoes. Katatanggal ko lang ng lace nung isa kong sapatos ng may lumuhod na attendant sa harap ko at siya na ang nagluwag ng sintas ng rubber shoes ko.

"Nakahahiya naman!" Reklamo ko habang iniiwas yung paa ko.

"It's okey Ma'am it's our job." Mahinang sagot ng attendant na matiyagang tinanggal yung sapatos at medyas ko.

Wala akong nagawa kundi tanggapin yung offer niya at umupo nalang ng maayos. Buti nalang talaga nagpadedicure ako at walang amoy yung paa ko. Siya narin yung nag suot nung sapatos na napili ko sa aking paa.

"Ano sa tingin mo Ma'am?" Magalang niyang tanong sa akin habang nakatingala.

"Comfortable naman siya pero okey lang ba siya ilakad?" Tanong ko.

Gusto ko kasing malaman kung comfortable din ba siya if ever maglalakad na ko.

"Sure po!" Muli niyang sagot habang inalalayan akong tumayo.

Dahan-dahan akong humakbang dahil nga stiletto heels medyo hirap ako. Nasa ikaapat palang akong hakbang ng bigla ako na out of balance. Balak ko sanang kumapit sa isa sa mga estante pero di ko abot kaya pumikit nalang ako.

"Ay!" Tili ko.

Nag-expect na ko na babagsak ako pero di yun nagyari kasi mabilis akong nahawakan ni Martin sa baywang.

"Thank God!" Nasabi ko sa sarili ko.

"Are you okey?" Tanong niya sa akin na punong-puno ng pag-alala.

Dahil sa pagkakabigla di ako kagad naka sagot kaya binuhat niya ko ng princess style at dinala sa upuan. Mabilis naman sumunod sa amin yung attendant dahil nga mabilis matanggal yung sapatos di ko sinasadyang nalaglag iyon sa paa ko buti nalang dinampot nung Attendant.

Ang nakakahiya lang kasi pinagtitinginan kami ng ibang customer. Narining ko pa yung ibang comment nila.

"Ano ba yan di marunong magsuot ng stiletto!" Sabay-sabay pa silang nagtatawanan. Comment ng isang may eded na babae na halatang may kaya base sa suot niyang damit at sa bag na dala. Ganun din yung mga kasama niyang mga babae na makikita mo sa kanilang muka ang distain.

"Di nalang kasi magsuot ng doll shoes kaysa nagpapanggap na sosyal di naman kayang pangatawanan."

"Ambisyosa!"

Sunod-sunod na comment nila. Naririnig ko rin yung mga tawanan nung ibang customer na ayaw ko ng tingan. Pagpasok palang namin ni Martin kanina sa shop pinagtitinginan na nila kami marahil dahil sa suot kong damit paano ba naman naka pantalon lang akong maaong at naka suot ng uniform namin na polo shirt at rubber shoes. Naka sling bag lang ako ng black buti na nga lang yung back pack ko naiwan ko sa kotse kung nagkataon lalo akong nagmukang katatawanan sa paningin nila. Ang masaklap pa si Martin ay naka formal attire dahil nga galing sa trabaho. Kaya mapapansin talaga yung status difference naming dalawa.

Isinubsob ko yung muka ko sa dibdib ni Martin dahil sa pagkakapahiya.

Iniupo niya ko sa upuan at siya na mismo yung nagtanggal ng isa pang sapatos na natitira sa paa ko. Dahil nga namumula parin yung muka ko sa pagkakapahiya nanatili akong naka yuko habang naka tikom yung aking mga kamo. Kagat-kagat ko rin yung labi ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pinipigil kong wag maluha.

ตอนถัดไป